♡ Dean's POV ♡
I'm on my way to the secret room since I received a letter from the president at pinapatawag niya ako.
So what is it this time?
Wala akong pinagsabihan na pupunta ako doon dahil ayaw kong masira ang pag-uusap namin. I don't even want to leave Syden but I have no other choice or else, I might lose the chance.
Nasasaktan akong makita siya sa ganitong sitwasyon and I greatly blame myself because I was too late to save her that time. Nagkasabay-sabay ang mga pangyayari about Leigh and her, I should have went to her that time at isinama sa lakad namin. D*mn those people!
Inutusan ko na lang ang iba sa mga Phantoms na magbantay muna sa labas ng kwarto ko para bantayan siya and it's better not to let her talk sa ibang tao other than BR members. Sa ngayon, kailangan kong unahin ang kaligtasan niya and I want to assure na makaka-recover siya agad. Doon na rin siya sa kwarto ko para araw-araw ko siyang kasama. Pero bakit ngayon pa sumabay yung tungkol kay Julez? Sh*t this life!
Nang makarating ako, bumukas din naman agad yung pintuan. Pumasok na ako at muling nagsara 'yon. Umupo ako sa harapan niya na halatang hinihintay ako pero hindi pa rin inalis ang maskara niya. What's with that d*mn mask? May tinatago ba siya sa mukha niya?
"Let's make this fast. What do you need?" tanong ko sa kanya.
Hindi ako pwedeng magtagal dahil kailangan kong bantayan si Syden.
"The situation in curse building kung nasaan si Julez is becoming worse. I'll be needing to release you as soon as I can...if you still want him alive, kailangan munang pumunta doon to save him" saad pa nito at napakuyom ang kamay ko.
"Bakit ngayon pa? I can't leave my girlfriend- "
"I know your girlfriend's situation right now. I will also do my promise to her na ililigtas ko ang tatlo niyang kaibigan"
"Then bakit hindi muna lang din iligtas si Julez. I thought you're the president, you can do anything you want. You have the power and control"
"Dean Carson, even the student council cannot enter that building lately. It is now considered an accident prone building because it was cursed. Since then, we didn't bother entering that place. I won't risk any of the council's lives just for your friend...I'm telling you this dahil ikaw lang naman ang may kakayahan na iligtas siya. Regarding Syden's friends, they are in death building wherein students kill one another. Once I go there, they will stop at susunod sa gusto ko...but not in Curse building and who do you think ang sinisisi nila dahil sa pagkakasumpa sa kanila? It was your friend...and now he is everyone's target. He badly needs your help right now"
But my girlfriend needs me too. F*ck this life!
The way na sabihin niya 'to sa akin, I know it's urgent kaya minamadali niya ako.
"Just think about it, Dean Carson. You still have the Blood Rebel's group para bantayan ang girlfriend mo but Julez...he has nothing. Take the risk or lose the chance, it's up to you" mas lalo pang kumuyom ang mga kamay ko dahil sa inis at galit.
Things are messing up my plans. I'm too afraid na baka may mangyari nanaman sa kanya kapag nawala ako sa tabi niya. Yes, I can finally sense the feeling of being scared to lose someone and I hate it.
"Do I have any other option?" walang gana kong sabi expecting na baka may iba pang paraan. Kung sabi niya ako lang ang may kakayahang iligtas si Julez, I can't send the BR group there or even one of them dahil delikado and I too, can't risk their lives.
"It's now or never. I will only give you one chance" sagot nito na sumandal para hintayin ang desisyon ko.
I've never been in this kind of situation pero bakit sinusubok ako ng kapalaran ngayon? I can't forgive myself if ever I've made the wrong decision.
"Tell me when?" I couldn't look at her dahil sa galit. Looks like she's now able to control me.
"As soon as you're ready"
Lumipas ang ilang segundo bago ako nakapag-salita.
"Give me a little time para magpaalam sa kanya" I said knowing na pareho kaming masasaktan ni Syden dito. D*mn sweetie, masasaktan nanaman kita and I hate this!
"Off you go" muling bumukas yung pintuan kaya tumayo na ako at naglakad papalabas.
