webnovel

Dalawa

Muli akong nakaramdam ng pananakit ng ulo at uhaw..

Naalala ko ang sabi niya sakin ng makabalik ako. Aba sila sa pagaayos nung munting bahay-bahayan, pagpapalawak daw dahil dalawa na kaming matutulog doon.

" Tubig dagat ang nakapalibot satin, para makainom ka ng tubig kelangan mo umakyat ng puno ng niyog, pasensya kana pero wala akong alam na pang gamot sa sakit ng ulo mo. Marahil pagkatapos mo uminom mawawala rin yan, o itulog mo nalang kaya?"

" Hindi na, mukang matagal rin akong tulog, gusto ko maglibot muli baka may nakaligtaan akong daanan. May matalas ka bang magagamit diyan? "

" Bakit? "

" Kukuha ako ng niyog. " mukang nagulat siya sa sinabi ko.

" Seryoso? " ano akala mo sakin, walang kakayanan umakyat ng puno?

" HAHAHA, oo naman, saka may sugat ka, alangan naman i-asa ko sa may sugat pagkauhaw ko 'di ba? "

Mukang, may natamaan ata ako bigla siyang nalungkot.

" Pasensya kana ah, hayaan mo pag gumaling ako, ikukuha kita ng marami at itong bahay aayusin ko." Aba, kyah? Wala kang balak umalis dito? Mukang nasisiyahan ka ah? Makabahay naman' to parang naglive-in tayo.

Kita ko ang lapad ng ngisi niya matapos niyang sabihin yun, nahiya ako ng bahagya dahil sa iniisip ko.

" Hehehe, s-sige "

" Eto pala yung hinihingi mo, biniak na bato lang yan, ginawa ko kanina, medyo matalas yan, wag mo pwersahan ang hawak baka masugatan ka. " pagpapaalala niya sakin.

" Salamat, alis na ako." nakangiti kong sambit sa kanya.

May parte sa sarili ko na nagsasabing mag-ingat ako sa kanya, may parte naman na nagsasabi na magtiwala ka lang.

" No man is an island " bulong ko sa hangin.

Bakit ba talaga ako nandito? Kami pala? Anong dahilan?

Hapon na, kailangan ko nang magmadali dahil walang buwan at hindi ko alam kung anong meron sa isla na ito na maaring magdulot ng takot sakin pag ginabi ako.

NAPAKAHIRAP!, pero bakit ang sisiw lang sakin netong ginawa ko? Sino ba ako? Charot!, pero seryoso, sino ba ako?

Tanaw ko sa taas neto yung bato na nagsisilbi kong palatandaan sa lugar kung saan ko nakita si Kyah, oo nga pala hindi ko pa natatanong pangalan niya.

Pakiramdam ko, isa akong unggoy, natatawa ako sa sarili ko. Kinuka ko na yung bato na binigay ni Kyah sakin.

" Ouch!" Aba, matalim nga, medyo mahapdi kahit maliit na hiwa lang. Sinipsip ko ang dugong lumabas. Iniisip na sa ilang sandali naging bampira ako...how immature of me..

Hindi ko akalain na, aaliwin ko ng ganito sarili ko, ang korni.

Pinigil ko ang hapdi at nilabanan ang bigat ng niyog, marahas kong hiniwa ang sanga nito na kumakabit sa puno saka binitawan para mahulog.

" Apat, sapat na yan!"

Sandali akong nanahan sa tuktok nitong niyog, ang sarap ng dampi ng hangin. Ang ganda ng paglubog ng araw.

..para bang buong buhay ko, ngayon lang ako nakasilaw ng ganitong ganda. Nakaka-akit, inilibot ko ang tingin ko, umaasang may masilatan na kalapit isla na may tao, ngunit wala, natakot akong bigla ng matanto iyon.

AMA, nasaan po ako?

Habang pababa ay may natanaw ako sa lugar kung saan ako nagkamalay, hindi ko napansin kanina iyon.

May gamit.

Ama? Ito na ba ang kasagutang hinihingi ko?

Nagmadali akong bumaba para bumalik kay Kyah at sabihin kung ano ang nakita ko.

Sabi niya sakin, iwan ko nalang daw ang niyog doon at pumunta na ako. Ganun nga ang aking ginawa, hindi ko na siya isinama dahil sa kalagaya niya.

Pagkarating ko doon, isang bag ang nakita ko, puro damit...may suklay may bote ng tubig..nang makita ko yun ay ininom kong lahat ang laman. May nakita rin akong kutsara at tinidor, mukang handang handa 'toh ah..sadya ba ito?

May nakita rin akong wallet. May larawan ng babae..nakahawak sa isang lamad na sumbrero habang nakangiti. Ang ganda naman neto. Bagay sa kanya soot at kulay nung damit green. Sino kaya' toh? Ang puti, mukang hindi naman ako ito dahil kayumangi ang kulay ko.

Sinilip ko pa ang laman neto, may nakita akong pera, ano naman pag gagamitan ko neto dito? Saka basa, sabagay lahat naman nang nasa bag na ito basa. Magtataka pa ba ako? May cards din, mukang mahilig mag grocery itong si Ateng daming discount at rewards card. May master card din. Maitabi nga pag nakabalik ako sa kabihasnan ay ibabalik ko, kawawa naman, baka hinahanap niya ito. Mahihirapan ata akong hanapin may ari neto, walang ID, ay wait siguro naman may pangalan master card neto.

" eeh? Kyerie? Kyerie Eleison?" nice name.

Pwede na ito, may picture naman sya.

Naisip kong manalamin, kaya halos itaktak ko na laman ng bag makahanap ng nun pero wala..langya naman, may suklay? Walang salamin?

Aba, teka lang, lipstick ba ito?, oi may selfie stick kaso wala akong makitang camera o cellphone manlang. Nice.

Ibinalik ko nang lahat yung mga gamit sa bag, hihingi nalang ako ng tawad sa may ari neto, mukang magamit ko damit niya, syempre patutuyuin ko muna.

Minadali ko na ang pag aayos nung gamit, dahil gagabihin na ako.

Nang makabalik ako kay Kyah, isang mataas na apoy ang nabutan ko. Wow, marunong para siyang gumawa ng apoy?

Ay shunga! Nakapagluto nga sya ng inihaw na isda 'di ba?

" hey!" bati ko sa kanya.

" Mm, nakabalik na ako." nahihiyang sabi ko.

" Yup, inom kana, hinanda ko na yung tubig ng niyog"

Wow! k0yA iS soooo0ooo aMazIng!

" ah, kyah! Tanong gubat ka ba?" HAHAHAH hindi ko napigilang mag tanong, kasi naman! Yung tubig ng niyog nakalagay sa isang kawayan na baso, I mean, for 3 days? Pano n'ya nagagawa yun? Basta hirap ma explain ang creative niya, YUN!

" Bakit naman?"

Hinawakan ko yung basong gawa sa bamboo sabay sabing,

" Eto! Pano mo nagawa 'to?"

" Ah, yan ba? May 29-in-one outdoor survival kit kasi akong laging dala, hindi ko naman hinihiling mangyari yung ganito, pero laking pasasalamat ko na meron ako nun. "

WAT? WAAAAAAAAT?

" Kyah? Ano sabi mo?" parang biglang nagpantig tenga ko sa narinig ko.

" sabi ko may 29-in-one outdoor survival kit ako! " TANGINA INULIT NGA!

"PINAGAMIT MO AKO NUNG BATO! TAPOS MAY 29 TSENES KA NAMAN PALANG DALA? TAPOS PINAGAMIT MO SAKIN BATO?! GINAGAGO MO BA AKO?"

" HAHAHAHAHAHAHAHA Sorry, natatamad kasi akong kunin sa hinigaan ko kaya yung bato nalang pinagamit ko sayo, nagamit mo naman 'di ba? " -. - AAAARG! Nakakairita ka!

" HEHEHE " ang plastik kong tawa, nakakabanas ka Kyah, kung may iba lang pwede samahan iiwan talaga kita! GRRR!

" Saka pala, ano yang dala mo? " nakapansin ata ang mokong nag iba ng topic, sabagay kailangan ko makisama, kami lang nandirito.

" Ay, oo nga pala, eto yung sina sabi ko sayo!" Okay, tama yan, move-on!

" Pwede ko ba makita?"

Bigla akong napaisip halos gamit ng babae ito, kaya sabi ko pwede pero hindi lahat dahil gamit ng babae ito.

Nahuli ko ipakita yung wallet, siya na yung nagbulatlat nagulat ako sa sinabi nya.

" Ang ganda mo dito ah!" huh? Ako? Ganda?

" HA? "

" Ganda mo dito sabi ko! Bagay pala sayo ang green"

Sabi pa nya, wait? Hindi ba yung babae sa wallet yun?

" Teka nga wait, patingin nga!" binigay naman niya sakin. Habang nagoatuloy siya sa paghahalungkat nung iba oang laman noon.

" Ako 'toh?" pagtata kong sabi sa kanya.

" Mukang masyaso ko maingat, naka-laminate pa yan, oh, mahilig ka pala mag grocery? Dami neto ah, wow, may laman ba' to? Mmm Kye-rie E-le-i-son, tama ba bigkas ko?"

Sunod sunod nitang sabi, habang ako naman tulalang nagiisp, ako 'toh? Bakit hindi ko alam na ako' to?

" Tekaaa~ alam ko yang mga ganyang itsura, wag mo sabihin, hindi mo alam na ikaw yan?! "

Tumango nalang ako sa kanya.

" Hala ka! "