"What you're not going to the Party tonight?" bakas sa mukha ni Santi ang labis na pagka dismaya.
"Oo nga Stacey, baka naman pwede pa magbago yung isip mo." Segunda naman ni Emilaine.
Tipid na nginitian nya ang mga kaibigan. "Eh pano naman kasi, hindi talaga ako nag e-enjoy sa mga ganyan. Hindi nga ako umattend ng Junior and Senior Prom nung High School. Those kinds of parties bores me, tapos ngayon pa kaya?" sagot nya sa mga kaibigan.
"Okay, It's fine na hindi ka pupunta sa RAVE pero samahan mo kami muna mag ikot sa mga booths and food stalls, I've heard may mga mini attractions din na nilagay sa Grand Oval, special thanks to the Hernandez Family" Sabi ni Emilaine. Awtomatikong napatingin si Paul kay Santi, agad naman nitong binigyan ng tingin na parang nagsasabi na "SHUT UP!" ang kaibigang si Paul, tapos seryosong ibinaling ang tingin kay Stacy. Inaantay nya din ang sagot ng dalaga.
Sabagay she needed a fresh start. Siguro nga ay okay lang na mag enjoy din sya kasama ng bagong mga kaibigan. She twitched her lips a little and said "Sige na nga!" Na agad na kinatuwa ng bago nyang mga kaibigan.
"Ayos! Now lets go" tumayo at lumabas na sila sa school cafeteria.
Habang naglalakad napansin nya ang nagagandahang dekorasyon sa paligid. May mga nakasabit na makukulay na banderitas.
Mag kakasama namang nakahilera ang food stalls, accessories, game booths etc. Kanya kanyang diskarte ang mga mag aaral kung paano papatok ang kani kanilang booths.
Napansin nya ang isang booth kung saan mayroong mga estudyante na gumagawa ng mga cute Cotton Candies, Pinipilahan iyon ng mga kababaihan at ang iba naman ay mga couples. Sa kabilang banda naman ay may maliit na pulang tent kung san may nakalagay sa bandang itaas na "TARROT READER" sa bandang bahagi ng pasukan naman niyon ay may naka tayong tarpaulin na nag po promote dito. Kulay itim ang background nito na napalibutan ng stars and moon pero sa gitna nito ay may mga tarrot cards, may nakasulat din sa karatula na LOVE, DESTINY, FATE!!!! WANT TO KNOW YOUR FUTURE? COME INSIDE!!! May mangilan ngilan na ding kabataan ang nakapila din dito.
Napansin din ni Emilaine ang booth na ito "Tara punta tayo! sabay yaya sa kanila nito.
"Were from the Alpha's Generation, and you still believe in that?" tanong ni Santi.
"Relax, Just for fun lang naman, hindi ko naman sinasabi na naniniwala ako" sagot naman ni Emilaine dito
"Actually nasa satin naman yan kung maniniwala tayo, Pwede mo din syang gawing guide" dagdag ni Stacy sa kaibigan.
"Not my thing though, Ikaw Paul gusto mo bang magpahula? " paliwanag at tanong ni Santi. Umiling iling naman ang kaibigang si Paul.
"Ill pass too." sabi ni Stacy sa kaibigan.
"Geeeeee!!! I cant believe I'm friends with the KJ's" Nakangiting pang aasar sa kanila ni Emilaine.
"Antayin ka na lang namin" sagot ni Stacy.
"No actually its okay naman, Im enjoying the stroll with you guys!" sagot nito.
Nang lagpasan nila ito ay may isang lalaking lumabas sa tent na iyon at sinundan ng tingin ang bagong magkakaibigan.
Nag ikot ikot pa sila Stacy, at sumakay sa mga rides like Mini Vikings, Carousels. They were really enjoying the day together. Magbabandang alas tres ng hapon ng magpaalam sya sa mga kaibigan.
"Balik na ko sa dorm, tatawagan ko pa kasi sina kuya." sabi nya dito.
"Ako din" sagot ni Emilaine
"Kita na lang tayo mamaya sa entrance ng Field." ani ni Santi kay Emilaine
"Sige!" sagot naman ni Emilaine.
Nang makarating sila sa kanilang dorm room ay agad na nagpahinga ang dalaga sa kanyang kwarto. Inilabas ang cellphone at tinawagan ang kanyang pamilya.
"Stacy!" Masayang sagot ng kanyang pamilya sa kabilang linya. "Kamusta ang bago mong paaralan?" tanong nito.
"Pa okay naman po, may mga nakilala na po akong bagong mga kaibigan" sagot ni Stacy.
"Mabuti naman kung ganun, heto si bunso nangungulit na kausapin ka." sabay abot ng cellphone sa kanyang bunsong kapatid.
"Hello Ate? Ate! Kamusta dyan sa Grand Hills University? Sabi ni kuya talagang sobrang ganda daw." excited na sabi ng kanyang bunsong kapatid.
"Oo totoo, Napaka ganda talaga dito. Sana nga makita mo din ito, Kaya dapat mag aral ka din ng mabuti para tulad ko maimbitahan ka din na maging scholar dito." sagot nya sa bunsong kapatid.
"Oo naman ate, alam mo naman na idol na idol ko kayo ni Kuya Sandro, mas lalo ko pang pagbubutihan ang pag aaral ko". seryosong sagot ng nakababatang kapatid.
Nakangiting pinagmamasdan si Reese ng kanyang Pamilya habang nakikinig sa kanya sa kabilang linya.
"Apo, Wag kakalimutang mag dasal palagi ha,"narinig nyang bilin ng kanyang Lolo Mariano.
"Opo Lolo, wag mo din pabayaan ang iyong kalusugan, tandaan mo wala ako dyan sa tabi mo" magiliw na sabi nya dito
"Naku apo, madami pa naman magbabantay sakin dito." sagot ng kanyang lolo.
"Ate diba ngayon yung Rave Party?" singit na tanong ng kapatid sa kabilang linya
"Oo mamayang gabi." sagot nya naman dito.
"Hays nakakainggit naman ate pangarap ko mapanood yan ng Live eh, excited na ko malaman sino yung Mystery Dream Guy!"
"Huh?" takang sabi nya dito
"Ano ka ba ate, palagi yang naka live sa H Channel tuwing unang araw ng pasukan dyan sa GHU, sabagay di ka pala na nonood ng tv, palagi kang naka kulong sa kwarto mo." sabi nito.
"Hay naku pati ba naman ikaw bunso, siguradong magka kasundo kayo ni Emilaine." natatawang sabi nya dito.
"Sinong Emilaine? Bakit hindi ka ba manonood?" takang tanong ng kapatid sa kanya.
"Kaibigan at kasama ko dito sa dorm, Di bale ipapakilala din kita sa kanya pag may time, And yes hindi ako manonood" actually pang ilang beses na itong natanong sa kanya kanina. Paulit ulit din ang explanation nya. "Kapagod!" sabi nya sa sarili
"Hala ateeee bakit???" malakas na tanong nito.
"I have something in my mind kasi," sabay tingin sa sliding glass window, kung saan kitang kita yung nag gagandahan at naglalakihang mga puno.
"KJ!!!!!!" narinig nya pang sabi nito.
"Nak sabihan mo kami pag may kailangan ka dyan ha or kung mayroon kang problema itawag mo agad samin!" Ramdam nya ang pag aalala ng ama sa kanya.
"Pa, dont worry, Kilala mo naman ako diba? Saka sa tingin ko magiging okay naman ako dito." Assurance nya sa ama.
"O sya sige mag pahinga ka na dyan anak. Mahal ka namin Mag iingat palagi ha!' Ulit na bilin ng kanyang ama.
"Sige po, Pa! Mamimiss ko talaga kyo. Love you all". pagpa paalam nya naman dito.
Nang matapos ang tawag ay agad syang nag tungo sa bathroom ang kagandahan sa dorm nila ay may privacy sila. They have their own bathroom sa kani kanilang kwarto.
Agad nyan in on ang water heater ng shower at nagbabad ng may ilang minuto dito. Paglabas ng bathroom ay nagmamadali syang nag bihis, nagpatuyo at nag suklay ng buhok.
Samantalang sa opisina ng head master ay seryosong nag uusap ang dalawang lalaki.
"Siguro kang nakarating ng maayos ang dalaga?" tanong ni Edgar kay Serafin.
"Yes! head master. Kasalukuyang sya ay nasa loob ng kanyang silid sa dormitoryo ngayon. sagot ni Serafin.