Hindi nawala ang pagkuyom ng mga kamay ko lalo na ng maalala ko kung paano siya binabangungot tuwing gabi, tumitigil lang sa pag-iyak kapag niyayakap ko at kumakalma lang sa tuwing kinakausap ko. For three days, hindi siya nagsasalita at parang tulala.
It started right after she told me to leave. Hindi ko rin siya makausap ng maayos dahil hindi siya sumasagot. D*mn!
Pumunta ako sa bloody room ng Blood Rebels. Nadatnan kong nakabantay ang ibang Phantoms at Redblades sa labas dahil mahigpit kong ipinag-utos na ni isa sa mga tao sa club na hinuli namin, wala dapat makakatakas. Right, lahat sila hinuli namin.
"Where are the Vipers?" tanong ko habang nag-uusap sila na ikinatigil naman nila.
"Boss, nasa loob" sagot ng isa sa mga member ni Clyde. Tumabi sila at binigyan ako ng daan kaya hinawakan ko na ang door knob at binuksan ang pintuan.
Pagkabukas ko pa lang, rinig na rinig ko ang pambubugbog sa kanila. Dahil sa ginawang ingay ng pintuan, natigilan sila at napatingin sa akin. All of the Vipers are present here...even Clyde and Roxanne na masayang pinapanood ang nangyayari at prenteng nakatayo sa harapan ng tatlong lalaking binubugbog.
Sinara ko ang pintuan at alam kong hinihintay nilang lahat kung anong gagawin o sasabihin ko. Lahat sila, nakatingin sa akin. Medyo malaki naman ang bloody room kaya walang problema kahit gaano kadami ang pinapahirapan namin. Well, hindi naman sila papahirapan kung wala silang ginawa.
Sa ngayon, tatlong lalaki sa gitna ang walang sawang binubugbog. Habang yung iba nasa likuran, nakatali ang kamay at nakatakip ang bibig na halatang takot na takot.
Lumapit ako sa gitna ng tatlong lalaki at yung galit na nararamdaman ko, ngayon ko lang mailalabas. Sapilitan silang ipinaupo nina Stephen at Caleb sa harapan ko dahil nakahiga na sila sa sahig at duguan. Halatang nanghihina.
And I started to punch each and every one of them dahilan para mapahiga sila sa sahig at mas marami pang dugo ang lumabas sa bibig nila...kaya paulit-ulit rin silang pinapaupo sa harapan ko. Hindi na rin mabilang ang dami ng suntok at tadyak na ginawa ko. This g*ddamn sh*ts!!
I couldn't just imagine them laying their dirty and filthy hands on her. Sa lahat ng ginawa ko, parang hindi pa sila natinag. Hinawakan ko ng mahigpit ang buhok ng isa kaya nagkatinginan kami, "Tell me, what did you do to her?!" nanginginig kong sabi dahil sa galit lalo na ng ngitian niya ako ng masama.
"Didn't your girlfriend tell you how we slowly tasted every part of her- " and I punched him even harder.
Kahit kailan, hindi ko pinangarap na may mangyari sa aming dalawa because that's how much I highly respect her. I respect her more than myself. D*mn sweetie! I badly want you to witness kung paano ko papahirapan ang mga taong 'to!
"Wrong choice of victim. You bastard! I will let you taste what's worst in this group" at tinulak ko siya ng malakas.
Tinignan ko silang tatlo habang nanginginig ako sa galit. I wanna kill them so bad...pero hindi matatapos ang lahat ng 'to sa simpleng pagkamatay nila.
Don't. Test. Me.
"Don't let them kill themselves, torture them slowly. Gusto kong mahirapan sila sa mga kamay natin"
Kahit gusto kong ako mismo ang magpahirap sa kanila, mas kailangan niya ako sa tabi niya. Nakuha ng buong grupo ang gusto ko kaya tinignan ko silang lahat bago ko nilisan ang kwartong 'yon. Bumalik na ako sa kwarto ko kaya pinaalis ko na yung mga pinagbantay ko. Pagbukas ko sa pintuan, nasilip kong tulala pa rin siyang nakaupo habang nakatingin sa bintana na parang malayo ang iniisip.
I slowly closed the door again, hindi ko na piniling pumasok at napasandal sa may pader na tabi ng pintuan. I can't leave her in this situation...but I can't also let Julez die dahil baka ma-late nanaman ako sa pagsagip sa kanya.
