webnovel

She's The Wife

Melody Chavez is a married woman to Andro Chavez, their family getting more stronger because of their son. Until Andro cheated on his wife, at first it's just ok because he know that Melody loves him.When their son died from the accident everything messed up.Melody knew he cheated and worse is his mistress carrying his baby. Melody decided to leave her husband. She studied again because she's just 18 when she married her husband.She became a journalist, and the unexpected thing happened is they've meet again. Would the destiny let it happened?or it's just a coincidence yet planned?

Scarlet_Purple · Urbano
Classificações insuficientes
21 Chs

Andrea

Nasa kalagitnaan ako ng masarap na panaginip, nang makiliti ang ilong ko dahil sa hindi ko malaman kung ano.

Nangunot ang noo ko nang maamoy ang pamilyar na amoy.

Kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Laking gulat ko nang may makita akong lalake sa tabi ko.

sino 'to?

Pilit kong sinilip ang lalake sa tabi ko, ganon na lang ang gulat ko nang makilala ito.

Agad ko itong itinulak ng malakas dahilan para mahulog sya sa kama.

"Fvck!"

Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo, nang marinig ang boses nya.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko huh?"

Hindi makapaniwala kong tanong.

"You raped me?pinagsamantalahan mo ako?" hindi ko maka-paniwalang tanong.

He groaned and face me, while he's sitting on the floor.

"Muka ba akong nasa kwarto mo?"

Nilibot ko ang paningin ko, at napalunok ng ilang beses nang mapagtantong nasa bahay namin kami.

"Bakit ako nandito?!"masama ko syang tiningnan.

"Because you came here"

Napakurap ako ng ilang beses, kinunotan ko sya ng noo sabay singhap.

"A—ano?huh!niluluko mo ba ako?bakit naman ako pupunta dito kung alam ko naman na nandito kayo ng higad mo nakatira?!"

"She's not living here. Meron silang sariling bahay ni Andrea at hindi ko sya higad"

"Ahh basta!pinag-samantalahan mo pa rin ako!"anya at nag pamaywang.

"Walang nangyari"

"Anong wala?e bakit naka-bra na lang ako huh?"

Malulutong na mura ang pinakawalan nya.

"I didn't do anything. Melody ikaw ang pumunta dito sa bahay, at bigla ka na lang nanghalik"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Tinuro ko ang sarili ko.

"Ako?h—hinalikan ka huh?!"hindi makapaniwalang tanong ko

Tumango sya.

"Wag ka ngang mag sinungaling! makita ko pa nga lang ang muka mo ay nasusuka na ako, halikan ka pa kaya?"

This time ay sya naman ang suminghap.

Hinimas nya ang batok nya na para bang isa akong malaking problema.

"Ngayon alam ko na"

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Sinukahan mo kagabi ang muka ko"may gigil nyang sambit.

Halos hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. Shit!seryuso ba sya?

"Seryuso ka?w—walang halong joke?"paninigurado ko

Hindi makapaniwala syang tumingin sa mata ko.

"Sa tuwing tumitingin ako sa jan sa l—labi mo. Naaalala ko kung pa'no mo ako hinalikan kagabi at bigla na lang sinuka—

"Daddy?who is she?"

Sabay kaming napatingin sa batang pumasok.

Nanlaki ang mata ko nang mamukaan ito.

She look Andy but in a girl version.

"A—andrea"

Nakatutok sa mga mata ko ang mata ng bata. Napahawak ito sa bibig nya na para bang gulat na gulat.

"Ohhh?you're d—daddies wife!"

Nagulat na lang ako ng bigla itong pumalahaw ng iyak.

Dinaluhan ni Andro ang anak nya—dito parang sinaksak ako ng kutsilyo ng ilang beses.

"H—hey why are you crying?"

"B—because s—she's back...hukk...she will get you from us"

"No Andrea it won't happen"

Napapikit ako ng mariin. Thats it!

It won't happen!

Bigla akong tumayo sa kama at hinanap ang damit ko.

"What are you looking for?" anya Andro habang karga ang anak.

"Damit ko?"

"Nasa likod. Nilabahan ko dahil nasukahan mo kagabi"

Tumango ako at agad nag lakad.

"Wait Melody!"

Huminto ako, pero hindi ko sya nilingon.

"Pwede bang humingi ng pabor?"

"Ano yun?"

