webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Geral
Classificações insuficientes
557 Chs

Chapter 22

TININGNAN ni Marist ang sarili niya sa salamin. Marahil ay natunaw na iyon dahil kanina pa siya nakatitig. Tinitingnan niya kung perpekto na ang ganda niya. It would be her last night at the Stallion Riding Club. She wanted to look her best.

She was wearing a white ruffled dress. Halter din iyon kaya na-enhance ang maganda na niyang katawan. Inipon niya ang mahaba at itim niyang buhok sa kaliwa at itinali ang dulo. She looked like a Latina.

Kumunot ang noo ni Emrei nang makita siya. "Bakit? Ayaw mo?"

"Ayaw na kitang palabasin ng kuwarto. Baka kasi kahit ako ang ka-date mo, baka agawin ka ng iba sa akin. You are so beautiful tonight."

Kumapit siya sa braso nito. "Thank you!" Natuwa siya dahil nagbunga naman ang pinaghirapan niya. Na-appreciate siya nito. "Don't worry. Wala akong plano na makipag-date sa iba. Ikaw yata ang pinakaguwapo dito."

Pinisil nito ang baba niya. "Mabuti naman at natuto ka nang maka-appreciate ng kaguwapuhan ko," sabi nito. "Dapat laging ganyan."

"Pasalamat ka dahil ikaw lang ang sinabihan kong guwapo."

"And thanks for believing that you are beautiful. Hindi ka na sobrang defensive kapag binibigyan ka ng compliment na parang binobola ka lang."

"You don't lie, Emrei. Dapat kong tanggapin na maganda ako."

Humalakhak ito. "Tanggalin na lang natin ang tali sa buhok mo."

"Bakit?"

Ilang saglit siya nitong tinitigan na parang kinakabisa ang mukha niya. "Because you have a lovely hair. You should flaunt it, Marist."

Lalo lang siyang na-excite. Ano kaya ang ihinandang sorpresa nito sa kanya?

Pagdating nila sa tabi ng lake ay madilim. Wala siyang makitang kahit ano. "Emrei, sigurado ka ba na dito tayo magde-date?"

"Oo naman. Magma-magic ako."

Pumalakpak ito ng tatlong beses. Bumukas ang ilaw kasabay ng malakas na tugtog. "Surprise!" sigaw ng mga tao. Naroon ang members ng club at ang kanya-kanyang nobya at asawa ng mga ito. Pawang naging ka-close niya nang naroon siya.

Nagtaka siya. "O, a-anong mayroon?"

"This party is for you," anang si Neiji. "Gusto ka kasing makasama ng mga naging kaibigan mo dito sa club."

"Hindi naman ninyo kailangang gawin ito," sabi niya.

"She's right. Hindi ninyo ito kailangang gawin. This is our date," giit ni Emrei. "Kung bakit kailangan pang sumali kayo. Di kami makapagsolo."

"Huwag kang killjoy!" anang si Quincy. "I-share mo siya sa amin." At idinala siya nito sa may buffet table. "Tingnan mo ang ihinanda namin para sa iyo."

Nang buksan niya ang tray ay nagulat siya. "Ano ito?"

"Fishball, kikiam, meatballs, squid ball, crab meat at pati kwek-kwek," pag-iisa-isa ni Miles. "Lahat ng paborito mong kainin."

Inakbayan ito ni Gino. "Hon, huwag mong kalimutan na Chef Gino version iyan. Lahat low in calories."

Tumikim siya ng vegetable burger patties. "Masarap!" Nag-thumbs up siya. "Gourmet na gourmet. Parang napaka-espesyal naman."

"Espesyal ka sa pinsan ko kaya espesyal ka na rin sa amin," sabi ni Reichen, ang kapatid ni Reid. "O, tikman mo rin ang kwek-kwek. Oatmeal ang coating niyan. At mas masarap iyan kapag ako ang nagsubo."

Akmang susubuan siya ni Reichen nang harangan ito ni Emrei. "Huwag mong gayumahin si Marist. Ka-date ko iyan."

"Bukas, tapos na ang promo. Pwede ko na siyang yayain."

Ngumisi si Emrei. "Pasensiya na, insan. Ako ang pinakaguwapo sa paningin niya. At mukhang walang expiration ang kaguwapuhan ko."

"May itinatago ka palang kayabangan," aniya kay Emrei.

"Namana ko lang iyan kay Reichen. Siya lang naman talaga ang ubod nang yabang sa lahi namin."

"Ang Kuya Reid mo. Di ba, mayabang din siya."

"Sinabi mo bang mayabang ako?" anang si Reid na nasa likuran lang niya.

Napahawak na lang siya sa dibdib niya sa sobrang gulat. Mabilis siyang itinago ni Emrei sa likuran nito. "Wala siyang sinasabi na mayabang siya. Sabi niya, ibang-iba ka sa kapatid mong mayabang. Si Reichen lang ang mayabang."

Tumango-tango ito. "Mabuti nang nagkakalinawagan tayo."

Naisandal niya ang noo sa likuran ni Emrei. "Parnag hihimatayin ako."

"Huwag kang hihimatayin. Pareho lang tayo. Nanginginig ang tuhod ko. Huwag ka nang magsasabi ng kahit ano tungkol kay Kuya Reid. Si Haring Reid iyon. Masyadong mabilis sumagap ang radar niya kasi teritoryo niya ito." Ikinuha siya nito ng upuan. "Mabuti pa, ikukuha na lang kita ng pagkain."

"Saka isang drum na sago at gulaman." Isa iyon sa beverage na isine-serve sa kanila kasama ang buko juice at buko pandan.

"Huwag ka nang gumalaw. Ako ang magsusubo sa iyo," anang si Emrei.

"Para naman akong bata."

"Huwag ka nang umangal." Inumang nito ang crab meat sa bibig niya. "Teka, hihipan ko kasi medyo mainit."

"Kung kailan ako lumaki, saka ako nagkayaya," komento niya.

"Basta ba ikaw ang aalagaan ko," nakangiti nitong sabi.

"Teka. Dapat subukan mo din ang fish ball." Tumusok siya ng isa at inilapit sa bibig nito. "Hindi ka tao kapag di ka nakakain nito."

Di naman siya nito tinanggihan. "Hmmm… masarap nga. Subuan mo pa ako. Gusto ko naman ng squid ball."

Biglang nag-flash ang camera. "Ang sweet naman ninyo!" anang si Quincy na siyang kumukuha ng pictures.

"Wala bang kiss diyan?" kantiyaw ni Eiji. At nakikantiyaw ang iba.

"Sorry. Hindi kasama sa prize ko ang kiss," sabi niya. Hindi naman siguro siya hahalikan ni Emrei sa harap ng maraming tao. Kung hahalikan man siya nito.

"Actually, kasama iyon sa prize," kontra ni Emrei. "Pero kami na ang bahala doon. Ayaw namin may mga istorbo. Ano kayo, sinuswerte?"

Namumula siyang hinampas sa braso si Emrei. "Nakakahiya!"

Humalakhak ito at nakitawa ang iba. Pinigil niyang ngumiti. Kung totohanin man nito ang banta na halikan siya, hinding-hindi siya kokontra.