webnovel

Chapter 8

Pag sapit ng umaga ay nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha kaya naman dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata. Kinusot-kusot ko ito at saka ako bumangon.

Humikab pa muna ako habang tumatayo at saka tumingin sa bintana. Matapos nun ay inayos ko na ang aking sarili, nag tungo ako sa lalagyanan ng aking mga kasuotan at kumuha doon ng isang kulay puting kimono na may mga disenyong mga kulay rosas.

Nang makuha ko na ay nilapag ko ito sa aking higaan at saka ko hinubad ang pantulog ko. Matapos nun ay sinuot ko na ito. Nang maisuot ko na ay kinuha ko naman mula sa lalagyanan ang suklay at saka inayos ang buhok ko. Matapos nun ay nag lagay ako ng polbos sa aking mukha. Ngunit napatigil ako sa aking ginagawa ng mga tumawag sa akin mula sa labas ng pintuan.

"Lady izumi, gising na ba kayo?"tanong niya.

"Gising na. May kailangan ka ba?"

"Wala, pero pinapatawag kayo ni heneral..."sagot niya. Napakunot ang noo ko.

"Sige, pupuntahan ko sya..."tugon ko. Tinapos ko na ang aking ginagawa at saka lumabas ng kwarto.

"Kailangan nyong bilisan, kanina ka pa niya inaantay..."saad niya. Tumango lang ako.

Nag punta ako sa silid ng heneral. Pag pasok sa loob nakita ko syang nakatayo sa labas ng ng kanyang silid habang nasa likod ang mga braso.

"Magandang umaga, heneral..."masigla kong bati sa kaniya. Lumingon naman sya.

"Magandang umaga..."pabalik niyang bati.

"Ipinatawag nyo daw ako heneral. May kailngan ba kayo?"tanong ko.

"Wala naman. Nais ko lang makasabay ka sa agahan"sambit niya. Nakangiti lang ako tumango at saka naupo. Kagaya ko rin ay naupo na sa kanyang pwesto si heneral at saka kinuha ang tasa upang sumimsim ng tsaa.

"Isa kang kahanga-hangang babae, nagawa mong ipag tanggol ang isang hamak na tulad niya. Masasabi kong maswerte ang babaeng yun"saad niya. Napangiti ako.

"Isa syang mabuting tao, naging tapat sya sa akin ng maraming taon ng hindi ako sinisiraan sa ibang tao kaya naman karapat dapat ipag tanggol. At tsaka isa pa ay kasalanan ko din naman ang nangyari heneral, hindi nya alam na tumakas ako..."tugon ko. Bigla sya napatigil sa kanyang ginagawa at dahan dahan na nilapag ang tasa. At tsaka mataman na tumingin sa akin.

"Bakit naisip mong tumakas imbes na humingi ng permiso sa akin? maaari kitang payagan kung iyun ang iyong ginawa..."

"Patawad heneral. Kinailangan ko lang puntahan ang aking tahanan sa aking bayan dahil nais ko iyun ipag bili. Hindi naman na ako nakatira doon masasayang lang kaya naisip kong gawin iyun. Nag mamadali na rin ako kaya hindi ko na nagawa pang mag paalam..."pag sisinungaling ko. Wala syang reaksiyon sa sinabi ko at nakatingin pa rin sya sa akin ng mataman kaya naman nakaramdam ako ng kaba.

"Sa susunod, mag paalam ka muna bago ka umalis para alam ko..."

"masusunod po, heneral..."sabi ko. Tumango lang siya at saka uminom ulit ng tsaa. Habang ako naman ay sinimulan ang aking pagkain.

Sa kalagitnaan ng aking ginagawa ay napatingin ako sa kanya ng ibaba niya ang tasa at nakangising tumingin sa akin. Napakunot ang noo ko ng mula taas hanggang baba ng tingin nya sa akin. Nasisiguro kong sa katawan ko sya tumitingin.

"May problema ba, heneral?"tanong ko. Umiling lang siya ngunit nanlaki ang mga mata ko ng bigla syang lumapit sa akin. Inilapit pa niya ang mukha sa akin.

"He-heneral..."sambit ko.

"Alam mo bang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung nag sisinungaling sa akin? ang mga taong nag sisinungaling sa akin ay pinuputulan ko ng dila ng hindi na nila magawa pang mag sinungaling"makahulugan niyang saad. Hindi agad ako nakapag salita.

"Siguraduhin mo na lang na nag sasabi ka ng totoo kung ayaw mong maputulan ng dila"dagdag pa niya. Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.

To be continued.