"Pwede mo ba kaming ipag-luto?"

Tumingin ako sa taas para pigilan ang nag babadya kong luha. Sabay hingang malalim nakangiti akong humarap sa kanila.

"Bakit hindi si Betina ang palutuin mo?"

Bumaba mula sa pagkaka-karga ng daddy nya si Andrea. Nagulat ako ng lumapit ito sakin.

"Please po miss?mommy is in our house. She's not allowed to go here...only me"

Nagta-taka akong tumingin kay Andro pero umiwas lang sya ng tingin.

Tumingin ulit ako sa bata at, titig na titig ito sakin. Napahawak ako sa bibig ko at pilit na pinipigilan ang luha ko.

"You look like Andy"

"My kuya?"

Tumango ako.

"C—can I h—hug you?"bigla ko na lang nasambit

Tumingin ito sa daddy nya na para bang humihingi ng permiso.

Tumango ito habang nasa 'kin ang mga mata nya.

Umupo ako at pinantayan si Andrea. Niyakap ko ito ng mahigpit at dito na nga tuluyang bumuhos ang luha ko.

"I—i can't breath po"

Natatawang pinakawalan ko sya saka pinalis ang luha ko.

"S—sorry I got carried away"

"It's ok miss"

Umiling ako at ginulo ang buhok nito.

"Call me Tita Melody"

Malapad ang ngiti nito na tumango.

Tumayo na ako at kinuha ang kamay nya.

"Ano bang gusto mong kainin?"anya ko habang naglalakad kami

"Hotdog po"

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Para syang si Andy. Una si Jessie ngayon naman si Andrea which is anak ng ibang tao.

God ano bang nangyayari?

I realized that Betina is so lucky because she have Andrea. Unlike me...I lost Andy.

Nang makarating kami sa kusina ay pinaupo ko muna si Andrea kung sa'n usually naka-upo si Andy dati.

Napatingin ako kay Andro. There's sadness on his eyes.

He mouth thank you. I did not reply.

"Andrea stay to your daddy...I will just get my clothes ok?"

"Ok po Tita Melody"

Nginitian ko ito saka pumunta sa likod ng bahay. Nang makapag-bihis ako ay tumama ang mata ko sa mga bulaklak.

Andy...

Heto na naman!tutulo na naman ang luha ko.

Lumapit ako sa mga bulaklak at pumitas ng puting rosas.

"Wow white rose!" Anya Andrea

Nginitian ko ito at inabot sakanya ang rosas.

"Diba sabi ko don ka lang kay Daddy mo?"

"Sumunod po ako"nakanguso nitong wika.

Napangiti ako, she's cute. She look happy while looking at the rose.

"You like it?"

Masaya itong tumango.

"The roses at the garden is so beautiful, but daddy will getting mad if I pick a flower"

"Ohhh!really?"

Saktong dumating si Andro.

I look at him, but he just look away.

"From now on, you can pick flower at the garden anytime you want ok?"

"Really po?pero baka magalit si Daddy?"Anya habang nakatingin sa ama nya.

"He won't get mad, right Andro?"

Ngumiti lang ito at tumango.

Nauna akong pumasok sa loob ng bahay at pumunta sa kusina para makapag-luto. Pagka-tapos ay ako na rin ang nag hain. Tuwang-tuwa ang mag-ama.

Mag-ama ni Betina...

"Ang sarap po Tita Melody!"

Napansin ko ang mabilis na pag subo ni Andro na para bang sabik na sabik. Hindi rin nakalagpas sa mga mata ko ang pamumula ng mata nya, like he's about to cry.

O baka naman niluluko lang ako ng mga mata ko?

"Don't stare j—just eat"

Ngumiti ako at sinimulan na ring kumain.

Kung titingnan...parang ang saya-saya naming pamilya.

Ako, at ang asawa ko, at anak nya—nila ni Betina.

"Daddy why are you crying?"

Nabitin ako sa pagsubo at tumingin kay Andro. Namumula ang mata nito at may tumutulong luha.

"Hindi anak, napuwing si Daddy, masyadong malaki yata yung pumasok sa mata ko"

Napatakip ng dalawang kamay sa bibig si Andrea. "Really daddy?dalawang mata mo po napasukan ng dumi?may I see?hihipan ko po!"

Tumingin muna sakin si Andro bago inilapit ang muka sa anak nya.

