webnovel

BEHIND THE SMILE

"Wow…" humahangang anas ni Skylar nang makita si Webster na nakatayo sa tabi ng service na magdadala sa kanila sa venue ng fest. He was only wearing a baby pink long sleeve, tie, blazer, slacks and leather shoes but he seems so refreshing. Palibhasa ay tuluyan na nitong hindi ginamit ang makapal na eyeglass at binago ang ayos. Gayunman, nandoon pa rin ang nahihiyang posture nito. Pakamot-kamot ito ng batok habang sinusuyod niya ito ng tingin.

"P-Pangit ba?" alanganing tanong nito.

Napamulagat si Skylar. "No! You looked great!" aniya at lumapit. Napabuga siya ng hangin nang makitang nahihiya pa rin ito. "You know what? Be confident. Nagbago ka ng image, sagarin mo na."

Hinawakan ni Skylar ang balikat ni Webster at idiniretso. Inayos-ayos niya ang posture at napatuwid tuloy ang tindig nito. "You should stand that way.  Ang guwapo-guwapo mo—"

Biglang namula ang pisngi ni Skylar sa huling sinabi. Nadulas siya! Damn! Ni hindi siya makatingin nang diretso kay Webster. Ramdam niya ang mga mata nitong nakatingin sa kanya!

"Skylar…"

"Okay! Tara na?" pigil hiningang aya ni Skylar at dali-dali nang pumasok sa loob ng sasakyan. Pagkaupo ay ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Mainit din ang pakiramdam niya. Nate-tense tuloy siya!

Pumasok na rin si Webster at naupo sa tabi niya. Hindi nagtagal ay nagpunta na sila sa fest. Agad silang sinalubong ng mga facilitator at dinala sa stage. Isa-isa silang nagbigay ng thoughts about science at kung gaano iyon nakaka-enjoy.

Matapos ay binati sila. Hindi nakatakas kay Skylar na mas maraming umaligid na babaeng teachers at students kay Webster. Halos lahat ay puno ng paghanga ang mga mata at kilig.

Yes, she was proud but at the same time irritated. Nakakainis makakita ng mga babaeng halos yakapin na si Webster! Ugh!

¬"Excuse me. Dr. Feirera and I need to look around," magalang na singit ni Skylar.

Gusto na niyang batukan ang ilang kababaihan nang mahina silang napaungol. Gayunman, naging magalang din si Webster na nagpaalam sa mga ito. Hindi nagtagal ay naglibot na sila at sinuri ang mga imbensyon ng ilang high school students. Sinamahan sila ng mga facilitator.

"This is the green house. Nandito ang iba't ibang uri ng halaman. Let's go?" anang matandang facilitator at iginiya na sila papasok sa malaking tila orchard farm.

Excited na pumasok si Skylar. Namangha siya nang makita ang loob. Maraming high school student ang nakabantay sa bawat gondola ng mga halaman na handang magpaliwanag sa magiging tanong nila. Sa kaliwa noon ay nakalagay ang hilera ng mga microscope. Doon nakalagay ang mga ilang mga dahon at parts ng halaman para silipin at suriin.

"Ang mga batang ito…" naaliw na anas ni Skylar at nilapitan ang isang kiming dalagita na nasa edad fourteen. Agad nagpaliwanag ang bata tungkol sa isang uri ng cactus. Kahit alam ni Skylar kung ano iyon ay hinayaan na lang niya. And she was glad that the kid did a research. Tama ang lahat ng sinabi nito.

Agad niya itong binigyan ng magandang grado sa chart. Matapos ay inaya na sila sa gawi ng mga microscope. Sinilip ni Webster ang isa doon at lumapit siya.

"How was it? Tama ba ang nakalagay na information sa nakikita mo?" usisa ni Skylar.

Tumango ito. "Nakakatuwa ang mga bata. Kids nowadays love gadgets and social media. Pero dito ay pinakita nilang may mga teenager na tulad nila." anito.

Tumango si Skylar. "Let me take a look," aniya at nakisilip sa microscope. Nakita niya ang mga fibers ng dahon at napangiti siya dahil tama ang nakalagay na information.

"Webster—"

Natigilan si Skylar dahil nagulat siya nang makitang isang dangkal na lang pala ang layo ng mga mukha nila ni Webster sa isa't isa. Nahuli din niya itong nakatitig sa kanya habang mayroong paghanga sa mga mata.

Her heart beats like crazy. She suddenly didn't know what to think. Webster's soft eyes caught her off guard. Parang ayaw mawala ni Skylar ang moment na iyon na tila sila na lang dalawa sa mundo.

"Dr. Fereira?" untag ng isang facilitator na gumising sa pareho nilang diwa.

Doon sila parehong nagbaling nang tingin. Halos sabay pang napatikhim. Panay ang buga ng hangin ni Skylar para pakalmahin ang puso na hindi na maawat sa malalakas na kabog.

"Yes?" tanong ni Webster.

"It's break time. We prepare something for both of you," magalang na saad nito.

Tumalima na silang dalawa at nagpunta sa maliit na opisina. Nandoon ang buffet para sa mga staff at inasikaso sila. Gusto nang mapasimangot ni Skylar nang mapansin ang isang magandang teacher na panay ang istima at ngiti nang matamis kay Webster.

"Thank you. We're okay now." ani Skylar sa babae. Pasimple na rin niya itong tinaboy para masolo si Webster.

Hayun! Inamin na rin niya sa sarili na gusto niya lang masolo ang lalaki! Lihim siyang napailing sa sarili.

Never in her entire life had that she acted that way. Ngayon lang! Hays!

And Skylar realized why. She likes Webster so much. So damn much. Not because he changed the way he look but because she wants someone like him in her life. Sino ba naman ang aayaw sa isang kagaya nito? Tanga lang ang tatanggi!

"O-Okay…" napipilitang sagot ng babae at umalis na. Napailing na lang si Skylar. Lalo siyang napasimangot nang mapansing nangingiti si Webster habang kumakain.

"Why are you smiling?" nayayamot na tanong ni Skylar.

Agad umiling si Webster. "Nothing,"

Sumimangot na siya. "Natutuwa ka siguro sa kanya,"

Napamaang si Webster. "Of course not…"

Hindi siya kumibo. Inirapan niya lang si Webster. Hindi na talaga niya napigilang umastang nagseselos! Ugh!

"Naging pogi ka lang…" bubulong-bulong niyang saad.

Mahinang natawa si Webster. "Believe me, she's not the reason why I am smiling."

"Sino?" pigil hiningang usisa niya.

Ngiting umiling na lang ito at kumain. Gusto tuloy niya itong yugyugin pero sa huli ay hindi niya nagawa. Nakakahiya na rin. Baka sabihin nitong super excited siya sa mga kinikilos nito kahit totoo.

Napabuntong hininga na lang si Skylar. Hindi na rin siya makapagsalita dahil tumahimik na rin si Webster.