webnovel

Chapter 31

Chapter 31

Micko Delos Reyes ~

Kanina ko pa napapansin ang pagbabago ng bawat anyo ng mga lintik na to! From an archer, naging parang mga ahas then ngayon naman parang mga werewolf, what are they?

Mabilis akong tumalon papaitaas upang hindi matamaan ng pag – atake ng isa sa kanila! Ayoko namang gumamit ng masyadong kapangyarihan dahil hindi pa kami nagsisimula sa totoong pakay namin dito!

" Earthquake! "

Sa muling pag – atake ni Eros, kalahati sa mga ito ang naubos! Hindi maitatangging sya talaga ang kailangan namin sa mga oras na ito dahil hindi galing sa katawan nya ang lakas na iyon kundi sa paligid na sya mismo ang kumokontrol! He's body is the medium of the energy from the surroundings then move to the other object to create the attack!

Sa kabilang banda naman ay puro usok ang makikita dahil sa ginagawang pagbubuga ng apoy ni Akihiro sa mga ito, maalala ko, he's a Shapeshifter that's why he can turn into something he wants to – katulad ngayon – ginaya nya si Myrko – isang Dragon.

" Micko! "

Napatingin ako sa sumigaw, it is Margaux. Mayroon syang itinuturo sa likuran ko dahilan upang mapalingon ako dito, isang napakalaking bulalakaw ang ngayon ay patungo sa direksyon ko!

" What the f*ck! "

Naibulalas ko na lang, at mabilis na gumawa ng lions gate papunta sa ibang direksyon – sa direksyon ng mga kalaban!

" Now! "

Nawala ang bulalakaw sa direksyon ko at nagkaroon na lang ng malaking pagsabog sa ibaba, hindi naman ako nangangamba na madamay silang mga naroroon dahil alam kong kaya nilang lampasan ang ganoong uri ng pagsabog ng hindi nasusugatan o nagagalusan man lang!

Nang mawala ng tuluyan ang usok na bumalot sa ibaba dahil sa pagsabog ay saka ako bumaba upang tingnan ang nangyayari!

Unang bumungad sa akin ang nagkapira – pirasong mga bahagi ng puno, ang iba'y abo na lang! Wala na rin akong maramdamang mga kalaban na nasa paligid, mukhang kahit sila ay nasama sa naging abo!

" *cough* *cough*.. "

Una kong napansin sina Tanya at Lyra, habang nasa tabi naman nila si Georgia na wala nang malay!

" Here! Para hindi kayo mahirapang huminga! "

Binigyan ko sila ng isa sa mga ipinadala ni Alex sa akin, ang Inhaling Potion – ang uri ng potion na kayang makapagpagaling sa mga sakit na may kinalaman sa paghinga!

" Thanks! Nasa kabila sina Aki at Eros, mukhang masama ang lagay ng isa sa kanila! "

Mabilis naman akong kumilos sa itinurong direksyon nina Tanya, doon ko napansin na puro sugat nga ang katawan ng isa sa kanila – si Akihiro!

" Kaya mo pa? "

Tanong ko kaagad ng makalapit, mas mabuti kasi kung magkakalapit kami sa isa't – isa. Hindi yung magkakalayo katulad nito dahil maaaring may mga kalabang muli sa aming umatake!

" Sige lang! "

Mabuti namin itong inalalayan ni Eros na halatang pagod rin mula sa pakikipaglaban. Ilang sandali pa ng tuluyan kaming makalapit sa kinaroroonan nina Axel, kasama na rin nila yung tatlo!

" Ihiga nyo sya katabi ni Georgia! "

Si Axel, mukhang magaling na rin sya mula sa pagkakaparalisa nya kanina! Sinunod na lang namin sya at doon inihiga si Aki!

" Blessed by light and dark, I order you, Mendatoria! To open the gate of fairy healers and heal my colleagues! "

Nagliwanag ang buong paligid kung saan kami nakapwesto, at mula sa mga likod ng puno naglabasan ang mga maliliit na nilalang! Unti – unti silang nagsilapitan sa mga katawan ng dalawa at doon unti – unting naghilom ang kanilang mga sugat!

" All we need to do now is to restore the forest! "

Napatango na lang ako sa sinabi nya, destruction flooded the half of the mountain!

" Bring it to me! "

Napalingon kami kay Lyra ng magsalita ito, hindi pa kami noon nakakasagot ng bigla na lang magliwanag ang mga kamay nya pati na rin ang mga mata nya! Mula dito ay nakita namin kung paanong hinigop nya ang enerhiya na nanggagaling sa kalikasan!

" Restore!

Napatakip kaming lahat ng mga mata dahil sa mga alikabok na nagliparan paitaas! Ilang sandali pa ng tuluyan itong mawala, ganoon na lang ang gulat naming lahat ng makita ang paligid! Parang walang nangyaring labanang nangyari? Wow, just wow!

Axel Valerie De Guzman ~

Ilang sandali lang ang aming ipinahinga sa lugar na iyon at pagkatapos ay muli kaming lumakad upang pumunta sa aming mismong pakay! Hindi kami maaaring magtagal, dahil any time soon ay alam kong muling gagalaw ang mga hunghang na iyon! Naging mahina man ako sa simula ng paglalakbay ko, ipinapangako ko namang hindi na iyon mauulit pa!

" Malapit na tayo! "

Sabi ni Margaux. Hindi nga nagtagal at bumungad sa amin ang isang lumang templo sa gitna ng gubat, isa itong uri ng templo kung saan tanging magbubukas lang sa pamamagitan ng isang taong may kakayahang makakita ng hinaharap at nakaraan katulad ni Margaux. Dahan – dahan kaming lumapit doon habang nasa unahan namin sya, hanggang sa tuluyan kaming makalapit sa pinaka pintuan nito! Huminga muna sya ng malalim bago hinawakan ang marka sa pintuan, dahan – dahang dumaloy ang liwanag na nagmumula sa kamay ni Margaux sa mga marka na nasa pintuan.

" Ahhh! "

Pagdaing nya. Mabilis naman kaming umalalay sa kanya, ngunit ganoon na lang ang gulat namin ng maramdaman namin ang isang enerhiyang humahatak papasok sa loob! Wag mong sabihing warping door ang pintuang iyon? Hindi pa nga ako tuluyang nakakabawi sa pagkakagulat ng bigla na lang kaming lamunin ng pintuang iyon at dalhin sa ibang dimensyon!

Kinusot ko muna ang mga mata ko dahil sa pagkapuwing. At pagkatapos ay saka ko ito dahan – dahang ibinuka, doon ko lang napansing parang nasa ilalim kami ng gubat dahil kitang – kita sa itaas kung saan kami nanggaling kanina!

" Kailangan na nating magmadali, ngayon na Margaux! "

Ani ko. Hindi kami pwedeng mag – aksaya ng panahon. Tumango naman ito at saka pumunta sa gitna ng sanktuaryong napuntahan namin. Dahan – dahan nyang hinawakan ang isang bolang kristal hanggang sa –

" The first key laid many million years ago, it was hidden from a dusk dawn canyon surrounded by steeped cliffs, and rock layers! It was guarded by a Mothman named Jeraphilus! "

Aniya hanggang mawalan ng malay. Then this must be the start of our new adventure to fight those demons.

End of Chapter 31

The greatest gift of life is friendship, and I have received it.

-Hubert H. Humphrey

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts