webnovel

UNO

Simula pa ng isilang ako narito na ako sa kwartong ito, they isolates me here sa hindi ko malamang dahilan. No windows it's just bed and a door that only open kapag bibigyan nila ako ng pagkain at kapag maliligo lang ako nakakalabas rito that only happens once in a week, puti lang din ang kulay ng buong kwarto.

At sa bawat araw na dumaraan escaping is on my mind. And today is the day, I'll be able to see the world.

Nang makapasok ako sa paliguan at naiwan ang mga bantay sa labas ng pinto binuksan ko ang faucet at sinimulan ko ng tignan sa bintana kung kaya ko bang makatakas dahil napapalibutan din ang bahay na ito ng napakadaming bantay.

Nang makakita ay naghintay ako ng tyempo and boom nakalabas ako sa bintana at aakyat nanaman sana sa may bakod ng marinig ko ang mga bantay na hinahanap na ko kaya't mas lalo akong nagmadali, i run and run hanggang sa may matagpuan akong kabahayan.

Kumatok ako ng kumatok sa mga pinto at sa wakas ay may nagpapasok sakin. "Bakit ka ba nila hinahabol ija?" Tanong nito ininom ko ang tubig na iniabot niya saka sumagot. "Hindi ko po alam, nagpapahangin lang naman po ko sa may dalampasigan kanina" Pagsisinungaling ko at patukoy sa nadaanan ko kaninang dalampasigan.

"Haizt, ano na bang nangyayari sa mundo mas pinipili na ng mga tao maging masama" bubulong bulong niyang aniya. Pinatuloy niya ko sa bahay niya dahil baka hinahanap parin daw ako ng mga ito.

Hindi ko akalaing ganito kaganda ang labas at hindi ko sila hahayaang ikulong ulit doon sa kwartong iyon. Naging masaya ako sa iilang araw palang na magkasama kami ni nanay Hilda, meron siyang mga alagang baboy at minsan ako ang nagpapakain sa kanila.

Pagkagising ko nag-ayos ako at naghahanda ng pakainin ang mga baboy saka sana ako kakain ng marinig kong may kausap sa telepono si nay Hilda, alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba ngunit narinig ko ang aking pangalan.

Kaya't nagtago ako sa likod ng pader at nakinig. "Please give back our daughter Shania she's sick and we don't know that she had the guts on running away from home" sabi ng tinig na nagmumula sa telepono.

"Sick?" Tanong ni nay hilda ngunit hindi ko pa narinig ang sinagot ng babae sa telepono dahil sa ingay ng mga manok ngunit ang tanging narinig ko lang sa huli "itetext ko nalang address ko ma'am para makuha niyo siya".

At muling bumalik saking isipan ang puting kwarto kung saan ako ikinulong ng mahabang panahon. And nanay Hilda betrayed me!.

Naghanap ako ng matataguan ngunit wala akong mahanap hanggang sa makita ko ang likod ng kulongan ng baboy at doon ako nagtago.

Ilang minuto pa ay nakarinig na ko ng mga yabag papalapit sa likod ng kulungan ng baboy kaya't napatingin ako sa likod ko dahil huli ko nang labas ito bago ako mamatay ngunit nasilayan ko ang palayan ng tabaco kaya't nagtatatakbo ako doon, hinabol ako ng hinabol ng mga bantay hanggang hindi nila ako mahanap doon dahil nasa palayan na ko ng mga yellow tulips, ang ganda.