webnovel

Chapter 15

Izumi Pov

"Magandang umaga po lady izumi" bungad sa akin. Pag ka pasok na nya ng silid inilapag sa nya sa aking lamesa ang pag kaing bitbit pag katapos nun ay nag tungo din sya sa akin at saka yumuko, habang ako naman ay nakaupo na sa higaan.

"Magandang umaga din" pag bati ko din. Matapos nun ay tuluyan na akong tumayo at tumungo sa lamesa kung saan nandoon ang aking pag kain, sya naman ay inayos ang aking hinihigaan at pag katapos pumunta na sya sa may pwesto ko sa gilid. Nag simula na akong kumain.

"Kamusta ang mga sugat mo? maayos na ba?" tanong ko.

"Maayos na po, malapit na din syang gumaling" sagot nya.

"Mabuti naman..."

Nag tuloy na lang ako sa pag kain hanggang sa matapos na ako. Inayos nya ang mga pinag kainan ko ng matapos ako, pag katapos nun ay binitbit nya at saka sya lumabas. Ako naman ay tumayo na at saka nag tungo sa may bintana upang mag pahangin.

Sampung taon ang lumipas at isang taon na naman ang lilipas ngunit heto pa din ako walang nagagawa. Ang plano kong kay tagal na binuo ay hindi pa din nangyayari.  Aish! puro ako salita pero hindi ko naman nagagawa! talaga naman...

Napabuntong hininga na lang ako sa aking naisip at saka tumingin sa taas habang nakapangalumbaba. Naibaba ko ang ulo ko ng mapansin ko ang mahal na prinsipe na nag lalakad kasama ang kanyang tagasunod, nakalagay sa may likod ang parehong nyang braso habang panay ang lingon nito, sakto naman na napatingin sya sa akin pag katapos ay kinindatan nya ako habang nakangisi. Napangiwi na lang ako sa ginawa nya at saka umiwas ng tingin sa kanya. Bumalik na lang ako sa kinauupuan ko kanina at saka ulit tumingin sa bintana.

Napatingin naman ako ng mabuksan ang pinto at iniluwal nun si shin, yumuko sya ng makapasok pag katapos pumunta sa harapan ko.

"Lady izumi, mukhang naiinip po kayo dito. Gusto nyo po bang mag lakad lakad sa labas?" tanong nya.

"Oo naman, samahan mo ako" tugon ko.

"Tara po"

Matapos nun ay tumayo ako sa aking silya at nag tungo sa pinto, si shin ang nag bukas ng pinto at ako naman ay lumabas na habang siya naman ay lumabas na din at isinara na ang pinto.

Nang makalabas, nag lakad lakad ako habang si shin naman ay nasa likod ko lang.

"Nasaan si heneral? hindi ka kasi sya nagawi sa aking silid kanina" tanong ko.

"Ang alam ko po kausap nya ang emperador, mukhang may importante silang ginagawa"

"Tungkol saan naman?" tanong ko.

Hindi kaya yung pinag uusapan nila kagabi?

"Hindi ko po alam" sagot nya. Napabuntong hininga ako at saka sandaling tumungo.

"Ganun ba..."

"Opo lady izumi" sagot nya. Napapikit ako habang nakatungo at sandaling nag isip kahit na nag lalakad ako.

Kailangan ko silang mapigilan sa mga binabalak nila pero paano? kailangan ko bang sabihan ang ibang emperyo sa binabalak na pag sakop sa kanilang emperyo ng emperador ng seikkin? pero ko paano naman yun magagawa kung hindi nama---

"Mahal na prinsipe..." napamulat ako ng biglang mag salita si shin at nagulat ako ng bumangga ako sa matigas na bagay kaya naman inangat ko ulo at tumingin doon. Napalaki ang mga mata ko na ang mahal na prinsipe ang nakabangga ko habang siya naman ay nakatingin sa akin at nakangisi pa. Awtomatiko akong lumayo sa kanya at umiwas ng tingin.

"P-pasensya na po mahal na prinsipe" hinging tawad ko. Napapalunok pa ako...

"Ayos lang pero sa susunod tumingin ka sa iyong dinadaanan. Masyado kasing malalim ang iyong iniisip kaya hindi mo napansin na may dadaan na sa harapan mo" tugon nya. Hindi na lang ako nag salita at hinayaan na syang umalis, napatingin pa ako sa kanya habang papalayo sya.

"Ayos lang po ba kayo lady izumi" tanong nya.

"Ayos lang..." nag tuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ulit ako sa may terasa sa bandang may ilog. Nag tagal ako doon habang tinatanaw ang ganda ng kapaligiran.

"May problema po ba kayo? kanina ko pa kasi napapansin na parang ang lalim ng inyong iniisip?" tanong nya.

"Wala naman, naiisip ko lang ang aking mga magulang. Matagal na rin kasi mag mula ng mawala sila, nangungulila ako sa kanila" pag sisinungaling ko. May parte din na tama ang mga sinabi ko. Kung hindi lang sana sila nawala hindi ko ito magagawa. Napabuntong hininga ulit ako.

"Nakakalungkot po talaga kapag nawala na ang iyong magulang, pakiramdam nyo para hindi buo ang inyong pag katao, parang kulang. Matanong ko lang, ano po bang nangyari sa iyong magulang?" tanong nya. Nang dahil sa tanong nya nanumbalik na naman ang lungkot sa puso ko.

"N-namatay sila noong araw ng digmaan, kasama sila sa mga pinatay noon" sagot ko.

"Nakakalungkot po ang nangyari sa kanila. Pero ang swerte nyo pa rin dahil nakaligtas kayo"

"Siguro nga, pero hindi ko masasabing maswerte yun dahil nawala naman sila sa akin" tumingin ako sa kalangitan ng may malungkot na pakiramdam pag katapos humarap ako sa kanya.

"Ngunit gayunpaman, kailangan kong ipag patuloy ang buhay ko kahit wala na sila. Wala man sila dito pero alam kong kahit na sa langit na sila ay patuloy pa din nila ako binabantayan at ginagabayan" nakangiti kong dagdag.

"Tama po kayo, kasi kung mag papadala ka na lang lagi sa lungkot hindi iyon ikakatuwa ng inyong magulang. Malulungkot pa sila"

"Kaya nga mas mabuting ituon mo na lang sa ibang bagay ang iyong nararamdaman kaysa naman na nakakulong ka lang sa malungkot mong naranasan. Kalimutan na lang para hindi na manumbalik pa" mahabang saad ko.

Matapos kong sabihin ang mga iyon ay hindi na muna ako nag salita at nanahimik sandali habang patuloy pa rin na nakatingin sa may ilog. Naramdaman ko ang panandaliang pag sulyap sa akin ni shin na tila may iniisip tungkol sa akin pero hindi rin nag tagal ay inalis na din nya ito. Maya-maya lang ay humarap na ako sa kanya.

"Bumalik na tayo" imporma ko. Nauna akong tumalikod sa kanya at saka lumabas na ng terasa habang siya naman ay sumunod na sa akin. Medyo nakalayo na kami ng makasalubong ko si heneral, tumigil sya sa pag lalakad ng makita ako at gayundin ang aking ginawa.

"Saan ka nanggaling? kanina pa kita hinahanap" agap nyang tanong.

"Dyan lang sa tabi heneral, nag papahangin" sagot ko.

"Tss, tara na at bumalik na tayo " agad syang tumalikod at nauna ng lumakad sa akin, napatingin ako kay shin ganun din sya tapos nag kibit balikat na lang kaming dalawa at nag lakad na lang din.

To be continued.