Alingawngaw ng mga maiingay na estudyanteng naglalaro sa labas ang naririnig ko habang sinusubukan kung umidlip dito sa loob ng aming classroom. May tinapos kasi akong gawin kagabi, at mag aalas-dos na nung nakatulog ako.
"Kuya Machrael!!"
"Kuya Makoy!!"
"Kuya Machrael!!"
Iniangat ko ang ulo ko sa pagkakayuko sa desk ng aking upuan, at nakita ko ang dalawang babaeng nakasilip sa bintana habang sinisigaw nila yung pangalan ko, at kulang nalang ay pumasok sila sa aming room.
Kaklase pala ni Lewis 'tong dalawang 'to, at mukhang alam ko na ang sasabihin nila dahil ginagawa nila ito tuwing-
"Umiiyak po si Lewis!!"
"Umiiyak si Lewis Kuya Makoy!" sigaw nilang dalawa.
Napailing nalang ako bago tumayo, at sumunod sa dalawang babaeng puno ng makukulay na tali, at hairpins ang buhok.
Dinala ako nung dalawa sa likod ng kanilang classroom kung saan abala ang mga grade five sa pag-gagarden. Tuwing last subject kasi nila Lewis, ay gardening nalang ang ginagawa nila.
Pero nahihirapan siya sa gardening, naalala ko nung isang linggo ay, nagpasama siya sakin dito sa school para tulungan siya sa garden niya.
Tinuruan ko siya kung paano dahil natuto naman na ako last year, at hinayaan ko lang naman siyang gawin ang pagtatanim ng mga buto ng sitaw sa garden-plot niya.
Masaya pa niyang ikwinekwento sakin kahapon na tumubo na daw ang mga ito.
"Kuya Makoy, ayun siya oh," itinuro nung isang babaeng tumawag sakin kanina si Lewis at kasalukuyang siyang nakayuko sa harap ng garden-plot nito, mukhang umiiyak nga siya.
Naglakad ako papunta sa kanya, at naramdaman ko namang sumunod sa likod ko yung dalawang babae kanina.
Naupo at lumapit ako sa tabi niya na kasalukuyang humihikbi.
"Bakit?" kalmado, at sa mahinang boses kong tanong sa kanya habang hinahaplos ko yung balikat niya.
Alam ko namang hindi siya sasagot dahil nahihirapan siyang magsalita habang umiiyak, pero ito na ang lagi kong ginagawa para malaman niyang nandito na ako sa tabi niya.
Kaya't tumingin nalang ako sa dalawang babaeng nasa likuran namin ni Lewis, na ramdam kong kanina pa nakatitig sa aming dalawa.
Ganito rin palagi 'tong dalawang to, sila yung tatawag sakin pag umiiyak si Lewis, susundan ako, at papanoorin kaming dalawa, tapos sila narin yung magsasabi sa akin ng dahilan ng kanyang pag-iyak.
Nung napansin nilang nakatingin ako sa kanilang dalawa ay mukhang nagets na nila ang gagawin at sasabihin.
"Ah- oo nga pala. Yung dalawang yun kasi Kuya!" Sabi nung isa at may itinuro siyang dalawang lalaking abala din sa pag-gagarden.
"Sinira po nila yung tanim ni Lewis." dagdag nung isa.
Hindi ko naman napansin na nabunot-bunot na pala yung mga tumubong tanim ni Lewis sa garden-plot niya.
Tinapik ko muna ng marahan ang balikat ni Lewis bago ako tumayo, at mabilis na naglakad papunta sa dalawang walang hiyang nanira sa tanim ni Lewis.
"Anong problema niyong dalawa?" agad kong tanong sa kanila at nakita ko ang pagtataka sa kanilang mukha kaya diniretso ko na sila.
"Bakit niyo pinag-bubunot yung mga tanim ni Lewis? Hindi niyo ba alam na pinaghirapan niyang itanim at patubuin yun?" sinubukan kong maging kalmado pero ramdam kong lumalaki ng ang butas ng ilong ko sa inis.
Tumingin muna yung isa kay Lewis bago magsalita.
"Pinaghirapan daw, eh hindi naman yan yung nagtanim diyan eh, hindi naman marunong magtanim yan!" sabi niya habang itinuro-turo pa si Lewis sa kinaroroonan nito, bago sila nagkatawan ng kasama niya.
"Si Lewis yung nagtanim diyan! Alam ko yun dahil ako yung kasama niya dito nung tinanim niya yung mga yan!" hindi ko na mapigilang taasan na ang boses ko dahil sa inis sa dalawang ito.
"Oh diba? 'sinamahan', kung alam lang namin, baka ikaw pala yung nagtanim nang mga yan." sabi nung isa, at nanginginig na ako sa inis dahil dito.
