webnovel

PROLOGUE

Masayang masaya at sabik na sabik ngunit puno din ng kaba na nakatayo suot ang puting amerikana sa dulo ng altar si Brian. Dahil sa wakas, ang tatlong taon na girlfriend ay magiging legal at panghabang-buhay na nya'ng makakasama, si Lia na sya'ng nag-iisang babae na pinangarap nya.

"Bro, anong oras na ba?" kinakabahan nya'ng tanong sa kanyang best-man at matalik na kaibigan na si Derek.

Nakangising tinapik naman sa balikat ni Derek si Brian saka kinuha ang kamay nito at iniharap sa sariling wristwatch na suot. "Bro, may relo ka. Tingnan mo kaya jan. Halatang kabado ka ah. Relax ka lang. Maya magkamali ka pa sa pag-deliver mo ng wedding vows mo eh" natatawa nitong sabi sa kaibigan.

Parami na nang parami ang bisita sa loob ng simbahan at dumating nadin ang pari na syang magkakasal sa kanilang dalawa. Ang iba ay naiinip na sa tagal ng pagsisimula.

Unti-unti nang nakakaramdam ng kakaibang kaba si Brian at ang ibang bisita ay nagsisimula na din magbulungan. Sampung minuto na ang nagdaan ngunit hindi pa din dumadating ang kanyang bride.

"Bro, tawagan mo nga si Dianne. Itanong mo kung nasan nasila."nag-aalalang sabi ni Brian sa kaibigan. Agad naman tinawagan ni Derek si Dianne na sya namang Maid of Honor.

"Bro, hindi nagriring eh."ani ni Derek nang subukan nitong tawagan ang kaibigan.

Lumapit na din kay Brian ang kanyang ina na si Mrs. Silva Harvey na nagaalala na din sa mapapangangasawa ng anak.

"Anak, ano ba ang nangyayari? Bakit wala pa si Lia?"tanong nito sa anak. Ngunit hindi din alam ni Brian ang kanyang isasagot sa ina.

Napupuno na ng ingay ng mga bulungan ng mga bisita ang buong simbahan nang biglang dumating ang kaibigan ni Lia na si Dianne. Humahangos at namumula ang mga mata dahil sa pag-iyak na lumapit ito kay Brian.Higit na nakaramdam ng kaba si Brian dahil sa hitsura ng kaibigan ng kanyang kasintahan.

"Dianne, si Lia? Nasan na si Lia? Bakit hindi mo sya kasama?"pilit na pinahinahon ni Brian ang kanyang sarili nang tanungin nito ang dalaga. Ngunit sa halip na sumagot agad ang dalaga ay humagulgol ito at bahagya pang napasandal ang mga kamay sa upuan na katabi.

"Dianne ano ba!? Bakit ka ba umiiyak. Ano ba!? Where's Lia?"naiinis ngunit puno ng pangambang tanong niya kay Dianne. Bahagya naman inalalayan ni Derek si Dianne upang makatayo ito ng ayos.

"Dianne, may nangyari ba?"mahinang tanong ni Derek kay Dianne.Huminga ng malalim si Dianne at pilit na ikinakalma ang sarili na tumingin ito kay Brian.

"She asked me to just wait her in her hotel room. Sabi kasi nya gusto daw nya'ng pormal na makapagpaalam sa daddy nya and so she went to their house. I waited for about 1 hour but she's still not coming kaya sinubukan ko na syang tawagan but... but" nahinto sa pagsasalita ang dalaga at muli itong umiyak..

"But what!? Dianne ano ba!!!"sigaw na ni Brian sa dalaga.

"But someone answered her phone and told me that she's dead."

"What!? What do you mean she's dead!?"

"papunta na sya sa bahay nila nang mawalan ng preno ang kotse niya at bumangga ito sa isang puno. She was brought to the nearest hospital but she was... she was... dead on arrival..."tuloy tuloy na paliwanag ni Dianne kay Brian.

Ngunit tila hindi naniniwala si Brian sa sinasabi ng kaibigan kung kaya kinuha nito ang sariling cellphone at tinawagan ang nobya. But it's already not ringing.

