webnovel

Chapter 6

Xathieur's POV

Tatlong araw makalipas ang nangyari kay Madi pero hanggang ngayon ay hindi parin namin tanggap

Naawa akong makitang miserable si Gio sa araw araw na buhay namin

Ngayon ay nag iinom siya kasama si Zayden na hindi mapatumba sa inuman ni minsan

Si Azure kahit may problema at kagagaling lang sa break up ay may napulot nanamang bagong babae

Hindi ko na magawang mambabae pa sa dami ng nangyayari sa amin, sign na siguro 'to para magtino.

" Gago ka talaga Rye " bumungad sa'kin ang malakas na boses ni Vlaize ng makarating ako sa kusina

" Nag aaway nanaman kayo " napalingon lang sila sa akin pero hindi kumibo

Nagtatalo sila araw araw sa paghuhugas ng plato na akala mo ay bata

Dalawa lang silang nagsasalitan sa paghuhugas ng plato araw araw

Kahit na nagluluksa kami ay hindi rin kami tumitigil kumilos

" Sa tingin niyo ba ay tinorture si Madi bago pinatay? " nabaling ang tingin ko ng magsalita si Levi

marahan kaming nagtanguan at napabuntong hininga

" Nakakatakot " Rye murmured

" Pano kung isa isahin nila tayong patayin? " dagdag niya pa

" Hindi malabo " biglang sagot ni Raven

Pansin ko nitong mga nagdaang araw ay nagiging kakaiba ang galaw nitong nanay ko, madalas siyang tahimik at bigla nalang nagsasalita.

Pakiramdam ko ay may hindi siya sinasabi sa amin

" Wag kang manakot Ven " reklamo ni Levi

" Hindi yan pananakot "

" Siya nga pala, nagcheck ako ng cctv kanina walang footage ng paglagay ng katawan ni Madi sa front door. Pero may nakita akong babae kaparehong araw na 'yon " paliwanag ni Astra

" Patingin "

Iniharap niya sa amin ang laptop niya at zinoom in ang mukha ng babae

" Tangina " napamura si Azure ng makita ng mas malapit ang babae

We all stare at him in confusion

" Kilala mo? " tanong ni Levi

" Alyssa, ex ko " simpleng sagot niya

" Ano namang binabalak niyan at naligaw 'yan dito? " takang tanong ko

" Wag mo sabihing dagdag problema iyang ex mo ang gulo na ng buhay natin, ihahampas ko siya sa pader " hindi ko malaman kung seryoso ba si Vlaize o nauulol nanaman

Minsan kahit seryoso siya ay matatawa ka dahil sa mga sinasabi niya

" Puta Vlaize natatawa ako sa'yo " sinamaan niya naman ako ng tingin

" Tingin niyo ay may alam si Alyssa? " tanong ni Azure

" Possible " sagot ni Raven

" Anong gagawin natin? " tanong ni Rye

" Kailangan nating makausap 'yang Alyssa " nagkatitigan kami sa sinabi ni Astra

" Susubukan ko " buntong hininga ni Azure

Habang nag uusap usap tungkol sa gagawing pakikipag kita ni Azure kay Alyssa ay hindi naman nagpapaawat si Gio sa pag inom

Papalitan na yata nito si Zayden sa title na drunken master

" Hoy Gio tama na 'yan may gagawin tayo " tawag ni Levi kay Gio

Hindi umimik si Gio at tila walang narinig

" Tangina, Gio ano ba? " naasar na sabi ni Vlaize

" Gio gusto mo ng hustisya pero ayaw mong makisama " dagdag ni Azure

" Nagluluksa ako, hindi niyo ako naiintindihan kasi hindi naman kayo nawalan! " biglang sigaw ni Gio at napatayo sa kinauupuan

" Anong gusto mong palabasin? na hindi kami nagluluksa kagaya mo? " sagot pabalik ni Levi

" Lahat tayo nawalan " dagdag ni Azure

" Wag kayong umaktong naiintindihan niyo, kasi wala kayo sa sitwasyon ko! " sigaw nanaman ni Gio

