✿ Raven's POV ✿
7 days.
Sa loob ng pitong araw, wala akong ginawa kundi ang bantayan at sundan siya. Ako man ang nagpalayas sa kanya pero kahit sinabi ko sa kanya na hindi ko na siya papakielaman, hindi ibig sabihin noon ay hahayaan ko na talaga siya. For 7 consecutive days, hindi ako huminto na bantayan siya, bawat minuto at segundo palagi kong inaalam kung anong ginagawa niya, kung kumakain ba siya ng maayos, kung okay lang ba siya at lahat pa ng mga bagay na ginagawa niya. Sa loob ng pitong araw na 'yon, halos hindi na ako kumakain at natutulog para lang masundan at mabantayan siya. Para kung kailanganin niya man ang tulong ko, matutulungan ko siya.
Tinatanong rin naman ng mga members sa akin kung kamusta siya kaya't sinasabi ko sa kanila na hindi na nila kailangan pang mag-alala dahil binabantayan ko naman siya at maayos ang lagay niya. Naikwento ko rin naman sa kanila na sa tuwing nakikita ko si Syden ay nakangiti habang kasama yung "boyfriend" niya na hindi ko pa rin tanggap dahil wala pa rin akong tiwala sa lalaking 'yon. Nalaman ko rin na kasama din nila si Maxine, yung bestfriend ni Syden.
Ngunit pagdating sa ika-walong araw, hindi ko nagawang mabantayan siya dahil may kailangan kaming ayusin sa Rebel's house kung saan nakatago ang ibang armas, kailangan lahat kami ay nandoon kaya mahirap pa rin sa part ko na alisin ang tingin kay Syden dahil baka may mangyaring hindi maganda once na alisin ko ang tingin ko sa kanya. Tinanong pa ako ng mga members kung makakasabay ako sa kanila sa Rebel's house pero naalala ko na baka okay lang na hindi ko muna siya bantayan dahil nga sa loob ng pitong araw na binabantayan ko siya, naging maayos ang lagay niya. Sa tingin ko, hindi naman magiging tama ang hinala ko na baka may mangyaring hindi maganda sa kanya kung iiwanan ko siya sa loob lang ng isang araw. Mukhang masaya naman siya sa piling nila kaya sige. Pagbibigyan kita Syden, pagbibigyan kita sa privacy na hinihingi mo, sa loob ng isang araw, gawin mo lahat ng gusto mong gawin ng hindi ko nalalaman.
At sa ika-walong araw na 'yon, sumama ako sa grupo papunta sa Rebel's house. Importante ang lakad namin ngayong araw na 'to ngunit muli akong tinanong ni Dave kung sasama daw ba talaga ako dahil baka hindi ako makapagfocus sa gagawin namin doon dahil iisipin ko lang ang sitwasyon ni Syden. Pero sinigurado ko talaga sa kanila na sasama ako. Sa tuwing itatanong nila si Syden sa akin, napapansin kong panay ang tingin ni Dean sa akin tuwing magsasalita ako tungkol kay Syden. Alam kong kahit nasaktan ito ng lubusan, ay mahal niya pa rin ang kapatid ko na hindi niya gugustuhing mapahamak ito.
.....
Pagkatapos naming ayusin ang lahat ng kailangang ayusin sa Rebel's house ay bmalik na kami sa Black House upang magpahinga dahil buong araw kaming nasa Rebel's house na hindi na rin naman namin namalayan na gabi na dahil sadyang napakabusy talaga namin. Dahil na rin sa pagod ay dumiretso na ako sa kwarto ko pagkabalik namin sa Black House para magpahinga. Napahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. I did it, my twin sister. Nagawa kong hindi ka bantayan sa loob ng isang araw, pero sa buong araw na 'to, hindi lang kita nakita pero miss na kita agad. Makakalabas din tayo dito Syden, ilalabas kita dito. Tuluyan na akong napapikit dahil sa pagod at nakatulog.
.......
9th day
Ito ang pang-siyam na araw na wala ka sa tabi ko. Pagkamulat pa lang ng mga mata ko, naisip ko na siya agad ngunit hindi ako nag-alinlangan at kaagad akong bumangon. I feel something. May mali. Sadyang mabigat para sa akin ang araw na 'to at ramdam ko ang takot kahit kakagising ko pa lang. I must check her out. Agad akong dumiretso sa may pintuan upang lumabas na sa kwarto at napansin kong walang ingay na nanggagaling sa kusina kaya't natigilan ako dahil napatingin ako dito at wala sila.
Sa ganitong oras, nag-aalmusal pa lang ang buong grupo, pero ngayon bakit ang tahimik? Tinignan ko ang buong paligid at napansin ko na wala silang lahat kaya tahimik. Naisip ko na lang na may pinagkakaabalahan nga pala ang grupo ngayon sa Rebel's house kaya't hindi ko rin naman sila masisisi kung bakit madalas na walang tao dito sa Black house.
