Izumi Pov
Matapos ang pag uusap namin ng prinsipe ay kaagad akong bumalik sa tahanan ni Heneral. At sa aking pag balik nadatnan ko si heneral na nasa likod ng tahanan habang may kausap na kawal.
Kaya naman dahan dahan akong gumilid malapit sa bintana ng hindi nila napapansin. At saka lumapit pa kunti upang marinig ang kanilang pag uusap.
"Heneral, ang ating mga hukbo ay handa na para sa pag lusob. Kagaya ng inyong utos may mga kawal na palihim ng nag punta sa bawat hangganan ng lungsod ng shikawa"pag uulat niya. Tumango-tango siya.
"Magaling, magaling ang inyong ginawa. Wala na silang lusot ngayon, lulusob tayo ng wala man silang kaalam-alam"saad nya habang nakangisi. Napakuyom na lang ako ng kamao dahil sa aking narinig.
Kailangan ko sila masabihan kaagad...
"Mga hayop talaga..."mahinang bulong ko. Hindi ko na pinakinggan pa ang iba pa nilang sasabihin kaya naman umalis na ako sa aking pwesto at pumasok sa loob ng tahanan papunta sa aking kwarto.
Pag pasok ng kwarto ay umupo ako sa upuan upang makapag isip isip ng mga gagawin ko. Kailangan kong puntahan ang bayan ng shikawa, kailangan kong makausap ang emperador ng shikawa upang masabihan sila sa planong pag lusob ng seikkin. Para makapag handa na rin sila bago sumapit ang araw na yun.
Plano kong puntahan ang bayan ng shikawa mamaya pag sapit ng hating gabi. Palihim akong aalis na hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Kailangan ko itong magawa habang maaga pa para walang masaktan at mamatay ng mga inosenteng tao.
"Kailangan kong mag handa..."bulong ko. Tumayo ako sa upuan upang ihanda ang mga isusuot ko. Kumuha ako mula sa lalagyanan ng pang karaniwang kasuotan na mahaba na aabot sa aking tuhod, kulay itim ito kasama na rin ang kulay itim kong balabal. Gagamitin ko itong pang takip sa ulo at pag harang sa kalahati ng mukha ko.
Matapos nun inilagay ko ito sa gilid ng aking higaan at tinakpan ng kumot. Tiyak magtataka ang aking damma kapag nakita ito, kailangan ko pa rin mag ingat. Matapos nun ay humiga ako upang makapag pahinga sandali. Muli kong inalala ang aking mga magulang.
Naalala ko ang mga ngiti nila, pag yakap, kung paano sila mag alala sa akin. Mga masasayang araw na mag kasama kami sa tuwing natatapos ang trabaho ni ama. Ang pag luluto ni ina para sa akin, ang kanyang masarap na mga pag kain na niluluto niya.
Napangiti ako ng pait, ang lahat ng iyon ay parte na lang ng alala na hindi na muling maibabalik pa. Hanggang ngayon nangungulila ako sa kanila, hanggang ngayon sa tuwing mapapasok sila sa aking isipan hindi ko mapigilan ang mag emosyon. Napakasakit pa rin, sobrang masakit mawalan ng magulang. Kalahati ng pag katao mo ang nawala.
"Ina...ama..."naiiyak na pag samo ko. Nangilid ang mga luha sa aking mata ngunit kaagad ko iyun pinunasan ng may kumatok.
"Pumasok ka..."sabi ko. Nag bukas ang pinto at pumasok ang aking damma.
"Anong kailangan mo?"tanong ko. Tumingin sya sa akin.
"May nais po ba kayong kainin? Ipag hahanda ko kayo"alok niya. Umiling ako.
"Wala, hindi ako nagugutom. Makakalabas ka na..."
"Sigurado po kayo?"tanong niya. Tumaas ang kilay ko.
"Oo, sigurado ako. Lumabas ka na nga!"inis na sabi ko. Napayuko sya at tumalikod sa akin, ngunit napakunot ang noo ko ng bumulong siya.
"Akala mo kung sino na, hindi naman isang mahalagang tao..."bulong niya. Napapikit ako sa inis at saka napangisi.
"Sa susunod, kung mag bubulong ka hindi ko dapat maririnig ha? Ayusin mo lang..."saad ko. Matapos niyang marinig ang aking sinabi ay lumabas na sya ng aking silid. Habang ako naman ay napasuntok na lang sa higaan.
"Nakakainis talaga siya..."inis na bulong ko. Hindi ko alam kung bakit pinalitan si Shin. Nakakapag taka lang dahil ang bilis. Tumalikod ako ng higa at pinikit ko ang mga mata ko upang matulog.
---Pagkaraan ng ilang sandali---
"Lady Izumi..."napamulat ako ng mga mata ng may tumawag sa akin kaya naman nagising na ako ng tuluyan. Kinukusot-kusot ko ang mga mata ko at saka tumingin sa kanya.
"Magandang gabi po, mabuti naman nagising na kayo. Nakahanda na ang hapunan niyo"sabi niya. Tumingin ako sa lamesang may pag kain pag katapos ay tumingin ako sa bintana.
Gabi na pala...
"Salamat sa pag kain, maaari ka ng lumabas"saad ko. Tumango lang siya at lumabas na ng aking silid.
Bumangon na ako mula sa aking higaan, nag lakad ako papuntang mesa at saka naupo. Matapos nun ay sinimulan ko na ang mga pag kaing nakahain.
Maya-maya lang ay natapos akong kumain, at saka tumayo mula sa upuan upang pumunta sa bintana. Doon ay nakatanaw ako sa itaas ng madilim na kalangitan.
Napakaganda sa aking paningin ang mga nag kikislapang bituin, at ang kalahating buwan na nag niningning sa liwanag. Hindi ko namalayan na napangiti nalang ako sa kagandahang dulot nun.
"Nakakainis ang babaeng yun..."kaagad na napawi ang aking ngiti ng makarinig ako ng nag sasalita kaya naman napatingin ako sa pinang gagalingan nun.
"Ano ka ba? Hindi ka dapat mag salita ng ganyan kay lady Izumi, nakakalimutan mo na ba na sya ang babae ni Heneral?"sabi ng isa. Kaagad na napakunot ang noo ko ng banggitin ang aking pangalan
"Babae nga lang siya ni heneral pero kung umasta sya na ang asawa. Dapat alam nya kung saan sya lulugar"napakuyom ang mga kamay ko ng dahil sa sinabi niya. At mukhang alam ko na kung sino ang nag sasalita laban sa akin.
Humanda ka sa akin! Sisiguraduhin ko mapapalayas ka sa lugar na ito...
Napangisi ako habang nag kukrus ang mga braso. Matapos nun ay umalis ako sa bintana at muling naupo sa upuan na parang isang reyna at saka tinawag ang aking buwisit na damma.
"May tao ba riyan sa pinto?!"malakas na tanong ko. Muli akong napangisi ng marinig ko ang boses niya.
"Tsk, tinatawag na ako ng babaeng yun. Babalik na ako doon..."sabi niya. Napairap ako.
"Oh sige. Mag iingat ka ah?"tugon ng isa. Hindi ko na narinig pa ang boses niya kaya nasisiguro kong pabalik na sya dito kaya naman inulit ko ang pag tatanong.
"Ano ba? May tao ba riyan?"pag uulit ko.
"Nandito na po ako lady izumi, pasensya na po sa pag aantay..."tugon niya.
"Tapos na akong kumain, maaari mo ng kunin dito"sabi ko. Kaagad na nag bukas ang pinto, pumasok ang aking damma at saka lumapit sa lamesa upang ligpitin ang aking pinag kainan.
"Hindi ko alam na chismosa ka pala. Ang galing mo..."sabi ko. Nakita ko syang natigilan.
"Po? H-hindi ko po kayo maintindihan"saad niya. Pumaikot ang mata ko.
"Talaga lang ah? Narinig ko ang mga pinag uusapan nyo, hindi ako tanga para hindi maisip na ako ang tinutukoy mo"sabi ko. Hindi sya nakapag salita kaya naman tumayo ako at lumapit sa lamesa.
"Hindi mo alam kung sino kinakalaban mo, hindi mo alam kung ano ang mga kaya kong gawin sayo"kinuha ko ang bilog na plato mula sa mesa at walang atubiling binasag iyun sa lamesa. Samantalang nagulat naman ang aking damma at napaatras.
Nang mabasag na ang plato, kumuha ako ng kapirasong basag nito at saka nakangising tiningnan ito. Hinawakan ko rin ang matulis na dulo nito.
"Nakikita mo ba itong hawak ko?"nakangising tanong ko. Hindi sya sumagot pero nakikita ko ang takot sa kanya.
Ganyan nga, matakot ka. Matakot ka sa kinakalaban mo...
"Maaari ko itong gamitin sayo kung hindi ka titigil. Baka mapaaga ang pag alis mo sa mundo..."saad ko. Nakita ko ang pag lunok niya at napansin kong nanginginig ang mga kamay niya. Ngunit nagulat ako ng bigla syang lumuhod at hinawakan ako sa binti.
"Bitawan mo nga ako! Ano ba!"
"Patawarin nyo po ako, lady izumi! Hindi ko na po uulitin! Pakiusap po!"nakikiusap na sabi niya. Sinipa ko sya sa tiyan kaya naman napabitaw sya sa binti ko at saka napahawak sa tiyan. Lumayo rin ako sa kaniya.
"Mahirap paniwalaan ang mga sinabi mo. Ang tulad mong lapastangan tiyak na uulit-ulitin ang gagawin..."ani ko. Naupo ako upang mag pantay kami at saka lumapit sa kanya.
"Ikaw ang dapat matutong lumugar dahil bago ka lang dito. Sampung taon na ako dito kaya naman lahat ng tagapaglingkod ng heneral iginagalang ako. Dapat ganun din ang gawin mo upang wala tayong problema"mas lumapit pa ako sa kaniya at tumapat sa kaniyang tenga at saka bumulong.
"Kung ayaw mong mawala ng maaga, tumigil ka at manahimik ka. Dahil kung hindi...papatayin kita"banta ko sa kanya. Tumango-tango siya kaya naman tumayo na ako.
"Ligpitin mo na ito at umalis ka na. Ayokong makita iyang pag mumukha mo"galit na utos ko sa kanya. Isa isa niyang niligpit ang mga pinag kainan habang nakatungo, halatang natatakot pa rin sya kaya naman hindi ko mapigilan ang mapangisi.
Nang maligpit na nya ay kaagad syang lumabas ng aking silid.
To be continue...