webnovel

Basta May Ako at Si Lord ❤️

Ang sarap sigurong mainlove noh..

Yung masilayan nga lang si crush tila kinikilig ka na

Yung tipong hindi mo namamalayan napapangiti ka nalang bigla ng mag isa.

Yung tipong minsan ay napapanigipan mo pa

Yung tipong sana dumating ang araw ay mapansin ka rin niya.

Parang facebook lang, sana i-like ka din niya

Parang instagram lang, sana yung mga larawan mo lang ang gusto niyang makita

Parang twitter lang, sana dumating ang araw na tweet siya sayo ay este sweet pala..

Parang youtube lang, kapag natutuwa siya sa napapanood niya sana ganun din siya sayo.

Ang sarap sigurong magmahal noh...

Yung tipong sana crush ka din ng crush mo..

Yung tipong makakatanggap ka ng text mula sa taong mahal mo at sasabihin na.

"Good morning my loves"

"Kumain ka na ba?"

"Ingat ka ha"

"Mahal Kita"

Kahit wala man akong ka-date ngayon.

Kahit pinaasa ako ng taong gusto ko.

Kahit na single pa rin ako hanggang ngayon.

Basta may Ako at Si Lord.

Sa wakas may ka-lifetime partner pa rin ako.

Sa wakas sa kanya ko lang mahahanap ang forever ko.

Sa wakas may mas nagmamahal pa rin pala sa akin.

Sa wakas may taong laging nandiyan pa rin pala sa akin.

Dahil sa piling palang niya,

Hinding hindi ko mararanasan ang masaktan.

Hinding hindi ko mararanasan ang malungkot.

Hinding hindi ko mararanasan ang maiwan.

Hinding hindi ko mararanasan ang mag-isa.

Mas masarap pala magmahal si Lord.

Ang pagmamahal niya ay kasing tamis ng mga tsokolate.

Ang pag ibig niya ay tulad ng isang hangin.

Hindi mo man siya makita, mararamdaman mo naman ang pag ibig at ang presensya niya.

Sa bawat sakit na naranasan ko sa pag ibig.

Sa bawat luhang pumapatak sa aking mga mata.

Sa bawat taong minahal ko noon at iniwan ako ngayon.

Bakit ngayon ko lang ito napagtanto?

Sana noon palang nakinig na ako sa kanya.

Eh di sana di ko naranasan ang masaktan, ang umasa at ang maiwan.

Kung sa kanya palang ay SAPAT na sa piling niya.

Kung sa kanya palang nahanap ko na ang forever ko.

Kung sa kanya palang nalaman ko ang tunay na kahulugan ng salitang PAG IBIG 😊