webnovel

Chapter 3- Mga Pogi

Habang naglalakad papasok sa hallway, naghiyawan ang halos lahat ng mga babae nang dumating ang isang pogi, matangkad at maputing lalaki. Ang lalaking ito ay si Isaac.

Isa sa kinababaliwan ng mga babae sa eskwelahan ni Emily at isa sa kanyang mga crush. Panay ang bati ng mga babae kay Isaac habang papalapit ito sa kanyang classroom.

Girl1: "H-H-Hi!! Isaac!"

Isaac: "Hello!"

Girl1 (blushing): "EEEEEEKK! PINANSIN NIYA AKO!"

Girl2: "Good morning, Isaac!"

Isaac: "Good morning din!"

Girl2 (blushing hard): "EEEEEEEKKKK! PINANSIN NIYA RIN AKO!"

Habang binabati ni Isaac ang mga babaeng bumabati din sa kanya, abala din si Kit sa pagbibilang ng mga babaeng nahihimatay, matapos batiin ni Isaac ang mga ito.

Kit (unamused): "....27....28.....29....30....31....32....33-"

Allan: "Hoy! Itigil mo nga yan! Nasasaktan ang mga puso namin kapag binibilang mo yung mga babaeng nagkakagusto kay Isaac!"

Allen: "Oo nga, Kit! Itigil mo yan!"

Althea: "Wow! Talaga?! Nasasaktan ang mga puso ninyo?! Bago kayo masaktan, isipin niyo nga muna ang dahilan kung bakit walang nagkakagusto sa inyo?!"

Allen: "Oo nga noh? Bakit nga ba?"

Emily: "Simple lang, mga mamboboso kasi kayo! Kaya walang magkakagustong ng mga babae sa inyo!"

Allan: "Ay....Uhhhh.....ganun ba yun?"

Althea: "Oo. Ganun nga!"

Nina (blushes slightly): (Hay....mga wala ng pag-asang makaintindi pa ang dalawang to. Ganun pa man, ANG GWAPO NI ISAAC! EEEEEEKKKK!)

Sa sobrang pag-iisip ni Nina sa kagwapuhan ni Isaac, nahimatay na rin ito at isinama na rin sa bilang ni Kit si Nina.

Emily: "N-Nina?! Anong nangyari sayo?!"

Kit: "...43....."

Allan: "Kit! Itigil mo nga yan!"

Claire: "Emily, yan na ang ebidensyang crush din ni Nina ang mga crush mo."

Emily (sweaty smile): "Oo nga, Claire. Kita ko nga."

Sa hindi maipaliwanag na pangyayari lumapit si Isaac sa pwesto kung saan nakatayo ang grupo ni Emily. Natuwa naman si Emily nang kusang lumapit si Isaac sa kanila. Ngunit naging masama ang tingin ng ilang mga babae sa kanilang grupo.

Isaac (worried): "Uy....guys. Uhmm...anong nangyari sa kanya?"

Althea: "Sino? Si Nina?"

Isaac: "Oo. Bakit wala siyang malay?"

Emily: "Uhhh....ehhh....A-Ano...." (Wow! Hindi ako makapaniwala! Kusang lumapit si Isaac sa pwesto namin!)

Claire: "Nahimatay siya, Isaac. Siguro, dahil sa nagpuyat siya kagabi sa paggawa niya ng Assignment."

Emily: "O-Oo! Tama! Dahil sa Assignment!"

Isaac (calm tone): "Kung ganun, pwede niyo ba akong turuan kung paano ang gagawin sa question number 7 sa Science? Hindi ko kasi alam kung paano isosolve yun eh."

Emily (Happy blush): "O-Oo naman, Isaac! Kung gusto mo kopyahin mo na rin ang sagot namin sa Assignment!" (Ang galing ng timing mo Claire!)

Althea (unamused): (Grabe ka Emily! Handa mong ipakopya sa kanya yung sagot sa Assigment natin para lang magpapansin!)

Nagulat ang dalawang lalake sa kanilang narinig mula kay Emily.

Lalaki1 (shocked): "Sandali?! Totoo ba ang narinig kong may magpapakopya ng sagot sa Science?!"

Lalaki2: "Aba! Sakto! Pasuyo kami, Emily!"

Napalingon ang mga grupo ni Emily sa direksyon ng entrance kung saan sakto din ang pagdating ng dalawa sa kinababaliwan ng mga babae.

Althea (blushes little): (OMG! Sina Daniel at Axel pala ang dumating?!)

Girl1: "G-Good Morning Daniel at Axel!"

Axel: "Good morning din."

Girl1 (blushes more): "AAAAAAAHHHH! BINATI AKO NI AXEL!"

All Girls: "EEEEEEKK!"

Daniel (annoyed): "HOY! MAGSITAHIMIK NGA KAYO!"

Girl2: "Good Morning, Daniel!"

Daniel (unamused): "Tigilan niyo nga kami!"