Napa-kibit balikat na lang ako.

Possible ba yun?dalawang mata sabay na napuwing?pero kung sakaling umiyak man sya, para sa'n?

Sobrang nasarapan sa luto ko ganon?weird!

Nang matapos kaming kumain ay ako na rin ang nag hugas. Ngayon ay nagpapahinga na lang kami dito sa kusina.

"Tita Melody where is kuya po?"

I smiled...

"Your kuya Andy is in heaven"

"Is he happy po?"

I pat her head

"Very happy"

"Do you love kuya?"

"Yes" agad kong sagot

"Are you happy because kuya is in heaven?"

"Yes"

"Do you still love Daddy?"

"Yes"

Natigilan ako at nagkatitigan kami ni Andro.

"Yiee Yes daw daddy"

Napailing na lang ako.

"You're so manipulative baby"

"Andro!"

Pare-pareho kaming natigilan nang marinig ang isang boses ng babae.

Mula sa salas ay lumabas 'to.

It's Betina

Galit na galit ang muka nya at muka syang papatay!

"I—i knew it!tama nga si Patricia!nandito ang babaeng yan!"nanginginig nitong wika habang umiiyak.

"What are you doing here?didn't I tell you to not come here?" anya Andro

Tinakpan ko ang tainga ni Andrea.

"Bullshit Andro!sinunod ko naman diba?ngayon lang!kaya pala...d—dahil nagkikita pa kayo!ang kakapal ng muka nyo!"

Masama itong tumingin sakin at hinablot si Andrea, nag simula na rin itong nag-iiyak.

"Ikaw naman!diba sabi ko sayo, pag nakita mo sya ay wag na wag kang lalapit?she's a bad women!"

Suminghot-singhot si Andrea.

"But...she's good to me. She cook for me, you don't even cook f—for me, because you're always busy"

Suminghap si Betina.

"Walang hiya ka?at nilason mo pa talaga ang utak ng anak ko huh?you're bitch!"

"Betina pls get out!" anya Andro

Napapikit ako ng mariin, kanina nag titimpi pa ako pero ngayon hindi na!

"Wag mo akong tatawaging bitch dahil sa ating dalawa ikaw ang bitch!alam mo ang papel mo sa mundong ito!huh!maybe your face is an angelic but it won't change the fact that you're a whore mistress who destroyed a family!"

Nangga-galaiti ako nitong sinugod at tinulak. Bago pa ako makabawi ay nadaganan nya na ako, at pinagsa-sampal.

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Fuck!stop it!"anya Andro na pilit inaawat si Betina.

Walang hirap na nakarga nya si Betina paalis sakin. Nang makatayo ako ay agad kong inayos ang sarili. Pasalamat sya wala ako ngayon sa hulog!dahil kung hindi, pilit ko talaga syang ingungudngod sa simento!

"Yan na ang huling beses na dadampi ang marumi mong kamay sa muka ko. Dahil sa oras na dumapo ulit yang kamay mo sakin?kakalbuhin ko yang punyetang buhok mo!"

Pag-kasabi ko non ay agad akong pumunta sa salas at kinuha ang bag ko sabay alis, pero hinabol ako ni Andro sa may gate.

"Wait Melody"

Mariin akong napapikit.

"I'm sorry, hindi ko alam na pupunta dito si Betina"

umiling ako.

"Let's file an annulment...please"

Hindi sya nakaimik, kaya iniwan ko na lang sya.

"GAGA ka!bigla ka na lang nawala kagabi?umamin ka!nakipag-one night stand ka 'no?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong sakin ni boss.

Ala-una na ng makapasok ako sa trabaho.

"Grabi ka naman boss!one night stand talaga?"

Nag tawanan ang ilang mga kasamahan namin sa trabaho.

Napansin kong nakatitig lang si Zeke sa muka ko.

"Bakit?" tanong ko

"Anong nangyari sa muka mo?"

Napalunok ako.Tinakpan ko na nga ng concealer, nakita nya pa yun?

"A—ano kasi mainit lang, kaya medyo namu-mula"

Naka-kunot na nilapitan ako ni boss at tinitigan maiigi ang muka ko.

"Ay shocckkk!hindi yan sa init bakla ohh!may bakas ng kamay. Jusme kanino ka naman nakipagsapakan?"