"Where is she Dianne? C'mon. This is not a good joke okay. So stop this f****** joke."galit na sabi ni Brian.

"I am not joking! I am not lying! Oh well I wish this is just a f****** joke para kahit magalit ka sakin alam kong buhay ang kaibigan ko! But it's not!"mariin ding sabi ni Dianne saka tuluyan na itong napaupo at humagulgol.

Kahit gusto nang maiyak ni Brian ay pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang paniwalaan ang mga sinasabi ng dalaga.

Pilit nyang itanayo si Dianne saka ito hinila palabas ng simbahan.Mabilis naman na sumunod si Derek sa kanila. Ang kanyang ina naman ay naiwan upang asikasuhin ang mga naiwanang bisita.

"Get in the car." utos ni Brian kay Dianne ngunit tila wala itong naririnig at patuloy lang ito sa pagiyak dahilan upang lalong makaramdam ng galit si Brian. "I said get in the car!!"sigaw nito saka hinila at tinulak papasok ng kotse si Dianne. Sumunod naman sumakay si Derek.

"what hospital!?"tanong nito ngunit hindi sumagot si Dianne kaya galit na galit nitong hinarap si Dianne na nakaupo sa likod.

"Sabi ko anong ospital!! Nasaan ngayon si Lia, Dianne!! nasan sya ngayon!! magsalita ka!!"galit na galit at tuluyang nang naiyak si Brian.

Pinalipat ni Derek ang kaibigan sa passenger seat at sya na ang nagdrive papunta sa ospital na sinabi ni Dianne kung saan dinala si Lia. Pagdating nila ng hospital ay mabilis silang pumunta sa emergency area at hinanap si Lia.

Kahit sinabi na ng nurse na kasalukuyan na itong nasa morge ay patuloy pa din si Brian sa pagikot at pagsilip sa bawat parte ngospital. Hanggang sa makasalubong na nito ang ama ng nobya.

"Sir... Sir.. si Lia po? Nasan po si Lia?"nanginginig na tanong ni Brian sa ginoo. Tinitigan sya nito ng masama at saka isang malakas na suntok sa mukha ang dumapo sa kanya.

"Ang lakas din naman ng loob mo na pumunta dito! Humarap sa akin para tanungin kung nasaan ang anak ko!? Matapos mong ilayo sa akin ang anak ko ng ilan taon! At ngayon ikaw pa ang dahilan kung bakit ngayon, kahit anino ng anak ko ay kahit kailan hindi ko na makikita!Wala na si Emilia!! wala na ang anak ko! Patay na ang anak ko!"galit na galit na sigaw ng ginoo kay Brian. Ngunit tila hindi pa din matanggap ng puso't isip ni Brian ang mga nangyayari kung kaya't nilagpasan nito ang Ginoo at naglakad upang hanapin muli si Lia.

Hinila naman pabalik saka sinuntok muli ng ama ni Lia si Brian saka ito hinarap.

"Umalis ka na dito. Umalis na kayo dito!!! hindi kayo kailangan dito. Umalis na kayo!!!"sigaw ng matanda. At dahil sa malakas nasigaw ng ama ni Lia ay nakuha nito ang atensyon ng mga guard kung kaya naglapitan na ito at saka pinalabas na ng ospital ang tatlo.

Sa parking lot, sa harap nang sasakyan ay tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at bigla na lamang sya'ng napaupo at tuluyan na din bumigay ang mga mata ni Brian at umiyak na ito. Tila gumuho ang buong mundo ni Brian sa nangyari na ito sa kanya. Pakiramdam nya ay bumagsak ang buong langit sa kanya. Ang dapat ay masaya at bagong simula ng buhay nila ng kanyang nobya ay sya palang katapusan ng lahat sa kanila at ng kanilang mga pangarap.

- - - - - ❤️️❤️️❤️️- - - - -

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, FOLLOW AND SUPPORT THE STORY. Thank you...

- - - - - ❤️️❤️️❤️️- - - - -