Tuluyan na akong lumabas upang puntahan si Syden sa building kung saan siya nakatira ngayon dahil hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko sa ngayon. Sobrang bigat sa pakiramdam na feeling ko may nawala o mawawala sa akin. Agad akong pumasok sa building na 'yon at sinilip ang kwarto kung nasaan siya. Sinigurado kong nakapagtago ako habang sinisilip ang kwartong 'yon para walang makakita sa akin. Ngunit lumipas ang ilang minuto at halos mag-iisang oras na, hindi bumubukas ang pintuan. Sa ganitong oras, sigurado akong papunta na sila sa cafeteria para kumain pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin sila lumalabas. Baka naman nandoon na sila?
Aalis na sana ako para puntahan sila sa cafeteria dahil baka nandoon na sila kaya't hindi bumubukas ang pintuan ngunit may nakita akong pumuntang dalawang babae sa tapat ng pintuan ng kwarto nila kaya napatingin ako dito. Kumatok sila dito ngunit hindi pa rin nagbubukas ang pintuan kaya't kumatok pa ulit sila ng dalawang beses ngunit wala pa ring nangyayari. Nakita ko na lang na may dalawa ring babae na lumabas mula sa katabing kwarto nila kaya't sa kanila napatingin ang dalawang babae na kumakatok sa kwarto nila Syden, "Excuse me, nandito ba si Maxine?" tanong nila.
"Kung hindi pa rin bumubukas ang pintuan, baka hindi pa sila bumabalik" sagot naman ng isa sa mga pinagtanungan nila kaya't ipinagtaka nila ito at nagtinginan sila, ganon rin naman ang naging reaksyon ko. Anong ibig niyang sabihin na hindi pa sila bumabalik?
"Huh? What do you mean?" tanong nila sa dalawang babae na katabing kwarto lang nila Syden.
"Magmula kahapon hindi pa namīn nakikita sina Maxine at Blake. Parang hindi pa sila būmabalik eh" sambit ng mga ito kaya't muling nagtinginan ang dalawang babae na mas lalo kong ipinagtaka dahil ayon sa sinabi nito, si Max at Blake lang ang nabanggit niya, wala si Syden.
Muli nilang tinignan ang kanilang kausap, "Ah ganon ba? Sige babalik na lang ulit kami" sambit ng mga ito bago tuluyang umalis papalabas ng building. Nag-umpisa namang maglakad ang dalawang babae na katabing kwarto nila Syden papunta sa direksyon ko at muli akong nagtago upang hindi nila ako makita.
"A-actually kahapon ng umaga ko lang sila huling nakita" sambit ng isa sa kanila kaya't natigilan ang kasama niya at nagtakang napatingin sa kanya, "Saan naman?"
"Nakita ko yung kasama nila, Syden ba 'yon? Oo 'yon nga siguro, nakita ko si Syden na pumasok sa isang classroom kahapon. Balak ko sana siyang sundan kaso nakita kong pumasok rin sina Max at Blake sa classroom na 'yon" natigilan sa pagsasalita ang babaeng 'yon kaya't nagsalita ang kasama niya, "Then? What happened?"
Nakita kong parang nagdadalawang-isip ito kung magsasalita ba siya o hindi pero itinuloy niya ang pagkwekwento, "Pagkatapos ng ilang minuto, nakita ko na lang na lumabas sina Maxine at Blake sa classroom na 'yon. Inaalalayan pa nga ni Blake si Maxine eh dahil may sugat ito sa kamay"
"So, how about Syden?"
Muling natahimik ito at tila nag-isip pero nagsalita din ito, "Hindi ko siya nakitang lumabas sa kwartong 'yon. Kaso nakita ako nina Blake at Max, sinamaan nila ako ng tingin at natakot ako kaya umalis na ako. Tapos ngayon, wala silang tatlo at hindi pa bumabalik magmula kahapon. Nakakapagtaka lang talaga"
"Well, that's strange" mukhang napaisip silang dalawa ngunit nagsalita naman ang isa, "Let's just wait for them. Baka may pinuntahan lang sila kaya hindi pa nakakabalik. Let's go!" sambit ng kausap niya kaya't itinuloy na nila ang paglalakad hanggang sa tuluyan na rin silang mawala sa paningin ko.
Napaisip na lang ako at sadyang hindi na maganda ang kutob ko dahil sa pinag-usapan ng dalawang babaeng 'yon. Kung lumabas sina Blake at Max sa classroom na 'yon at may sugat si Max. Hindi malayong may ginawa sila kay Syden kaya hindi nila siya kasama.