Axel (calm tone): "Tol! Chill lang! Hindi ka ba natutuwa na maraming nagkakagusto sayo? Batiin mo din sila ng maayos."

Daniel (rolling his eyes): Anong Chill lang?! Araw-araw na lang tayong binabati ng mga babaeng ito, magmula noong nag-aaral pa tayo sa School na ito! Tsaka, kada magkikita tayo, lagi tayong sinusundan ng mga babae kahit saan tayo magpunta?!"

Axel (teasing): "Chill lang kasi, Tol. Okay naman sila."

Daniel: "Anong Okay?! Hindi ito Okay, Pare!"

Axel: "Bakit naman?"

Daniel (unamused): "Tol! Sinusundan pa rin tayo ng mga babae kahit sa loob ng CR!"

Axel (sigh): "Uhhh...Okay."

Daniel: "Tol! Hindi ito okay!"

Sina Daniel at Axel ang dalawa sa kinababaliwan ng mga babae sa School ni Emily.

Hindi dahil sa gwapo ang mga ito, kundi dahil sila'y physically fit at miyembro din sila ng Soccer team ng kanilang School.

Kaya ganun na lang ang pagbati ng mga babae sa kanila.

Pagdating nina Daniel at Axel sa pwesto kung saan nakatayo ang mga grupo ni Emily, agad nagtanong tungkol sa assignment si Axel.

Axel: "Guys! Tama ba yung narinig naming pakokopyahin nyo kami ng assignment?"

Emily (blushing hard): "Oo! Kunin mo na, Axel, itong notebook ko! Nasagot ko na yan lahat!" (MY GOD! ANG GWAPO AT ANG HOT NI AXEL!)

Axel: "Uhhh...Sige. Salamat ha!"

Iniabot ni Emily ang kanyang notebook kay Axel kung saan nahawakan ni Axel ang kanyang mga daliri.

Emily (blushing more): (EEEEEKKK! NAHAWAKAN NIYA ANG MGA DALIRI KO! Araw-araw ko na lang ata siya pakokopyahin ng sagot sa assignment para mahawakan niya ulit ang mga daliri ko!)

Daniel (smirk): "Oy! Emily! Sigurado ka bang tama ang mga sagot mo sa assignment mo ha?! Baka mamaya makakuha pa kami ng Zero dahil sa pagpapakopya mo sa amin ni Axel!"

Emily: "Oo, Daniel. Sigurado ako!"

Althea: "Daniel, kung nagdududa ka sa sagot namin at baka ma-zero ka, eh di huwag kang kumopya sa amin!"

Claire: "Oo nga, Daniel. Pinagtulungan naming sagutin nila Emily, Nina at Althea yan. Tapos magdududa ka pa? Buti pa si Axel, hindi siya nagdadalawang-isip na pagdudahan ang mga answers namin."

Daniel: "Eh hindi naman sa duda ako sa mga sagot niyo. Pero..."

Allan: "Huwag ka nang magkaila! Pinagdududahan mo lang talaga etong mga beauty and brains na mga kaibigan namin!"

Allen: "Oo nga!"

Daniel (harsh tone): "Tumahimik nga kayo! Huwag nga kayong sumabat ng hindi naman kayo kinakausap! Tsaka, kailan pa kayo naging kaibigan ng mga eto?!"

Althea: "Daniel, huwag kang makinig dyan sa dalawang inutil na yan! Hindi namin sila kaibigan!"

Emily: "Oo nga! At hindi namin kayo gusto!"

Allan: "Ang sakit niyo naman magsalita. Pero di bale na, iinspectionin na lang namin etong si Nina dito."

Allen: "Oo nga."

Habang abala sa pangongopya ng assignment ang tatlong gwapong mga lalaki, lalapit sana ang dalawa kay Nina na walang malay ng bigla itong nagising.

Nina: "Uhhhh...Anong nangy-"

Allan: "Nina, walang nangyari. Kaya matulog ka na lang ulit."

Allen: "Oo nga."

Nina: "EEEEEEEK!"

Sa gulat ni Nina, sinipa niya ang mukha ni Allan at isinunod si Allen.

Nina (irrirated): "EEEEEKKK! LUMAYO KAYO! MGA BASTOS!"

Emily: "Nina?! Okay ka lang ba?! Binosohan ka ba nila?!"

Daniel: "Inspection pala ha? Yun pala, sinusubukan niyo siyang bosohan habang nakahiga."

Isaac: "Kayong dalawa, wala na ba kayong magawang matino sa mga buhay ninyo?"

Althea: "Mahiya naman kayo! Bobosohan niyo pa si Nina sa harap ng maraming tao?!"

Allan: "Oy! Hindi ah!"

Allen: "Oo nga!"

Nina: "Wala akong tiwala sa inyo! Lumayo nga kayo!"

Ayaw sanang lumayo ng kambal mula sa grupo ni Emily dahil sa pagtatangka nilang pagboso kay Nina, nang biglang binatukan ni Kit ang kambal tsaka niya hinila ang mga ito, palayo sa mga grupo ni Emily.