Pinauupo naman ni Zayden si Gio pero ayaw ni Gio

" Bitawan mo nga ako Zayden " inis na  binawi ni Gio ang braso kay Zayden

" Nakainom ka lang Gio, magpahinga ka na " saway ni Astra

Ayaw bitawan ni Zayden si Gio kaya mukhang naasar si Gio

Kahit nakaupo si Zayden ay naitulak siya ni Gio, dahilan para matumba ang upuang kinauupuan ni Zayden kasama si Zayden

" Tangina Gio ano bang problema mo?" asar na tanong ni Zayden kay Gio ng makatayo ito

Tangina away lasing ba 'to

" Kayo ano bang problema niyo? " sigaw ni Gio at tinulak si Zayden

Third Person's POV

Nagsimulang magkaroon ng tension sa pagitan ng mga kalalakihan sa kanila

" Wag mong sagarin ang pasensya kong patulan ka Gio " pagbabanta ni Zayden

" Alam naming nakainom ay may problema ka pero hindi 'yan dahilan para pati kami ay awayin mo " dagdag pa ni Xath

" Magsitigil na nga kayo " sigaw ni Vlaize sa kanila

" Dagdag probema ka kayo eh " dagdag ni Levi

Akmang susuntukin ni Gio si Zayden ng sanggahin ito ni Azure

" Tangina Gio ano ba? " kahit na gusto pang magpasensya ni Azure ay alam niyang nasasagad na rin ang pasensta niya sa inaasta ng kaibigan

" Nakainom ka lang Gio matulog ka na "  awat ni Rye at hinihila si Gio pero tinulak siya ni Gio

Napamura si Rye sa lakas ng tulak ni Gio

And the next thing they knew ay nagsusuntukan na si Gio at Zayden

" Awatin niyo " tarantang sigaw ni Levi

" Tangina Gio umayos ka! " sigaw ni Zayden ng hatakin siya ni Xath palayo kay Gio

Kahit naawat na nila si Zayden ay ayaw magpatinag ni Gio

Napadaing si Gio ng may humatak sa kaniya ng malakas mula sa likuran

" Tumigil kayo bago ko kayo pabayaang magpatayan " saway ni Raven sa kanila

Inalalayan naman ni Vlaize at Levi si Gio papunta sa kwarto nito

Habang si Zayden naman ay dinala nila sa living room

" Dapat hindi ka na pumatol " panimula ni Astra

" Nakakasagad eh, pasensya na. " buntong hiningang sagot nito

" Siya nauna eh " katwiran ni Azure

" Hindi mahalaga kung sino ang nauna, intindihin nalang natin nagluluksa yung tao " sagot ni Raven

Kahit hindi aminin ni Raven ay naiinis siya sa mga nangyayari sa kanila

Lalo pa at nagsisimula ng mag kagulo ang grupo nila

" Give him space kailangan lang niya mag isip isip " dugtong ni Astra

Hindi naman umangal ang dalawa at tumango nalang

" Ang gulo ng buhay natin " buntong hininga ni Rye

" Nakausap ko yung kapatid ni Madi, cremate daw gusto ng parents nila " pag iiba ni Xath sa usapan

" Pupunta tayo kapag maayos na si Gio " announce ni Raven

" Pero habang hindi pa maayos si Gio ay kailangan nating makausap si Alyssa, Azure " baling ni Astra kay Azure

" Nagtext ako sa kaniya sabi ko gusto kong makipag usap, magkikita kami bukas sa dati kong apartment " pag papaliwanag ni Azure

" Kung ganoon dapat ay nandon din kami? " tanong ni Xath

" Pero hindi niya pwedeng malamang kasama mo kami, kaya mauuna kami doon " paliwanag ni Astra sa balak nilang gawin

Habang nag uusap sila sa kanilang gagawing hakbang ay biglang dumating si Zurich at may dalang folder

" Ven ito na " abot niya kay Raven ng dala at inilapag ito ng dalaga sa center table bago binuksan

" X ang tawag nila sa owner ng building, at sabi ng informer ko ay hindi raw ito nagpapakita sa mga staff at hindi dumadaan sa main entrance ng buildiny. Secretive daw 'yon base sa usap usapan " pagpapaliwanag ni Zurich sa kanila

" Sina Jace at Dj ang sinasabing matalik na kaibigan nito. Kahapon ay may dumating raw na babae doon, kung hindi ako nagkakamali Alyssa ang pangalan non. " dagdag ni Zurich habang may pinapakitang litrato

" