webnovel

Chapter 13- Planning for Camping Trip

Pagkagaling sa Canteen, bumalik sa kanilang classroom sina Emily at Axel kung saan, nai-intriga ang mga kaibigan ni Emily sa kanilang dalawa.

Althea: "Sinasabi ko na nga ba?! Kayong dalawa ni Axel ang magkasama kanina."

Nina: "Oo nga, Emily. Ang sinabi mo sa amin kanina, ay gusto mong mapag-isa. Yun pala, gusto mo lang solohin si Axel!"

Claire: (Mukhang tama din ang hinala ko kanina. Si Axel nga ang pupuntahan niya kanina.)

Axel: "Oo, magkasama kami. Kasi nakita ko si Emily na umiiyak sa Mini Garden."

Althea at Nina (shocked): "AAANNOO??!"

Kit: (.....Duet sila.....)

Tila nagulat ang dalawang kaibigan ni Emily sa sinabi ni Axel.

Habang sina Claire at Kit ay nanahimik lang at nakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

Ngunit hindi napansin ng apat na babae at ni Axel ang presensya ni Kit na nakaupo sa tinatambayan nilang desk.

Gayun pa man, nag-patuloy pa rin sa pag-uusap ang limang ito.

Althea: "Totoo ba ang sinabi ni Axel, Emily? Na umi-iyak ka daw?"

Emily (denial): "Hindi ako umi-iyak. Tsaka napuwing lang ako kanina kaya akala ni Axel umiiyak ako nung nilapitan niya ako."

Nina: "Sure ka, Emily? Na wala kang problema?"

Emily: "Wa-wala akong problema. Kaya huwag niyo na ako aalalahanin. Okay?!"

Althea: "Pero Axel, may isa pa akong tanong tungkol sa inyong dalawa?"

Axel: "Sige, ano yun?"

Althea: "Totoo ba na nagdadate kayo ni Emily sa Canteen?"

Axel: "Oo, bakit?"

Nina (blushing): "Ayieee.... magkasama silang dalawa ni Emily."

Claire: "....." (...Axel, si Emily na ba talaga?...)

Emily (unamused): "Teka nga muna! Paano niyo nalaman ang tungkol dito ha?"

Althea: "Eh kasi sinabi nung ingratang, highblood na si Ruby kanina. Habang wala pa kayo sa classroom."

Nina: "Tsaka anong ginawa niyong dalawa kanina sa Canteen?"

Emily: "Kumain lang kami ni Axel sa Canteen."

Althea: "Wala na ba kayong ginawang iba bukod sa kumain lang kayo?"

Emily: "Wala naman. Bakit?"

Althea: "Ah okay. Sabi mo eh..."

Sandaling hindi kumibo si Claire sa kanyang mga narinig.

Nang mapansin ni Nina ang pananahimik ni Claire, biglang nagtanong siya sa kaibigan.

Nina: "Ah Claire, wala ka ata imik dyan? Okay ka lang ba?"

Claire: "Okay lang ako, Nina."

Emily: "Sure ka?"

Claire: "Oo. Tsaka paparating na rin si sir Joey dito sa classroom natin."

Kit: (.....Tama ka sa sinabi mo. Nararamdaman ko ang malakas niyang aura.....)

Althea: "Ah guys...Bumalik na agad tayo sa mga upuan natin! Bago pa magalit si Sir sa atin."

Axel: "Oo. Mabuti pa nga."

Agad nagsibalik sa kani-kanilang mga upuan ang mga estudyante kasama na ang grupo nila Emily at si Axel.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok mula sa pinto ang kanilang Homeroom Teacher.

Pagpasok ng kanilang guro, tila nakangiti at natutuwa ito dahil sa mayroon itong magandang balita na iaanunsyo sa kanyang mga Estyudyante.

Kaya naman, matapos batiin ng mga Estudyante, biglang tumahimik ang buong klase at hinihintay ang sasabihin nito.

Sir Joey: "Good morning Class!"

Lahat: "Good morning, Sir!"

Sir Joey: "So Class, bago natin simulan ang klase, may konting announcement lang ako para sa inyo."

Nagkaroon ng konting pag-uusap at pag-iingay ang ilang sa mga estudyante nang marinig ang sinabi ng kanilang guro. Hanggang sa muli itong nagsalita.

Sir Joey: "Guys! Tumahimik muna kayo! Nang masabi ko na kung ano ang dapat kong sabihin sa inyo."

Sumunod naman ang mga estudyante sa sinabi ng kanilang guro at sila'y tumahimik.

Sir Joey: "So, makinig ang lahat. Magkakaroon tayo ng School Camping Event sa darating na linggo kung saan, tanging ang buong batch ng Grade 10 ang pinayagang magkaroon ng Camping event sa Tanod's Camp sa bayan ng Lacresa. Dun sa mga nag-aalala kung may bayad ang pagsama sa School Camp. Siyempre laging may bayad!! Kailan pa nagkaroon ng libre sa pamamalakad ng Eskwelahan na ito!"

Tila napangiwe at hindi natuwa ang karamihan ng mga Estudyante dahil sa narinig nilang may bayad ang pagsama sa School Camp.

Kaya nag-ingay ang karamihan sa mga Estudyante.

Gayun pa man, nagpatuloy sa pagsasalita ang kanilang guro

Sir Joey: "Anyway, hindi naman namin pinipilit ang lahat na pumunta. Pero as usual, lahat ng hindi sasama ay magkakaroon ng Special Activity. Kung saan, sasagutin niyo lang naman ang 20 modules na iiwan namin sa inyo for 2 days. Sa mga sasama naman, mayroon din tayong Activities na gagawin sa camp. Kung saan mag-eenjoy at matututo din kayo? Una na diyan, sa first day ay matututo kayong maghanap ng kahoy na panggatong, gumawa ng apoy gamit ang kawayan at magluto sa kahoy. Sa Second day naman, may surprise activity kami. Kaya hindi ko muna sasabihin ang mga detalye."

Sa hindi inaasahan, biglang nagtaas ng kamay si Daniel at nagtanong sa kanyang guro.

Daniel: "Sir! Sabi niyo po, 2 days po kami dun sa Camp, hindi po ba?"

Sir Joey: "Oo, Mr. Rivera."

Daniel: "Eh...Sir, saan po kami matutulog kung sakali?"

Sir Joey: "Well, huwag kayong mag-alala dahil may Camp house naman tayong matutulugan sa bawat Section. Tsaka depende pa yan sa kung ilan ang sasama. Kaya naman, magbayad na kayo kung gusto niyong sumama. Sa mga ayaw sumama, ipa-Ipaphotocopy niyo na yung mga module ninyo.

Matapos sabihin ng kanilang guro na magkakaroon ng school camping ang kanilang school, laking tuwa ng ilang mga Estudyante na sasama sa Camp.

Kung kaya't nagbayad agad ang mga estudyanteng gustong sumama at nagpa-Photocopy naman ng Module sa Canteen ang mga estudyanteng ayaw sumama.

Emily (blushing): (Sigurado ako makakasama ko ulit si Axel sa camping namin ng dalawang araw!!)

Claire (excited): (School camping?! Mukhang masaya yun! Marami kaming activities na gagawin!)

Nina: (Sino naman kaya ang makakatabi ko sa pagtulog? Si Claire ba o si Althea?)

Althea (happy): (Mukhang makakasama na ako ngayon sa school camping!! Ngayon pa lang, excited na ako!! First time kong makasama sa Camp!!)

Isaac: (What if...Kung yayain ko na kaya yung babaeng iyon mamaya? Para naman makatabi ko siya sa bus.)

Daniel: (Bad experience yung nangyari sa akin noong nasa Elementary pa ako! Sa pagkakataong ito, hindi ko na uulitin yun pagtulog ko sa damuhan!)

Axel: (Excited na akong makasama si Emily sa school camping!)

Ruby (annoyed): (Grrrr! I hate this because makakatabi ni Emily si Axel my love, sa bus! Kailangang sumama ako para mapigilan sila!!)