Siguradong mado-down nanaman si Lewis pag narinig niya ang mga sinasabi nila.
"Dapat patas lang lahat!" dagdag pa nung isa.
"Dapat lang naman kay Lewis yan eh napakadependent kasi sayo!" nagpanting ang tenga ko nang marinig ko yung sinabi ng walang hiyang 'to.
"Gusto niyo ng patas?!" nanggigitgit ang mga ngipin ko habang sinasabi iyon, at marahas akong naglakad papunta sa kanila, napaurong naman sila sa pag-aakalang sila yung aatakihin ko.
Tumapat ako sa mga garden plot nila at buong galit kong pinagsisipa ang mga ito.
Gusto nila ng patas? Pwes ito ang patas. Sinira nila ang tanim ni Lewis, masisira din ang sa kanila, lintik lang ang walang ganti!
Hindi ko tinigilan ang pag-sisipa sa mga garden-plot nila hanggang sa mabunot lahat ang tanim ng dalawang gagong 'to.
Kahit maputikan pa ang sapatos ko maiganti ko lang ang bestfriend ko.
Ilang minuto kung ginawa yun at wala silang nagawa kundi panoorin ako at tumunganga.
"Ayan, 'patas' na!" hingal kong sabi sa kanila at tumalikod na paalis.
"Gago!" narinig kong sigaw nung isa, at naramdaman kong may tumama sa likuran ko.
Lumingon ako at nakita kong may hawak-hawak na lupa yung dalawa at binobola bola pa sa kamay nila.
Pumulot din ako ng lupa, at ibabato ko na rin sana sa ito kanila.
"Mas gag-"
"Mr. de Villa!!" natigilan ako sa pagbato, at nilingon ko kung sino ang tumawag sakin.
"Anong ginagawa mo dito sa garden ng mga grade 5?!" Tanong ng adviser nila Lewis.
"Sorry po Ma'am," hindi na ako nagpaliwanag at naglakad na para umalis.
Lumapit muna ako kay Lewis na umiiyak parin hanggang ngayon. Tinapik ko ulit ang balikat niya at bumulong ako sa kanya.
"Tumahan kana diyan nandiyan na yung teacher mo, sasamahan nalang kitang magtanim ulit dito sa susunod." Tatayo na ako at aalis ng maramdaman kong humawak siya sa kamay ko, kaya nilingon ko siya.
'Sama ako,' nabasa kong ibinigkas ng bibig ni Lewis habang nakatingin sa akin.
"Halika na," sabi ko sa kanya.
Tumayo siya at pareho na kaming naglakad paalis.
"Mr. de Villa!, Mr. Collado!" narinig kong sigaw ng adviser nila Lewis, pero pareho lang kaming walang pake atsaka umalis na sa lugar na 'yon.
"Aahh!! Kailan kaya ulit iiyak si Lewis?"
"Huwag ka ngang ganyan, baliw ka talaga! Aahh!!"
Bago kami makaalis ay nakita ko pang nagbulungan yung dalwang babaeng nagsumbong sa akin kanina, at mukhang kinikilig pa, pero hindi ko na naintindihan ang sinabi ng mga ito, kaya hinayaan ko nalang.
. . . .
Dahil sa ginawa ko kanina sa eskwelahan ay tinawagan ng school si Daddy, kaya't galit na galit ito pagkarating niya galing sa
trabaho.
At katulad ng dati ay nakatikim nanaman ako ng hagupit ng sinturon, galing sa aking Ama.
"Machrael hanggang kailan kaba magtatanda?!" gabing-gabi na at kasalukuyan parin akong pinagagalitan ni Daddy.
"Walang buwan Machrael! Walang buwan na hindi ako tinatawagan niyang lintik na school mo na yan!"
At walang buwan din na hindi nagiging ganito si Daddy. Kahit wala namang akong pasok lagi itong galit. Sa tanang buhay ko ay di ko pa siya nakitang ngumiti.
Sanay na ako na lagi niyang pinapagalitan, at minsan pinapalo, kasalanan ko rin naman. Pero malaking tanong parin sa aking isip ay bakit parang napakalaki ng galit niya sa mundo, parang hindi siya masaya, at parang hindi rin niya kami mahal ni Mama.
Hindi ko alam kung tamang kuwestyunin ang pagmamahal ng isang magulang, kasi kahit alam ko namang nandyan, hindi ko naman ito maramdaman.
"Makoy, umakyat ka na sa kwarto mo." Natapos din sa wakas ang panenermon ni Daddy.
Nilingon ko muna si Daddy bago ako pumanik sa hagdan at kita kong napakalayo ng tingin nito.
Hindi ko nga alam kung totoong nagalit siya sakin, o ginawa niya lang ito dahil yun yung alam niyang dapat gawin.
Pero darating din yung panahon.
Darating din na malalaman ko ang dahilan ni Daddy kung bakit siya nagkakaganito.
Pagkaakyat ko ay binuksan ko ang ilaw ng aking kwarto at nakita ko yung pinagpuyatan ko kagabi na nakalagay ilalim ng aking lampshade, na nasa tabi ng aking kama, nakalimutan ko palang ibigay sa kanya 'toh dahil kay Daddy.
Kinuha ko ito bago ko ibinagsak ang katawan ko sa aking kama, nakatitig lang ako sa ginawa kong miniature ng moon.
Gusto ko 'tong ibigay kay Lewis kasi nakikita ko lagi siyang nakatingin sa mga ganitong tinda sa harap ng simbahan pag sumasama kami kay Lola Tessie sa pagsisimba.
Medyo may kamahalan kasi yung totoong ganito, kaya gumawa nalang ako gamit yung mga luma kong laruan, at ibang pang gamit dito sa bahay. Hindi man kamukhang kamukha ay gusto ko paring ibigay sa kanya 'to.
Tumayo ako sa aking kama at tumingin sa labas ng aking bintana.
Natanaw ko dito ang bilog na bilog at maliwanag na buwan, ilang minuto ko rin itong tinitigan tsaka ako nakapagdesisyon.
Tumingin muna ako sa orasan at 09:23 ang nakita kong oras bago ko kinuha ang aking bag.
Inibinuhos ko ang lahat ng laman nito, tsaka ipinalit yung hawak-hawak kong ibibigay ko kay Lewis, tsaka ko ito isinuot sa likuran ko.
Dahan dahan akong lumabas ng aking kwarto, at chineck ko si Daddy kong nasa sala pa siya, at mukhang nagtungo na ito sa kanilang kwarto. Mukhang mahimbing nang natutulog dahil maaga pa ulit ang pasok niya bukas. Si Mama naman ay mamayang twelve o'clock pa ang kanyang uwi.
Tapos si Kuya Matt, naman ay naki-sleep over sa mga kaklase dahil sa kanilang project. Ang dami namang project 'nun.
Matagumpay naman akong nakalabas sa aming bahay. Mabuti na't wala kaming katulong kaya madali akong nakalabas ng hindi nalalaman ng sino man.
Agad kong hinanap ang akin bisekleta at sumakay dito, tsaka ipinedal ng mabilis papunta kila Lewis. Diko na kailangan ng flashlight dahil sa liwanag ng buwan.
Ilang minuto lang ay narating ko na ang bahay nila Lewis, hindi ako pwedeng dumaan sa harap nila dahil siguradong tatawagan ni Lola Tessie si Mama, at tatanungin kong alam niyang nandito ba ako.
Bumaba ako sa aking bisekleta at inilakad ito papunta sa likod ng bahay nila Lewis. Mataas ang bakod nila Lewis dito sa likod kaya tumuntong pa ako sa aking bike para makapag over-the-bakod, nasagi ko pa yung elising nakakabit dito sa bakod, ibinalik ko muna ito sa pagkakaayos at muli itong umikot ng mabilis, dahil sa medyo mahangin ang panahon sa ngayon.
Pag katawid ko sa loob ay tumingala ako sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at nakita ko si Lewis sa mula sa bintana ng kanyang kwarto, at kasalukuyang naglalaro ng mga stuff toys.
"Lewis!" pabulong kong sigaw. At hindi ko alam kong maririnig niya ito, siguradong hindi.
"Lewis!"sigaw ko na, pero mukhang hindi ito eepekto dahil sarang-sara ang kanyang bintana.
Naglakad ako papunta sa hagdan ng aming treehouse at umakyat ako baka sakaling marinig niya na ako mula dito.
Pagkapanik ko sa loob ng aming treehouse ay dumungaw ako mula sa bintana, at mas lumapit nga ako kay Lewis.
"Lewis!" muli kong sigaw at mukhang naririnig niya na ako dahil nakita ko siyang nagpalinga-linga sa paligid.
"Lewis dito!" sigaw ko ulit para lumingon siya dito sa labas.
Pero ang ginawa niya ay nagtalukbong siya ng kumot at pinatay ang ilaw.
Nasapo ko naman ang mukha ko sa ginawa nito. Masyado kasing nanonood ng mga horror eh, kaya ganyan matatakutin!
Siguro sa susunod na fullmoon ko nalang ibibigay 'tong Moon miniature na ito.
Bababa na sana ako ng treehouse, pero may narinig akong nagsasalita sa baba, kaya napaatras ako sa at bumalik sa loob ng treehouse.
Hindi ko makita kong sino yung nagsalita, pero ng marinig ko ng malinaw ang boses ay alam kong si Lola Tessie ito, at mukhang may kausap siya sa kanyang cellphone.
"Hanggang kailan mo 'to bahagi itago?" mukhang nakikipagtalo si Lola Tessie sa kabilang linya.
"Karapatan nilang malaman 'to," dagdag pa niya.
Pinilit kong marinig iyong nasa kabilang linya pero masyadong mahina't hindi ko marinig ang sinasabi niti.
"Hindi mo pwedeng itago to ng habang buhay, naaawa na ako kay. . .teka, bike ba ni Makoy yun?" mukhang nakita ata ni Lola yung bike ko. Sinilip ko siya sa pagitan ng mga dingding nitong treehouse at nakita ko siyang papalapit na sa bike ko.
Hindi niya pwedeng malamang nandito ako!
Nag-isip ako kung anong gagawin kunti nalang ay mabibisto niya na ako. Buti nalang at medyo mabagal na ang pag lalakad ng ni Lola kaya nakapag isip pa ako ng gagawin.
Sinilip ko si Lewis sa kwarto niya, at nakita kong nakapatay pa ang ilaw nito mula kanina. Alam kong gising pa yan at pinapakiramdaman lang ang paligid.
Sinilip ko naman si Lola sa baba at papalapit na siya ng papalapit sa bisikleta kong nasa labas ng bakod.
Bago pa siya makalapit doon ay, pumulot ako ng laruan sa sahig, pumunta ako sa bintana at tumingin sa bintana ng kwarto ni Lewis,
"Sorry Lewis pero kailangan kong gawin 'to," bulong ko bago ko ibinato yung laruang napulot ko papunta sa bintana nito.
"LOLA!!!"
Napasigaw si Lewis sa gulat, at hirap na hirap akong sa pagpipigil ng tawa ko dito sa loob ng aming treehouse.
"Lewisito?! Ayos ka lang ba?" sinilip ko ulit si Lola. Sa kabutihang palad ay mukhang nadistract ito, at pabalik na sa loob ng kanilang bahay.
"Lola may multo!!" narinig ko ulit na sigaw ni Lewis sa kwarto niya.
"Ano!?" narinig ko sumagot si Lola, at nasa loob na siya ng bahay nila.
Agad akong kumaripas pababa mula dito sa aming treehouse, at tumakbo papunta sa bakod.
Kailangan ko nang makaalis dito, kilala ko si Lola, pagkatapos nung tignan si Lewis ay babalik dito yun para makumpirma na nandito nga yung bike ko.
"Naku!" Napasinghal ako dahil masyadong mataas yung bakod hindi ako makaakyat.
Naghanap ako ng pwede kong tuntungan para maka tawid sa kabilang bakod pero wala akong makita.
Nakita kong bumukas yung ilaw sa kwarto ni Lewis at mukhang dumating na si Lola Tessie doon at naririnig ko na silang nag-uusap ni Lewis.
Isip Makoy, isip babalik na si Lola dito maya-maya.
Walang isang minuto ay may naisip na ako. Tinanggal ko yung bag na daladala ko sa pagkakasuot sa aking likod.
Isinabit ko ito sa dulo ng isang bakod at ginamit ko 'to para hilain ang sarili ko pataas.
Buti nalang at matibay 'tong bag ko kaya't hindi madaling mapigtas.
"Nandito ba si Makoy, parang nakita ko yung bike niya sa likod eh," narinig kong tanong ni Lola kay Lewis,habang abala ako dito sa pag akyat.
"Andito si Makoy Lola?" narinig kong sigaw ng aking bestfriend, na mukhang maipapahamak pa ako.
"Makoy!!"
Dahil narinig ko tumakbo siyang pababa, binilisan ko na ang pag-akyat sa bakod bago pa ako makita ni Lewis. Nagasgasan pa ako sa binti dahil sa pagmamadali.
Pagkababang-pagkababa ko ay, isinuot ko na ulit ang aking bag sa harap at pinaharurot ang aking bike paalis sa lugar nila Lewis.
Lumingon akong muli dito, at nakita ko si Lewis na pa lingon-lingon sa kanilang likod bahay.
Chineck ko naman yung loob ng bag ko para tignan ang laman nito, at nakita ko yung gawa kong moon miniature na nagkasira-sira dahil sa ginawa ko sa bag ko kanina.
"Tsk!" uulitin ko nanaman to.
Habang ako ay nagpi-pedal pauwi ay hindi ko mapigilang isipin ang lahat ng mga narinig ko kanina kay Lola Tessie.
Ano yung hindi pwedeng itago?
Ano yung dapat malaman?
At kung kanino siya naaawa?
End of Chapter III