Pagkagising ko ng umaga agad kong pinuntahan ang silid ni hirushima ngunit ng pumasok ako wala sya sa kanyang silid, hinanap ko sya sa buong emperyo ngunit wala pa din sya kaya naman nilapitan ko na ang isa sa mga kawal na nakabantay sa loob ng emperyo.
"Anong ginagawa mo dito sa labas? bawal kang pakalat kalat dito sa loob at labas ng emperyo" paalala nya. Napalunok ako bago ko sya tiningnan.
"Patawad, ngunit hinahanap ko si heneral...alam mo ba kung nasaan sya?" tanong ko. Napakunot ang noo nya ng tumingin sya sa akin at palinga linga ang tingin nya sa paligid bago nya ulit ako tiningnan.
"Maaga pa lang umalis na si heneral kasama ang iba pang mga kawal. May mahalaga silang pupuntahan" sagot nya. Napabuntong hininga na lang ako at saka inalis ang tingin sa kanya.
" Ganun ba..." anas ko. Ibinaba ko na lang ang ulo ko at akmang aalis na ng mag salita sya.
"Bakit? ano bang kailangan mo kay heneral? tanong nya. Nag pailing iling na lang ako habang nakatingin sa kanya at kasabay ay nag lakad na ako pabalik sa aking silid.
Naglakad na lang ako pabalik sa aking silid dahil wala naman si hirushima sa emperyo, hihintayin ko na lang sya kapag nakabalik na sya pero ano kaya yung mahalaga nyang pupuntahan? ano naman kaya binabalak nya? kailangan ko agad malaman yun!
Sa gitna ng aking pag iisip, nakarinig ako na parang may tumatawag sa aking pangalan kaya naman nilingon ko ito para tingnan at nakita ko ang aking isa sa mga damma na patakbo palapit sa akin. Pinagkunotan ko sya ng noo ng makalapit sya sa akin.
"Lady uzumi, may nag hahanap po sa inyo sa labas. Kaibigan nyo daw po" imporma nya. Kaagad akong napaisip kung sino man ang sinasabi nyang kaibigan. Sino naman? Hindi kaya si shimaru yun?
"Ganun ba..." sabi ko. Tumango naman sya at ngumiti matapos nun kaya kaagad akong lumabas at pinuntahan si shimaru. Nakasandal sya sa pader ng makarating ako sa kanya at napatingin kaya kaagad ko sya hinila sa braso papunta sa may likod at binitawan ko lang ang braso nya nung nakarating kami. Nagpalinga linga muna ako sa paligid bago ako tumingin ulit sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito shimaru? hindi ka dapat pumunta dito!" nag aalalang usal ko. Nag palinga linga muna sa paligid bago sya ulit tumingin sa akin at inilapit pa ang kanyang mukha sa mukha.
"Kamusta ka na dito? hindi kaba nahihirapan dito? hindi ka ba natatakot na baka mahalata ka ni hirushima? tsk delikado talaga itong plano mo uzumi..." sunod sunod nyang tanong. Pumaikot ang mga mata ko sa sunod sunod nyang tanong habang napapailing pa. Ang kulit!
"Diba napag usapan natin to? bakit ba ang kulit mo! Wag kang mag aalala ginagawa ko naman ang lahat para hindi ako mahalata" mahinang usal ko sa kanya habang siya naman ay naitaas nya ang ulo sa inis at nag pailing iling din.
"Ako kinakaban sayo uzumi, heneral ang kinaialaban mo! baka kapag nabuko ka parusahan ka" inis nyang saad. Pinag krus ko ang mga braso at saka tumalikod sa kanya ng nakatingin sa mga bahay.
"Nandito na ako shimaru, ipag papatuloy ko pa rin ang plano ko. Gusto ko mabigyan ng hustisya ang pag kamatay ng magulang ko at ng buong bayan natin" at humarap ako sa kanyang ng nakatingin ng seryoso " hindi mo ba ninanais ang bagay na yun ha shimaru?" tanong ko. Hindi kaagad sya nakapag salita at buntong hininga na lang ang kanyang ginawa.