Samantha: (Ruby, bahala ka na diyan sa Camp ha? Ayoko sa mga Camp dahil ipapagawa sa akin yung mga gawain na nakakadiri!)

Ivy: (Excited na ako sa Camping!)

Allan: (Yes! Mukhang magandang pagkakataon na ito upang maghasik ng lagim!)

Allen: (Yes! Mga butas na CR sa lumang Camp! Yan ang paborito namin ni Utol!)

Jackson: (Excited na akong manuntok ng tao sa camp. hahahahah!!)

Kit: (.....Bahala kayo diyan.....)

Sir Joey: "Guys! Alam kong excited na kayo para sa School camping ninyo next week. Pero lessons muna ang dapat unahin. Kaya kung nandito na ang lahat, simulan na natin ang klase!"

Matapos sabihin ng kanilang guro ang tungkol sa School Camping, nagsimula na sa pakikinig ng klase ang mga estudyante sa guro.

Nang mag-ring ang bell, hudyat na rin ito na tapos na ang klase sa umaga at kasalukuyang nagsisipunta sa Canteen ang mga estudyante.

Habang nakapila sa Counter ng Canteen, biglang lumapit si Isaac sa grupo ni Emily.

Isaac: "Hi girls!"

Althea: "Hello din sayo Isaac!"

Claire: "Anong ginagawa mo dito Isaac?"

Isaac: "Puwede ko ba hiramin si Nina sa inyo saglit?"

Althea: "At bakit mo naman hihiramin yung kaibigan namin?"

Isaac: "Mayroon lang ako importanteng sasabihin sa kanya, okay lang ba sayo Nina?"

Nina: "Oo naman! Tungkol saan ba pag-uusapan natin? Assignment ba sa Math o Science?"

Isaac: "Gusto sana kitang kausapin sa library, kung okay lang sayo?"

Nina: "Bakit sa library? Ayaw mo bang makipagusap dito para marinig din ng mga kaibigan ko?"

Isaac: "Gusto ko kasi sa tahimik ng lugar na tayo lang para madali tayong magkaintindihan."

Nina: "Okay sige. Aalis muna kami ha. Tsaka hintayin niyo ako sa pagkain ha."

Emily: " Oo na, Nina, tsaka balitaan mo na lang kami kung ano ang pinagusapan niyong dalawa?"

Kaya umalis ang dalawa upang pumunta sa Library Building.

Nang makarating sila sa loob, umupo ang dalawa sa bakanteng upuan para mag-usap.

Hindi mapakali si Isaac sa kanyang upuan at nang mapansin ito ni Nina, kinausap niya eto.

Nina: "Isaac, May problema ka ba?"

Isaac: "Ano....Kasi may gusto akong sabihin sayo pero baka mainis ka."

Nina: "Ha maiinis? Bakit naman ako maiinis?"

Isaac: (Kaya ko kayang sabihin sa kanya? Baka mamaya, ireject niya ako kapag nalaman niyang may nararamdaman ako para sa kanya!)

Nina: (Ano kaya sasabihin ni Isaac? Hindi kaya may gusto siya sa akin?! Teka? Parang imposible naman ata yun!)

Isaac: "Ni-Nina puwede ba kitang ligawan?"

Nina: "Ha? Ano? Isaac hindi ko narinig yung sinasabi mo sa akin. Pakiulit nga?"

Isaac: "Ang sabi ko, Puwede ba kitang ligawan, Nina?!"

Nagulat si Nina nang marinig ang sinabi ni Isaac.

Hindi siya makapaniwala na si Isaac na mismo ang manliligaw sa kanya. Kaya para makasigurado, tinanong niya ulit si Isaac.

Nina: "Isaac? Nagbibiro ka ba? Baka biro lang yan sinabi mo?!!"

Isaac: "H-Hindi, Nina. Hindi ako nagbibiro. Tsaka, sinusubukan kong sabihin sayo etong totoong nararamdaman ko para sayo. Kasi matagal na kitang gusto."

Nina: "Matanong nga kita, Isaac? Ano bang nagustuhan mo sa akin? Akala ko ba wala kang gusto sa akin?"

Isaac: "Ehhh... Ano... Simula pa noong nasa grade 9 pa tayo, naging crush na kita. Kasi napakatalino mo at lagi kang handang supportahan ang mga kaibigan mo. Dito rin tayo sa library unang nagkita hindi ba? Tsaka lagi mo akong tinutulungan sa mga assignments ko kahit na minsan, isinasabay mo sa paggawa ng sarili mong assignment. Hanggang sa hindi ko namamalayan, nahuhulog na pala ang loob ko sayo. Kaya naman, naisip ko, gusto kitang maging Girlfriend. Kaya Nina, pumapayag ka ba na maging girlfriend ko?"

Sandaling hindi kumibo si Nina sa mga sinabi ni Isaac dahil sa nabigla rin siya rito.

Hanggang sa naisip niyang huwag ng palagpasin ang magagandang pagkakataon na sagutin ang tanong ni Isaac sa kanya.

Isaac (sad): "Okay lang sa akin Nina, kung hindi mo kayang sagutin ang mga tanong ko sayo."

Nina (blushing): "Isaac, a-actually, matagal na rin kitang gusto."

Isaac (happy): "So ibig bang sabihin, pumapayag ka na sa gusto ko?"

Nina: "Oo Isaac. Pumapayag ako sa gusto mo na ligawan ako."

Tuwang-tuwa naman si Isaac dahil sa mga sinabi ni Nina sa kanya at bilang pagtugon ay inumpisahan niya panliligaw kay Nina.

Matapos ang ilang minuto muling nagsalita si Isaac sa kanya.

Isaac: "Maraming salamat sayo, Nina. Kasi binigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan ka."

Nina: "Walang anuman, Isaac. So, aalis na ba tayo? Baka hinahanap na tayo ng mga kaibigan natin."

Isaac: "Oo naman, Nina."

At umalis ang dalawa mula sa library tsaka sila bumalik sa Canteen.

Pagdating nila sa Canteen, nakita nilang naghihintay pa rin sa kanila ang kanilang mga kaibigan.

Emily: "Kamusta naman kayong dalawa?"

Nina: "Okay lang naman kami."

Althea: "Ano naman ang pinagusapan ninyong dalawa?"

Nina: "Actually guys, niligawan ako ni Isaac."

Althea, Claire at Emily (shocked): "AANNNOO??"

Isaac: (Huh? Trio sila?)

Nagulat at hindi makapaniwala ang tatlong kaibigan ni Nina na niligawan siya ni Isaac.

Ngunit, ikinatuwa naman ito nang tatlong babae.

Emily: "Wow naman, Nina! Congrats sayo! Kasi natupad na yung pinakahihintay mong man of your life!"

Althea: "Oo nga, Nina! Akala ko si Emily ang magkakaroon ng jowa, pati rin pala ikaw?!"

Claire: "Congrats sayo, Nina."

Nina: "Guys! Sa-Salamat sa inyo."

Althea: "So paano yan guys? Mag celebrate tayo dito sa canteen."

Emily: "Althea, sang-ayon ako diyan sa sinabi mo."

Althea: "So kayong tatlo diyan, sang-ayon rin ba kayo sa akin o hindi?"

Nina: "Oo naman, Alt!"

Claire: "Ako din sang-ayon sayo."

Isaac: "Sige guys, sasama na din ako sa inyo. Para maicelebrate naman namin eto ni Nina."

Agad silang bumili ng mga pagkain upang i-celebrate ang pagiging magjowa nila Nina at Isaac.

Pagkabili nila ng pagkain ay umupo silang lahat sa bakanteng mesa at masaya silang nagkwentuhan.

Pagkatapos nilang magkwentuhan at kumain ay tumayo sila, tsaka sila lumabas ng canteen.

Paglabas ng canteen, bumalik silang sa classroom at ipinagpatuloy ang kanilang klase sa hapon.