Mas lalong hindi naging maganda ang pakiramdam ko dito kaya't nilibot ko ang buong building at binuksan lahat ng classroom dahil hindi nabanggit ng babae kanina kung anong classroom ang pinasukan nila Syden. Hanggang sa may kaisa-isang classroom na nakakuha ng atensyon ko, may upuan sa pinakagitna nito at may nakagapos na isang babaeng patay na, nakatahi ang bibig nito at sobrang putla.
Muli akong lumabas sa building na 'yon para hanapin si Syden. Where the hell is she? Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa napatakbo na ako habang tinatalasan ang mata na tignan ang paligid para hanapin siya. Una kong pinuntahan ang cafeteria dahil baka nandoon lang siya pero hindi ko rin siya nakita. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng campus at huli kong papasukin ang mga building. Sisiguraduhin kong wala siya sa labas ng mga building at kapag hindi ko pa rin siya nakita ay doon ko papasukin ang mga building.
Patagal ng patagal ang paghahanap ko sa kanya ay mas lalo akong kinakabahan. Sa sobrang laki ng campus, ay hindi magiging madali para sa akin na hanapin siya lalo na't maraming tagong lugar sa campus. Nang makita ko ang daanan papasok sa Black House ay natigilan ako. What if bumalik siya ditō sa Black house? Paano kung nasa loob siya at nasa kwarto niya? Dumiretso ako sa Black house habang iniisip na malaki ang chancē na nanditō nga siya at madaling pumasok sa kwarto niya. Ngunit nanghina na lang ako ng hindi ko siya madatnan sa kwarto niya. Nasaan ka ba Syden? Habang hinahanap ko siya kanina, umaasa rin ako na makikita ko sina Blake at Max na maaaring kasama niya.
Pero kahit sila, hindi ko makita.
Napaupo na lang ako at napahawak sa ulo ko dahil iniisip ko ang mga lugar na maaari nilang puntahan. Bukod sa cafeteria, mahilig silang magikut-ikot sa campus bukod sa mga building na hindi naman nila gaanong pinapasukan ang mga ito. Wala siya sa cafeteria pati na rin sa mga lugar na madalas nilang puntahan na nadaanan ko kanina. Even Blake and Max is missing. Where the hell are they?
Napatingin na lang ako sa pintuan ng marinig kong magbukas ito habang iniisip na baka siya 'yon pero nakita ko ang buong grupo na nag-uusap at natigilan na lang ng makita ako.
"Sean, what are you doing there?" napatingin na lang ako kay Dave ng sabihin niya 'yon pero napayuko ako dahil sa dami ng pūmapasok sa isip ko.
"How's it goin?" tanong pa nito ngunit nanatili pa rin akong nakayuko. Kahit pa anong gawin ko, sa dami ng iniisip kong lugar kung saan ko sila maaaring makita, hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.
"May problema ba?" tanong ni Dean kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nagtataka ito sa ikinikilos ko. I want to ask them para tulungan ako. Gustung-gusto kong humīngi ng tulong sa ngayon dahil hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin. Pero nahihiya ako. Ako ang nagpalayas kay Syden dito tapos hihingi ako ng tulong sa kanila para hanapin siya. Kaya mas mabuti pa siguro kung hanapin ko na lang siya ng mag-isa.
I can't ask help from them .
"N-nothing. I'm just tired" tumayo na ako para ituloy ang paghahanap ngunit biglang nagsalita si Dean kaya natigilan ako, "Sean, if you're really tired you were supposed to go in your room. Pero mukhang ibang daan ata ang tinatahak mo?" tanong nito kaya napatingin ako sa kanila habang nasa harapan ako ng nakabukas na pintuan ng Black house, "There's problem right? What is it?" dagdag pa niya.
Muli ko silang hinarapan at nakita kong seryoso silang lahat na nakatingin sa akin at naghihintay para magsalita ako. Kaya ngayon wala ng dahilan para itago ko sa kanila ang problema ko, "You know... t-that I was guarding her for 1 week. Nawala lang ako kahapon....nawala lang ako ng isang araw para bantayan siya tapos ngayon nawawala na siya. Sinubukan ko siyang hanapin but I couldn't find her" I must not show them na siya ang kahinaan ko pero hindi ko napigilang lumuha dahil hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.
Simula pa lang sa paggising ko, hindi na maganda ang pakiramdam ko kaya hindi normal na basta-basta na lang silang nawala at hindi bumabalik magmula kahapon sa kwarto nila. Pinunasan ko na lang agad ang mga luha ko dahil ayaw kong makita nila akong ganito.
Nakita kong lumapit si Dean sa akin at napansin ko rin na nag-aalala siya dahil sa sinabi ko, "What do you mean you couldn't find her?" tanong nito.
Tinignan ko sila ng maayos at kitang-kita ko ang pag-aalala nila, "S-she's missing
..even her boyfriend and bestfriend, hindi ko mahanap. Hindi pa raw sila bumabalik sa kwarto nila magmula kahapon. I-i just don't know what to do!" pahayag ko sa kanila.