"Gusto ko din naman yun, ngunit masisira ang buhay mo ng dahil sa pag hihiganti...hindi mo ba naiisip na kapag pinaslang mo silang lahat hindi ka din ba kagaya ng mga taga seikkin. Na papatay ng tao?" saad nya. Natigilan ako sa mga sinabi at hindi kaagad nakapag salita. Nangilid ang mga luha ko ng mapagtanto ko na tama nga si shimaru...hindi ko agad naisip na kapag pinaslang ko silang lahat magiging katulad din ako nila hirushima.
"Siguro nga tama ka, ngunit wala na akong magagawa pa dahil nandito na ako" anas ko. Pinunasan ko na lang ang luhang naipon sa mga mata ko at buntong hiningang hinawakan ang kanyang isang kamay. Napatingin sya sa kamay kong nakahawak sa kamay nya kasabay ang pagtingin nya sa akin.
"Wag kang mag aalala shimaru, mag iingat ako dito at hindi ko hahayaan na mahuli nila ako tandaan mo yan" mahinang usal ko sa kanyang habang nakangiti. Tumingin muna sya sa akin at saka nya ako niyakap ng mahigpit at hinawakan din nya ang ulo ko. Habang ako naman ay hinahaplos ko ang likod nya ng marahan.
"Wala na akong magagawa pa sayo uzumi, basta lagi kang mag iingat dito ah? kapag gusto mo ng umalis dito...nandoon lang ako sa bahay mag hihintay sayo" sabi nya habang hinahaplos ang aking buhok. Nag tagal pa ng ilang sandali ang pag yayakapan namin habang ako ay nakapikit pa pero nung mag angat ako ng tingin, nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa likod na pala si hirushima habang mag kakrus ang mga braso ng nakangisi ngunit matalim ang kanyang tingin. Daglian akong humiwalay sa yakap ni shimaru kaya napatingin sya sa akin ng nag tataka, ngunit nanlaki din ang mga mata nya pagkaharap nya sa likod.
"H-heneral nakabalik na po pala kayo?" kabadong tanong ko. Kaagad syang pumunta sa aking harapan at saka tiningnan si shimaru.
"Sino ang lalaking ito uzumi? nawala lang ako sandali may kayakapan ka ng ibang lalaki" pag kasabi nya ng tumingin na sya akin.
"Patawarin nyo ako heneral ngunit nag kakamali kayo sa inyong sinasabi. Kaibigan ko lang po siya" sagot ni shimaru ng nakatingin ng diretso kay hirushima. Nag aalalang napatingin ako kay shimaru dahil sya ang unang sumagot sa tanong nya na dapat ako. Tumingin din ako kay hirushima at dinugtungan ang mga sinabi ni shimaru.
"Tama po sya heneral, matalik na kaibigan ko sya magmula ng mga bata kami. Dinalaw nya ako dito para kamustahin" paliwanag ko. Tumango tango sya habang hinihimas ang kanyang baba at napapangisi pa sya.
"Bumalik ka na doon sa loob, kakausapin ko lang ang lalaking ito" utos nya. Napatingin ako kay shimaru habang sya naman ay napatingin di.
"pero heneral..." sabi ko.
"Sige na uzumi bumalil ka na doon" nag aalala pa din ako sa kanya kaya tumango na lang ako at saka nag lakad pabalik.
Aish! ang bilis naman nya makabalik. Ano kaya ang ginagawa nya kay shimaru? tatapusin nya ba? wag naman sana!
Patuloy pa rin ako sa paglalakad na may malalim ang iniisip ngunit hindi ko napansin na may medyo kalakihang bato na pala sa may paa ko at bago ko pa napansin napatid na ako kasabay nun ang pagbagsak ko sa lupa at ang pag tama ng noo ko dito.
"Arghh...aray ko po ang sakit" daing ko ng iangat ko ang ulo ko at hinawakan ang noo sa bandang tinamaan. Dahan dahan akong bumangon kahit hawak ko pa ang noo ko " ang lampa ko naman arghh" mahinang usal ko. Ng makatayo na ako pinagpagan ko ang suot kong kimono at inayos ang buhok kong medyo nagulo at saka ulit naglakad hanggang sa makarating na ako sa loob.
Ng makapasok ako sa loob ng emperyo, tinahak ko naman papunta sa aking silid, at ng makarating nakita kong nag aabang sa labas ang aking damma at ng makita nya ako agad nya akong nilapitan " Lady uzumi, ano pong nangyari sa inyong noo? may pasa at may konting dugo" nag aalala nyang tanong. Napahawak naman ako sa aking noo at napangiwi sa sakit ng madiinan ang paghawak "N-napatid ako sa bato...ang sakit nga eh" ngiwing usal ko. Natawa naman ng mahina ang aking damma kaya naman tinaasan ko sya ng kilay.
"Meron bang nakakatawa? mataray na tanong ko. Tumigil naman sya sa kanyang pag tawa at nginitian na lang ako bago nya ako sinagot "Wala naman po lady uzumi. May iniisip po siguro kayo kaya napatid kayo" anas nya. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.
"Tara sa loob lady uzumi, gamutin natin yang sugat mo" tumalikod sya pag kasabi nun kaya naman napatingin ako sa kanya at sinundan na lang sya. Nauna akong pumasok sa loob at sumunod naman at isinara ang pinto.
"Dito lang po kayo, kukuha ako ng malamig na tubig sa planggana at pamunas para sa sugat nyo" imporma nya ng tumayo sya at pumunta sa may pinto.
"Sige ikaw bahala" usal ko. Tumango sya at saka lumabas ng pinto. Tumayo na muna ako at pumunta sa may bintana upang magmasid sa magandang paligid at kasabay nun ay itiningala ko ang ulo sa kalangitan at saka sandaling nag isip.
Ano na kaya ang nangyari sa kanilang dalawa? dapat hindi ko na muna iniwan si shimaru doon kasama ang heneral.
Sana ayos ka lang shimaru...
Bumuntong hininga na lang ako at kasabay nun ang pagsandal ko ng dalawang braso ko sa bintana at ang pag tungo ng ulo ko habang nakapikit. Naimulat ko ang mata ko ng marinig ko ang pag bukas ng pinto kaya naman inangat ako ulo ko at nilingon ito.
"Lady uzumi, ayos lang po ba kayo?" tanong ng aking damma. Bumalik ako sa aking pwesto kanina ganun din naman siya. Umupo sya sa may bandang malapit sa akin at inilapag na din ang plangganang may tubig at pamunas. Kinuha nya ang bimpo sa may tubig at piniga. Pagkatapos inilagay nya ito sa ulo at saka dahan dahan pinunasan, napapangiwi ako habang ginagawa nya yun.
"Sa susunod mag iingat po kayo para hindi na ulit kayo mapatid. Napaka kinis ng inyong mukha ngunit may bangas na ang inyong noo" paalala nya habang patuloy pa rin ang pag punas nya sa noo kong may sugat.
"Oo na" asar na sagot ko. Napangiti na lang sya at saka inilubog ulit ang pamunas at saka piniga.
Nang matapos sya sa kanyang ginagawa bumaling sya sa akin "May gusto po ba kayong kainin? Hahainan ko po kayo" tanong nya. Nag pailing iling ako at saka sya sinagot "Hindi na muna busog pa naman ako" sagot ko. Sigurado po kayo?" tanong nya ulit. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag tungo sa aking kama "Oo, magpapahinga na lang muna ako, medyo nakakaramdam ako ng pag kahilo pero ayos lang naman" paliwanag ko. At saka ako umayos upang mahiga na. Tumango na lang sya at saka yumuko bilang tanda ng pag galang at lumabas na ng aking silid. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng marinig ko na may nag uusap sa labas ng aking silid.
"Nasaan si lady uzumi?" tanong ng tauhan ng heneral.
"Nasa kanyang silid po, nagpapahinga" sagot naman nya.
"Ganun ba, kapag nagising sya sabihin mo ipinapatawag sya ng heneral" anas ng tauhan.
"Sasabihin ko po" sagot nya. At narinig ko ang mga yabag ng paa nilang papalayo. Nag buntong hininga na lang ako at saka natulog na lang.
To be continued...