webnovel

THROUGH KISS

"Wow! Ibig sabihin pag hinalikan kita maririnig ko na ibang tinig ng kauri mo?" agad ko ulit tanong.

"Dito lang sa lugar na to, pero pag lumabas ka na sa kwebang to, hindi mo na maririnig tinig nila kahit ilang beses ka pa humalik sa isang sirena" paliwanag nya sakin.

Agad naman ako umisod papalapit sa kanya at--

"Pwede ba kitang halikan ulit?" tanong ko sa kanya, napatingin naman sya sakin.

"Gusto ko marinig ng matagal tinig ng kauri mo" paliwanag ko ulit, ngumiti naman sya sakin at tumango., Dahan dahan ko naman nilapat labi ko sa labi nya at maya maya pa...

Mas malinaw ko na naririnig tinig nila habang hinahalikan ko si Azaria, para silang mga choir, na kapag narinig mo tinig nila gagaan ang pakiramdam mo, wala na din ako pakealam kung tao o hindi ang mamahalin ko. Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa mga. ganung bagay. Nag mistulang musika naming dalawa habang pinalilipat lipat ko labi ko sa taas at baba ng labi nya, yinapos ko naman sya ng mahigpit habang sya nakahawak sa may batok ko, medyo kumalas naman ako sa labi nya at.

"Hindi man ako nabubuhay ng kasing tagal katulad nyo, ipangako mo sakin na sasamahan mo ako hanggang sa pag tanda ko, sasamahan mo ako hanggang sa huling hininga ko, wala akong pakealam kung sirena o tao ka, basta ang alam ko sa sarili ko mahal kita at hindi ko kaya mabuhay ng wala ka" pakiusap ko sa kanya, napangiti naman sya sakin at tumango, kaya muli ay hinalikan ko labi nya. Patuloy ko sya hinalikan hanggang sa maglaho yung tinig ng mga kauri nya.

....

Pagkabalik namin dito sa cliff kung san kami tumalon kanina, nauna ako umahon sa kanya.

"Kendrick, pakiusap tumalikod ka muna" pakiusap nya sakin.

"A-hh, oo sigesige" agad naman ako tumalikod, gusto ko sana makita pag papalit anyo ng buntot nya kaso, pag naging paa na buntot nya, for sure makikita ko din yung ano nya, ano ba Kendrick! Erase! Erase!

"Tapos na" kinig kong imik nya kaya humarap na ulit ako sa kanya, nakasuot na ulit sya ng mahabang damit.

Agad naman ako lumapit sa kanya at hinawakan kamay nya.

"Tara na umuwi na tayo" nakangiti kong sambit sa kanya, ngumiti naman sya pabalik sakin.,

Kinagabihan, habang nag gigitara ako, masaya nya naman akong pinapanood.

"Pag kagraduate ko, dito na ako titira mag sasama tayo hanggang pagtanda ko" nakangiti kong sambit sa kanya, technically mauuna ako mamatay, ang daya.

"Sa tingin mo? Pwede tayo mag kaanak?" naka ngiting tanong ko ulit sa kanya.

"Gaya ng sinagot ko sa tanong mo, pwede mag kaanak ang isang sirena sa isang mortal, pero habang nagdadalang tao kaming mga sirena nasa kailaliman kami ng dagat at kung kelan ang na katakdang panganganak namin saka lang kami aahon para mag silang" paliwanag nya, kaya napangiti ako.

"Sa tingin mo, pag nagkaanak tayo, may buntot din sya kagaya mo?" taka kong tanong, napaisip naman sya.

"Hindi ko alam, wala pa naman ako nakikitang ganyan, gaya ng sabi ko, kami lang ni Ezra ang andito sa lugar na to" sagot nya.