Napangiwe sa nangyari ang mga grupo ni Emily at pati na rin ang mga tatlong lalaking nakikikopya sa kanila.

Axel: "Ang weird talaga ni Kit noh? Hindi mo masabi kung kaibigan ba niya yung kambal o siya ang tumatayong taga-disiplina dun sa dalawa."

Daniel: "Oo nga noh."

Isaac: "Naisip ko lang, natapos kaya ni Kit ang kanyang assignment sa Science? Parang ayaw niyang makikopya sa sagot ni Emily."

Althea: "Oo nga. Pero hayaan na lang natin siya. Baka mamaya, mga weird din ang mga sagot niya sa kanyang assignment."

Claire: "Sinabi mo pa."

Habang abala sa pagpapakopya si Emily sa tatlong lalaking crush nito. Pinagmamasdan at masama naman ang tingin ni Ruby sa grupo ni Emily.

Ruby (unamused): (Kainis! I can't believe this! Lumapit ang mga tatlong Prince Charmings ko sa mga grupo ng mga Losers na yan! At ang masama pa, magkatabi pa sina ni Axel at ang Emily na iyon! Humanda ka sa akin mamaya, bruha ka! Hindi ako makakapayag na mapunta si Axel sayo!)

Ilang minuto matapos mapakopyahan ni Emily ang talong lalaki, biglang nagkaroon ng malakas na pag-uusap ang mga babaeng estudyante.

Napatingin muli sa direksyon ng entrance ang mga grupo ni Emily at ang mga tatlong lalaki kung saan nakita nilang nagmamadaling tumatakbo papunta sa pinto ng kanilang Room na si Edward.

Edward: "Pasensya na kayo, Guys! Nalate ako! Bubuksan ko na yung room natin!"

Nagmadaling hinanap ni Edward ang susi sa loob ng kanyang bag para buksan ang pinto ng kanilang classroom at natataranta din ito sa hindi malaman na dahilan.

Isaac: "Edward anong nangyari? Ba't nagmamadali ka?"

Edward: "Guys! Nakita ko kasing naglalakad papunta dito si Sir Joey at pagagalitan niya ako kapag nalaman niyang hindi pa ito bukas ang classroom natin!"

Emily (shocked): "A-Ano? Papunta na dito si Sir Joey?!"

Daniel: "Naku! Lagot! Maabutan tayo ni Sir na kumokopya ng sagot sa Assignment Emily! Kailangan natin magmadali!"

Nina: "Isaac! Kopyahin mo na yung sagot ko! Parehas lang naman kami ng sagot nila Emily sa mga notebook namin!"

Claire: "Pati yung akin! Kunin niyo na rin!"

Edward: "Guys! Pakopya din ako! Ang dami ko kasing ginagawa dahil sa SGO duties ko! Kaya pasuyo na rin."

Althea: "Oo nga pala! Ikaw pala ang SGO President! Kaya pala nagtataka kami kung bakit wala kang Assignment?"

Si Edward ang Student Government Organization President at isa rin sa mga matatalinong estudyante sa kanilang School.

Bagamat may pagka-nerd si Edward, hindi pa rin maitatanggi ang cute at kagwapuhan nitong taglay.

Kaya naman, isa din siya sa pinagkakaguluhan ng mga babae.

Pagbukas ni Edward sa kanilang classroom, agad nagsipunta sa kanilang upuan mga estudyante maliban sa grupo ni Emily at ang apat na poging mga lalaki.

Unang natapos sa pangongopya sila Isaac, Daniel at Axel.

Tsaka sila nagsilbing look-out sa pinto upang bantayan ang kanilang guro na papunta na sa kanilang classroom.

Daniel: "Edward! Dalian mong kumopya!! Habang wala pa si Sir!"

Edward: "Oo! Ginagawa ko na eh! Nakaligtaan ko pa kasi etong Assignment sa Science!"

Althea: "Ididictate ko yung sagot, sumulat ka na lang sa notebook mo."

Edward: "OKAY!"

Idinictate ni Althea ang mga sagot mula sa kanyang notebook habang nagsusulat naman ng mabilis si Edward.

Namangha naman sila Emily, Nina, at Claire sa bilis at ayos magsulat ni Edward habang pinapakinggan ang sinasabing mga sagot ni Athea.

Ilang sandali pa, sumenyas sina Daniel at Axel na paparating na ang kanilang guro.

Sakto namang natapos sa pangongopya si Edward.

Edward: "Guys! Thank you sa pagpapakopya ha? Malaki ang utang na loob ko sa inyo!"

Emily: "Oo, Edward. Wala sa amin yun."

Althea: "Ako rin."

Nina: "Guys! Balik na tayo sa mga upuan natin! Nandyan na daw si Sir!"

Agad nagsibalik sa kani-kanilang mga upuan ang grupo ni Emily at pati na ang apat na lalaki.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok mula sa pinto ang kanilang homeroom teacher.