"Do you mean kanina mo pa sila hinahanap?!" tanong ni Dean kaya tumango ako at napayuko.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa amin?! You should have told us!" sigaw nito.
"Dahil busy kayo sa Rebel's house, ayaw ko namang istorbohin kayo sa bagay na kaming dalawa ang nag-umpisa- " pahayag ko ngunit hindi niya ako pinatapos.
"Ganyan ba ang tingin mo sa amin?! Na ang tingin namin sa inyong dalawa istorbo lang?! Oo nagkagulo! But we still care for her kaya hindi namin hahayaang may mangyari sa kanya!" saad nito.
"Sa dami ng ginawa niya, I couldn't ask for help anymore"
"Kahit pa nasaktan niya kami dahil sa nangyari, it doesn't mean na wala na kaming pakielam sa kanya!" sagot ni Dave kaya napatingin ako dito na masamang nakatingin sa akin.
"Hindi ko na siya dapat pinalayas! If anything happens to her, I won't forgive myself" mahina kong sabi habang nakayuko.
"What you did is for her. Hindi mo naman ginustong mas maging malala ang sitwasyon. Mas mabuti pa, hanapin na natin siya kaysa sa pagtalunan pa natin 'to" sambit ni Dustin kaya muli ko silang tinignan at napangiti ako ng bahagya.
Tumango na lang ako at naglakad palabas ng Black house kaya't sumunod na rin sila ngunit nagsalita si Nash kaya napatingin kami sa kanya, "Mas mapapabilis ang paghahanap natin kung maghihiwa-hiwalay tayo" sambit nito kaya tumango kaming lahat pero nagsalita ako, "If ever na makita niyo sina Max at Blake na hindi kasama si Syden, sigurado akong may kinalaman sila sa pagkawala niya"
"Paano kung makita natin silang tatlo na magkasama or si Syden na maayos pala ang lagay?" tanong ni Dustin kaya tinignan ko siya.
"I will take her back" seryoso kong sabi kaya nagkatinginan na lang sila. If it's the only way para hindi na ako magisip-isip pa kung anong mangyayari sa kanya, mas magandang ikulong na lang namin siya kagaya ng iniisip niya.
After that, we parted ways para hanapin siya pero hindi pa man nakakaalis si Dean ay kinausap ko na ito, "Thank you" wala na akong alam na sabihin sa kanya at tanging pasasalamat na lang dahil sa lahat. Hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit itinuon niya ang sarili niya sa mga nangyayari sa Rebel's house para kalimutan na rin ang nangyari at makapagmove-on.
"If something happens to her, you know what to do" seryosong sabi nito.
"Don't worry, I wont stop you" sagot ko naman. If something happens to my sister, humanda lahat ng taong gumawa ng hindi maganda sa kanya, and I won't stop Dean from punishing them. That's what he meant.
Humiwalay na ako sa kanya at ngayon ay hiwa-hiwalay na ang buong grupo para lang hanapin si Syden. Hinanap ko siya ng hinanap at hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahahanap. Pumasok ako sa mga pinakamalapit na building na nakikita ko at binuksan ko lahat ng classrooms para lang hanapin siya doon ngunit wala pa ring pagbabago.
Nang makalabas ako sa building na pinasukan ko ay lumipat ako sa kabilang building at doon nag-umpisang pasukin lahat ng classrooms. Hindi ako mapapagod na gawin ito ng paulit-ulit basta ang mahalaga, mahanap ko si Syden. Nang marating ko ang dulo ng hallway ay napatingin ako sa club, nanlaki na lang ang mata ko ng makita ko sina Blake at Max na pumasok sa club na 'yon kaya tuluyan akong lumabas ng building para makapunta sa likuran nito kung nasaan ang club. Nakita kong hindi nila kasama si Syden at ipinagtaka ko pa kung bakit nakaakbay si Blake kay Max at masaya pa silang dalawa kaya't naghinala na ako.
May kinalaman sila sa pagkawala ni Syden. My hand formed into fist while staring at them badly.
May kausap silang lalaki sa entrance ng club ngunit hindi nagtagal ay tinalikuran na nila ito at naglakad papalabas sa club. Ang buong akala ko ay papasok sila sa club na 'yon pero mali pala ako. Pumasok sila sa building kaya sinundan ko sila. Ngunit ng makita kong si Blake na lang ang naglalakad at hindi nito kasama si Max ay nilapitan ko ito sa paraan na hindi niya malalaman at itinulak ko siya sa pader kasabay ng pagtutok ko sa kanya ng kutsilyong hawak-hawak ko na galing sa bulsa ko. Nabigla ito ngunit ng makita niya ako ay napangisi siya, "Nasaan ang kapatid ko?!" tanong ko dito habang nagpipigil ng galit dahil baka mapatay ko pa siya.