I'm sorry, sweetie. I came late. I was busy with the group and I forgot your safety. This is all my fault. I prefer to be in your position dahil ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Come back to your senses and blame me!
"We're here to listen" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Clyde at Roxanne na halatang sinundan ako at naghihintay na magsalita ako.
Mapait akong napangiti, "I don't know what to do" sumandal din silang dalawa sa tabi ko. Roxanne on my right side and Clyde on my left side.
"For the first time, ngayon lang kita narinig na sabihin 'yan" sagot ni Clyde.
"Speak up, ilabas mo na 'yan" dagdag pa niya kaya pilit akong napangiti at napatingin sa kanya.
"Ilabas ang ano?" he looked at me and smiled a bit, "I know you're in pain. Nandito naman kami, you can tell us everything" he said.
I closed my eyes and suddenly felt that I was already shedding tears but still, I smiled bitterly habang nakatingin sa taas, "I didn't know that everything would end up like this. I have to choose between her and Julez. Julez needs my help but I can't leave her alone. Hindi pa rin siya nagsasalita and what hurts the most, yung mga huling salita na binitawan niya sa akin...she wants me to leave. Pinapaalis na niya ako. Kahit na alam kong nasasabi niya lang 'yon dahil sa sitwasyon niya, her actions and words are slowly killing me. It hurts than a thousand knives" I couldn't help but to cry.
Yet I am a man, ang sakit pa rin ng mga sinabi niya.
"We got your back, right? Whatever your decision is, we'll support you. Nandito pa naman kami para sa kanya, well...not as sweet as you" saad ni Roxanne kaya napangiti ako.
"You should tell her hangga't hindi pa huli ang lahat" dagdag pa ni Clyde.
Tumango ako at lumapit sa may pintuan. I hardly stopped myself from crying before slowly opening the door at sinara din 'yon pagkapasok ko. Nilapitan ko siya na ganoon pa rin ang sitwasyon. Lumuhod ako para tapatan siya na nakaupo pa rin sa kama at hinawakan ang kamay niya.
"Sweetie..." then I kissed the back of her hands, "I'll be gone for three days...but don't worry" this is the first time that my body was trembling in fear dahil alam kong masasaktan nanaman siya but still I smiled bitterly, "I'll come back as soon as I can. While I am gone, you have our Blood Rebels. They will be here for you" until I remembered her twin-brother.
That's right. Sean Raven loves her too, surely. ..hindi ka niya hahayaang mag-isa.
"I will also talk to your twin brother. I know he won't let you stay alone habang wala ako" I kissed her hand again, "Please come back to your senses. Motivate me so I have one d*mn better reason to come back alive with Julez" that building is accident prone which means, we don't have control kung ano man ang mangyayari.
I waited seconds expecting that she would finally talk but nothing happened. For many times, I smiled bitterly kahit na sobrang nasasaktan na ako. I hugged her and kissed her forehead.
Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya at tumayo na, "Kahit anong mangyari, I still love you, Bliss Syden" I smiled again.
At last, I hardly took a deep breath...
Tinalikuran ko na siya para lumabas pero natigilan ako ng maramdaman kong may mahigpit na humawak sa kamay ko. Napatingin ako doon at nakitang nakahawak siya sa akin habang nakatingin pa rin sa malayo.
She slowly faced me at halos maiyak na siya, "Don't leave me" she said pero alam kong hindi pa rin siya bumabalik sa dati.
And it made my situation even harder.
I've been fighting all along para sa ating dalawa. Hindi ako magsasawa na lumaban para sa relasyon na meron tayo. You've became my life, Bliss Syden. You're my everything.
Ayaw kitang iwan but I need to save Julez.
I can't let him die.
Naisip kong huwag na lang siyang tignan dahil ayaw kong umatras sa desisyon ko. Thank you for motivating me. 'Yon lang naman ang hinihingi ko para bumalik akong buhay at huwag piliing mamatay. Tumingin ako sa pintuan at dahan-dahan na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
At 'yon ang pinakamasakit na bagay na ginawa ko...ang bitawan siya.
But don't worry, I'll come back as soon as I can, para muli kang mahawakan and I hope sa mga panahon na 'yon, hindi ka rin makalimot at ako ang unang maalala mo kapag gumaling ka na.
To be continued...