webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Geral
Classificações insuficientes
557 Chs

Chapter 1

"Go, Kuya Elvin!" cheer ni Liyah sa kapatid na siyang kumokontrol ng bola. Nasa huling chukker o round na noon ng practice match para sa hapong iyon.

They were in Siam Polo Park in Thailand where her bother was one of the best in the King Power team. May pag-asa pang makahabol ang team ng kapatid niya. Isa lang naman ang lamang ng kalaban. Ilang segundo pa ang natitira. Ang pag-asa ay tumawag ng sudden death o overtime play.

Malapit na sa goal ang bola nang masingitan ng kalabang team ang kapatid niya. Naagaw dito ang kontrol sa bola. At sa natitirang ilang segundo ay naidala sa goal ng kalaban ang bola. The game was finished off with a perfect tail shot.

Di maipinta ang mukha niya habang nagkakamayan ang magkalabang team. Nakangiti siyang nilapitan ni Elvin. "Hey! Bakit nakasimangot ang prinsesa ko?"

"Wala lang." Yumakap siya sa baywang nito. "You did a great job, bro."

"Huwag mong sabihin na dinidibdib mo ang isang practice game?" natatawa nitong tanong. "Come on! Cheer up!"

"Ikaw pa rin ang the best!" Di lang siya sanay nang natatalo ito.

"Hello, Liyah!" bati ni Thyago, ang matalik na kaibigan ng kapatid niya. "So you came here to cheer for me."

Iningusan niya ito. "Excuse me! Do I know you?"

Naiirita siya dito dahil ito ang nang-agaw ng bola sa kapatid niya kanina. Ito ang dahilan kung bakit natalo ang kapatid niya. Kung tutuusin ay magkasama lang naman ang mga ito sa isang team. Naghiwalay lang ito at ang kapatid niya para sa practice match. Elvin and Thyago were the strongest among the members of the team. They could play a ten-goal polo game with ease.

Parehong magaling na polo player ang tatay nila at ni Thyago. Dahil naging hilig din nilang magkapatid ang pagsakay ng kabayo ay ipinadala sila ng ama sa Argentina kung saan naroon ang mga elite polo ponies at polo training school. Mas matanda ng dalawang taon ang kapatid niya kay Thyago pero naging malapit ang mga ito sa isa't isa. Di niya maiwasang  magselos sa pagiging malapit ng mga ito.

Halakhak ang isinagot ni Thyago. Nasanay na itong sinusupladahan niya. "If I know, titig na titig ka sa akin habang naglalaro ako kanina. Narinig ko pa ngang tinatawag mo ang pangalan ko."

"Yeah! I said, "I hate you, Thyago Palacios!" Sweet, di ba?" maasido niyang sabi. Lagi na lang kasi nitong tinatapatan ang kapatid niya sa mga laro.

Thyago was definitely gorgeous. Aaminin niya na guwapo talaga ito. He was almost six feet tall like her brother. He was half-Filipino, half-Argentinean. She envied his dark brooding eyes decorated with heavy lashes. His dark hair was slightly long. And bronzed skin made him look like a bronzed Latin demigod. He was twenty-nine years old, a couple of years younger than her brother.

Kaya naman dinadayo pa ito ng mga babae di lang ng nagmumula sa Asia Thailand kundi maging mula sa Europe at Latin America. He was very popular among the polo fanatics and groupies. And he was maximizing his good looks. Iba't ibang kababaihan din ang nakakasama nito.

"Mabuti pa mag-date na lang tayo. Iyon naman ang dahilan kaya mo ako sinusungitan, di ba? Di kita niyayayang mag-date," nakangising sabi ni Thyago.

Nanlaki ang mata niya. "Hey! I am not one of your die-hard fans. Kung makikipag-date man ako, hindi ikaw iyon."

"Sumama ka na kay Thyago," udyok ng Kuya Elvin niya. "Come on! I am sure makakalimutan mo ang inis mo sa kanya oras na dalhin ka niya Vertigo? Siya lang ang may membership doon." Vertigo was the one of Asia Pacific's highest open air restaurant with a spectacular view of the city.

"Di ba, matagal mo nang niyayaya si Elvin doon?" tanong ni Thyago. Ayaw lang ng kuya niya dahil masyado daw mahal.

Kumapit siya sa braso ng kapatid. "Kahit mag-street food na lang ako. Basta ikaw ang gusto kong makasama sa dinner, Kuya."

"Sige na. Sumama ka na kay Thyago. Galante iyan kapag nakipag-date. Ipagsa-shopping ka pa niyan," patuloy na sulsol ni Elvin.

"Oo. Ibibili kita ng kahit anong gusto mo," wika ni Thyago.

Matalim niyang tiningnan ang dalawa. "Kuya, you are starting to sound like a pimp. And stop like sounding like a sugar daddy, Thyago. Hindi bagay."

Guys, may donation drive po kami for the victims po Bagyong Tisoy sa Aroroy at San Jacinto, Masbate. Wash out ang mga bahay at sira pati schools. We accept used clothes, school supplies (kasi nabasa gamit ng kids), groceries, and cash donation.

Please PM this page on Facebook if you want to help: TEAM NORTE: AKYAT FOR A CAUSE. We are the same team na nagdadala ng donation sa lugar nila Carrot Man. Sana po makatulong po tayo. Salamat!

Sofia_PHRcreators' thoughts