"Long time no see, Sean Raven! Wala na siya! Wala na si Syden!" sagot nito kaya mas lalo ko pang itinutok sa leeg niya ang kutsilyo lalo na't kitang-kita ko na tuwang-tuwa siya habang sinasabi 'yon.
"Hayop ka?! Saan mo siya dinala?!"
"Hinding-hindi mo na siya makikita!" nakita kong abot tainga ang pagngiti nito ng masama ngunit pinigilan ko ang sarili ko na patayin siya.
"ANONG GINAWA MO SA KANYA?!" sigaw ko dito.
"Hindi mo na siya makikita dahil pinatay ko na siya! Pwede mo rin naman siyang makita pero patay na siya!" sabay pagtawa nito ng masama na tila tuwang-tuwa. Pero kahit ulit-ulitin niya 'yon, hindi ako maniniwala sa sinasabi niya. Hindi pa patay ang kapatid ko at hindi totoo ang mga sinasabi niya!
"Sinasabi ko sa'yo, kapag may nangyaring masama sa kanya papatayin kita!"
"Really? Uunahin kita!" saad niya at nabitawan ko na lang ang kutsilyong hawak ko ng bigla akong mailock ng isang babae sa mga bisig nito at nakilala kong si Maxine 'yon.
Lumaban ako upang makaiwas sa mga ito lalo na't nakita kong napangisi ng masama si Blake habang nakatingin sa akin. Nagawa kong makawala sa mga bisig ni Max kaya nagkalaban kaming dalawa ngunit ng maitulak ko ito ay nakita ko na lang na may hawak na injection si Blake at astang itutusok niya sa akin 'yon ay biglang nabasag ang hawak nitong injection dahilan upang matapon ang laman nito sa sahig dahil may naghagis ng kutsilyo papunta dito.
Napatingin na lang ako sa hallway at nakita ko ang buong grupo na kasama si Dean. Mukhang dito pa talaga kami nagkita-kita at sila ang naghagis ng kutsilyong 'yon para masira ang hawak ni Blake na injection. Pero para saan naman ang injection na 'yon? Bakit siya may ganon? Nakakapagtaka lang kung para saan 'yon at bakit may ganon siya.
Nang mapansin nilang dalawa ni Max ang buong grupo ay nagmadali silang umalis at pipigilan ko sana sila pero hinarangan ako ni Dean kaya sa kanya ako napatingin habang nakakalayo na ang dalawang 'yon, "Huwag muna ngayon, may oras din sila.
We need to find your sister first" sambit nito.
✿ Dean's POV ✿
Simula ng marinig ko kay Sean na nawawala si Syden, I couldn't help but to think. Na sana okay lang siya, na sana hindi siya nasasaktan at sana maayos ang lagay niya. Handa akong kalimutan ang lahat ng nagawa niya basta makita ko lang siya ulit. Ipinakita ko sa buong grupo na hindi na ako interesado sa kanya, pero ngayong nawawala siya, hindi ko magawang itago ang totoo na gusto ko siyang makita ulit at iligtas. Sobrang nag-aalala na ako lalo na't hindi maganda ang pakiramdam ko sa nangyayari ngayon. Parang may nawawala sa akin at 'yon ang hindi ko maintindihan kung bakit.
Nang magkahiwalay kami ng buong grupo para hanapin siya, pinuntahan ko kaagad ang mga building at lahat ng lugar kung saan ko siya maaaring makita. Ngunit mas lalong hindi naging maganda ang pakiramdan ko ng mapasukan ang pinakahuling building na hindi ko pa napupuntuhan. Tinignan ko ito bago ako tuluyang pumasok doon at sa paglalakad ko, binubuksan ko lahat ng saradong pintuan para makita kung nasaan siya. Ang iba naman ay nakalock kaya kung minsan ay sinisira ko ito para lang magbukas at mahanap ko siya, pero sa dami ng pintuang sinira at binuksan ko, wala pa rin siya, hindi ko siya makita.
Sa patuloy na paghahanap, nanatili na lang akong nakasandal sa pader dahil bago pa man ako lumiko ay nakita ko na sina Clyde at Roxanne pati ang iba sa mga members nila. Nakita kong may saksak si Roxanne at inaalalayan siya ni Clyde para makatayo. Pansin ko rin na dalawa sa mga Redblades, may malalim na sugat ang isa sa kanyang leeg at ang isa naman ay sa kanyang dibdib kaya 'yon ang ipinagtaka ko. Sino namang gagawa ng ganyan sa kanila?
Ngunit nakaramdam ako ng takot ng mapatingin ako sa pader na nasa tapat nina Roxanne at Clyde. Nakuha nito ang buong atensyon ko kaya't mas lalo akong kinabahan lalo na't hindi ko pa nakikita si Syden. Nakita ko ang pader na 'yon na punung-puno ng dugo at tumutulo pa ang dugo na ito pababa. Normal na lang sa akin na makakita ng dugo, pero ang dugong nakikita ko ngayon sa pader na 'yon ay hindi normal para sa akin.
Habang abala akong nakatingin doon ay biglang dumating ang member ni Clyde at nakita kong hawak-hawak nito ang kanyang buong mukha na punung-puno ng dugo at parang hindi na niya mabuksan ang isa niyang mata, "What happened to you?!" sambit ni Clyde dito habang gulat na gulat na nakatingin sa mukha ng member niya.
"That girl is really crazy Clyde! He did this to me! And she managed to kill one of us! Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya! Babalikan ko siya!" galit na sabi nito.
"What?! Seriously?! How did she do that?!! Kanina si Roxanne at Redblades, ngayon naman pati kayo nagawa niyang masugatan ng ganyan?!" gulat na tanong ni Clyde na parang hindi makapaniwala.
"Sa tingin ko ay tuluyan ng nasiraan ng ulo ang babaeng 'yon!" saad ng member niya.
"Dont worry. We'll definitely catch her! Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya kay Roxanne!" masamang sabi ni Clyde at naging masama ang tingin nito. Pagkatapos noon ay tuluyan na silang umalis habang inaalalayan niya pa rin si Roxanne. Pero hindi na maganda ang kutob ko dito.
Muli akong naglakad upang hanapin siya pero iba ang nadatnan ko sa hallway, katulad ng sinabi ng member ni Clyde kanina, may napatay nga ang babaeng pinag-uusapan nila dahil nakita ko na lang na nakahandusay sa sahig ang isang member ni Clyde at nakita kong malalim ang pagkakasaksak dito. Tumutulo pa rin ang dugo mula sa pagkakasaksak sa kanya kaya sigurado akong kakatapos lang nilang kalabanin ang babaeng 'yon na tinutukoy nila.
Muli akong lumiko at nakita kong magkakasama sina Dave, Dustin at Nash kaya napatingin sila sa akin, "Have you seen her?" tanong ko sa kanila pero base sa ekspresyon nila, alam kong hindi pa. Kaya itinuloy ko ang paglalakad sa kaisa-isang daan na hindi pa namin napupuntahan at sumunod naman sila sa akin.
Mula sa di kalayuan ay natanaw namin si Sean na kausap si Blake at halatang nagpipigil ito sa galit habang mahigpit niyang hawak ito at tinututukan ng kutsilyo. Nakita naming may umipit sa leeg ni Sean gamit ang braso nito kaya niya nabitawan si Blake. Nagulat na lang kami ng makita naming naglabas ito ng injection, astang itutusok ito ni Blake sa kanya ay naghagis ako ng kutsilyo papunta mismo sa direksyon ng injection na hawak niya kaya bago niya pa man magawa ang balak niya kay Sean ay nasira na ito kaya't nabigla silang talo. Nakita rin namin na unti-unting tumatayo yung Maxine na kasama nung Blake na 'yon.
Tumayo silang dalawa at nagmadaling tumakas dahil papalapit na kami sa kanila. Balak pa sana silang habulin ni Sean ngunit pinigilan ko siya kaya napatingin siya sa akin, "Huwag muna ngayon, may oras din sila. We need to find your sister first" sambit ko dito na halatang nagpipigil ng galit. Sigurado naman akong kahit alam nila kung nasaan si Syden ay hindi sila magsasalita at sayang lang ang oras para kausapin pa sila.
"May kinalaman sila sa pagkawala ni Syden! I need to force them para sabihin sa akin kung nasaan siya!" sigaw nito at muli siyang napatingin sa labas ng building kung saan dumaan sina Blake at Max. Ngunit hindi na lang kami nakapagsalita ng makita naming biglang pumasok sa building ang mga kaibigan ni Syden at hindi namin maipaliwanag kung bakit ganoon ang mga itsura nila.
.....
✿ Author's POV ✿
Napatingin na lang ang buong grupo ng makitang pumasok sina Icah, Maureen at Hadlee na kasama si Leigh. Napatingin din naman ang mga ito sa buong grupo kaya natigilan sila sa paglalakad at tila hindi sila mapakali.
"Nakita niyo ba si Syden?" tanong ni Raven sa kanila at pansin ng buong grupo na nagtinginan ang apat na parang hindi sila mapakali ngunit muling tumingin sa kanya si Icah at madalas itong yumuyuko na hindi makatingin ng diretso kay Raven, "O-oo"
"Where is she?" nag-aalalang tanong niya dito at lumapit pa sa kanila.
