webnovel

Chapter 19

Chapter 19

Ana Villegas ~

Isang malakas na kung anong bagay ang bumalot sa buo naming mga katawan, may kung anong enerhiya ang pumipigil sa napakatinis na boses ng halimaw na iyon upang hindi namin ito marinig.

Nagulat pa nga ako dahil kusa na lang itong lumabas sa mga kamay ko, ganoon rin kung paano ko ito unang sinabi!

Ngunit ang ipinagtataka ko, bakit pamilyar yata ang boses ng nilalang na iyon sa akin? Bakit pakiramdam ko, matagal na syang nandyan sa paligid ko? Nagmamasid at nag – aabang lang ng tamang pagkakataon kung kailan magpapakita!

" Ana! "

Mabilis akong lumingon sa direksyon ng tumawag sa akin, si Jona! Kita ko kung paano tumaas ang mga kamay nito at tinuro ako, dahil sa hindi naman kami masyadong malapit sa isa't – isa, hindi ko tuloy maintindihan ang sinasabi nya!

" Ano? "

Nasabi ko na lang out of the blue! Ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng bigla na lang may tumama sa likuran ng ulo ko, ramdam ko ang panghihina ng buo kong katawan ngunit isang mainit na pakiramdam ang bumalot sa akin!

" Ako ng bahala! "

Alexander Vallejo ~

Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ni Ana ng bigla itong mawalan ng malay, nakaalalay naman dito si Ace! Hahawakan ko na sana ito ng bigla akong pigilan ni Ace sa pamamagitan ng paghawak nya sa kamay kong pahawak na sana dito!

" Don't! I am healing her! "

Nagulat na lang ako ng makitang nagliliwanag ang kanyang mga mata na katulad ng sa akin pag maraming enerhiya ang ginagamit! Paanong?

" How can you – "

" Tumigil na po kayong lahat! Hanggang dito na lang po ang pagsasanay natin! Isa pa, nakuha nyo na naman po ang ibig kong sabihin sa pagsasanay natin ngayon! Ang hindi umasa sa taglay nating mga kakayahan at gamitin ang totoo nating kapangyarihan! "

Nawala ang lahat ng mga halimaw na kalaban ng iba pa naming mga kasamahan, kasunod noon ang paglitaw ni Riley – The Dark Prince. He is holding a key, at hindi maganda ang pakiramdam ko sa susing iyon!

" Makakapagpahinga na po kayong lahat at sa iba naman po na mga nakatuklas ng bago nilang mga kakayahan, kay Kuya Avin nyo po iyan matututunan kung paano gamitin! Wag po kayong mag – alala, ganyan din naman po ang mangyayari sa iba kahit hindi pa ito lumabas ngayon! Kaya nga magsasanay kayong lahat eh! "

Paliwanag pa nito na hindi man lang binigyang pansin ang mga kasamahan naming puno ng mga sugat at mga galos sa katawan na halos hindi na makakilos sa sobrang pagod dagdag pa ng mga ito.

" Paano naman yung iba sa amin na may mga malalalim na sugat? Tutulungan mo ba kaming gamutin yung mga sarili namin? Tutal kaunting enerhiya lang ang naibalik sa amin at hindi ang lahat ng lakas namin! "

Nahihirapang tanong ni Daryl, isa kasi sya sa mga kasamahan naming nakakuha ng malalim na sugat!

" Hindi po! "

" Eh – "

Napakamot na lang ako sa ulo ko ng bigla itong maglaho, napatingin na lang ako sa mga kasamahan kong nahihirapan sa pagkilos na ginagawa nila!

" Daryl! "

Avin ~

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan ko nilagay ang katawan ni Axel, wala pa rin itong malay hanggang ngayon! Hindi sa ayaw namin syang magising for the mean the time, but the fact that he is not ready for it! Hindi pa pwede!

" Be ready! It's hard for you, I know! But this is just the beginning of your own adventure! So please – "

Blag ~

Nagawa ko pang gumawa ng pangharang sa kabila ng biglaang pagsabog ng kinalalagyan ng katawan nya, doon kita ko ang katawan nyang nakatayo at kinokontrol ng kanyang sariling kapangyarihan! Ito ang kinakatakot naming mangyari, ang mawala sya sa sarili nya!

" Ahhhh! "

He immediately attacked me using my holy sword but because of my speed, hindi man lang nya ako nagawang tamaan o madaplisan man lang! I don't want to hurt him, but this is the time that I need to choose whether to save him or not! And I chose to save him!

" I, The Light King, called the heavens above for you who gives me the power to conquer all the demons here on earth! Calming Light! "

Isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas mula sa mga kamay ko papunta sa direksyon nya ngunit mabilis syang nakaiwas sa aking pag – atake, nagulat nga lang ako ng bigla itong tumigil sa harapan ko! And for Pete's sake, he's crying!

" Avin! Help me! Nagmamakaawa ako, gusto ko na silang makita! Tulungan mo ako! Please! "

Isang malakas na suntok sa tyan ang natanggap ko dahil sa sinabi nya, ang katawan lang nya ang kayang kontrolin ng kanyang kapangyarihan hindi ang pagkatao ng nagmamay – ari dito!

" Sh*t! "

Hindi pa ako noon nakakabawi ng muli itong sumugod sa akin at maglabas ng isang napakahabang espada at mabilis itong hinawi sa direksyon ko!

Pang ~

Nagtama ang dalawa naming espada sanhi upang makagawa ito ng kakaibang tunog na syang nakapagpaurong sa akin, bigla na lang may kung ano ang parang nakapagpagulo ng isip ko dahil sa tunog na yon!

" Ahhhh – "

" Dark Dimension! "

Napatingin ako sa pinanggalingan ng kapangyarihang iyon, si Riley! Halata dito ang pag – aalala lalo na ng makitaan ako ng pagdurugo sa noo ko. Mabilis rin ako nitong inilayo sa nagwawalang si Axel!

" Ayos ka lang ba Kuya Avin? "

Bungad nito sa akin ng ibaba ako sa isang tabi malayo sa kinaroroonan ni Axel.

" He's awake because of the power controlling him! We need to stop him no matter what, I've heard him called me! He's hurt! "

Sagot ko sa kanya kahit hindi naman iyon ang itinatanong nya, we are immortals! Kaya kahit masaktan kami, mamatay kami, patuloy pa rin kaming mabubuhay!

" Tss! Hindi naman po iyan ang tanong ko eh! "

Nakasimangot nitong sabi sa akin bago nagkamot ng ulo.

" We need to stop him now! Let's go! "

Hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at mabilis na sumugod kay Axel, umiiyak pa rin ito hanggang ngayon kahit walang emosyon ang mababanaag sa kanyang mukha!

" Lightness of the Light King! "

" Darkness of the Dark Prince! "

" Together we collide, to unite the power the Heart! "

Sabay naming sabi, at mula sa mga kamay namin lumabas ang pareho naming taglay na kapangyarihan, at mula rin dito nabuo ang kakaibang bola ng kapangyarihan!

" Aviola! "

Tumama ito ng walang kahirap – hirap kay Axel dahilan upang mawalan ulit sya ng malay! Kung handa na ang katawan nya, paniguradong bukas ay magigising na sya ng normal, hindi ang nangyari ngayon na ang kapangyarihan nya ang kumontrol sa kanya!

End of Chapter 19

We must free ourselves of the hope that the sea will ever rest. We must learn to sail in high winds.

-Aristotle Onassis

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts