webnovel

Chapter 11

Matapos kung kumain nag libot libot ako sa buong imperyong kasama ang aking tagasunod. Una kong pinuntahan ang pagodang nakatayo sa pagitan ng emperyo at ang silid kung saan nililitis ang nagkakasala. Dito sa pagoda itong naglalagi minsan ang emperador kapag may iniisip habang nasa likod ang mga tagasunod nya. Sunod kong pinuntahan ang terasang malapit sa may ilog na napapalibutan ng mga puno at halaman. Nanatili ako ng ilang sandali habang tinatanaw ko ang kabuuan ng paligid habang ang aking tagasunod ay nasa aking likod lamang.

"K-Kamahalan" Napakunot ang noo ko ng biglang mag salita ang aking tagasunod kaya naman nilingon ko ito. Nang lumingon ako, nakita ko ang lalaking nakatayo sa may tapat ko habang nakangiti. Tiningnan ko sya.

Napalunok ako ng matititigan ko ang magandang lalaking nasa aking harapan ngayon, ang kanyang kulay itim na buhok na mahaba ay umaabot sa kanyang likod, ang kanyang kulay itim na mga mata ay medyo singkit maging ang kanyang ilong ay perpekto ang pag kakatangos. May suot sya na kung ano sa kanyang ulo, ang kanyang suot naman ay kimonong panlalaki na may disenyong di ko malaman kung ano at itim ang kulay nito. Tinitigan ko ulit sya at pag katapos nun ay sa aking tagasunod naman.

"Teka sino sy-lady uzumi si prinsipe haru po, ang panganay na anak ng emperador" pinutol nya pag tatanong ko sana dahil sa biglang pag sagot nya. At nanlaki ang mga mata ko dahil sa nalaman, kaya tiningnan ko sya ulit at nakangiti na sya pero yumuko na lang din ako.

"I-ipag paumanhin nyo kamahalan, hindi ko po alam"

"Haha ayos lang" napaangat ang ulo ko ng patawa syang sumagot. "Ako pala si haru ang anak ng emperador" agad nyang inilahad sa akin ang kanyang kamay ng mag pakilala sya at hinawakan ko din ang kamay nya bilang pag tanggap ng pag kilala nya pero napasinghap ako sa gulat ng biglang nyang hatakin ang braso ko, dahilan para mapayakap sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa ginawa nyang yun at hindi din ako agad nakapag salita dahil sa gulat. Pag katapos nun ay inilapit nya ang mukha nya sa kabila kong tenga at saka sya bumulong.

"Ikinagagalak kitang makilala binibini" dagdag nya. Pag kasabi nya nun ay lumayo na sya sa akin pati na din ako at napatungo nalang.

Ano bang problema nya?! Aish!

"Patawad po kamahalan, ngunit aalis na po ako. Kailangan ko na pong bumalik" anya ko. Tumango sya na lang at saka ko sya iniwan na doon. Habang naglalakad huminga ako ng malalim habang napapikit pa. Pagkatapos nilapitan ako ni shin

"Lady uzumi, ayos lang po ba kayo?" tanong nya.

"Oo, sa tingin ko" walang kwenta kong sagot ko. Napabuntong hininga sya.

"Ganun po talaga ang mahal na prinsipe lady uzumi, pero mag iingat po kayo doon dahil maloko po yan sa babae at mapilyo" saad nya.

"Halata nga sa kanya, tsk nakakagulat ang ginawa nya. Hindi kaagad ako nakapagsalita" anas ko. Tumingin ako sa kanya. "Hindi ko alam na may anak pala ang emperedor. Ngayon ko lang sya nakita" dagdag ko. Sa tagal ko na dito sa emperyo ni isang beses ay hindi ko pa sya nakita, ngayon palang.

"Hindi po kasi dito lumaki ang mahal na prinsipe kaya hindi nyo sa nakikita dito" paliwanag nya.

"Kung hindi pala sya dito lumaki...eh saan?" tanong ko.

"Sa may probinsya ng yumaong emperatris ng emperador at ina ng mahal prinsipe. Nang mamatay sa sakit ang kanyang ina napag pasyahan nyang doon na lang muna mamalagi, ngunit hindi sya pinayagan ng emperador sa kanyang desisyon dahil hindi sya pwedeng mawala sa emperyo lalo na sya ang susunod na emperador. Ngunit nag matigas ang mahal na prinsipe at ginawa nya pa rin, hindi nya pinakinggan ang kanyang ama. Wala ng nagawa ang emperador" paliwanag nya. Matapos kong marinig yun ay inalis ko ang tingin sa kanya at binaling sa harapan.

"Mahal na mahal nya ang kanyang ina, kaya hindi nya matanggap ang nangyari. Kaya nag desisyon syang doon mamalagi" ani ko.

"Ganun na nga po lady uzumi" tugon nya.

"Pati ba ang digmaang nangyari sa shinamin at seikkin alam nya rin ba?"

"Mag mula ng lumisan sya sa emperyo ay wala na kaming balita sa kanya. Kaya hindi ko alam kung alam ba nya ang tungkol doon" sagot nya. Tumango ako sa kanya at hindi na nag salita pa. Wala pala syang kaalam alam sa ginawa ng kanyang ama, kasi kung meron man alam kong pipigilan nya ito...gagawin nga ba nya? Nakakapag taka naman.

To be continued.