webnovel

She's The Wife

Melody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything messed up.Melody knew he cheated and worse is his mistress carrying his baby. Melody decided to leave her husband. She studied again because she's just 18 when she married her husband.She became a journalist, and the unexpected thing happened is they've meet again. Would the destiny let it happened?or it's just a coincidence yet planned?

Scarlet_Purple · Urbano
Classificações insuficientes
21 Chs

Asawa

"Omygod!successful tayo Melody thanks to you!"anya ni boss.

Kring

Sinagot ko ang tawag. Galing sa unknown number. Nangunot ang noo ko bago ito sinagot.

"Hello?"

"Bullshit Melody!wala naman akong sinabi na may anak ako kay Betina diba?"

Kinabahan ako. Its him!sa'n nya naman nakuha ang number ko?

"Bakit mo tinatago ang totoo?"

"It's a disgrace on my family lalo na at hindi pa tayo hiwalay!"

Sumenyas ako sa katrabaho ko sabay punta sa Cr at ni-lock ito. Pumasok ako sa isang cubicle.

"Bakit mo naman ikinakahiya ang anak mo?"

"For pete sake Melody!Andrea is still young!she's innocent"

Humalakhak ulit ako.

"Ohh?akala ko ba disgrace?"

"Melody!"

Bumuntong hininga ako.

"Fine let's file an annulment" anya ko

Natahimik sa kabilang linya.

"Hello Andro?are you still there?"

"No"

Tumaas ang kilay ko

"Matagal na dapat Andro diba?c'mon mag hiwalay na tayo ng tuluyan"

"No!I said no Melody!you're my wife!"

Uminit na ng tuluyan ang ulo ko.

"Oww yes I'm your wife Andro Chavez pero baka nakakalimutan mo?girlfriend mo ang kabit mo at ang malala pa ay may anak kayo!"

"Betina is not my girlfriend!"

"Liar!go to hell Andro!"

"Melody pls!"

Binabaan ko na sya.

Thugg

Bigla akong kinabahan ng marinig ang kalampag ng pinto.

"What the hell!"

Agad akong lumabas ng cubicle at binuksan ang cubicle isa-isa. Pero mukang nakalabas na! sumilip ako sa labas, luckily dahil walang tao. Lumabas ako at dumiretso sa opisina namin.

Shit!shit!shit!

Hindi pwedeng malaman nila na ako ang asawa ni Andro!

"Guys listen up, listen up!"

Pumasok si Shiela sa department namin.

"What do you want Sheila?you're not the boss here!"anya boss

Ang department namin naka-assign lang sa dyaryo. Samantalang sya sa magazine department at nai-papalabas pa sa TV ang nakukuha nilang mga scope. Sya ang boss sa department nila. Pero since big time si Andro, naipalabas ang scope namin for the first time.

"Oww shut up Gino!this is important!"

"Its Gina girl!"

umismid si Shiela.

"Makinig kayong lahat"

Inilabas nya ang cellphone nya.

Matagal na dapat Andro diba?c'mon mag hiwalay na tayo ng tuluyan...

Nanlaki ang mata ko. Sya yung nasa Cr?shit!

Oww yes I'm your wife Andro Chavez pero baka nakakalimutan mo?girlfriend mo ang kabit mo at ang malala pa ay may anak kayo!

Boses ko lang ang narinig buti na lang!

"Is that Mr.Chavez wife?"tanong ni boss

Tumango si Shiela.

"San mo naman yan nakuha?"anya boss

"Sa Cr!"

Napalunok ako ng ilang beses.

"Sa Cr?"nagtatakang tanong naman ni Jude.

"Ahuh!at alam nyo kung saang Cr?"

"San?"

"Dito!"

"Huh?"sabay sabay na tanong ng mga kasamahan ko maliban sakin.

"Malakas ang kutob ko na nag ta-trabaho lang dito sa BZA Station ang asawa nya. Nasabihan ko na rin ang ibang mga tauhan ko. Kailangan natin mahanap kung sino man sya!"

"Naku chaka ka Shiela!Baka naman ni-record mo lang ang sarili mo sa Cr?"

Nanlaki ang mata nito saka nag papadyak ng paa.

Childish

"Gino hindi naman ako disperada gaya ng team nyo ano!nakakuha lang ng big scope kala mo kung sino na!"

Tumaas ang kilay ni Boss

"What did you say to our team?"

"Tss"lumagpak ang tingin sakin ni Shiela. Isa ako sa kinaiinisan nya.

"Baka naman ikaw ang asawa ni Andro Chavez?"

Nanlaki ang mata ko at agad umiling. Ngumiwi naman sya sa reaksyon ko.

"Imposible yun Shiela"

"It's Ms.Shiela!"

tinitigan nya ako "oww well hindi ka naman ganon kaganda para maging asawa ng pinaka-gwapo at hot dito sa pilipinas" humalakhak sya

"Lumayas ka na nga dito Shiela!pinag-iinitan mo na naman ang tao ko!

Kung ako sayo aalisin ko ang insecurities sa katawan mo. Dahil una sa lahat kuko ka lang ni Melody!Si Melody ay mala Catriona ang beauty samantalang ikaw?hahaha pang palengke lang ang beauty mo te!"

Nanlaki ang mata ni Shiela.

"What the heck Gino?I hate you!"

"Oww the feeling is mutual dear!"

Nanggagalaiting lumabas si Shiela.

"Hindi ko alam kung bakit na-promote sya sa posisyon nya ngayon!that girl is crazy"

Sumang-ayon naman ang iba.

Napansin ko ang paninitig ni Zeke sakin. Nginitian ko sya pero umiwas sya ng tingin.

Delikado si Zeke!mukang pinaghihinalaan ako ng luko!

This is goddamn dangerous!

"MELODY!guest what?"

Pahapon na at naging busy kami ng mga kasamahan ko. Nang biglang sumulpot si boss Gino.

"Ano po yun boss?"

"Gusto kang kunin ng ITN!"

Nanlaki ang mata ko.

"H-hindi nga?"

"Oo nga!at Zeke?"

"Po?"anya Zeke

"Ikaw rin!"

Nag katinginan kami ni Zeke saka nagsisigaw. Tuwang-tuwa kami. Kaya lang ay bakas sa muka ni boss ang lungkot.

"Ayaw ko kayong pakawalan dahil kayo ang pinaka-magaling sa team namin. Malaking kawalan pagnawala kayong dalawa. Pero hindi ko kayo pipigilan para maging successful! I'm so proud of you guys!"ma-emosyong wika ni boss.

"Ok nga yun boss e!may isang taon na rin ako dito. Si Ms.Melody naman 3 years at umay na umay na kami sa muka mo" Biro ni Zeke

Kinurot sya sa tagiliran ni boss.

"Wag pasiguro dahil sasabak pa kayo sa tanungan!kaya galingan nyo kung ayaw nyo ng makita ang beautiful face ko!"

"Kailan daw po ba yun?"

"Next week pa mga iho, iha kaya tuloy pa rin ang work nyo dito, gets?"

Tumango kami ni Zeke.

"O sya Zeke may i-u-utos ako sayo"

"Ano po yun?"

"Bukas pupunta ng party ang singer na si Jillien!gusto kong bantayan mo ulit ang bawat kilos nya"

Nanlaki ang mata ni Zeke.

"Naku!pa'no yun boss?uuwi ako bukas sa probinsya dahil birthday ni Lola kailangan kong pumunta"

"Ganon ba?Jude Ikaw ayus lang ba sayo?"

Umiling si Jude.

"May tatapusin pa po akong trabaho bukas boss sorry"

"Ikaw Quenny?"

"May interview po kami kay mayor bukas"

Umismid si boss.

"My god!lahat na lang ba kayo busy?"

Itinaas ko ang kamay ko.

"I'm not busy boss ako na lang?hihiramin ko na lang ang camera ni Zeke?"

Umaliwalas ang muka ni boss.

"Ok sige ikaw bukas ang babantay kay Jillien!"

Kinabukasan maaga akong nagising para umuwi sa bahay namin. Sa novaliches lang naman ang bahay nila mama at papa kaya nag taxi na lang ako. Malapit lang ang condo ko kila mama.

"Hello ma?"

"Ohh iha anong oras ba ang dating mo?malayo ka pa ba?"

"Maya-maya po, malapit na mama"

"O sya sige take care"

"Yes ma"

Ibinaba na ni mama ang tawag.

Sumandal ako sa bintana ng taxi.

4 years I study in abroad and then I came back home. Hindi lumapit sakin si Andro. Wala akong narinig na isang salita. Hindi sya nag pakita. Ngayong taon lang!

Kring

Sinagot ko ang tawag.

"Where are you?"

Kumunot ang noo ko at tiningnan ang screen.

Unknown number...

"Sino 'to?"

Narinig ko ang buntong hininga sa kabilang linya.

"Nandito na ako kila mama.

Kanina ka pa namin hinihintay,

and pls save my number. Its me Andro"

Nanlaki ang mata ko.

"W—wait you're what?where are you?!"

"Novaliches"

"Bakit naman pumunta ka kila mama huh?!"

"Its our son death anniversary"

Napasinghap ako at naikuyom ang kamao, sa sobrang gigil.

"8 years Andro!hindi ka naman umuuwi kila mama tuwing death anniversary ng anak natin!"

"4 years when you're in abroad umuuwi-uwi ako kila mama. Huminto lang ako nong umuwi ka"

Tumawa akong hindi makapaniwala.

"Pinayagan ka nila mama at papa?seriously Andro?!ang kapal mo talaga!"

may diin kong wika

"Look Melody, I'm sorry ok?"

Umiling ako na para bang nakikita nya.

"Tell mama and papa na hindi ako makakapunta. Manong balik na po tayo"anya ko sa driver.

"What?Melody c'mon umuwi ka na dito!"

"No hanggang hindi ka umaalis bye!"

Binabaan ko sya ng tawag at tinawagan si mama.

"Mama hindi na ako tutuloy may emergency sa trabaho"

"What?anak naman death anniversary ng anak mo. Nandito rin sa Andro"

"I know ma!kaya nga hindi ako jan uuwi"

"Anak hanggang ngayon ba naman?forgive and forget!"

"No mama not with Andro, not anymore"

"O akala ko ba busy ka ngayong umaga?"

"Hindi na ako tumuloy boss"

"Ganon ba?"

Tumango ako at naupo sa table ko.

Nagulat po syempre nong malaman kong pumunta dito ang asawa ni Dro.

Hindi ko po alam kung anong rason nya. Siguro po gusto nyang makipag balikan kay Dro. Unfortunately ayaw na talaga ng boyfriend ko. Hindi ko po ginusto na maging mistress ni Dro dahil nong maging kami po hiwalay na po talaga s—sila ni Dro kaya hindi ko maintindihan kung bakit pa sya nag pakita sa boyfriend ko. Nagmahal lang po ako.

Nanigas ako sa kinau-upuan ko.

Hiwalay na kami ng maging sila?she's a good liar!may paiyak-iyak pang nalalaman!

"O gulat ba kayo?galing ko ano?isang interview lang pumayag agad si Betina Santiago"biglang sulpot ni Shiela.

Tiningnan nya ako sa mata.

"Walang-wala ang nakuha mo sa scope ko Melody"

Tinaasan ko sya ng kilay sabay ngisi.

"So?I don't care Shiela beside alam ko naman na puro kasinungalingan lang ang sinabi nya. Lalabas din sa huli ang totoo. Tsaka ano naman kung mas ok ang scope mo?bakit kinukuha ka na rin ba ng ITN news?"humalakhak ako

"You're funny"patuloy ko

Hindi na sya nakaimik at nag walk out. Pinalakpakan ako ni boss dahil ngayon ko pa lang raw pinatulan si Shiela. Siguro nai-bunton ko sakanya ang inis ko at napuno na rin ako sakanya.

Alas-otso at handang-handa na ako sa party na pupuntahan ng singer na si Jillien. Pupuslit lang ako mamaya sa party!

"Hello Melo!asan ka na?"

"Malapit na po ako boss sa venue"

"Ok that's good. Sa likod ka dumaan lumusot ka sa may garden. Kaya mo yan goodluck!"

Nang makarating ako sa venue ay sinunod ko ang utos ni boss. Medyo nahirapan ako dahil naka-heels at dress ako. Hindi ko na rin hiniram ang camera ni Zeke dahil mapaghahalataan ako na pumuslit lang sa party. Malinaw naman ang cam ng phone ko kaya ok lang!

"Hi miss beautiful" anya ng isang foreigner pagkapasok ko sa loob.

Ngumiti ako. Buti na lang at kilala ko ang model na 'to!na-issue sya na nagti-take ng drug last year.

"Hello James" ngumiti ako

Nagulat sya

"Ohh you know me?"

Tumango ako at ngumiti. Kailangan kong makipag-usap sakanya para kunyare imbetado ako dito.

"Of course nagkasama na tayo noon sa isang shoot!"

"Oww you're also a model right?"

Tumango ako at ngumiti ako ng malapad.

"You're beautiful so I won't forget you"

Tumawa na lang ako. Of course its not true!I'm not a model!

"See you around James" anya ko ng mamatahan si Jillien.

Sinundan ko sya. Kumuha ako ng wine.

"Anak?"

Nanlaki ang mata ko at napalingon sa may gilid.

"Mama?"

"You're here?how are you?"

Yumakap ako kay mama.

"Ok lang naman po where's papa?"

"Uhh kasama sya ng mga kumpare nya. Bakit ka nga pala nandito?dito nakapunta ka, pero sa death anniversary ng anak mo kanina hindi?"

Bumulong ako kay mama.

"Ma alam mo naman kung bakit diba, tsaka may trabaho po ako dito. Sinu-sundan ko ang singer na si Jillien"

Nanlaki ang mata ni mama.

"At kailan ka pa naging paparazzi?last I check you're a journalist?"

"Mama wag kayo maingay. Kasama na 'to don. I have to go mama I'll visit to our house when I'm not busy"

Tumango naman si mama.

"Go to your papa first. He miss you"

"Maybe next time po"

Humalik ako kay mama bago umalis.

Sinu-sundan ko ngayon si Jillien.

Pumunta sya sa may garden. I saw her, kiss someone may kasamang bata. Agad ko silang kinunan. Pati ang pag karga ni Jillien sa bata ay nakunan ko.

"So you're a paparazzi now?"

Muntik ko ng mabitawan ang phone ko sa biglang pagsulpot ni Andro.

"What the hell Andro!"

Ngumiti sya sakin.

"You're cute"

Umismid ako. Ano na naman ang kailangan ng isang to?

"What do you want?"

Nagawi ang tingin ko sa may parting halaman. Nanlaki ang mata ko ng gumalaw ito at may nakatutok samin na camera. Who the hell are you?Zeke?

Agad kong itinago ang muka ko sa dibdib ni Andro. Bahagya syang nagulat at humalakhak sa huli.

"You miss me?"

Kinurot ko sya sa tagiliran.

"May paparazzi!damn it!hindi ka naman artista pero bakit may ganito?ilabas mo ako dito!hindi pwedeng makuhanan ako!"pabulong kong wika sa kanya

"Ahuh?is that it?"

"Sumunod ka na lang!"

Itinago nya pa ako sa dibdib nya at nag lakad kami ng marahan. Paatras ang lakad ko, at muntik na akong matisod pero agad nyang naagapan.

"You'll be okay trust me"

Huminga ako ng marahan.

Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. At mas lalong hindi ko gusto ang maamoy ang pabango nya.

Hindi ko gustong marinig ang bilis ng tibok ng puso nya. Dahil bakit?para saan?

"We're here at the parking lot, isasakay na kita"

Naputol ang mga iniisip ko dahil sa sinabi nya.

Narinig ko ang pagbukas nya ng kotse nya at isinakay nya ako ng marahan sa loob, sinuguro nyang hindi makikita ang muka ko. Buti na lang tinted glass ang kotse nya.

"Pakihatid ako sa novaliches kila mama. Salamat" anya ko sabay pikit ng mata.

Sumandal ako sa may bintana.

Narinig ko ang mahinang halakhak nya. Kumunot ang noo ko, pero di ako nagmulat.

"You're so demanding"

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan pero naka-lock.

"Open it Andro!kung ayaw mo akong ihatid mag ta-taxi na lang ako"

"No Melody ihahatid kita"anya saka pinaandar ang sasakyan

"I want to file annulment"mahinang wika ko habang nakapikit pa rin.

"Hindi ako papayag Melody"

"I want you gone Andro forever"mahina kong sambit.

"No baby, no way"

Napamulat na akong tuluyan at saktong dumapo ito sa isang bata. Nakaupo sa isang bench sa park.

Nadaanan kasi namin.

"Stop the car Andro"

"No Melody"

"Ihinto mo muna bilis!you should see that kid!it's really look like our Andy!"

Nanlaki ang mata nya at ihininto ang kotse.

"Nakita mo na rin si Jessie?"

Taka akong tumingin sakanya.

"Napagkamalan ko syang anak natin"

"Ako rin"

Bumaba ako ng kotse at naunang pumunta sa bata.

"Hi Jessie"

Inangat nya ang paningin sakin. He look sad.

"Miss?"

"Hey buddy"

"K—kuya Andro"

Gulat syang napatingin samin pareho.

Parang gusto ko ulit maiyak.

''Kamuka mo talaga ang anak namin"anya ni Andro

Lumanlam ang mata ng bata. Pero 'di ito nag salita.

