✿ Syden's POV ✿
(Saturday: 7 am)
Pagkagising na pagkagising ko pa lang mula sa napakahimbing na pagtulog, ramdam ko na na magiging maganda at magaan ang araw na 'to para sa akin. Hindi ko alam bakit, basta feeling ko may mangyayaring maganda ngayong araw na 'to. Sadyang may mga araw lang talaga na maganda ang mood natin at minsan, bad mood naman. But we can't just let someone ruin our day right?
Tinignan ko muna ng ilang minuto ang kisame tapos bumangon na ako pero nanatili muna akong nakaupo sa kama. Pupunta na sana ako sa banyo para maghilamos, ngunit bago ko pa man maisuot ang tsinelas ko, may napansin ako sa table na nasa side ng kama ko. Nagsalubong ang kilay ko at kinuha ang nakadikit sa table na 'yon. Sticky note? Huh?
Kinusot ko pa ang mga mata ko para lang mabasa ng maayos ang nakasulat doon,
"Good Morning to you my sunshine!😘"
Nagulat na lang ako ng mabasa 'yon. At natulala ng wala sa oras. Kanino naman galing 'to? Sa buong talambuhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganito from unknown source pa talaga ah? Kahit nakakapagtaka kung sino ang nag-iwan nito dito, hindi ko mapigilang mapangiti. Sabi ko na nga ba, may maganda sa araw na 'to. Ipinatong ko na lang ulit ito sa lamesa at nag-umpisa ng maghilamos.
Pagkatapos kong gawin 'yon, lumabas na ako para mag-almusal. But wait, looks like something's wrong. Tinignan ko ang buong paligid at dumiretso ako sa kusina, si Raven lang ang nakita ko na palakad-lakad, hindi ko alam kung anong ginagawa niya bakit siya palakad-lakad pero napansin naman ako nito, "Gising ka na pala" sambit nito pero nagtataka pa rin ako, "Where are they?" napansin ko kasing napakatahimik at parang wala yung iba.
"Hindi ko alam" tipid nitong sagot.
"Imposibleng hindi mo alam kung nasaan sila?" sambit ko dito.
"Ang dami mong tanong. Baka may pinuntahan lang, hayaan mo na sila. Kumain ka na lang" iritang sagot nito bago ako iniwanan. Ang dami ko raw tanong, eh dalawa pa lang yung natatanong ko. Tsk!
Inisnob ko na lang siya total sinusungitan naman ako ng lalaking 'to kaya naghanap na lang ako ng pwedeng kainin. Pero dahil sineswerte ako, syempre walang pagkain😑 Tapos sasabihin ng kakambal ko kumain na ako eh walang pagkain. Ang galing talaga!
Umalis ako sa kusina para sundan si Raven at sabihin sa kanyang walang pagkain pero hindi ko siya makita. Saan ba siya nagpunta? Kausap ko lang kanina biglang nawala. Inikot ko ang buong Black house pero hindi ko pa rin siya nakita. Lumabas ako dahil baka nakatambay lang siya sa labas pero imbis na siya ang makita, mga rosas ang sumalubong sa mata ko. At ang posisyon ng mga rosas na 'yon ay parang direksyon na nagsasabing sundan ito. Hindi ako nagdalawang-isip at sinundan ko ang mga rosas hanggang sa makalayo na ako sa Black House, mukhang pamilyar sa akin ang daang tinatahak ko pero hindi pa rin ako tumigil na sundan ang mga rosas na 'yon.
Narating ko ang isang lugar na napuntahan namin noon at tinignan ko ito. Blood Rebels' old house. Ito lang naman ang lugar kung saan nakatago ang armas ng Blood Rebels. And why would the roses bring me here? Pumasok ako sa loob at maayos ang itsura nito. Walang armas at kinulayan ng iba't-ibang masisiglang kulay ang paligid kaya nakakatuwa itong tignan.
Sa pinakagitna, napansin kong may lamesa na pwede lang para sa isang katao. Dahil sa nakita ko, nilapitan ko 'yon at may nakahandang pagkain. Maraming pancake na puno ng caramel syrup at isang tasa na hindi ko pa natutukoy kung anong laman.
Tutal gutom na rin naman ako, hinawakan ko yung tasa at iniikot yon para mahawakan ng maayos. But again, nakakita nanaman ako ng sticky note na nakadikit sa tasa kaya doon nabaling ang atensyon ko, "Eat well and enjoy your breakfast my sunshine!😘" muli nanaman akong napangiti pero gusto ko talagang malaman kung kanino galing 'yon. Kay Raven ba? Kaya nawawala siya? But nevermind, gusto ko ng kumain.
Mainit-init pa ang laman ng tasa kaya hinipan ko muna ito at saka tinikman. It's chocolate😍😍. Tinignan ko ang pancake na nalulunod sa caramel syrup at nag-umpisang kainin 'yon. Inisip ko kung anong araw ngayon. It's not my birthday, so anong meron?
Hindi ko na muna inisip kung kanino galing ang kinakain ko at ang mga sticky notes na 'yon, basta ang mahalaga, kumakain ako ng pancake na may kasamang hot chocolate😍😍
.....
Pagkatapos kong kumain, lumabas na ako para lumibot sa campus. Since wala naman sila Raven at maaga pa, pwede pa akong lumibot. Mag-iingat na lang ako.
Naglakad ako ng naglakad habang inoobserbahan ang paligid. Walang gulo, walang away, tahimik at walang dugo, tahimik na naglalakad ang mga estudyante. Hindi na ako magtataka kung bakit, pero mukhang may kakaiba ngayong araw na 'to. Kung dati, tahimik. Mas tahimik ngayon. Tahimik at hindi nakakatakot.
Pumasok ako sa Building 003 at lahat ng nakakasalubong ko, nakayuko at iniiwasan ako. Ano bang meron?
May isang babae na sa kalayuan pa lang, nang makita niya ako ay yumuko na ito at hindi na niya napansin ang tinatahak niyang daan kaya nagkabanggaan kami. At nakita ko ang itsura nito na parang punung-puno ng takot dahil sa nangyari.
"S-s...sorry.....hindi ko sinasadya- " napansin kong namumutla na ito sa takot kaya hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, "Okay ka lang ba, bakit parang takot na takot ka?" tanong ko
dito. Bigla na lang itong tumakbo papalayo kaya hinayaan ko na lang. Baka naman kasi may humahabol sa kanya.
Naglakad na lang ulit ako sa napakatahimik na hallway...
(8:30 am)
Bigla naman akong natuwa nang makita ko si Julez habang naglalakad ako na as usual, nagbabasa pa rin siya ng libro. Bago pa man siya makapasok sa classroom niya, hinarangan ko na ito kaya napatingin siya sa akin, "What do you want?" tanong nito.
"Gusto lang kitang kamustahin. Ang tagal na rin nating hindi nagkita" sambit ko at imbis na magsalita ay ibinaling na naman nito ang atensyon niya sa binabasang libro kaya kinuha ko 'yon mula sa kanya.
"Pwede ba kahit ilang minuto man lang, huwag ka munang magbasa?" tanong ko dito ngunit hindi pa rin nagsalita at inayos lang niya ang salamin niya.
Tinignan ko ang librong hawak nito at parang gusto kong magbasa ulit, "Harry Potter and the Goblet of fire" 😍😍😍
habang tinitignan ko yung libro, bigla niyang kinuha sa akin 'yon, "I have many books and if you want to read, pumunta ka na lang dito" sambit nito sabay pasok sa classroom kung saan siya natutulog at nagbabasa magdamag. Sumunod ako dito at punung-puno ng libro ang buong classroom. Daig pa ata ng classroom na ito ang library Or should I say pwede na ba 'tong maging library? Lahat ng nasa classroom na 'yon ay nagbabasa lang. Si Julez umupo sa may dulo.
Nag-isip ako ng gagawin pero total nandito na rin naman ako. Magbabasa na lang ako ng libro pampalipas ng oras. It is also my way to escape reality at kapag maraming bumabagabag sa isip ko, dinadaan ko na lang sa pagbabasa or minsan kapag wala akong magawa. Pumili ako ng libro at naupo sa may dulo malapit sa kinauupuan ni Julez. Hindi ko alam kung anong mangyayari pero once na nagbasa ako ng libro, gusto ko tuluy-tuloy. And one thing, yung binabasa kong libro ngayon has three parts pero hindi naman ganon kakapal kaya tatapusin ko na within this day.
...
(9:08 am)
.....
(10:32 am)
....
(12:13 pm)
Pagpatak ng alas-dose, aalis na sana ako pero may bumubulong sa akin para manatili, "Isang chapter na lang talaga" sabi ko sa isip ko. I can't just stand at iwanan ang binabasa ko. Nooo way! Tatapusin ko na.
...
(2:06 pm)
Nang tignan ko ang oras, nanlaki ang mata ko dahil hindi ko namalayan na alas-dos na pala. Hindi ko man lang naramdaman ang pagkagutom. I finished the 2 parts of the book pero yung last, hindi pa. Bigla ko na lang naalala yung letter na nabasa ko nung pumasok si Dean sa kwarto ko. Saturday night, 8 pm. Sa rooftop ng Building 003. Bakit ba kailangang sa rooftop pa? Alam ko naman na sa kanya galing 'yon dahil sinabi niya sa akin kahapon na huwag ko raw kalimutan na pumunta.
Tumayo ako at iniwan sa lamesa ang mga librong binabasa ko kahit masakit sa kalooban ko na gawin 'yon para pumunta sa rooftop since Building 003 naman ang pinasok ko. Bago pa man ako makaakyat sa hagdanan, nagulat ako ng makasalubong ko si Raven at ganon din naman ang reaksyon nito.
"Sy, anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito? Bigla ka na lang nawawala"
"May pinuntahan lang ako okay?"
"Saan naman?" pagtataray ko dito.
"Ikaw saan ka pupunta?" at sinagot ako nito ng isa pang tanong.
"Sa rooftop" bigla itong natahimik at parang nagulat kaya nagtaka ako.
"Ang mabuti pa, bumalik na tayo at matulog ka na lang ulit, total gustung-gusto mo rin namang natutulog dba?"
Nag-umpisa na itong maglakad at nagdalawang-isip muna ako kung susunod ba ako sa kanya o pupunta ako sa rooftop pero kalaunan sumunod ako sa kanya, "Fine. Total may lakad pa ako mamaya. But you know what, bakit kailangan pa akong papuntahin ni Dean sa rooftop. Bakit hindi nalang sa Black House?"
Tumigil ito at humarap sa akin, "Alam mo namang we can't question him right? Kaya pwede ba tumigil ka sa kakatanong mo dahil wala akong maibibigay na sagot" at muli itong naglakad. Ang sungit! Bakit feeling ko siya yung babae sa aming dalawa dahil sa kasungitan niya? Bahala nga siya.
Pagkabalik namin sa Black House wala pa ring tao. Dumiretso ako sa kwarto ko para magpahinga at matulog. Bago ako humiga sa kama ko, may nakita akong rose sa table. Kaya kinuha ko 'yon at may letter na nakalagay kaya binuksan ko ito, "I've prepared all the things that you need my sunshine. Be ready and make sure that you'll shine the brightest tonight!😍😘"
sa ikatlong pagkakataon, muli akong napangiti dahil sa sulat na 'yon. Nakita kong may box sa kama ko kaya binuksan ko agad ito. There, I could see a black shiny dress kaya kinuha ko 'yon para tignan. It's a short dress na hindi naman sobrang maiksi but still looks sexy on my case.
And also, accessories made of blue diamonds. Sa ikaapat na pagkakataon, muli akong napangiti.
(2:26 pm)
To be continued...
Hi guys out there! I will never get bored of saying "Thank you" endless "Arigatou Gozaimasu" for supporting me and inspiring me to keep on writing.
I often call you not a reader but Kentaurus Kings (for boys) and Queen Heartfilias (for girls). Now you know(^_−)☆
Love you all, my Queens and Kings.
frm: SyHeartfilia
♡ No hate, spread love ♡