Hindi kaagad ako nakaimik at nakapag salita matapos nyang sabihin iyon. Napatitig lang ako sa kanya kahit malapit pa din ang kanyang mukha sa akin at may ngising nakapaskil sa kanyang mga labi, pero inilayo na nya ang mukha sa akin at bumalik sa kanyang pag kakaupo.
"Natahimik ka, ano ang iyong iniisip" tanong nya habang sumisimsim ulit ng tsaa.
"May nais po ba kayong ipahiwatig sa inyong sinabi heneral? balik na tanong ko sa kanya.
" Wala" ikling nyang sagot. Napaismid na lang ako sa kanya at saka inubos na ang tsaa'ng na sa aking baso. Pag katapos nun ay tumayo na ako at lumapit sa kanya.
"Babalik na ako sa aking silid heneral, salamat dito" anas ko. Kasabay nun ay yumuko ako sa kanya at siya naman ay tumango na lang. Matapos kong yumuko sa kanya tumalikod na ako at lumapit sa may pinto saka ko ito hinila para mag bukas at lumabas na, hinila ko ulit ang pinto pasara. Napabuntong hininga ako at tumingin sa pinto, pagkatapos nun ay bumalik na ako sa aking silid.
Pagkarating ko, hinila ko ang pinto pabukas at nung makapasok ako lumipad ang tingin ko kay shin na nanatili pa din pala sa aking silid. Nakatayo sya gilid habang nakayuko, iniangat nya lang ng lumapit ako.
"Kanina ka paba dito?" tanong ko sa kanya.
"Opo lady uzumi" sagot nya. Napataas ang kilay ko dahil doon at kasabay nun ang pag krus ng mga braso ko.
"At bakit naman? diba sinabihan na kita na mag pahinga ka?"
"Hindi po maaari ang inyong gusto lady uzumi, malalagot ako kay heneral kapag ganun" saad nya. Napabuntong hininga na lang ako at saka sya tinalikuran "bahala ka na nga" inis na anas ko habang kinumpas ang kamay ko paitaas saka tinungo ang silyang nilapitan ko at umupo. Nilagay ko ang pareho kong braso sa may mesa at saka ako tumungo habang nakapikit.
Ano bang gagawin ko para makaalis dito? nakakainis na talaga! Gusto ko ng kumilos, ngunit di ko magawa dahil sa mga peste na to! Talaga naman oh...
"May problema po ba kayo?" rinig kong tanong nya. Napamulat agad ako ng mga mata at napaangat ang aking ulo, saka tumingin sa kanya "W-wala naman, may iniisip lang" sagot ko. Tumayo ako sa aking silya at lumapit sa pinto.
"Saan po kayo pupunta lady uzumi?" tanong nya. Hindi na ako tumingin sa kanya, hinila ko na lang ang pinto pero hindi muna ako lumabas " sa labas, mag papahangin lang" bagot na sagot ko.
"Sasamahan ko na po kayo" prisinta nya. Tumango na lang ako at tinuloy na ang pag labas. Nang lumabas ako, lumabas na din sya at sya na ang nag sara ng pinto. Pumunta ako sa hardin, sa may likod ng aking silid kung saan ako madalas na naglalagi at umupo sa may sahig na kahoy. Napatingin ako kay shin ng sya ay papunta na dito hanggang sa nasa tabi ko na lang sya...nakatayo. Pero inalis ko din nun, saka tumingin sa mga magagandang bulaklak.
"Ang ganda po ng araw ngayon ano lady uzumi" anas nya. Napatingin ako sa kanya ng mag salita sya habang siya naman ay nakatingin sa langit, napatingin din ako doon at ngumiti.
"Tama ka, maganda nga" pag sang ayon ko. Napaka ganda ng araw ngayon at maaliwalas ang buong paligid.
"Sa ganitong maganda ang panahon, maganda din pumasyal at mag liwaliw" dagdag ko.
"Tama po kayo, ngunit hindi naman po kayo makalabas"
"Oo nga eh ngunit wala naman akong magawa doon. Hindi ako pwede muling sumaway, baka ikapahamak ko pa" saad ko. Tumayo ako sa pag kakaupo at nag lakad papunta sa mga bulaklak at ng malapitan ko ito hinawakan ko sya at saka ina-inamoy.
"Mas mabuti po sigurong wag nyo na lang siya suwayin, masamang magalit yun" sabi nya. Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa bulaklak.
Ngunit, hindi ko yun magagawa. Hindi sya ang masusunod kapag nag desisyon ako.
"Susubukan ko..." mahinang bulong ko.
"Lady uzumi, aalis lang ako sandali. Ikukuha ko kayo ng inyong makakain" paalam nya.
'Ikaw ang bahala" anas ko.
Hindi kailanman nawala ang galit at poot sa puso ko, kahit na masira pa ang buhay ko ay wala akong pakialam. Matatahimik lang ako kapag tapos na ako.
To be continued.