"Actually....." hindi na mapakali si Raven kung bakit hindi makapagsalita ng diretso ang mga ito at nagtitinginan lang silang apat kaya't napasigaw ito, "Pwede bang sabihin niyo na kung nasaan siya?!" lubos nila itong ikinagulat ngunit 'yon na rin ang dahilan upang magsalita si Maureen, "Raven kasi....h-hindi namin siya malapitan at makausap" sambit nito habang nagtitinginan pa rin silang apat.
"Looks like she's becoming...." nagsalita si Hadlee kaya't napatingin lahat sa kanya ngunit nagdadalawang-isip ito kung sasabihin niya ba talaga ang nakita niya ngunit hindi rin nagtagal ay nagsalita na ito, "I-i mean..parang wala sa sarili- mukha siyang natataranta habang may hawak na kutsilyo tapos..... punung-puno siya ng dugo- bigla na niyang mapatay si Leigh kanina... tapos ayaw niyang may lumapit sa kanya kaya hindi namin siya nalapitan" sambit nito ngunit hindi magawang makatingin ng diretso kay Raven at hindi rin makapagsalita ng maayos dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari.
"Pagkatapos umalis siya na parang nawawala na siya sa sarili niya. Hahanapin ka din sana namin para malaman mo ang nangyayari sa kanya- " pahayag ni Icah ngunit hindi na nakapagpigil ito.
"F*ck it! Saan siya pumunta?!" galit na tanong nito na ikinagulat nilang apat.
"Pumasok siya sa building na 'yon, balak sana namin siyang sundan- " sabay turo nila sa building na pinasukan ni Syden ngunit hindi ulit sila pinatapos ni Raven sa pagsasalita, "Fine huwag na kayong magbabalak na pumunta doon o sumunod sa amin!" saad nito sa kanilang apat kaya't tumango na lang sila at umalis na ang grupo para pumasok sa building na pinasukan ni Syden. Sumusunod lang ang buong grupo sa kanya dahil alam nilang mas alam niya what's best for his sister dahil kilala na niya ito ng lubusan.
Pagkapasok nila sa building na 'yon ay nakitang sarado lahat ng classrooms maliban na lang sa laboratory na nakabukas ang pintuan nito at mukhang may tao sa loob. Pumunta sila doon at nasilip nila ang loob ng laboratory. Nakita nila doon si Syden ngunit hindi sila nagpakita, "We need to guard the whole laboratory. Walang ibang pwedeng makapasok kahit tayo" sambit ni Raven na ipinag-alala ng buong grupo.
"What?!" gulat na tanong ni Dustin sa pabulong na paraan upang hindi sila marinig ni Syden.
"Sila Icah na ang nagsabi, hindi nila siya malapitan dahil ayaw niya. Wala na sa sarili si Syden at tuluyan na siyang nawalan ng kontrol" pahayag nito sa kanila at halatang lubusan na siyang natataranta.
"Kailan pa nangyari 'to? Bakit nagkaganyan siya?!" tanong ni Dave.
"Nangyari na 'to sa kanya dati dahil sobrang nasaktan siya at kinain na siya ng sakit na nararamdaman niya kaya nawalan siya ng kontrol. Nilapitan ko siya noon sa ganyang sitwasyon and she almost killed herself dahil nagpumilit akong lumapit. Good to know na nabitawan niya yung basag na salamin na hawak niya kaya hindi niya nasaksak ang sarili niya. I'm telling you mahirap siyang lapitan sa ganitong sitwasyon. And seeing her like this, nahihirapan at nasasaktan ako! I did not expect na magiging malala ang sitwasyon niya lalo na't hindi ko alam kung paano nag-umpisa at bakit nagkaganito siya!" hindi nito alam kung paano niya ililigtas ang kapatid niya at tuluyang nanghina ang loob nito dahil sa pagsisisi kung bakit niya pinalayas si Syden. Kitang-kita ng buong grupo na nasasaktan ito lalo na't unti-unting tumulo ang mga luha niya na pinipilit niyang itago.
"Sean, we'll let you decide dahil ikaw lang ang nakakaalam kung anong mas makakabuti para sa kanya. Now tell us, anong balak mo?" tanong ni Dave at muli niyang pinunasan ang kanya mukha.
"We can't let her see us. Kapag nakita niya tayo, hindi niya hahayaang makalapit tayo sa kanya and I'm afraid na may gawin siyang hindi maganda sa sarili niya kapag nangyari 'yon"
"So what's your plan?" tanong ni Dave at napansin nitong tahimik ang leader nila na nakayuko habang nakasandal sa pader kaya't siya na ang nagsasalita.
"Hindi ko alam" sagot nito na parang hindi na alam ang gagawin sa dami ng iniisip at napasandal na lang din sa pader.
"You need to calm down. You need to think. We can't decide dahil ikaw ang mas nakakakilala sa kanya and you know what's better for her" saad ni Dustin kaya napatingin siya dito at natahimik.
