webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · Adolescente
Classificações insuficientes
80 Chs

♥ CHAPTER 83 ♥

✿ Syden's POV ✿

Mula sa himbing ng pagkakatulog ay nagising ako at kinapa ang relo ko sa may tabi ng unan. Nakita ko ang oras at magaalas-otso na. Hindi ko naman namalayan na late akong nagising ngayong araw na 'to.

Lumipas ang pitong araw, naging maayos ang takbo ng buhay ko. Walang nangyaring masama, walang nanggugulo sa akin at sa amin, at higit sa lahat, naging masaya ako kasama sina Blake at Max. Sabay-sabay kaming kumakain sa cafeteria at nililibot ang buong campus paminsan-minsan. Pero madalas kaming nandito sa kwarto, sama-sama at masayang nagkwekwentuhan lalo na kapag pinag-uusapan namin ang mga masasayang nangyari dati na mahirap kalimutan. Masaya at tahimik lang. 'Yun ang naranasan ko habang kasama ko ang bestfriend at boyfriend ko. Ang mabuhay ng ganito ang tanging inaasam ko, pero kahit nakuha ko na ang tahimik at masayang pamumuhay, pakiramdam ko may kulang. Sa tingin ko namimiss ko si Raven kaya ko nararamdaman 'to.

Nakatingin lang ako sa kisame habang inaalala lahat ng masasayang nangyari habang kasama ko sina Blake at Max. Napangiti ako dahil doon ngunit agad din itong napawi simula ng maalala ko si Raven. Siguro nga hindi na niya talaga ako kakausapin kahit kailan. Pero masakit pa ring isipin na natiis niyang hindi kami mag-usap ng one week. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil ito ang desisyon na pinili ko, ang umalis sa Black House. Hindi ko rin naman nakita ang grupo sa loob ng one week na 'yon, hindi ko na alam kung bakit hindi na rin sila nagpapakita.

Tumingin ako sa kabilang banda at nakitang wala na rin si Blake. Siguradong gising na sila ni Max at baka kumain na sila dahil natutulog pa ako. Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama. Tinignan ko muna ang buong paligid at huminga ng malalim bago ako tumayo para makapag-ayos at mapuntahan sila sa cafeteria dahil ganitong oras, siguradong kumakain pa kami. Sadyang late lang talaga ako sa paggising kaya iniwanan na nila ko.

Dumiretso ako sa pintuan upang lumabas at sundan sila ngunit pagkasara ko sa pinto ay nakita ko silang dalawa na naglalakad sa hallway. Ibig sabihin, kakaalis lang din nila. Pero buti, naabutan ko pa sila. Tumakbo ako upang habulin sila dahil papalabas na sila sa building. Balak ko sana silang tawagin dahil hindi naman kalayuan ang distansya ko sa kanila ngunit hindi ko na ito nagawa ng mabaling ang atensyon ko sa isang madilim na classroom. Ito lang ang kaisa-isang classroom na hindi buong nasisinagan ng araw. Napatingin ako doon at napansin kong may maliit na bintana doon kung saan nakakapasok ang sinag ng araw ngunit sadyang maliit lang ito.

Tinignan ko ang direktang posisyon kung saan nakatutok ang sinag ng araw sa classroom na 'yon at nakita kong may kaisa-isang estudyante na nakaupo sa classroom na 'yon at nakakapagtaka lang dahil hindi ito gumagalaw. Siya ang direktang nasisinagan ng araw kaya kitang-kita ko ito. Kusang gumalaw ang mga paa ko papasok sa classroom na 'yon at unti-unti itong tumingin sa akin. Mas lalo na lang akong nagtaka dahil nagtama ang mga mata namin ngunit hindi pa rin siya gumagalaw at nagsasalita. Mas lalo ko pa itong nilapitan kaya unti-unti ring pumasok sa isip ko kung bakit hindi ito nagsasalita at gumagalaw. Habang papalapit ako sa kanya, nakita kong nakatali ang buong katawan nito sa isang upuan by using a wire with spikes kaya't sugatan ito. Kinabahan ako dahil dito ngunit tinignan ko pa rin siya mula ulo hanggang paa, napatakip na lang ako ng bibig ng makita kong nakatahi ang bibig nito sa pamamagitan din ng alambre. Nakita kong lumuha ito habang nakatingin siya sa akin at hindi ko gugustuhing mapunta sa posisyon niya. Hindi ko magawang gumalaw na tila nakapako ang mga tingin namin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tulungan o hindi. Kung tutulungan ko siya, maaaring mas masaktan siya kung gagalawin ko ang anumang parte ng alambre na nakatali sa kanya. Ngunit hindi ko matitiis na tignan na lang siya ng ganito kaya't kahit nahihirapan akong gumalaw. Pinilit kong lapitan pa ito habang nag-uumpisa ng manginig ang katawan ko.

