webnovel

Ikapitong Kabanata: Bardagulan Sa Araw Ng Undas

Nahihiya akong sumulyap kay Rhea bago lumapit sa kanya. Kaagad kong sinampay ang braso ko para akbayan siya. Pero nakataas pa rin ang kilay nito at kuryuso sa mukha niya ay hindi nabubura.

"Aray!"

Napaaray ako ng hilahin niya ang bagsak kong buhok.

"Sino ba yun, babae? Lalaki mo?"

Lalaki ko? Magunaw na ang mundo pero hinding-hindi ko papatulan si San Pedro.

Umiling lang ako sa kaniya pero patuloy pa rin ito sa pangungulit sa akin. Pansin ko ang tinginan sa amin ng mga kalalakihan. Napaismid na lang ako. Kaya ayokong nagsusuot ng mga ganitong ka-echosan. Kahit tingin para kang minamanyak!

"Hindi ko lalaki yun, Rhea. Baka ikaw yung kasama nung demonyo. Yun pala ang ka-forever mo, haha!"biro ko.

Tok!

Napahawak ako sa ulo ko ng tuktukan ako nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin habang tinawanan lang niya ako.

"Parang sinabi mong pumatol ako kay kamatayan!"mataray na sagot nito. Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng ngisi ko sa labi ko.

Echoss ka!

"Alam mo yung kasabihan, the more you hate. The more you love."asar ko sa kanya pero inirapan lang ako nito.

"Sige ka! Magbibirthday ka mamayang alas dose ng mag-isa. Ipagpapaluto sana kita kay nanay ng pansit. Pwes, sasabihin ko na-"mabilis kong tinakpan ang bibig nito habang binigyan siya ng napakatamis-tamis na ngiti.

"Ampppppppp!"

"Biro lang. Alam mo naman love kita, ate Rhea!"

Tinagkal ko ang kamay ko sa bibig niya bago niyakap siya ng mahigpit. Mula nang mawala sina inay at itay, tanging siya at ang pamilya niya ang naging karamay ko noong mga panahon na binabalot ako ng takot at poot sa puso.

Kahit parang aso at pusa kaming dalawa. At the end of the day na nagkakasundo kami pa rin. Diba? Ingles yun!

Hahaha!

Gusto ko talaga matuto mag-aral ng Ingles para pag nag libot libot ako ay hindi ako mahihirapan makipag-usap at bumasa ng direksyon. Hindi naman kasi habang buhay ay nandito si Rhea sa tabi ko.

Ayoko man ang mangyari pero darating ang araw kailangan namin magkahiwalay. Pero sana hindi pa rin magbago at mawala ang maganda naming samahan na binuo mula ng mga bata kami.

KINAGABIHAN ay naririto ako ngayon sa kahitbahay. Syempre, sa nag-iisa kong kaibigan.

"Rhea, baka alas dose na at mahuli ako sa pag blow."inaantok kong sabi sa kaniya.

"Hot gaga, pang sampu na yang sabi mo! Wala pang alas dose aber!"

"Rhea! Wag mong inaasar na naman si Zierra."saway ng mama niya.

Nanlilisik itong tumingin sa akin kaya nginisian ko siya. Mabait ang mga magulang ni Rhea. Siya lang ang hindi. Biro lang.

Dalawa silang magkapatid. Si Rhea ang panganay at si Rhio ang bunso. Malaki ang agwat nilang dalawa.

Patuloy pa rin kami ni Rhio sa paglalaro ng snakes and ladders. Hayysss! Sa lahat ng laro ay dito na lang ako madalas natatalo.

Naalala ko na naman ang sawa sa puno ng mangga. Isang pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Napasuntok na naman ako sa hangin dahil pang sampu ng panalo ni Rhio habang ako ay pinagkaitan ng biyaya dito.

"Paano ba yan teh Zierra! Panalo na naman ako!"tuwang tuwa nitong sabi habang mabigat kong inaabot ang piso sa kaniya.

Oo, kahit sa gabi... barya lang.

"Ano ba kasing ahas yan at ayaw akong panalunin!"reklamo ko habang pinipilit imulat ang mga mata ko.

Napatakip ako sa bibig ko upang pigilan ang paghikab ko.

"Ano ba Rhea?!"

Togsh!

Aray! Napahawak ako sa ulo ko na tinamaan dahil sa bato ni Rhea. Nanggigil kong pinulot ang luya upang ibalik sa kaniya.

"Oh, tama na yan! Kayong dalawa para kayong mga bata."awat sa amin ng tatay niya.

Narinig ko ang mahinang tawa ng nanay niya habang si Rhio ay malapad na nakangiti habang binibilang piso sa kamay niya.

"Dise-syete, dise-otso, dise-nuebe... beinte."

Narinig kong sinaway siya ni tatay Isko, ang papa nila Rhea at Rhio. Masama raw maglaro at magbilang ng pera sa gabi. Bigla kaming napaubong dalawa ni Rhea. Lingid sa kaalaman nila ay ang trabaho namin ay patungkol sa pag-wawaitress, dj, janitress o dishwasher. Hindi si manjongan o pangpapanggap na manghuhula. Oo, trabaho namin yan pero may motto kami ng kaibigan ko.

'Kung saan malakas ang kitaan, iyon ang aming didiskartehan!"

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!"masaya nilang kanta habang

ako ay pumapalakpak.

"Happy birthday, Zierra!"

"Happy birthday, Nak!"

"Happy birthday, Anak!"

"Happy birthday, ate Zierra!"

"Blow the candle birthday girl!"nakangiting sabi ni Rhea sa akin habang hawak nito ang cake ko.

Hehe! Ang napalanuhan naming dalawa sa color game!

Pumikit muna ako bago nag-wish. "Sana matupad ko ang mga pangarap ko kasama ang mga importanteng tao sa buhay ko." Saka minulat ko ang mga mata ko bago hinipan.

Ibig sabihin ay undas na!

"Gurang ka na, Zierra!"asar nito sa akin.

Ano ba mas masakit? Ang sabihan kang bata o gurang? Hindi ba ay pareho lamang?

"Ang sakit ng tiyan ko, Zierra!"daing nito habang hinihimas himas ang tiyan.

"Paanong hindi sasakit ang tiyan mo ay kulang na lang ubusin mo lahat ng pagkain. Huwag mo akong paghuhugasin, birthday ko ngayon!"

"Birthday ko!"paalala ko.

Kaya walang nagawa ang babae na hugasan ang mga plato't kutsara, tinidor, kawale at kaldero. Sa madaling salita, lahat.

BEINTE uno na ako pero hindi pa rin ako nakakatungtong ng kolehiyo. Gagawa ako ng paraan. Ayoko kong tumanda na habang buhay na ganito. Paano ang magiging chikiting ko?

Napasabunot ako sa mga pumapasok isip ko. Hayss! Hindi na lang ako mag-aasawa. Magpapakatandang dalaga na lang ako.

Napasuntok ako sa hangin.

Tama! Tama yan! Nang mabawasan ang bumubuga ng carbon dioxide at dumaraming populasyon sa Pilipinas.

Napakatalinong plano yan, Zierra!

"Naku papa, mama ay tumatanda na talaga ako. Gabayan niyo po ang napakaganda at napakasipag niyong anak."nakangiti kong wika habang sinisindihan ang kandila. Sinikap kong pagtabihin ang mga puntod nilang dalawa.

Sa tulong ng mga taong nagkawang gawa ay naisakatuparan ko.

"Oo nga pala, ako lang pala ang anak niyo."malungkot kong sabi ng biglang humangin at lumamig ang paligid.

Mama! Papa! Wala naman ganyanan! Pero mas lalong lumakas ang hangin. Kaya napahawak ako sa katawan ko.

Pero imposibleng basta hangin lang yun. Nakarinig ako ng mahinang tawa na sa tingin ko ay kanina pa nito pinipigilan ang sarili. Mabilis akong humarap habang nanlilisik at nagbabaga ang mga mata ko.

"Hoy, Amazona! Birthday mo pala?"nakangisi nitong tanong habang nag pipigil ng tawa.

Habang ang dalawa nitong kamay ay buhat buhat ang rechargeable na medyo may kalakihang electric fan.

"Eh, ano ngayon?"

"Teka, paano mo nalaman? Stalker ka no?"akusa ko.

"Sa ingay ng boses mo diyan habang kinakausap mo mag-isa ang sarili mo ay imposibleng hindi marinig sa buong sementeryo."natatawa nitong sabi bago itinutok sa akin ang electric fan.

Napahawak ako sa sombrero ko dahil malilipad ito.

"Ano ba, San Pedro?! Patayin mo yan?!"

"Ano ba?! Hindi mo naririnig ang sinabi ko?"pero mas lalo nitong itinudo.