Ngunit sa kaloob-looban ni Dean Carson ay maraming bagay ang gumugulo sa kanya kaya't tahimik lang ito.
(Seeing the girl I love the most like this, anong ginagawa ko? Bakit wala akong ginagawa? Bakit hinayaan kong magkaganito siya? Ang sakit na makita siyang nagkakaganito, na mas gusto kong ako na lang ang nasa posisyon niya para lang hindi na siya mahirapan. She's full of blood and I can't even look at her directly. Isang patak lang ng dugo ang makita ko sa kanya, masakit na. Pero yung makita siyang puno ng dugo, ikamamatay ko na)
Napatingin na lang ang buong grupo ng nilapitan ni Dean si Raven at may sinabi ito dito na kahit mahina ay narinig nilang lahat. Pagkatapos noon ay tinignan siya ni Raven at kitang-kita sa mga mata ni Dean na nasasaktan siya pero pinilit nitong maging seryoso, "It's the only way, Sean"
"Do you have a plan kung paano natin magagawa yon?" tanong ni Raven sa kanya.
Tinignan ni Dean si Nash at nagdadalawang-isip si Nash kung gagawin niya ba ang planong naisip ni Dean pero wala ng paraan kaya't may kinuha itong bote sa bulsa niya at ipinakita kay Raven. May laman itong liquid sa loob at hindi pa nababawasan.
"This will hurt Sean, but it's the only thing I have" sambit ni Nash sa kanya at kitang-kita sa kanilang mga mata na hindi magiging madali sa kanila ang desisyon na ito.
"Nasasaktan na siya, sasaktan ko pa ba?" tanong nito habang nahihirapan kung papayag ba siya sa plano o hindi. Ngunit patuloy pa rin ito sa pagluha na pinipilit niyang pigilan.
Napatingin silang lahat kay Syden at nag-umpisa silang mataranta para lang mapapayag si Raven sa plano lalo na't balak inumin ni Syden ang kulay asul na gamot na hawak niya na kapag nainom niya ay siguradong ikamamatay niya.
"Sean, you need to decide now! Once na mainom nya ang gamot na yon, mamamatay cya. It's not just an ordinary medicine. It's a drug at malakas ang epekto non!" pagpupumilit ni Dave sa kanya at tila masisiraan na ito ng ulo sa pag-iisip.
"I can't hurt her!" sambit nito sa kanila at hindi na maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya.
"We need to do this or else you'll lose her" pagpupumilit pa rin nila sa kanya.
It's not easy for them to decide but it's the only way.
Kahit na nahihirapan si Raven na magdesisyon ay ipinikit nito ang mga mata niya at pinilit na magsalita habang patuloy pa rin sa pagluha, "Fine. Let's just do it. Please! Just do it!" sambit nito na sadyang hirap na hirap na at nakasandal pa rin sa pader. Kinuha nito ang kutsilyo mula sa kanyang bulsa at agad naman itong kinuha ni Nash sa kanya at ibinuhos lahat ng laman ng bote sa kutsilyong 'yon.
Aktong iinumin na ni Syden ang gamot ay hindi nagdalawang-isip na ihagis ni Nash 'yon para masugatan ito sa kanyang kamay dahilan upang mabitawan niya ang gamot na hawak niya. Ngunit wala ni isa sa mga members ang tumingin sa ginawa ni Nash maliban sa kanya dahil hindi nila kayang tignan ang ginawa nila kay Syden.
Unti-unting tinignan ni Raven ang kanyang kapatid na mas nasasaktan dahil sa sugat na natamo nito at tiniis niyang tignan si Syden na nanghihina at mas dumarami pa ang dugo na lumalabas sa sugat nito.
"Gaano ba kasakit 'yon?" tanong nito habang nakatingin sa kanyang kapatid.
"Mahapdi at sobrang init sa pakiramdam" sagot naman ni Nash sa kanya.
Hinintay nilang bumagsak ito kaya't tuluyan na nila siyang nilapitan pagkapikit pa lang ng mga mata niya. Nakita nila siyang punung-puno ng dugo at ito pa ang mas lalong nakapagpasakit sa loob nila ngunit pinilit nilang lakasan ang loob habang tinitignan siya. At may ibinulong si Sean dito bago niya binuhat,
"Soon, it will be over"
....
But Dean Carson seeing the girl he loves, he looked at her directly while saying to himself,
"Ibabalik ko sa kanila lahat ng ginawa nila sayo sa paraang pinamasakit at pinakamahirap!"
"Punishment is not enough, blood is all I want. I will make them suffer, make their lives miserable. At sisiguraduhin kong pagsisisihan nilang nabuhay pa sila sa mundong 'to sa pamamagitan ng mga kamay ko!"
His eyes became as deadly as hell.
"I will let them taste what's worst"
To be continued...