webnovel

Prologue

Nag simula ang lahat sa isang joke na di ko inakalang hahantong sa pinaka nightmare ng buhay ko.

Be careful of what you wish for, sabi nga nila.

......................................................................

Dalawang klase lang ng bagay ang pinaka ayoko sa lahat. Una yung pagiging weak kahit hindi pa nag tatry. Pangalawa na yung araw araw ko na problema, hehe as usual kawalan ng kwarta. Naglalakad ako papuntang simbahan ng tanghali. Tapos na kasi ang shift ko kaya ngayon pwede na kong lumarga. Kung hindi lang maingay ang mga tao sa labas, maririnig ko na sana yung tugtog sa earphones ko, kaso wala eh. Sa sobrang init, yung pawis ko batak na din. Sunod na nangyari?

Halos matipalok ako ng may nalakaran akong malaking bato... Ay, matanda pa la na naka kalat sa kalye.

"Pasensya na iha." Abiso nya sa kin. Syempre dapat lang. Kaharang harang kaya sya.

"Ayos lang ho." Sinagot ko sya ng naka simangot. Kayo naman, di naman ako masamang tao, slight lang. Ikaw ba naman mabilad sa araw ng ganito katagal tapos pagod ka pa? Hah. Pero nung tinitignan ko yung matanda, medyo may napansin lang ako kaya...

"Teka..." Sinabi ko nung paalis na dapat ako. Kinakalabit na kasi ako ng kunsensya kumon ko. Yagit yagit na yung manipis nya na damit tapos mukhang gutom na gutom pa. Buti nalang meron akong take-out, salamat sa boss ko na sosyal. Kusa ko na nilapag yung pagkain ko sa kanya kaya di na ako magtataka kung nabigla sya.

"... Ayaw mo?" Tanong ko.

"..."

Di nya muna ako sinagot. Naalala ko yung mama ko bigla. Kapag may ginagawa ako na something good, laging nanlalaki ang mata niya. (true story bro)

"Pero para sayo yan di ba?" Tanong nya habang pinapahiwatig nya yung pagtanggi sa pagkain. Ano to, choosy pa more ganun? Alam ko naman na nagugutom na sya eh. Mas malakas pa yung pag kalam ng tiyan nya kesa sa busina ng mga sasakyan dito, pramis. Hindi ko tuloy maiwasan na sagutin sya ng may sarcasm.

"Paano mo nasabi?" Tanong ko.

Tumahimik ulit yung matanda, na feel nya siguro yung pagiging sarkastik ko kaya sinagot ko nalang sya ng matino para maka alis na ko. Busy kaya akong estudyante jusko.

"Pauwi ka na, papunta pa lang ako. Ayos na yan." Tutal naka busangot ako kanina, nag smile nalang ako ng konti para mag mukhang legit yung offer ko.

"Salamat iha... Pag palain ka ng Diyos..." Nag titigan nalang kami sa gitna ng tanghaling tapat tapos kinaladkad ko sya. Gulat na gulat naman yung matanda.

"Huh...?" Dala dala ang pagkain at yung lampin— este yung sako na inupuan nya, pinuwesto ko sya sa ilalim ng puno para dun sya tumambay kasi mainit di ba?

"Mainet po kasi, baka ma stroke ka. Sayang naman ang pagkain na binigay ko sayo." Tinitignan naman nya ko ulit sandali bago nya ko tinawanan.

Kapag nakakagawa ka ng maliit na bagay sa ibang tao, kahit gaano ka pa palaging na mimisunderstood... Nakakahawa pa din yung ngiti nila. Natawa nalang din ako bago ko napansin na may inabot sya sa kin.

"Oy, para saan to, tanda?" Tinignan ko yung kendi na naka balot sa manipis na plastik. Kinindatan nya ko, akala mo tropa lang eh.

"Kainin mo yan at kapag humiling ka, magkakatotoo... Siyang tunay!" Hmm, afterall weirdo talaga tong matanda na 'to kaya UWIAN NA. Nag paka layo layo nalang ako sabay bulong.

"Kung totoo nga yung sinabi mo, dapat hiniling mo nalang na maging milyonaro ka para hindi ka dagdag kalat sa daan."

PROLOGUE END