Heneral Hirushima P.O.V
"Heneral, ipinapatawag ka ng ating Mahal na Emperador. Nais ka daw nyang makausap..."
"Susunod na lang ako doon..."tugon ko. Tumango na lang ang kawal na nakausap ko, kapagkuwan ay kaagad ding umalis. Tumayo na lang din ako mula sa aking pag kakaupo at kaagad na lumabas ng aking silid.
Mabilis ang aking pag lalakad habang patungo sa silid ng Emperador, hindi ko nais na sya ay pag antayin dahil alam kong ayaw nya na pinag aantay sya ng matagal. Maya maya lang din ay narating ko na ang silid ng Emperador, bago ako pumasok ay malakas akong kumatok upang marinig nya.
"Pumasok ka!"pag sigaw nya. Pumasok na ako sa loob ng kanyang silid at saka kaagad na yumuko sa kanya bilang pag galang.
"Nais nyo daw akong makausap, kamahalan?"tanong ko. Mula sa kanyang pag kakatalikod ay humarap sya sa akin habang may hawak na kopita ng alak sa kanyang kamay.
"Ganoon na nga..."
"Kung ganun, anong pag uusapan natin?"
"May isang kawal ang nakapag sabi sa akin na hinabol mo daw ang iyong babae dahil sya ay tumakas. Anong dahilan ng kanyang pag takas? May ginawa ka ba sa kanya kaya sya tumakas?"sabi nya. Napailing ako sa kanya at saka napabuntong hininga.
"Wala akong natatandang may ginawa ako sa kanya kaya sya tumakas, hindi ko rin malaman kung ano ang dahilan nya kaya nya yun ginawa"sagot ko.
"Kung ganun, kailangan mong bantayan ang babaeng yun. Baka gumawa sya ng bagay na ikakasama ng ating emperyo..."
"Yun nga ang aking gagawin kamahalan. At saka hindi ko hahayaan na gawin nya yun dahil kapag ginawa nya yun hindi na sya aabutin pa ng araw"mariing saad ko. Tumango tango na lang ang emperador at saka lumagok ng alak mula sa kanyang kopita pag katapos ay muli syang tumingin sa akin.
"Bukas ng gabi nakatakda ang ating pag lusob sa kabilang emperyo. Umaasa ako na maipananalo ninyo ang laban at mapapasa atin ang buong lupain"ani Emperador. Napangisi naman ako sa kanyang sinabi at kaagad na yumuko.
"Makakaasa po kayo kamahalan. Pag katapos ng aming laban dadalhin ko sa inyo ang ulo ng Emperador at mapapasa-inyo ang buong emperyo kasama na ang buong lupain nun"pangako ko sa kanya. Bigla ay napangisi din sya dahil sa aking sinabi.
"Kung ganun, maaari ka ng umalis..."sabi nya. Tumango ako sa kanya at saka yumuko pag katapos ay lumabas na ako ng silid. Mula sa gilid ay nilapitan ko ang kawal na nakabantay.
"Tipunin mo ang lahat ng mga kawal at mag sama sama kayo sa labas. May nais lang akong sabihin sa inyo"pag uutos ko. Tumango lang ang kawal at kaagad ding tumalima. Habang ako naman ay ipinag patuloy ko na ang aking pag lalakad. Nang nasa labas na ako ay nakita ko na maayos ang pag kakahilera ng mga kawal.
"Bukas ng gabi ang simula ng ating pag lusob sa Emperyo ng Shikawa. Lahat kayo ay mag si handa para sa digmaang mangyayari bukas!"pag uutos ko.
"Masusunod Heneral!"sigaw nilang lahat.
"Ang lahat ng mga nakabantay na nasa loob at labas ng emperyo ay paslangin ninyo. Wala kayong ititira maski na isa!"pag bibilin ko. Tumango ako at saka ko itinaas ang aking espada at saka muling nag salita.
"Para sa ating tagumpay!"sigaw ko.
"Para sa ating tagumpay!"sigaw din nila kasabay ng pag taas din ng kanilang mga espada.
"Tapos na ang pag uusap na ito, maaari na kayong bumalik sa mga pwesto ninyo!"
"Opo, heneral!"
Matapos nun ay nag sialisan na sila at bumalik na sa kani-kanilang mga pwesto habang ako naman ay bumalik na rin sa aking tahanan.
Izumi P.OV
Hindi ko na mabilang ang ilang beses kong pag buntong hininga dahil kanina pa ako nakakaramdam ng pag kabagot habang nakatingin sa bintana. Hindi man lang makalabas dahil ayaw akong palabasin.
Ang buong na silid na ito ay halos nakabisado ko na pati ang mga sulok dahil halos araw araw parati akong nasa aking silid. Kahit ang mga librong nakalagay sa estante ay mga nabasa ko na rin kaya naman ganito na lang ang aking pag kabagot.
Kaya naman mula sa aking pag kakaupo at pag kakatunghay ay tumayo na lang ako upang mas lumapit pa sa bintana. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ng mag bukas ang pinto at iniluwal nun ang bago kong damma.
"Anong kailangan mo?"tanong ko kaagad sa kanya habang nakakunot ang noo.
"May tao sa labas ng emperyo na nais kayong makita. Nais ka daw nyang makausap..."sagot nya sa magalang na tono. Napataas naman ang kilay ko dahil dito.
"Sino naman?"
"Hindi nya binanggit ang pangalan nyo ngunit ang sabi nya lang ay matalik mo daw syang kaibigan"tugon nyan. Napaisip ako sa sinabi nya, isa lang naman ang alam kong may lakas ng loob na pumunta dito.
Si Shimaru! Ngunit bakit naman?
"Sige, pupuntahan ko sya. Ngunit wag mo itong sasabihin kay Heneral. Naintindihan mo?"
Tumango na lang sya at saka ako lumabas ng aking silid. Minadali ko ang aking pag lalakad dahil baka may makakita pa sa kanya na kung sino o baka mismo ang heneral pa. Kaya naman sa aking pag mamadali ay nakarating agad ako sa labas ng Emperyo.
Pag labas ko ay nakita ko si Shimaru na nakasandal sa pader habang nakalagay ang parehas nyang kamay sa kanyang bulsa at nakatingin sa malayo. Nang maramdaman nya na may nag mamasid sa kanya at napatingin sya sa akin at kaagad na lumapit.
"Kamusta ka na dito? Hindi ka ba nila sinasaktan?"tanong nya kaagad. Natawa naman ako sa kanya kaya naman napakunot ang noo nya.
"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa tanong ko?"nag tatakang tanong niya. Napailing lang ako at saka ngumiti sa kanya.
"Masyado ka kasing nag aalala. Alam mo namang kaya ko naman ang sarili ko..."nakangiting saad ko. Napasimangot na lang siya at saka napabuntong hininga.
"Alam ko yun, ngunit hindi mo iyun maiaalis sa akin dahil kaibigan kita. Nag aalala ako sayo dahil alam kong delikado ang lugar na ito"turan nya. Napabuntong hininga na lang ako at saka ko hinawakan ang balikat nya.
"Wala kang dapat ipag alala dahil kagaya ng sinabi ko, kaya ko ang sarili ko..."sabi ko. Napabuntong hininga na lang din sya habang napapikit na lang. Ngunit bigla akong nag taka ng mag mulat sya ng mata at tumingin sa akin.
"Bakit? May problema ba?" Nagtatakang tanong ko.
"Sa nalaman ko, oo. May problema nga..."ani nya.
"Anong problema nga?"tanong ko. Tumingin tingin muna sa sya paligid at saka sumenyas na lumapit sa akin ng masigurong walang tao o kawal na dumadaan.
Ano kayang problema ng isang to?
"Bago ka pa dumating dito ay narinig ko ang pag uusap ng mga kawal dyan sa tarangkahan kanina. Narinig ko na pinag uusapan nila ang pag lusob sa Emperyo ng Shikawa bukas ng gabi. Nais daw ng Emperador na mapabagsak ang Shikawa at mapasakanya ang buong kalupaan nito"paliwang nya. Nagulat ako sa kanyang sinabi habang napatakip pa ng bibig.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Tila parang kinabahan ako, hindi ko magawang makapag salita agad. Nakatingin lang ako kay Shimaru. At ng mabalik ako sa aking sarili ay mas lumapit pa ako kay Shimaru.
"Sigurado ka ba sa iyong narinig, Shimaru?"tanong ko. Tumango sya.
"Oo, totoo yun. Maniwala ka"
"Ngunit bakit? Hindi pa ba sila kuntento sa ginawa nila sa atin at kailangan pa nilang gawin yun ulit sa iba?"hindi makapaniwalang tanong ko. Ngunit napailing lang siya.
"Hindi ko rin alam, Izumi. Ngunit kailangan mo ng umalis dito..."sabi nya. Natigilan ako.
"Bakit ako...aalis dito?"
"Dahil delikado na dito, lalo na ngayon!"saad nya. Napailing lang ako sa kanya at biglang lumayo.
"Alam mong hindi maaari diba? Alam mo ang mga---"
"Alam ko yun! Ngunit kailangan, dahil sa oras na lumusob sila doon sa Emperyo ng Shikawa maraming mga taga Shikawa ang mauubos. At sa oras na bumangon sila mula sa pag kabagsak ay maaari nilang gantihan ang Emperyong ito. Madadamay ang mga walang kinalaman sa digmaan kahit ikaw madadamay, iyun ang inaalala ko kaya kita pinapaalis na dito"mahabang paliwanag nya ulit ngunit umiling lang ako.
"Hindi naman siguro mangyayari yun. Mag iingat na lang ako"saad ko. Napapikit na lang siya at huminga ng malaman at muling tumingin sa akin.
"Ngunit Izumi, hindi malayong ganun nga ang mangyari. Possible iyun mangyari kung nanaisin nilang gumanti dito. Kung pinatay nila ang ilan sa mga taga Shikawa, malamang ang mga taga Shikawa ganun din ang kanilang gawin dito. Hindi kaba natatakot na baka madamay ka?"
"Natatakot din naman ako, ngunit hindi ako maaaring basta na lang umalis dito ng hindi ko nagagawa ang gusto ko. Hangga't hindi ko nahahanap ang hustisya na kailangan ko"
Kung aalis ako sa lugar na ito para ko ng isinuko ang mga plano ko. Para ko na ring isinuko ang hustisyang hinahanap ko. Para na rin akong duwag.
Hangga't nakikita ko silang masaya at nabubuhay hindi ako titigil.
Hangga't nakikita ko silang humihinga hindi ako titigil.
Hangga't hindi ko nakakamit ang hustisyang kailangan ko para sa mga magulang ko hindi ako titigil.
"Kahit ngayon lang ba hindi mo pa rin ako papakinggan? Isipin mo naman na delikado dito. Ayaw kong may mangyari sa iyo dito"saad nya.
"Patawarin mo ako Shimaru, ngunit sa ayaw at sa gusto mo hindi ako aalis dito, mananatili pa rin ako. At wala ka ng magagawa pa pa"tugon ko. Nakita ko syang natigilan kaya naman napapikit na lang ako. Ngunit napamulat agad ng marinig ko syang tumawa ng peke.
"Shimaru..."mahinang bulong ko.
"Kung ganun pala, edi sige hindi na kita pipilitin pa. Ngunit sa oras na madamay ka dito dahil dyan sa desisyon mo wag mong aasahan na tutulungan pa kita. Bahala ka na sa buhay mo!"sigaw nya. Hindi ako nakapag salita at napatungo na lang habang nararamdaman ko ang pangingilid ng mga luha sa aking mata.
"Nag alala ako sa kalagayan mo dito Izumi, ngunit hindi mo iyon nakikita kaya ayaw mo akong pakinggan! Dahil gusto mo pa rin gawin ang mga plano mo kahit alam mong delikado na dito!"galit nyang saad. Napaangat agad ang aking ulo at muling tumingin sa kanya. Muli na sana akong lalapit ng umatras naman sya.
"Hindi ganun iyun Shimaru, maniwala ka. Nakikita ko ang pag aalala mo para sa akin at nag papasalamat ako dahil doon. Ngunit hindi pa ako maaaring umalis dito ng hindi ko pa nagagawang makaganti sa kanila. Sana naman intindihin mo ako!"tumaas na aking boses dahil sa inis. Ayaw ko syang pakinggan ngunit naiinis ako dahil alam kong tama sya.
"Intindihin? Gusto mo intindihin pa kita? Ako ba inintindi mo rin ba?"saad nya. Napatungo na lang ulit ako at pinunasan ang luha na bumagsak na sa aking pisngi.
"Sa kabila ng mga mali mong desisyon inintindi pa rin kita dahil kaibigan kita. Ngunit ngayon, sa ganitong sitwasyon gusto mo iintindihin pa rin kita?"
"Oo! dahil ikaw ang kaibigan ko. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin alam mo yan. Ikaw na lang ang meron ako..."sabi ko. Muli syang tumawa ng peke.
"Bakit ko pa gagawin yun kung ayaw mo naman ako pakinggan? Ganito na lang, tutal ayaw mong makinig sa akin bahala ka na sa buhay mo. Hinding hindi na kita pipilitin pa"turan nya. Tatalikod na sana sya ng hawakan ko ang braso nya kaya naman napatigil sya ngunit hindi na sya tumingin pa sa akin.
"Shimaru, hintayin mong matapos akong makaganti sa kanila. Kapag natapos ko na ang mga plano ko babalik ako sa ating bayan. Hindi na ako muli pang babalik dito, ipinapangako ko yan..."
"Kahit wag ka ng bumalik pa..."
"Shimaru..." ngunit nagulat ako ng bigla syang humarap sa akin ng may seryosong mukha.
"Tandaan mo itong sasabihin ko at kung pwede ipasok mo na rin sa isip mo:
Kung noon nasira na ang buhay mo dahil sa pag kawala ng mga mgulang mo, mas lalo mo lang sinisira ngayon dahil dyan sa maling desisyon mo. Kahit pa makaganti ka sa kanila hindi ka magiging masaya. Kahit na nakaganti ka na sa kanila hindi na nila maibabalik pa ang buhay ng mga magulang mo...tandaan mo yan"
Matapos niyang sambitin iyon ay tumalikod na sya at umalis palayo. Parang bombang sumabog ang lahat ng mga binitawan nyang salita, hindi agad ako nakapag salita. Tinamaan ako sa mga sinabi nya.
Napabuntong hininga na lang ako at malungkot na tumalikod upang bumalik sa loob ng Emperyo.
To be continue...