webnovel

Chapter 13

Chapter 13

Axel Valerie De Guzman ~

Napahiga na lang ako sa sahig dahil sa tuluyang panghihina ng katawan ko, hindi ko na rin naman ramdam ang totoong sakit dito sa ulo ko! I am a total waste now.

" I'm sorry Papi! But this is the easiest way for you to understand the situation! So please, try to accept the fact para hindi ka na masaktan pa! "

" Ahhhhhhhhh! "

I shout hard at the top of my lungs, what the hell just happened to my face?

" What the hell is happening? "

Natatarantang tanong ng kaninang lalaking nakayakap sa akin! Tinuro ko naman ang mukha ko dahil sa tinanong nya, doon nya lang din siguro napansin na nagkaroon ako ng ibang kulay ng mga mata. My pure black eyes become blue then white, pag nagkakaroon ng pagbabago sa emosyon ko! Then my black hair turns to white, like a snow! Ganoon din ang pagbabago sa kulay ng balat ko, mas lalo akong pumuti na bumagay sa kulay ng buhok at ng mga mata ko! Bakit ganito? Anong nangyayari?

" Akala ko naman kung ano na!? *sigh*, just finished your morning rituals then I will explain to you, okay? I'll just get myself ready next to this room! Just shout if you need anything! "

Umalis na ito sa harapan ko but I still remain breathless, hindi pa rin ako makapaniwala sa laki ng ipinagbago ng hitsura ko! I am a total babe right now! Shit, ngayon ko lang naisip na – ang ganda ko pala pag naging babae!

Napailing na lang ako sa naiisip ko, tsk! Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko hanggang sa matapos ako, but, the thing is – wala akong damit!

Dahil nakasarado naman ang kwarto nung tumingin ako, nag – tapis na lang ako at naghanap ng pwedeng maisusuot sa labas – but to my surprise – lahat ng damit na nasa loob ng cabinet ng kwartong ito eh, pambabae! Hindi ko naman kayang lumabas ng nakashort na halos kita na ang kaluluwa ko no!

*15 minutes*

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama habang nagbabasa ng history ng Astravision University nang may kumatok sa kwarto ko.

" Hmm? "

Bungad ko sa mga taong pamilyar sa akin ang mukha dahil sa nangyari noon sa gubat.

" Good – Shit !"

" Freaking Hot! "

" Tasty! "

" Fuck! "

" Bullsh*t! Pasok! "

Hindi pa ako nakakapag – react sa sinasabi ng mga taong nandito sa harapan ko, ng bigla na lang akong itulak papasok sa loob ng lalaking familiar ko! Ano bang nangyayari sa kanila!? Minumura ba nila ko?

" Bakit ganyan ang suot mo!? "

Napatingin naman ako sa suot ko, blue shorts na expose ang buong legs ko, fit na blue sando, then – wala na, yun lang naman ang suot ko, bukod sa nakalugay ang buhok ko ngayon dahil basa, naglagay din ako ng kaunting press powder na nakita ko kanina sa ilalim ng cabinet sa study table dahil ang pale ng kulay ng balat ko sa mukha – yun lang!

" Ano bang mali sa suot ko? Eh, wala naman kasing panglalaking damit dito! Puro, pambabae? Anong gagawin ko!? "

Maktol ko sa kanya na sinagot nya lang ng isang buntong – hininga!

" Okay, bago natin yan gawan ng paraan! Let's just introduce ourselves first, mahirap yung hindi natin kilala yung isa't isa! "

Tumango naman ako sa sinabi nya, ang hirap kayang mag – isip ng itatawag ko sa kanya! Buti na lang at sya ang nag – initiate na magkakilala kaming dalawa, nahihiya kasi akong magtanong eh!

" I'll go first! Okay? "

Muli akong tumango sa sinabi nya.

" My name is Ax Villareal, Ax is good enough to call me! 17 years old and your familiar, my category is Legendary! I am your Blue Phoenix! "

So, Ax pala ang pangalan nya! How cool!

" Your turn.. "

" Ehem! My name is Axel Valerie De Guzman, Axel is my nickname – "

" Should I call you Alerie? Wala ka na bang ibang nickname para naman may maitawag ako sayong iba? Masyado kong possessive sa mga bagay – bagay na alam kong pag – aari ko na! "

" Wala kaya Axel na lang rin! Move on! So, yun nga! 17 years old and your tamer, then, hindi ko pa alam kung ano bang ability ang meron ako kung bakit naging tamer ako! Kaya iyon muna yung mga information na maibabahagi ko! "

Maikli kong paliwanag sa kanya, hindi na naman sya nagsalita at tinungo ang lagayan ng mga damit na nakasalansan sa drawer! Ngunit ilang saglit lang ay nakaamoy na ako ng parang nasusunog kaya't tiningnan ko na ang ginagawa nya.

0_0

He's burning them all –

" Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!? You're ruining them! "

Pigil ko sa kanya, pumasok na rin ang iba pang familiar na katulad nya na nasa labas dahil siguro naaamoy na nila yung amoy nasusunog, kasunod rin nila ang sa tingin ko syang mga tamers nila!

" Ano bang nangyayari? "

Tanong sa akin ng babaeng nakaipit ng napakahigpit ang buhok.

" Sinusunog nya kasi yung mga damit na nandito! "

Turo ko naman sa ulupong na hanggang ngayon ay nagsusunog, bahala nga sya dyan!

" Hoy, Captain! Ano ba yang ginagawa mo? "

Rinig kong tanong ng isa sa mga familiar na malapit sa kanya, hindi ko na lang sila inintindi at lumabas ng kwarto! First event pa lang to pero, eto na kaagad ang simula! Ano ba yan?

" Hey! Is there any problem!? You look bothered! "

Hindi ko napansin ang taong nasa likuran ko, dahilan para masiko ko pa sya!

" Sorry, hindi kita agad napansin! "

Paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

" No, problem! Ako naman ang may kasalanan kung bakit mo ko nasiko! Hehehe.. "

Napangiti na lang din ako kagaya nya, he's cute! Pero mas cute ako! Hahaha!

" Sensya na talaga! "

" Promise, wala lang talaga yun! Hahaha! So, balik tayo? Is there any problem that I can help of? "

I just let out a big sigh.

" Wala kasi akong extrang damit eh, may alam ka bang mapagbibilhan dito ng mga damit!? "

Nahihiya kong tanong sa kanya.

" Hahaha, madali lang naman pala! Akala ko kung ano na? You can borrow from me first para naman maging presentable yung hitsura – "

Hindi pa sya nakakapagsalita ng malinaw ng bigla na lang umikot ang buong paligid at sa isang iglap ay napunta ako sa ibang lugar, kasunod noon ang nakakakilabot na boses na minsan ko lang marinig sa tanang buhay ko!

" Sa susunod na makita kitang may kausap na ibang tao maliban sakin at sa grupo, I'll swear to you, to God! I am bad in terms of jealousy! Try me, Alerie! I'm warning you! "

Ax? Ax! I think I heard his name before but I just don't know when and where! Pero hindi iyon ang mahalaga, ang mahalaga ay kung bakit ako umiiyak ngayon! Kung bakit ako nasasaktan ngayon? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Bakit ako umiiyak ng walang dahilan at bakit sa tuwing umiikot ang mga pangyayari at paiba – iba ito, lalo ring nadadagdagan ang bigat na nararamdaman ko dito sa aking dibdib, idagdag pa yung patuloy na pananakit ng ulo ko! Bakit?

End of Chapter 13

“The duty of youth is to challenge corruption.”

― Kurt Cobain

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts