webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · Adolescente
Classificações insuficientes
80 Chs

♥ Chapter 106:2 ♥

Bigla itong bumukas at lumapit sa amin ang mga members ng Venom. Isa-isang kinuha ang mga kasama namin at dahil sa higpit ng pagkakatali sa kanila ay hindi sila makalaban kahit na anong pilit nila. Isinama sila palabas ng Venom ngunit laking pagtataka na lang namin ni Zorren ng hindi kami isinama at naiwan pa rin kaming nakatali at nakaluhod hanggang sa makita naming muling isinara ang pintuan. 

"Nash?" dinig kong mahinang sambit ni Zorren kaya napatingin ako sa kanya. Nakita kong sinesenyasan niya ako pero hindi ko makuha kung anong ibig niyang sabihin kaya nagtaka ako. 

"What?" 

"Tanggalin mo!" bulong nito sa akin at medyo tumalikod siya kaya napatingin ako sa kamay niyang nakatali kaya nakuha ko na kung anong ibig niyang sabihin pero mas nagtaka pa ako, "B-but how?! Nakatali din ang kamay ko!" sagot ko sa kanya.

"Just do it, Nash! Gawan mo ng paraan!" sagot niya sa akin at nakita kong naiinis na siya kaya bahala na. Pinilit kong tumayo para lapitan siya at tumalikod na lang din ako para maabot ng kamay ko ang nakatali niyang kamay dahil 'yon lang ang paraan. Sinubukan ko ng alisin ang pagkakatali sa kanya pero nahirapan ako dahil sadyang mahigpit ito lalo na't nakatali din ako kaya ginawa ko na lang ang lahat at kinapa ang buong tali sa kamay niya para malaman ko kung paano ko ito aalisin sa kanya. 

"Bilisan mo, mahuhuli tayo!" saad niya kaya pinilit kong alisin ang pagkakatali sa kanya pero sadyang nahihirapan talaga ako. Habang patuloy ko pa ring ginagawa 'yon ay napatingin kami sa pintuan ng marinig naming may papalapit sa amin kaya agad ko siyang binitawan at muling kaming napaluhod para hindi nila makita ang ginagawa naming pagtakas pero alam kong mahihirapan kaming makatakas dahil hindi ko naialis ang tali sa kamay ni Zorren. 

May dalawang Venom na dumating at nilapitan kaming dalawa. Masama akong tinignan ni Zorren dahil hindi ko siya napakawalan bago nila kami sapilitang ipinatayo. Pagkatayo namin ay hinila na nila kami papalabas pero nabigla na lang ako ng makita kong biglang sinuntok ni Zorren ang lalaking humahawak sa kanya ngunit tinakpan niya ang bibig nito upang hindi makagawa ng ingay at narinig kong binali niya ang leeg ng lalaking 'yon kaya bumagsak ito sa sahig kaagad. Nilabanan rin siya ng lalaking humahawak sa akin at ganoon din ang ginawa niya sa lalaking 'yon kaya bumagsak rin ito sa sahig. Napatingin siya sa akin at ngumiti ng masama habang ako naman, nabigla sa nangyari, "How did you do that?" tanong ko bago siya pumunta sa likuran ko at nag-umpisang tanggalin ang tali sa kamay ko. Nang magawa niya 'yon ay hinarapan ko siya, "Hindi mo nga natanggal ang tali sa kamay ko pero lumuwang ito kaya nagawa kong matanggal 'yon sa kamay ko" sambit niya. 

"Ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ko.

Tinignan niya ang dalawang Venom na nakahandusay sa sahig. Nilapitan niya 'yon at lumuhod siya, kinuha niya yung jacket na suot ng Venom pati na rin ang maskara nito kaya nagtaka ako, "What are you doing?" tanong ko sa kanya kaya tinignan niya ako.

"We're going to pretend that we are one of Claude's members" pahayag niya. Sa umpisa ay nagtataka ako pero bumalik na lang ako sa pagiging seryoso ng seryoso niya akong tignan at ngumiti siya ng masama, "Zorren, don't tell me...." saad ko dito habang nag-iisip kung tama ba ang hinala ko.

"We're going to do our plan now" sagot niya sa akin. Matagal kaming nagkatinginan pero ngumiti na lang din ako dahil alam ko ang planong tinutukoy niya dahil napag-usapan na namin 'to dati. Lumapit na rin ako sa isang Venom at kinuha ang jacket at maskara nito, sabay naming isinuot ang mga hawak namin at tumayo kami bago nagkatinginan ulit, "Are you ready?" tanong nito kaya ngumiti din ako ng masama at tumango.

Nag-umpisa na kaming maglakad at tuluyan ng lumabas sa kwartong 'yon. Nakita naming walang Venom na nakabantay sa hallway kaya't mas natuwa pa kami. Tuluy-tuloy lang kami sa paglalakad habang hinahanap ang mga Vipers kung saan sila dinala hanggang sa mapansin naming sa pinakadulo ng hallway, maraming Venom na nakabantay ngunit may mga Venom din na nakatayo lang at nagbabantay sa dinaraanan namin.

Inayos naming dalawa ang paglalakad para hindi nila kami mahalata pero hindi ko pa rin mapigilan na hindi kabahan dahil isang maling galaw lang namin, pwede nila kaming mapansin at matusukan ng injection. Pagkarating namin sa dulo ng hallway ay mas marami pang Venom na nakabantay. Diretso lang kami sa paglalakad habang napapansin namin na nakatingin silang lahat sa amin, "Sandali lang" dinig naming may nagsalita at may humarang sa amin na isang Venom kaya natigilan kami sa paglalakad.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Zorren ngunit nagsalita rin siya, "What?" tanong niya sa lalaki. 

"Nasaan yung dalawang Vipers?" tanong naman ng lalaki sa kanya na tumitingin sa likuran namin kaya napatingin din si Zorren sa likuran niya at ngumiti ng masama, "Hindi naman kami ang napag-utusan para kunin sila" sagot niya dito.  

"Sigurado ba kayo?" tanong nito sa amin na parang naghihinala pero diretso lang siyang tinignan ni Zorren. Muli siyang tumingin sa likuran namin at tinignan ang katabi niya. Sinenyasan niya ito kaya't tumango lang yung lalaki at umalis kaya't alam kong ipinapacheck ng lalaking kaharap namin ang kwatong pinagdalhan sa mga Vipers dahil hindi pa nila kami nakukuha ni Zorren. Tumabi ito kaya't naglakad na kami ulit ni Zorren. 

Natanaw namin si Caleb na ipinasok sa isang kwarto kaya't diretso kaming pumunta doon sa kwartong 'yon bago pa man magsara ang pintuan. Nakita namin ang mga Vipers na sapilitang ipinaluhod at nabigla ako ng makita si Syden at Dean na nakaluhod sa harapan ng isa't-isa. Nasa likuran ni Syden si Claude at nakita kong punit ang damit nito kaya't alam ko kung anong ginawa ni Claude sa kanya para saktan si Dean. Napatingin silang dalawa sa mga kasama nilang Vipers at nakita rin namin na nag-aalalang nakatingin ang buong grupo sa kanilang dalawa, "What did they do to you?!" tanong ni Raven sa kanilang dalawa at nag-aalala kaming lahat na nakatingin sa kanila. 

Tumayo si Claude at tinignan si Dean, "Gagawin mo ang lahat para sa babaeng 'yan?" tanong niya dito ngunit nanatili lang si Dean na nakatingin sa kanya. Lumapit kina Syden at Dean ang mga members ni Claude at sapilitan silang ipinatayo. Nakita kong itinanggal nila ang mga kadenang nakatali sa kamay ni Dean at tinutukan naman ng injection ni Claude si Syden kaya't hindi siya makagalaw. Nang matanggal na ang mga kadena sa kamay ni Dean ay may inihulog na kutsilyo si Claude sa mismong harapan ni Dean kaya tinignan niya 'yon bago muling tinignan si Claude, "One wrong move, Dean Carson...mamamatay ang babaeng 'to" saad niya.

"What do you want me to do?" tanong ni Dean na seryosong nakatingin kay Claude.

Habang hawak-hawak ni Claude si Syden at nakatutok sa kanya ang hawak nitong injection ay tinignan niya lahat ng Vipers bago muling tinignan si Dean, "Kill your members" saad nito na ikinagulat naming lahat pero si Dean lang ang hindi gumawa ng kahit anong reaksyon sa narinig niya dahil seryoso pa rin siya. Kahit nabigla rin kami ni Zorren ay hindi kami nagpahalata at nagkatinginan lang kami. Nakita ko rin si Zorren na patagong pumunta sa likuran ni Claude na may kasamang ibang Venom. 

Dahan-dahang kinuha ni Dean ang kutsilyong nasa harapan niya at tinignan ito ng mabuti. Tinignan niya si Syden kaya umiling ito habang umiiyak, "Tell me, you're not going to do that, right?" tanong ni Syden sa kanya.

Tinignan ni Dean ang mga kasama namin bago ulit tinignan si Syden, "I'm sorry" sagot niya kaya't mas lalo pang umiyak si Syden, "No! You're not going to do that! Pabayaan mo na ako! You don't have to do this, Dean! I'm telling you, huwag mo ng ituloy ang binabalak mo! I won't forgive you kapag ginawa mo 'to!" sigaw nito sa kanya dahil alam niyang pagdating sa mga ganitong bagay ay seryoso si Dean sa mga salita niya.

"Then don't forgive me cause I'm doing this for you" sambit niya at seryoso pa rin siya kaya sinubukan ni Syden na makawala kay Claude pero hindi niya magawa. Nakita ko na lang na nilapitan niya si Dave, lumuhod siya sa harap nito at napatingala na lang si Dave ng itutok sa kanya ni Dean ang hawak nitong kutsilyo, "Do it" bulong sa kanya ni Dave habang matapang na nakatingin dito, "Come on, do it Dean" dagdag pa niya. Muntik na akong lumapit dahil hindi ko magagawang tumayo lang dito pero ng mapatingin ako kay Zorren ay nakita kong umiiling ito para pigilan ako.   

"Don't" sambit ni Syden kaya napatingin si Dean sa kanya, "Please, just let me go" saad pa nito.

"I'm counting, Dean Carson. It's either you will kill your members or I will kill this girl" pahayag naman ni Claude kaya mas itinutok pa ni Dean ang hawak niyang kutsilyo kay Dave at halatang nagagalit ito at nahihirapan dahil kitang-kita naming lahat ang itsura niya. Napatingin ako kay Zorren at nakita kong nagbibilang ito gamit ang mga daliri niya. Inumpisahan niya sa tatlo ang pagbibilang ng patago habang nakatingin sa akin. Nang maisara niya ng buo ang kamay niya ay astang sasaksakin na ni Dean si Dave ay biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin kaming lahat doon at nakita namin ang member ni Claude, "Boss we have a problem. May dalawang Black Vipers na nakatakas on their way here" sambit nito at napatingin na lang ako kay Zorren na nilusob si Claude at hinila ito papalayo kay Syden kaya nabasag ang injection na hawak niya. Nag-umpisa ng magkagulo kaya't nakipaglaban na rin si Dean. Bigla kong kinuha ang kutsilyo na nakita ko sa katabi kong Venom at sinaksak ko 'yon sa kanya. Hinagis ko yon papunta sa mga Vipers na nakaluhod pa rin para makawala sila sa pagkakatali sa kanila habang nakikipaglaban. Una kong napakawalan ay si Caleb kaya't siya na rin ang nagpakawala sa iba hanggang sa naglaban na ang Vipers at Venom.

Inialis ko na ang suot kong maskara at napansing nakatingin si Syden sa akin kaya ngumiti ako, "Sorry, we're late. Umalis na kayo dito!" sigaw ko sa kanila ni Dean habang nakikipaglaban silang dalawa, nakilala niya rin si Zorren ng alisin nito ang maskara niya pero tinakpan pa rin ni Zorren ang mukha niya gamit ang hood noong jacket para hindi siya makilala ni Claude.

Nakipaglaban na rin ako dahil medyo marami ang kalaban namin ngayon at mahirap silang takasan. Nakita ko na lang na tinamaan si Dean ng kahoy ng isang Venom dahil pinrotektahan niya si Syden. Nasaktan ito ngunit pinilit niyang harapan ang nakatama sa kanya at inihagis niya dito ang hawak niyang kutsilyo kaya't napatumba ito sa sahig. Bigla na lang niyang hinila si Syden para makalabas na sila kaya't ang ibang humahabol sa kanila ay pinigilan ko na rin para makalabas na sila. Pagkalabas nila ay nakita ko rin si Raven na sumunod sa kanilang dalawa.

Nakita kong tumakbo na rin papalayo ang mga Vipers dahil sa dami ng kalabang humahabol sa kanila hanggang sa makalabas na silang lahat ng kwarto at unti-unti silang napupunta sa kabilang dulo ng hallway habang nakikipaglaban pa rin. Kami na lang dalawa ni Zorren ang natira sa kwarto at nagkatinginan kami lalo na't nakorner kami ng Venom at nasa harapan namin si Claude, "Lalaban pa ba o susuko na?" tanong ni Claude habang nakatingin sa amin at masamang nakangiti. Masama naming tinignan ni Claude at inikot namin ang tingin namin. Sadyang marami sila kaya't mahihirapan kaming makatakas. Bigla na lang lumusob sa amin ang mga Venom kaya't kinalaban namin sila at habang kinakalaban namin ang members ni Claude ay natutuwa itong panoorin kami. 

Muli kaming nagkatinginan ni Zorren habang nakikipaglaban at tumango siya para sabihin sa akin ang tungkol sa plano namin. Sinigurado naming matatalo kami sa laban na 'to kaya't natutukan nila kami ng kutsilyo, "Ano ng gagawin niyo Vipers? Lalaban pa rin ba kayo ngayong hawak na namin ang leeg niyo?" sambit nito ngunit masama lang namin siyang tinitignan habang tinututukan pa rin kami ng kutsilyo ng mga members niya. Sinipa ng Venom ang binti namin kaya't sabay rin kaming napaluhod ni Zorren sa sahig at nabitawan ang hawak naming kutsilyo. Napunta ang kutsilyong hawak niya sa direksyon ni Claude kaya't inapakan ito ni Claude at dahan-dahang kinuha 'yon habang nakatingin kay Zorren na hindi niya makilala. Sa ngayon ay ibang kutsilyo ang gamit ni Zorren dahil kinuha ng Venom ang mga armas namin.

"Sadly, hindi ko nagawa ang plano ko ngayong araw na 'to just because you disguised as one of my members. Pero huwag na nating patagalin 'to. Niligtas niyo sila, pero hindi nila kayo maililigtas" saad nito at iniabot sa member niya ang kutsilyo. Muli nitong inilahad ang kamay kaya't may iniabot na injection sa kanya ang member niya kaya't mas ngumiti pa ito ng masama habang masama kaming nakatingin sa kanya. 

Dahan-dahan itong lumapit sa aming dalawa at lumuhod, "Don't worry, I will send your dead body to your leader, Dean Carson" sambit nito at astang isasaksak niya 'yon kay Zorren ay mas lumuhod pa ako sa harapan niya kaya napatingin siya sa akin, "We will surrender all members of Black Vipers to you! J-just don't kill us!" pahayag ko dito. Dahil sa sinabi ko ay alam kong mas lumapad pa ang ngiti nito, "Am I really hearing this from one of Dean Carson's member?" tanong nito na hindi makapaniwala pero nanatali pa rin akong nakayuko sa harapan niya.

"I will do everything, basta huwag mo lang kaming patayin. I will even join your group kung gugustuhin mo" pahayag ko dito. 

"I can't believe this is happening. As long as I know, hindi traydor ang mga members ni Dean Carson at paano ako makakasiguro na totoo nga ang sinasabi mo? One thing, I killed your sister, right Nash? Give me a reason for me to spare your life dahil baka pinapaikot mo lang ako lalo na't alam kong galit na galit ka sa akin" seryosong sabi nito. 

"Just like what I've said to you before, I myself will surrender them to you. I can also kill them if you want. I am saying this to survive...lalo na't alam ko kung anong kaya mong gawin. It's true na galit na galit ako sa'yo, but I can't deny the fact na gusto ko pa ring mabuhay kaya ko 'to ginagawa" matapang kong sagot.

"Oh really? How can you say that kung kayo nga ang pumunta dito kaya nakaligtas sila? You just saved them tapos ngayon kaya mo silang patayin? That's strange" sarcastic na sabi nito. 

"That's it. We saved them, but now they didn't save us. Kaya kami na lang ang papatay sa kanila"

"Fine" tumayo ito at maayos kaming tinignan kaya't ganon na rin ang ginawa namin ni Zorren, "But I need to see your face" sambit nito kay Zorren kaya nabigla ako. Aalisin niya sana ang hood na nakasuot kay Zorren pero umiwas ito kaya natigilan si Claude at napangiti, "I'm going to kill Black Vipers infront of you and I will also join you, kapag kasama na ako sa grupo mo ako mismo ang magpapakilala sa'yo" sagot nito na nanatiling nakayuko at medyo inibahan ang boses niya. Nakita kong napailing si Claude habang masamang nakangiti, "I like this one" saad nito habang itinuturo si Zorren. 

 "Bring me all the members of Black Vipers, including Bliss Syden. You will kill them infront of me and after that, you will join my group. Can you do that? Or else I would have to kill both of you" sambit nito sa aming dalawa. Nagkatinginan kaming dalawa ni Zorren at masama naming tinignan si Claude, "We will bring them to you....alive" saad ko. 

To be continued...