"Mabuti kung gayon, Siguraduhin mo ang kaligtasan nya habang sya ay nasa ating poder. Kapag nalaman ng mga Bangkilan ang kanyang totoong pagkatao paniguradong ikakapamahak nya ito." Tumango ang lalaking si Serafin bilang tanda na pagsunod dito.
"Sigurado po ba kayo na sya ang ---"
"Inuulit ko walang dapat makarinig at makaalam ng tunay nyang pagkatao, hindi pa ito ang naka takdang panahon." Pagpuputol nito sa sasabihin ni Serafin.
"Ipagpaumanhin po ninyo!" nakayukong sagot naman nito.
"Maari ka ng umalis, Balitaan mo ako kung may mapansin kang kakaiba sa paligid".
Yumuko ito para magpaalam at nagmamadaling lumabas sa opisina ng head master.
Tumawag naman ang headmaster sa telepono at nagmamadaling sinagot ito ng nasa kabilang linya.
"How's the preparations for the event?" tanong nito sa kausap sa kabilang linya.
"Everything is fine Sir, but are you sure about the last minute changes later sir?, Siguradong malaking gulo ito pag nagkataon. "
"Yes! Siguraduhin mong maisa sakatuparan ito ng maayos." seryosong sabi nya dito.
At the Varsity Hub.
Mabilis na kumalat ang nangyari kay Savannah at Stacy kanina sa loob ng Campus.
"Kanina may narinig akong usap usapan na may nag lakas daw na loob na kumalaban kay Savannah sa Cafeteria." kwento ng kaibigang si Xander.
"Heard she's new, hindi pa siguro nya alam ang consequences pag kinalaban ang cheering team especially si Savannah". dagdag pa nito.
"Well Good luck for her, knowing those guys!" sabat ni Matthew.
Nanatili naman naglalaro lang ng Assasin's Creed sa PS5 si Angelo at tila walang pakialam sa sinasabi ng mga kaibigan.
"Hey! Lets go check, hows our booth doing!" bumangon sa pagkaupo sa couch si Drake.
"Ayaan mo na sila doon for sure those rookies are having fun" sagot ni Matthew
"But still, we have to check them" sagot ni Angelo sa mga kaibigan agad na tumayo at lumabas ng hub, agad namang sinundan sya ng kanyang barkada. Siya ang team captain ng team at siguradong hinahanap na din sila ng kanilang coach.
Nang makarating sa booth nakita nila ang mahabang pila dito. Masayang nagtatawanan ang kanilang kasamahan sa basketball kasama ng kanilang Coach. Sa katunayan ito ang may pinaka mahabang pila sa lahat ng booths na nandito. Nang makita silang apat ng mga taong nakapila dito ay agad na nag simulang umingay ang paligid. Ineexpect din nila na madaming tatangkilik dito dahil cool ang concept ng booth nila.
Ang rules ng game nila ay kailangang maka hit ng balloon, once it pops ay makikita mo ang isang larawan sa likod nito. Ang taong nasa larawan naman ay hahalikan sa pisngi ang nakapagpaputok ng balloon na yun as a reward.
Ngunit hindi sila kasamang apat sa mga larawan na nakatago ng loob ng balloon. Dahil wala ni isa sa kanilang may gusto. Nag punta lamang sila dito upang tingnan at suportahan ang mga kasamahan.
"Look ang daming pumila sa booth natin." Masayang sabi ni Luis ang isa sa mga rookie na naatasan nilang mamunong mag bantay sa booth nila.
"Actually they are requesting for you Angelo amd you guys, ang daming nag tatanong kung kasama ba daw yung pictures nyo sa likod ng mga balloons. We can add yours if you like" Dagdag na sabi pa nito.
"No way! Let Drake do it." sabay turo ni Angelo sa kaibigan.
"And why not?, I'ts fun kissing girls hahahhaha!" natatawang sagot naman ni Drake.
"Yeah lahat naman sayo, basta may involve na girls ay fun!!" sarcastic naman na sabi ni Matthew.
"Pero meron pang mas fun dyan mamaya, di ba Angelo?" pang aasar naman sa kanya ng kaibigang si Xander.
"A date night with---" di na natuloy nito ang sasabihin ng tiningnan nya ang kaibigan ng masama ng magets nito
na wala syang ganang makipag biruan ay agad naman itong tumahik.