Sinubukan kong hawakan ang alambre na nakatali dito ngunit hindi ko na 'yon nagawa ng marinig kong nagsara ang pintuan ng classroom na pinasukan ko kaya nagulat ako at napatingin doon, "Syden? Anong ginagawa mo dito?" hindi ko nagawang makasagot dahil nabigla rin naman ako sa kanya at mukhang napansin naman niya 'yon, "Nevermind. Mas maganda na rin sigurong nandito ka. Then you'll have to witness everything that will happen here" ipinagtaka ko na lang ang biglaang pagsulpot ni Max sa lugar na 'to, lalo pa't pagkatapos niyang sabihin 'yon ay ngumiti ito ng masama.

Napatingin ako sa babaeng nakatali sa harapan ko bago ko ulit tinignan si Max, "Max? W-who is she?" tinignan ko itong muli at halatang gusto niyang masalita ngunit hindi niya magawa, "B-bakit siya nakatali?" at tinignan ko ang nakatahi nitong labi, "Bakit siya nagkaganito?" tanong ko kay Max na nanatili pa ring nakatayo sa harap ng saradong pintuan at nakasandal siya roon.

"Hindi naman mangyayari sa kanya 'yan kung wala siyang ginawa" saad nito na lalo kong ipinagtaka.

"We need to help her" sambit ko kay Max ngunit nanlaki ang mga mata nito na parang hindi sang-ayon sa gusto ko, "No! If you will set her free. She will kill all of us!" sigaw nito sa akin. Ayaw ko mang isipin na may alam siya dito pero imposible ang iniisip ko. Base sa ekspresyon ni Max, mukhang may kinalaman siya sa nangyari sa babaeng 'to.

"Max...sabihin mo sa akin.....na wala kang kinalaman dito" tanong ko sa kanya at hindi ko na mapigilan na magalit at manginig dahil mukhang tama nga ang hinala ko.

 

Nanlaki ulit ang mga mata niya bago tinignan ang babaeng nasa harapan ko at muli niya akong tinignan, "N-natakot ako na baka patayin niya tayo! K-kaya nagawa ko 'yan sa kanya pero hindi ko ginusto 'yon- " nakaramdam na ako ng sobrang galit simula ng marinig ko lahat ng sinabi niya kaya hindi ko na siya pinatapos pa, "I can't believe this! Max! What you did is so brutal! Hindi 'yon sapat na rason para gawin mo sa kanya 'to!" sigaw ko dito habang itinuturo ang babaeng pinahirapan niya. I was on that girl's position, hindi man kami pareho ng naranasan but I know the feeling of being tortured! BAKIT NIYA NAGAWA 'TO!

"Isa pa anong rason para patayin niya tayo!?" sigaw ko sa kanya ngunit biglang nag-iba ang mukha nito na sadyang ikinagulat ko. Tinapatan ako nito at nagtama ang mga mata namin na galit na nakatingin sa isa't-isa, "Don't you dare tell me...kung anong dapat kong gawin!" masamang sabi nito kaya natigilan ako. Bigla itong nag-iba at parang hindi siya yung kaibigan ko. This is not her! Hindi ganito si Max!

Tinignan ako nito ng sobrang sama habang nasa harap ko pa rin siya at tinignan niya rin ang babaeng kasama namin na pinahirapan niya ng dahil lang sa takot. Dahan-dahan itong lumapit sa babaeng 'yon habang nakatingin siya ng masama at base sa pagtingin sa kanya ng babae, ay parang nagmamakaawa ito na pakawalan na siya ni Max. Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa ni Max 'to. Paano niya 'to nagawa? Ano bang kasalanan ng babaeng ito sa kanya para pahirapan niya ng ganito?!

Nasa harapan siya ngayon ng babaeng 'yon at nagtama ang kanilang mga mata bago ito nagkibit-balikat at nagsalita, "Remember the day when the council brought 50 students from Heaven'sWard High para mapunta sa impyernong 'to?" tinignan niya ako at ibinalik rin ang tingin sa babaeng 'yon, "Kasama kami ni Blake doon. After iannounce ng council na may mga bagong estudyante na galing sa Heaven'sWard High, there were explosions kaya nagsitakbuhan lahat ng estudyante para magtago sa mga kanya-kanyang nilang kwarto. They were lucky dahil may napagtaguan sila..." muli akong tinignan nito, "But how about us? Baguhan pa lang kami kaya hindi namin alam kung saan kami magtatago. Hindi namin alam kung saan kami pupunta. We did not know what to do. Parang kaming mga baliw na tinitignan ang paligid at hindi alam kung saan pupunta" nakita kong lumuha siya ngunit pinunasan niya rin agad ito. 

"Let me tell you a secret" nilapitan niya ako kaya muli kaming nagtapat, "Those explosions were intentional. Sinadya nilang magpasabog para magtakbuhan lahat ng estudyante at maiwan kaming mga baguhan. While others were busy escaping, isa-isa kaming kinuha. All of us were kidnapped at walang nakapansin noon dahil busy ang lahat na makapagtago dahil sa mga pagsabog" nanatili lang akong nakatingin dito habang nakikinig sa mga sinasabi niya. 

"A group of men kidnapped us and encouraged us to join them for protection" muli niyang nilapitan ang babaeng 'yon at pumunta sa likod nito, " Sino ba kami para tumanggi kung alam naman naming hindi kami magtatagal sa eskwelang 'to" pahayag niya ngunit nagsalita ako tungkol sa sinabi niya, "Who are they?" referring about that group who kidnapped them.

Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko at nakita kong may kinuha ito mula sa kanyang bulsa, "That's why we..." nabigla na lang ako ng itaas nito ang kamay niya at ipinakita sa akin ang hawak niyang isang injection, "Intentionally joined them" sambit niya. Tinignan nito ang hawak niyang injection at iniayos ang pagkakahawak dito at tinignan niya ako ng masama habang gulat naman ako dahil sa nakikita ko, "But in exchange for our protection" ngumiti siya ng masama at mas ikinabigla ko pa ng isaksak niya sa balikat ng babae ang hawak niyang injection at mas lumapad pa ang ngiti nito, "We need to do everything that they want us to do" sambit nito habang nakatingin sa akin at unti-unting inuubos ang laman ng injection na hawak niya habang nakatusok sa babae. Nanghina na lang ako ng makita ko ang babaeng 'yon na unti-unting nanginginig, nag-uumpisa na rin itong mamutla at namamawis, na tila naliligo ito sa sarili niyang pawis. Napaatras na lang ako habang nakatingin sa nanginginig niyang katawan at napatingin na rin ako kay Max na halatang natutuwa habang nakatingin sa akin. Umatras ako ng umatras hanggang sa mahawakan ko ang pintuan at tumalikod na ako upang buksan 'yon. Anong ibig sabihin ng lahat ng nakita kong ginawa ni Max?! Ibig sabihin ba nito, isa siya sa mga killer?! Pa-paano nangyari....

Ngunit nagulat na lang ako ng makasalubong ko si Blake pagkabukas ko sa pintuan kaya hindi ako nakalabas. Unti-unti akong nilapitan nito kaya muli akong napaatras  hanggang sa maisara niyang muli ang pintuan, "Pati ba ikaw Blake?! Kasama ka rin sa grupong 'yon?!" tanong ko dito at naluha ako ngunit pinunasan ko rin agad iyon. Hindi ako sinagot nito bagkus ay si Max ang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya, "Come on Blake. There's no need to pretend now. I told her everything" sambit nito kaya muli kong tinignan si Blake, "Ganon ba? Then we're very sorry. Pero ngayong alam mo na ang tungkol sa amin" nakita kong hinawakan nito ang door knob at narinig kong naglock ang pintuan, "You can't escape now" sambit nito na tuluyang nakapanghina sa akin. Anong ibig niyang sabihin? Are they planning to kill me dahil nalaman ko na ang lahat tungkol sa kanila? Paano nila nagawa sa akin 'to? Sila ba talaga ang kaharap ko ngayon?! IMPOSIBLE! PAANO NANGYARI LAHAT NG 'TO! HINDI SI MAX 'TO AT LALUNG-LALO NA, HINDI SI BLAKE ANG KAHARAP KO. TILA IBANG TAO ANG KAUSAP KO NGAYON! THEY ARE ONE OF THE KILLERS! IBIG SABIHIN NITO, HINDI LANG SI JULEZ ANG PUMAPATAY....KASAMA SI JULEZ SA GRUPONG BINANGGIT NI MAX KANINA! MAGKASABWAT SILANG TATLO!