Habang biglang sumulpot ang asungot nitong kaibigan na tumatawa habang umiinom ng soft drinks.

"Hindi mo ba talaga papatayin o Ikaw ang papatayin ko?!"malakas kong sigaw sa kaniya habang napapatingin ang mga taong dumadaan sa amin.

Mabuti na lang ay naka jogging pants at oversized gray T shirt ang suot ko. Kung hindi ay mapapaaga ang buro nito kasama ang asungot nitong kaibigan.

Nanlilisik kong tinitigan ang kaibigan nito habang ito ay mas lalong lumawak ang pagkaka ngiti nito.

"Isa!"bilang ko.

"Dalawa!"sabat nito kaya kumuha ako ng bato at ibinato sa kaniya pero magaling umilag kaya sa pader tumama.

"Nanggigil ako sayo! Konting konti na lang ay titirisin na kita!!!!!!"wala na akong pakialam kung marinig ng kung sino o mabulabog ang mga patay dito.

'shhhhhhh, may mga natutulog..."sinamaan ko ng tingin ang asungot na ito bago binalik kay San Pedro.

Oo, hindi ko na siya crush! Naduling lang ako non! Akala ko anghel, may pagka-demonyo pala.

"Paanong tiris ba—"hindi ko na siya pinatapos magsalita at dali dali akong lumapit sa kaniya.

"Mikropono, salo!"utos nito sa kaibigan na tumango lang sa kaniya. Mabilis itong kumaripas ng takbo kaya sinintas ko muna ng maigi ang sapatos mo bago hinabol ito.

"Napaka-amazona mo talaga!"tumatawa nitong sigaw habang nagtatakbo sa loob ng sementeryo.

"Humanda ka sa akin! Maabutan lang kita! Tatalupan kita ng buhay!"nangngangalati kong pabalik na sigaw sa kaniya.

Napapatingin ang mga tao sa amin habang ang iba ay napapanganga. Disaster talaga pag nag-krukrus ang mga landas namin. Madikit lang ako sa kaniya ay nakikita ko na lang ang sarili ko nauubos ang pasensya ko.

Nakita kong lumiko ito kaya lumiko rin ako. Tumigil muna ito bago ngumisi ng pagkalaki-laki. Maabutan ko sana siya ng biglang tumakbo ulit nito.

Kaya mga kinse minutos na kaming naghahabol-habulan ay hindi ko pa rin maabutan ito. Malaki ang biyas nito kaysa sa akin.

May mababangga itong matandang babae kaya umiwas ito at ako naman ang babangga kaya tumigil ako. Dahil hindi ko napaghandaan ay na-out balance ako kaya sumubsob ako sa semento.

Aray ko po!

Mabuti na lang ay naituon ko ng mabilis ang dalawa kong kamay sa semento kaya hindi humalik ang mukha ko dito. Ewan ko na lang kung sakali. Napapaupo ako sa semento bago tiningnan ang matandang babae.

Nakakunot ang noo nito habang salubong ang dalawang kilay na animo'y may inaalala. Napatingin ito kay San Pedro bago sa akin.

"Kayo na namang dalawa! Pati ba naman sa sementeryo ay hindi niyo pinalagpas!"sermon nito. Lumilinga linga ako sa paligid ng wala akong tao akong nakita.

Nakahinga ako ng maluwag nang magsalita ulit ito.

"Ikaw babae ka. Kababae mong tao naghahabol ka."irap nito sa akin bago tumingin kay San Pedro. Winasiwas muna nito ang pamaypay na hawak niya bago nagsalita muli.

Napahawak ako sa dibdib ko nang sumigaw ito.

"Ikaw namang lalaki! Kalalaki mong tao ay nagpapahabol ka! Bakit hindi na lang kayo magmahala?!"malakas na sigaw nito kay San Pedro kahit ang mga namayapa na ay magigising sa lakas ng boses niya.

"Oo nga naman, bakit hindi na lang kayo magmahalan?"napalingon ako sa likuran ng biglang sumulpot si asungot.

May lahi ba itong kabute?

"Bakit hindi mo na lang ako mahalin, Amazona?"nagbabaga ko siyang tinititigan.

"Kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo ay hinding hindi kita papatulan. Magpapakatandang dalaga na lang ako!!!"matigas kong sagot sa mga tanong nila.

Pero tumawa lang ang tatlo. Seryoso ako! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

theashandfirecreators' thoughts