"Bakit ka pa nasa labas?delikado na alam mo ba yun?"

"Lumabas lang ako sa bahay dahil naririndi ako kay mommy. Palagi na lang syang nagwawala at umiiyak. Sinisisi nya ako sa pagkawala ni Daddy"malamig nitong wika.

"Lagi ba syang ganon sayo?"

Tumango naman si Jessie.

"My mom is a Doctor while dad is an engineer. Pero 'di ko pa nakikita ang daddy ko kahit kailan. Ako lang ang anak nila"

Napatitig ako sa muka ni Jessie.

"Siguro kung buhay pa ang anak naming si Andy kamukhang kamukha mo sya ngayon. Baka nga mapagkamalan pa kayong kambal"

Tinambol ang puso ko sa naisip ko.

"I have to go miss and kuya Andro bye. Maybe she's sleeping"

Ngumiti ako.

"Take care Jessie"

Tumayo ito at kumaway ng nakatalikod samin. Parang kinukurot ang puso ko sa pag alis nya. Siguro dahil nakikita ko talaga sakanya si Andy. Kaya lang imposible yun dahil nakita ko ang anak ko naka-burol.

Hinaplos ko ang kwentas ko.

"Let's go Melody"

Nang maihatid ako ni Andro sa bahay nila mama nagpasalamat agad ako.

Hindi ako makakatagal na kasama sya.

"Wait Melody"anya at hinarang ang kamay sa gate na isasara ko sana.

"Ano na naman?"

"Our son, today is his death anniversary we should pray for Andy"

Bumuntong hininga ako.

"I will, don't worry"

"No I mean sabay tayo"

Ngumiti lang ako ng peke.

"No Andro go back to Betina, I'm sure Andy will understand me kung hindi man ako ngayon pumayag. Goodnight Andro"

"No Melody, you can't understand. Matagal na kaming wala ni Betina believe me"

Ngumiti ako ng mapakla.

"Andro hindi ako bulag at mas lalong hindi ako bingi. Narinig ko ang sinabi ni Betina at napanuod ko ang kuhang interview sakanya"

Narinig ko ang mahina nyang pagmura.

"Melody maniwala ka naman sakin, totoo ang sinasabi ko. Matagal na kaming wala ni Betina. Nong umalis ka, tapos na kami non"

"Don't lie to me!anong nangyare nong maniwala ako sayo noon?anong nangyare nong mga panahong umalis ako?anong nangyare nong bumalik ako?Andro hindi mo ako hinanap nong umalis ako, hindi ka nagparamdam nong bumalik ako, ngayon na lang!"

"Dahil akala ko yun ang gusto mo!"

Natawa ako ng pagak.

"Hindi Andro!umasa ako!umasa pa rin ako na sana habulin mo ako, sana hanapin mo ako-

"Kailangan ako ng magiging anak ko noon!"

"Pero kailangan din kita!ako ang asawa mo pero sya ang pinili mo!sila ang pinili mo!"

Hindi ko na napigilan ang sariling kong maluha.

Umiling sya ng marahan.

"Sana inintindi mo ako Melody"

"Sinaktan mo ako Andro!sige nga?!sabihin mo sakin kung pano kita maiintindihan?"

Hindi ko alam kung bakit pinag-uusapan pa namin 'to e.

Hindi pa ba sapat ang sakit na idinulot nya sakin non?ano pa bang gusto nya?

"Alam mong nadala lang ako Melody, dinugo si Betina at anak ko ang dinadala nya"

"Hindi mo ba naisip na nadala lang din ako?sya ang nauna!nakita mo naman diba?she provoke me to do that to her!"

Hinawakan nya ako sa braso.

"Melody please forgive me. Magsimula ulit tayo?pwede naman diba?"

Umiling ako

"Well then I'm sorry Andro, you already did left scar on me, and you can't never erase that. Because it's permanently. Hindi na mawawala, nakatatak na sa puso at isipan ko ang lahat ng sakit, hinanakit, at pait na ginawa mo sakin.

Hindi ako ang sumira ng relasyon natin Andro. Just please, let's move on.

Wag na nating balikan ang nakaraan, dahil kahit anong sigawan pa natin dito at labasan ng hinanakit, hindi na non mababago kung ano tayo ngayon"

Inalis ko na ng tuluyan ang kamay nya saka marahang sinarhan ang gate.

I smile to him and wave my hand as a goodbye.