"Niloko mo 'ko! Niloko niyo akong dalawa! Wala akong kaibigan na mamamatay tao!" sigaw ko sa kanila habang tinitignan ko silang dalawa. The girl earlier slowly died at muli nanaman akong nakakita ng ganitong klasing pagkamatay and all this time, the people I trusted are the killers! Tinignan ko ng masama si Blake and this time, nakatingin ito sa akin na parang wala siyang emosyon, "I thought nagbago ka na that's why I gave you another chance pero hindi pa rin pala. Una, iniwan mo ako ng walang rason at ngayon eto, hindi mo nasabing mamamatay tao pala kayo!"  nagulat na lang ako dahil bigla nitong pinisil ang magkabilang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay at nakita kong galit na galit siya, "OO! Iniwanan kita ng walang rason pero ngayon huwag kang magsisisi dahil bibigyan kita ng rason!" matapang ko siyang tinignan kahit sa kaloob-looban ko, nasasaktan ako dahil sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. I thought magiging maayos na, pero hindi pa pala. Seeing my bestfriend and boyfriend like this, they even deceived me at pinaniwala nila akong  inosente sila pero ang totoo, mamamatay tao pala sila!

"Iniwasan kita dahil narealize ko na hindi na pala kita mahal! Na wala na kong nararamdaman para sa'yo! Na sawang-sawa na ako sa 'yo at sa relasyon nating walang kwenta!!!" habang sinasabi niya ang rason na 'yon, unti-unti akong namamatay dahil sa mga masasakit na salitang binibitawan niya. Paano niya nasasabi ng lahat ng 'to?! Siya...ang lumapit sa akin at siya ang naghintay sa akin ng ilang months para lang sagutin ko siya. Pagkatapos eto ang sasabihin niya, sawang-sawa na siya sa walang kwenta naming relasyon at narealize niya na hindi na niya ako mahal?! Iniyakan ko siya ng sobrang tagal at alam ni Raven 'yon dahil siya ang kasama ko noong mga oras na nasasaktan ako dahil sa pag-iwas ni Blake sa akin tapos eto ang maririnig ko?! Anong klasing lalaki ba siya?! Ang relasyon namin na pinakainingat-ingatan ko, para sa kanya walang kwenta?!!!

Ang masakit sa lahat, yung ngayon ko lang din narealize na mas pinili ko siya kaysa sa kakambal ko na walang ginawa kundi protektahan ako! I said he deserves second chance, pero hindi pala!

Tinanggal ko ang mga kamay nito na nakahawak ng mahigpit sa pisngi ko bago ako muling nagsalita, "SAWANG-SAWA?! SAWANG-SAWA KA NA SA RELASYON NATING WALANG KWENTA?! EH ANO LAHAT NG IPINAKITA MO SA AKIN?! KASINUNGALINGAN BA LAHAT NG KA-SWEETAN AT NGITING IPINAKITA MO SA AKIN?! HA? YUNG MGA NGITI MO HABANG MAGKASAMA TAYO IBIG SABIHIN, PINILIT MO LANG NA MAGING MASAYA HABANG KASAMA MO AKO PERO ANG TOTOO NAGSASAWA KA NA?!" hindi ko na napigilan na sabihin lahat ng sakit nanararamdaman ko. Dahil sa sunud-sunod na sakit na naramdaman ko, paunti-unti akong namamatay at pinapatay dahil sa lahat ng sakit. Tao lang din naman ako dba? Wala ba akong karapatan na maging masaya at puro pasakit at dusa lang ang nararanasan ko? Mahirap bang ibigay sa isang katulad ko ang pagiging masaya at mabuhay ng tahimik?! Don't I deserve to be happy kaya palagi na lang akong niloloko? Or because it's my fault...dahil tanga ako at higit sa lahat, nagpapaloko ako??