Napaiwas na lang ako ng tingin at umiling.

"Wala, ito.Nag-away lang kami ni mama kaya nasampal nya ako"

Sorry mama...

"Naku Melody huh?baka naman dahil yan sa kagabi?baka naman kung sinong tao ang nakaaway mo?"

Umiling-iling ako.

"Hindi boss!wala lang talaga 'to"

Dumiretso ako sa pwesto ko at ginawa lahat ng trabaho ko.

"Melody!"

Nagulat ako sa biglang pag-tili ni boss

"Walang hiya ka!hindi ka nag sasabi!"

Taka akong nakatingin kay boss.

Bakit na naman?may kailangan ba akong sabihin?

"Halika bilis!"

Lumapit ako kay boss. Pinakita nya sakin ang mga picture sa phone nya.

"Ikaw 'to diba?"

Nanlaki ang mata ko—ako nga 'to!

wait sya yung lalake sa cafe!yung playboy!

"Ethan Buenavista officially move on and dating a new girl!" basa ni boss

What the heck?!

"B—boss ano 'to?"

"Malay ko!"

"S—sino ba sya?"

Nagtatalon si boss habang ang iba naming kasamahan ay nakiki-usyo.

"Saan planeta ka ba naman galing Melody?!Ethan Buenavista!30 years old, single!he's a famous actor Melody!"

Tumaas ang kilay ko.

"So?"

"Anong So?gaga ka ba?sikat yan!nandyan ka sa picture kaya instant sikat ka na rin!"

Napakurap ako ng ilang beses.

Hindi pa nga tapos ang problema ko sa magaling kong asawa, nadagdagan pa?!

Umiling-iling ako at bahagyang hinilot ang sentido.

Ano pa ang sunod?bakit pagulo ng pagulo ang buhay ko?!

"Siguradong hinahanap ka na ng mga press ngayon Melody, why not tell to us first?"

Umiling-iling ako at lumapit kay boss sabay hawak sa kamay nya.

"Boss please help me!ayaw kong ma-issue!hindi naman totoo na nakikipag date sakin yan e!hindi ko nga yan kilala boss kaya sige nga?pa'no nyo nasabi na nagdi-date kami nyan?"

"Naku Melody umamin ka na kasi!"

"Boss naman!maniwala ka!aksidente lang na nagkita kami at—

"May aksidente bang sumakay ka sa kotse nya?ayan o?nakuhanan ka iha"mataray na wika ni boss.

"Hinatid nya lang ako sa asa—

Nanlaki ang mata ko sabay ngiti ng malaki.

Hindi nga pala nila alam na asawa ko si Andro at oras na malaman nila, mas malaking gulo sigurado.

"Anong asa?"Anya Jude

Agad akong umiling

"Ha ha ha ha sa mama ko!hinatid nya ako sa bahay. Nagmagandang loob lang yung tao"

Ilang beses ko ng nabanggit si mama para lang makapag-sinungaling.

Sorry talaga mama last na 'to!

Lumayo sakin si boss at pumunta sa water dispenser.

"Alam mo iha, kung ganyan ay magtago-tago ka na, wag na wag kang lalabas ng walang taklob yang muka mo kung ayaw mong kuyugin ng mga fans ni Ethan at ng mga press"

Malaking problema 'to!

Ingat na ingat nga ako na wag makilala na ako ang asawa ni Andro tapos may lalabas na ganito?

"So you're dating that man"anya Andro sa kabilang linya.

"Tigilan mo nga ako Andro, why did you call?"

"Alam nya na nong una pa lang na asawa mo ako, but you still date him?"

Nangunot ang noo ko.

"Hinatid nya lang ako sa bahay nat—mo, nagmagandang loob lang yung tao"

I heard his sighed.

"Fine let's meet"

"No"

"Please?"

"I don't want to see you anymore right?"

Panandaliang natahimik sa kabilang linya.

"You left our baby Andy here, in my bed"

Nanlaki ang mata ko at agad Kong kinapa ang leeg ko. Nang hindi ko maramdaman sa leeg ko ang kwentas ay agad akong nakaramdam ng kaba.

Hindi ko yun hinuhubad kahit kailan dahil ayaw kong malayo sakin si Andy.

"F—fine I'll go there after my work"

"Good to hear, I see you bye"

"At sino naman ang kausap mo?"

Nanlaki ang mata ko sa biglang pagsulpot ni boss.

"Kanina grabe ang kunot ng noo mo, parang galit na ewan, at ngayon naman dumating lang ako gulat na gulat ka?are you high Melody?"

Mabilis akong umiling

"No boss I'm not high!kagabi pa tayo nakainom kaya lipas na yun"

Umarko pataas ang kilay nya na para bang binabasa ang muka ko kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Ok, here look at this"

Isang envelop ang ini-abot sakin ni boss. Nangunot ang noo ko.

"Ano 'to boss?"

"Open it"

Nang buksan ko ito ay laking gulat ko nang makita ang nilalaman nito.

Mga pictures ito kung saan nag-uusap kami ni Betina, nong unang kita namin ni Andro.

How could this happened?

"Hindi ba girlfriend yan ni Mr.Chavez?"

Dahan-dahan akong tumango.

Agad kong binaba ang mga pictures at envelop at inilagay sa ilalim ng mesa ang nanginginig kong kamay.

"Anong ibig sabihin nyan?bakit sinampal ka nya?"

Umiwas ako ng tingin.

Sino ba naman kasi ang kumuha ng mga pictures na 'to?si Zeke kaya?

Umiling-iling ako.

"Wala lang yan boss, n—nagselos lang ata sya dahil naabutan nya ako na kausap si Mr.Andro sa may l—labas ng cr"

"Bakit mo naman kausap sa may labas ng cr si Mr.Chavez?hindi ka naman siguro nag-interview don?"

Bakit ba ang daming tanong ni boss?

Please!wag naman sana syang nag-iisip na baka ako nga ang asawa ni Andro.

"Nagkataon lang po, napadaan sya don dahil galing din sya sa cr ng mga lalake at nong nakita nya ako ay nagpasalamat sya sa ginawa naming interview"

Sinipat nya ako mula sa pagkakatayo nya. Nginitian ko na lang sya.

"Are you sure?"

Marahan akong tumango.

"Ok that's good, mukang may tinatagong baho ang girlfriend ni Mr.Chavez. Unang kita ko pa lang sakanya sa screen hindi ko na talaga gusto ang awra nya, parang ang taray!

pa'no kaya nagustuhan yan ni Mr.Chavez?kawawa naman ang totoo nyang asawa. Kung sana may lead lang tayo kung sino ang asawa nya ede sana mas madali"

Ako, at mga kaibigan lang namin ni Andro ang nakakaalam na asawa nya ako. Pati na rin ang mga dating nagta-trabaho sa kompanya nya bago ito lumago. Mabuti na lang din at hindi sila nag-upload ng picture namin na magkasama.

Tiningnan ulit ako ni boss at tinuro ako.

"Ikaw!"

Nanlaki ang mata ko at bigla akong kinabahan. Hindi kaya alam nya na at hinuhuli nya lang ako?

"Ikaw ang maghahanap sa asawa ni Mr.Chavez. Dapat mahanap mo sya bago ka umalis dito!"

Nanlaki ang mata ko.

Pano ko naman hahanapin ang asawa non kung alam kong ako ang hinahanap nila?alangan namang mag-presinta ako na Ako ang asawa ni Andro Chavez malaking gulo yun pag-nagkataon!

"Boss hindi ba pwedeng iba na lang?kagaya nga ng sabi nyo aalis na ako dito, ilang araw na lang ako dito boss, imposible ang gusto nyo"

Umiling-iling si boss

"Melody ikaw ang pinaka-magaling sa team natin. Kung gugustuhin ko nga ay hindi na kita papalipatin sa iba pero disesyon mo yun, kaya naman sana pagbigyan mo ako"

Napa-buntong hininga na lang ako sa gusto nyang mangyari.

"Pa'no kung hindi ko sya mahanap boss?"

"Ede hindi!walang problema!pero baka naman hindi mo na hanapin?sige na Melody ito na ang huling request ko bago ka umalis sa team natin. Ayaw ko naman na iba pa ang makaalam"

"Sige boss gagawin ko ang makakaya ko"

Binigyan ako ni boss ng tagumpay na ngiti. Pero sorry na lang dahil hindi ko ilalantad sakanila ang sarili ko.

Gusto ko na lang manahimik at magsimula ng bagong buhay, na walang magulo, walang Andro na peste sa buhay ko.