Tiningnan ni Angelo ang customized watch nyang suot mag a alas kwatro na ng hapon. Dahil hindi nya din nagugustuhan ang takbo ng usapan ay nagpaalam na muna sya sa kanyang mga kaibigan.
"Mauna na muna ako!"
"Dre, dalawang oras na lang then Main Event na. For sure hinahanap ka na ng mga organizers ngayon". Sabi ni Xander.
"Im still thinking about it. Kung sakaling wala ako, andyan naman kayong tatlo or get some rookies for my replacement." naka ngiting sagot nya dito.
Gulat naman na nagka tinginan sa isat isa ang tatlong magka kaibigan.
Tumalikod na sya sa mga kaibigan at tinaas ang kaliwang kamay para mag paalam at sinabing" Got to go!"
"Thats not funny! Make sure you'll be back!" pahabol na sigaw ng isa sa kanyang mga kaibigan.
Meanwhile, Pagkatapos nyang maligo ay naisipan naman ni Stacyng puntahan ang tanawin na nakikita nya sa kanyang silid. sinabi nya sa kaibigang si Emilaine na pupuntahan nya ito. Hindi na ito sumama sa kanya dahil busy ito sa pag aayos sa sarili para sa pagdalo nito sa Rave Party.
Pinakita at pinapipili sya ng kaibigan sa dalawang dress na hawak nito. "Ano sa tingin mo ang babagay na suotin ko para sa party".
Dalawang dress ang hawak hawak ng kaibigan. Ang isa ay plain black dress at ang isa naman ay yellow floral dress.
"I think the black one will suit you better." Casual na sagot nya naman dito.
Pumasok ito sa banyo at agad na sinuot ang dress. Nang lumabas ito ay agad itong pumorma na parang model sa kanyang harapan, At sabay silang nagtawanan. Agad namang tinabihan sya nito sa kama.
"Ang ganda mo, bagay na bagay talaga sayo." seryosong kumplimentaryo nya sa kaibigan.
Agad naman nalungkot ito "Kasi naman, sumama ka na kasi." huling yaya nito sa kanya.
Nakatawang umiling iling sya sa kaibigan. "Ano kaba andun naman si Santi at Paul, Paniguradong mag eenjoy ka din doon kahit wala ako. O sige na! labas nadin ako babalik din ako agad bago mag alas sais ng gabi" sabi nya sa kaibigan.
"Okay see you later!" sagot naman sa kanya nito.
Maliit pa lamang sya ay nature lover na talaga sya, hilig nya din ang mapag isa lalo na kung nasa ganito syang lugar. Tahimik maraming naka palibot na nag lalakihang puno, maraming halaman at mga bulaklak sa paligid. Pakiramdam nya ay nakakapagbigay ang lugar na ito sa kanya ng kakaibang lakas. She feels like she was home. Actually halos magkaligaw ligaw na sya kanina mapuntahan nya lamang ito. Hindi nya din napansin na may karatula na natanggal at nahulog sa sahig. Nakalagay doon ang mga salitang "OFF LIMITS".
Kaya naman dere deretso syang pumasok sa gate na bahagyang naka bukas. Nakakapagtaka lang walang nag babantay sa parte ng eskwelahan na ito. Naglakad lakad sya dito at sa bandang gitna nito ay naka kita nya ang isang napakalaking Narra Tree napakaganda nito kasi namumukadkad ang kulay dilaw nitong mga bulaklak. May mga nakalawit na small fiber lantern balls na gawa sa capiz. Paniguradong ang ganda ganda nito sa gabi. Sa iba naman ng mga puno ay may mga sementadong benches na maaring upuan ng mga estudyante. Ang pinagtataka nya lang ay bakit walang nag dadaan na mga estudyante dun, ganun sobrang ganda ng lugar na ito. Ayos na ayos din ito at maganda ang pagkaka landscape ng mga puno at halaman.
Napansin nya na may isang paru parong nag papaikot ikot sa kanya ng mga sandaling iyon, bata palang sya ay palagi syang nanakakita ng mga ganito kadalasan dumadapo pa nga ito sa kanya at kanyang kinakausap.
Pinili nyang umupo at magpahinga sa ilalim ng Narra Tree, nagpa tugtog habang pinapakinggan ang kanta sa kanyang mp4. Na paminsan minsan ay kanya namang sinasabayan.