Bigla akong hinawakan ng mahigpit nito sa magkabilang braso kaya napatingin ako ng dretso sa kanya at hindi ko na pinigilan ang sarili kong lumuha dahil sa mga nangyayari, "Oo! Kalokohan lahat ng ipinakita ko sa'yo at kasalanan mo na 'yon kung nagpaloko ka!" sigaw nito sa akin kaya't mas naiyak pa ako dahilan upang manlabo ang paningin ko. Pinilit kong ngumiti kahit nasasaktan ako, isang masamang ngiti, "Narealize mo na hindi mo na ako mahal? Bakit, dahil ba may iba ka ng mahal?" masama kong sabi dito habang lumuluha pa rin. Ngunit hinihiling ko, na sana kainin na lang ako ng lupa para hindi na madagdagan pa ang sakit.

"Maling-mali na tinanong mo sa akin 'yan. Ikaw mismo ang naghahanap ng bagay na makakasakit sa'yo! Pero dahil nandito na rin naman tayo at nagtanong ka...oo! Hindi na kita mahal dahil may iba na akong mahal. Someone that's better than you!" sambit nito sa akin kaya mas lalo akong nasaktan dahil don kaya't hindi na lang ako nakapagsalita pa, "At alam mo ba kung sino ang taong 'yon?" binitawan ako nito kaya medyo napaatras ako habang hindi ko pa rin iniaalis sa kanya ang tingin ko. Napansin kong ngumiti ito ng masama habang nakatingin sa akin at lumapit sa kanya si Max. Mas lalo na lang akong nanghina ng makita kong inakbayan niya ito at ngumiti sila ng masama sa isa't-isa bago ako tinignan, "Your bestfriend!" sambit ni Blake kaya't tuluyan na akong nanghina dahil sa narinig ko. 

No. This is not true. I'm just dreaming. Hindi totoo lahat ng 'to. I just need to concentrate dahil magigising din ako sa katotohanan na  panaginip lang ang lahat, na imagination ko lang 'to! I need to wake up now!

"Maniwala ka man o hindi. Totoo lahat ng narinig mo" sambit ni Max at nakita kong tuwang-tuwa silang dalawa habang nakatingin sa akin.

"P-paano...paano niyo nagawa sa akin 'to? Pinagkatiwalaan kita Max!" sambit ko sa kanila at patuloy pa rin ako sa pag-iyak, "Itinuring kitang parang kapatid ko pero nilalandi mo lang pala ang boyfriend ko!"

"Malandi? Nagpapatawa ka ba? Paano mo masasabing nilandi ko si Blake when we feel the same. Hindi ko siya nilandi, mahal ko siya at mahal niya ako. Tanggapin mo na lang na wala kang kwenta sa paningin niya!" sigaw nito kaya nilusob ko siya at bago ko pa man ito nasabunutan ay naitulak na ako ni Blake kaya napaupo ako sa sahig, "Don' you dare hurt her or else I will hurt you!" babala nito habang nakatingin ng masama sa akin at hindi ko na maipaliwanag kung anong klasing galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon, "Bakit?! Sa ginagawa mo ngayon, sinasaktan mo na ako!" pagkasabi ko pa lang doon ay napahawak na lang ako sa pisngi ng sampalin ako ng malakas ni Blake.

"Tumigil ka dahil baka mapatay kita!" sambit nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. 

Nakita kong pinigilan siya ni Max kaya napaatras ito ngunit masamang nakangiti si Max habang nakatingin sa akin, "It's okay Blake! Mamamatay din naman siya!" masamang sabi nito kaya't pareho ko silang tinignan ng masama. Tandaan ng dalawang 'to ang ginawa nila sa akin! Hindi ko palalampasin ang panlolo na ginawa nila! Hindi ko hahayaan na maging masaya silang dalawa! Sila ang mga taong minahal ko ng sobra pero eto ang gagawin nila sa akin? Sila ang pinili ko, pero niloloko lang pala nila ako all this time!

Tumayo ako habang masamang nakatingin sa kanila ng masama at pinilit kong ipakita na kaya ko kahit ang totoo, sobrang sakit na. Pinunasan ko ang mukha ko bago naglakad upang lumabas ngunit bago ko pa man mabuksan ang pintuan ay sinabunutan na ako ni Max pabalik at muling itinulak, "Sorry dear but you can't escape from us" sambit niya sarcastically kaya napangiti ako, "Bakit? Dahil ba alam ko na ang sikreto niyo at lahat ng inililihim niyo kaya takot kayong malaman ng lahat kung sino kayo?!" sigaw ko sa mga ito.

"No! Because it's your time to die and you can't leave this room" sambit ni Max kaya napaatras ako ng mapansin kong humahakbang ito papalapit sa akin habang hindi pa rin iniaalis ang masamang pagngiti nito.

"Total mamamatay ka rin naman. Mas mabuti kung malaman mo na ang lahat. Gusto ng leader namin na ubusin ang lahat, ng members ng Black Vipers. And the first move to do that ay ang isa-isahin kayo...at ikaw ang mauuna" napatingin na lang ako kay Blake ng magsalita ito, "And if your twin brother find out about you being dead, for sure hahanapin niya kami at 'yon naman ang oras namin para puntiryahin siya. Uubusin naming lahat ang members ni Dean Carson at siya ang pinakahuli" sambit nito habang nakangiti din ng masama.

"Why are you doing this?!" tanong ko sa kanila dahil hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung bakit ang daming nagtatangka at gustong sumira sa buhay ng mga Vipers. I was with them for how many months, they are not bad people. They don't kill just for fun!

Nilapitan ako ni Max kaya napaatras ako hanggang sa wala na akong maatrasan. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay at pinisil ito ng mahigpit kaya't diretso ko lang siyang tinignan, "We're doing this for ourselves, para mabuhay kami. And that's the rule here right? To kill or be killed. Para sa proteksyon, kailangan naming gawin ang lahat ng inuutos nila at hindi magiging makapangyarihan ang grupo namin hangga't buhay pa ang Black Vipers! 'Yon lang naman ang gusto ng leader namin, ang mamamatay lahat ng members ni Dean Carson!"

"Kill me if you want. But I'm telling you, you can never touch Black Vipers!" masama kong sabi sa kanila kaya't ngumiti rin ako ng masama. It's not easy to deceive Vipers, they have eyes everywhere.

Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa pisngi ko gamit ang isa niyang kamay at hinawakan ko na rin ang kamay nito para pigilan siya, "Bakit sa tingin mo nandito ka ngayon at kasama ka namin when you were supposed to be with the Vipers? Because all is planned Bliss Syden. Alam namin na magkikita kayo  sa rooftop ni Dean Carson, dahil nagpreprepare ang lahat ng members niya. Pinlano namin ang lahat. Sinigurado naming habang papunta ka sa rooftop, makikita mo kami at gagawa ka ng paraan para sundan kami. Kagaya ng plano, alam naming nakasunod sa amin noon sa club at sinadya ni Blake na magkabangga kayo. Sinadya niya ring halikan ka dahil nakita naming dalawa si Dean Carson na hinahanap ka sa club kaya kapag nakita niyang may kahalikan kang iba kaya hindi ka nakapunta, siguradong mag-aaway kayo. But we did not expect na lalayasan mo sila, kaya mas natuwa pa kami dahil doon dahil tuluyan kang mapapalayo sa grupo at mas mabilis ka naming mapupuntirya" lalo ko na lang ikinagulat ng marinig 'yon dahil ang buong akala ko matutulungan ko sila noong gabing 'yon, pero planado lang pala ang lahat at napakatanga ko para mahulog sa bitag nila. So he really saw us kissing. Sh*t! 

Madali kong kinuha ang kutsilyo sa bulsa ko at sinugatan ko siya dahilan upang mabitawan niya ako at dumugo ang kamay niya. Pinuntahan ko agad ang pintuan at natakot na lang ako dahil hindi ko ito mabuksan. Hinawakan ako ni Blake at itinulak ng malakas sa may pader kaya nanghina ako dahil sa sobrang sakit. Hinawakan niya ang leeg ko at hinigpitan ang pagkakahawak dito kaya't napahawak ako sa kamay niya upang pigilan siya habang si Max naman ay nasa sahig at patuloy pa rin sa pagdurugo ang sugat na natamo niya. Nakita kong naglabas ng injection si Blake kaya't mas nanlaban pa ako upang tanggalin ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa leeg ko ngunit hindi ako makalaban dahil nahihirapan akong huminga habang nakatingin ako sa injection na hawak niya. Katulad rin ito ng nakita ko dati. May nilalaman din itong liquid na parang tubig lang ang kulay ngunit alam ko ang magiging katapusan ko once na maisaksak niya sa akin 'yon. Nakita kong iniayos niya ang pagkakahawak dito at sa akin naman siya tumingin. Nginitian niya ako ng masama habang hindi ko alam kung paano ko siya matatakasan. 

Nanghina na lang ako ng nanghina at tuluyang hindi nakagalaw ng isaksak niya ang injection na 'yon sa hita ko habang nakahawak pa rin siya sa leeg ko at ramdam ko na tuluyan itong dumadaloy sa buong katawan ko kasabay ng panlalamig. Inialis na nito ang pagkakahawak niya sa aking leeg at lumapit pa ito lalo sa akin at hindi ko siya natignan dahil inilapit nito ang kanyang bibig sa tainga ko, "We...are the members of Venom" sambit nito gamit ang seryosong boses. Tinanggal niya ang injection sa hita ko at nakita kong wala na itong laman kaya't ibinalik niya ito sa bulsa niya at tinignan niya ako ng masama bago niya nilapitan si Max upang alalayan ito para makatayo. Pagkatayo nilang dalawa ay tinignan nila ako na tuluyan ng napaupo sa sahig at napasandal sa pader dahil hindi ko maipaliwanag kung anong klasing sakit ang nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng sobrang pagkahilo at parang umiikot ang paligid ko. Nakita kong tuluyan na silang lumabas at isinara ang pintuan.

Unti-unti kong nararamdaman ang sobrang panlalamig, ang paninikip ng aking dibdib at nahihirapan na rin akong huminga. Nahihirapan akong gumalaw dahil pakiramdam ko ay naninigas ang buong katawan ko kasabay ng pamumutla ng aking balat. Nakita ko rin ang mga kuko ko na nangingitim at tila basang-basa ako ng pawis. Sobrang lamig na pawis. Sobrang sakit sa ulo at pakiramdam ko ay unti-unti pinuputol ang mga ugat ko kasabay ng sobrang pagkasakit ng ulo ko na gusto ko ng isigaw ang sakit pero hindi ko magawa dahil kahit na pilitin kong sumigaw, hindi ko magawa dahil nahihirapan akong igalaw ang bibig at dila ko. 

Pero kahit gaano kahirap, pinilit kong tumayo kahit na ayaw ng gumalaw ng katawan ko. Humawak ako sa pader upang magsilbing gabay ko at inumpisahan ko ang paghakbang habang tuluyan na rin akong nanginginig sa kinatatayuan ako. Ramdam ko rin ang sobrang pagkatuyo ng aking mga labi ngunit pinilit kong maglakad papalabas ng lugar na ito. Tuluyan akong nakalabas at nakita ko ang napakatahimik na hallway. Pinilit kong maglakad kahit na nahihilo, nanginginig at nahihirapan akong gumalaw upang humingi ng tulong. Ang sakit. Sobrang sakit pero hindi ko magawang sumigaw upang humingi ng tulong. Dahil tuluyan ko ng hindi nakontrol ang katawan ko, hindi ko alam kung anong direksyon ang tinatahak ko at tuluyan na akong nanginig ng nanginig. Naramdaman ko na lang na may humawak sa akin kaya nakatayo pa ako ngunit hindi ko siya nakilala dahil hilung-hilo na ako at naramdaman ko ang sobrang panlalamig at panginginig bago ako tuluyang bumagsak dahil sa sobrang sakit na hindi ko na maipaliwanag kung saan.

Dahil sa sobrang sakit ay wala na akong nagawa kundi ang sumuko na lang.

To be continued...