webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Adolescente
Classificações insuficientes
71 Chs

CHAPTER 8

AMIRA'S POV

Nagwawalis ako ngayon sa likod ng bahay namin dahil inutos ni tita elisa. Ang tagal ko kaya natapos!--- I mean KAMI! Kami ni bestfriend! Kasi naman nagpresenta pa siya na tumulong sa akin kaya pinasali siya ni tita, grabe na talaga siya!

"Ayos lang yan bestfriend kaya natin 'to, malalampasan mo din ang nangyari kanina" napatingin ako sa kanya na nakatutok pa sa pagwawalis.

"Tumahimik ka nga~ Pinapaalala mo lang sa akin" parang batang sabi ko at winawagayway sa kanya ang walis. May mahabang hawakan kasi 'to kaya di na kami nahihirapang yumuko.

"TWO OF YOU! STOP TALKING! Hurry up!" sigaw ni tita mula sa veranda ng bahay.

Tumango na lang ako at tinulungan si bea na ipunin lahat ng dahon. Malapit na kaming maabutan ng gabi sa kakawalis, kasalanan yan ng dahon na nahuhulog!

Where's papá? Gusto ko na siyang makita at isumbong ang ginawa ni tita elisa sa akin kaninang umaga kaso hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi. Alas singko na ng hapon at kadalasan alas tres pa lang ay umuuwi na siya.

"Huy ikaw!" pareho kaming tumigil ni bea at tumingala nang tawagin siya ni tita.

"A-ako po?" hindi siguradong tinuro ni bea ang sarili habang nakakunot ang noo. Tinignan ko siya saglit at takang napakamot sa batok.

"Kunan mo nga ako ng juice, nauuhaw ako. Bilis na!" nagkatinginan muna kami ni bestfriend tsaka pumasok na siya sa loob ng bahay. I will tell papá about this!

*beeep* speaking of! Mabilis kong tinapon ang walis at tumakbo papunta sa harap ng bahay. Si papá na nga! Sinundan ko lang ang sasakyan niya hanggang sa huminto na sa harap ng pinto.

"Papá! Papá!" tawag ko nang buksan ng mga bodyguard niya ang pinto. Sinalubong ko agad siya pero parang hindi maganda ang pakiramdam niya.

"My princess" mahinang tawag niya. Hinawakan ko siya sa isang braso at inalalayan siyang maglakad papasok.

"W-what happened papá?" alalang tanong ko. Kahit isang tingin lang sa kanya parang hindi talaga maganda ang pakiramdam niya.

"Call your brother ethan and your sister zaira, I'm just in my office" tumango ako at mabilis na tumakbo paakyat.

Huminto na ako sa harap ng kwarto ni kuya at binuksan yun agad. Nasa harap siya ng wardrobe habang inaayos ang mga damit.

"Kuya, papá wants to see you at his office now. I think he is not feeling well so better proceed now, okay kuya?" tumingin siya sa akin tsaka ngumiti. Lumabas na ulit ako at tinakbo na ang kwarto ni ate zaira.

"Hmmm~ ahh~ L--"

"Ate zai--" uminit ang pisngi ko nang hindi ko sinadyang makita s-s-sila.

Tumingala ako sa kesame at napapakurap na lang ng mabilis. M-m-m-m-m-mr. Linc and ate zai is doing--doing--doing--n-n-nasa ibabaw si mr.linc habang n-n-n-n-naghahalikan sila nina ate!!--basta!! Yun nakita ko!! Y-y-yun lang!!!

"STUPID YOU SHOULD KNOCK AT LEAST!" mabilis kong tinakpan ang mga mata ko at umatras ng konti.

"P-p-papá wants to s-see y-you at h-his o-office n-now! I think he is not feeling well so go immediately!" tumakbo ako palabas at nagtungo sa kwarto ko tsaka nilock. Sumandal na ako sa pinto habang hinahabol ang hininga.

A-ano yun?!! S-sina mr.linc at ate z-zai n-naghahalikan?! Are they going to do-do--do-- ARGHHH!! BAKIT WALANG DAMIT PANG ITAAS SI MR.LINC?!! WHAT THE HECK WAS THAT?! ANG INOSENTE KONG MGA MATA~ AT S-SI MR.LINC!! M-MAY RELASYON BA SILA NI ATTTEEEE?!!!

"Teka! Linawin ko muna! Si mr.linc nasa itaas tapos si ate nasa baba niya! Si mr.linc walang damit pang itaas! They are kissing and almost did--that--that" napahawak ako sa dibdib at napasign of the cross tsaka tumingala.

"Lord patawarin niyo po ako sa nakita!" sigaw ko at tumingin sa bintana. May relasyon sila ni ate. Bakit nalungkot ako?? Wala na akong chance pero CRUSH NA CRUSH KO SIYA EEEHH!!!

Bumagsak na ako sa sahig habang nakasandal pa rin ang likod. Ikukwento ko na lang 'to bukas kay bestfriend--ay hindi!! hindi!! Nakakahiya kasi i-iba yung nakita ko eh!!!

*toktoktok*

"Miss amira, your father wants to talk to you too" nagpalabas na lang ako ng mabigat na hininga at lumabas ng kwarto. Erase erase na yun! May ace pa ako! Heads up amira!

Tinungo ko na ang opisina ni papá. Pagpasok ko si Mr.linc at si ate zai agad ang nakita ko. Ayan na naman!! Iniisip ko talaga may relasyon sila!

Napalunok ako at umiwas kay mr.linc na nakatayo sa likod ni ATE ZAIRA na sobrang sama ng tingin sa akin. I-I didn't m-mean to s-stop you ate~

"Amira sit down" nagulat ako nang tawagin ako ni papá.

Tumabi ako kay kuya ethan na nakaupo sa harap ni ate. Sa harap kami ng table nakaupo habang si papá doon sa swivel chair at si tita at nathalie nakatayo sa gilid niya.

Kunot noo akong tumingin kay papá na may sinusulat pa sa papel. Sobrang tahimik ng buong lugar.

Nilibot ko muna ang paningin at napansing nandito lahat ng nagtatrabaho sa amin, anong ginagawa naming lahat dito??

"Good morning sir" sabay kaming lumingon nang pumasok ang lalakeng may dalang briefcase.

"Papá I thought it's just the two of them? Why is everyone here??" naguguluhang tanong ko kaya umigil na siya sa ginagawa at hinarap na kami. Sa hindi malamang dahilan dumako ang tingin ko kay Mr.linc pero agad ding umiwas nang salubungin niya.

"I think this is the right time to sign my will. Just want you all to prepare for this" napatingin agad ako kina ate at kuya na parang alam na anong sasabihin ni papá.

"By the way, I am attorney johnson and I am handling Mr.smith's will" sabi ng lalakeng may dalang briefcase kanina.

"Ang 50% ng aking pamana ay mapupunta sa mga anak kong si zaira at ethan habang ang kalahati ay mapupunta kay amira--"

"Papá I think that's too unfair for me and ethan. How can she have that 50% habang kami ang nagpapakahirap palaguin ang kompanya?"

"Napagusapan na natin to zaira, let's consider your sister's condition" bumagsak ang balikat ko at sumandal sa likod ng upuan.

"Oo nga papá! Condition!! May problema sa pagiisip kaya paano niya mapapangalagaan ang kompanya kung ang iniisip natin dito ay ang kondisyon niya?!!" talaga bang may problema ako sa pagiisip?? Feeling ko naman kasi wala. I'm just so unique to act kaya napagkakamalan nilang may problema ako sa utak kahit na pinatest nila ako noon at wala namang masamang resulta. I am totally normal--mentally.

*blag* nagulat ako nang hampasin ni papá ang mesa. Nagkatinginan muna kami ni ate habang napapakamot ako sa batok. Humarap naman si papá sa akin.

"Stop scratching your neck. I know that habit of yours, you're not agreeing with us but amira this is for you"

"Papá it's okay for me to have no share. I am okay with a normal life" umiling lang siya at nilagay sa harap ng mesa ang isang folder.

"This paper is final and only my signature that is lacking. As I agreed to ethan's choice" ngumiti si papá sa akin kaya ganun din ang ginawa ko para kasi talagang may sakit siya.

"Choice?? What choice?" tanong ni ate zai kaya tumingin din ako kay kuya ethan tsaka siya siniko ng konti.

"As I was saying, I gave him the 25% of his share but he declined and decided to give all his shares to amira--"

*GASP*

"WHAT?! NO WAY! ETHAN! PAPÁ!! I WILL REALLY NEVER ACCEPT THAT! YOU WILL GIVE IT TO THAT STUPID?!?" napatingin ako kay ate zai na tumayo at tinuro pa ako. Tumayo din si kuya habang tinatabig ang kamay ni ate.

"Zai that's my decision and besides I can handle myself. Iniisip ko lang si amira, ikakasal na din naman ako. I think marg and I can handle our future without papá's heritage" sabi ni kuya at umupo ulit.

"So sinasabi niyo 75% mapupunta sa stupid na yan?!! My god! Kahit man lang sana 15% binigay mo sa akin at sa kanya na yung 10% sana na lang pala nanatili ako sa kwarto ko at nagpakabaliw!"

"Zaira I thought you will understand?? Magaling kang tao kaya alam mo kung paano iaahon ang sarili mo---but amira can't do it easily" sabi ni papa. Tinaas ko ang kamay kaya lumingon silang lahat sa akin.

"Papá but how about nat's?" tanong ko nang makita siyang nakayuko lang sa likod.

"I have something for them and their future is already settled. They'll receive something big but out of this will" desidido na talaga si papá na ipapasa sa akin ang mana niya.

"Papá at least 5% will do"

"See! Papá sundin niyo na lang ang gusto niya! She's stupid and she can't hold that 75% on her own"

"Zaira sumusobra ka na" banta ni kuya kaya hinawakan ko siya para kumalma. Hindi na nagsalita si papá at pumirma na.

"I already signed under zaira's name" napatingin ulit ako kay ate na napasapo na lang sa noo at di makapaniwalang umupo.

Pinagmasdan ko lang si papá na nililipat ang pahina ng papel habang nakahawak sa noo niya.

"Papá are you okay?"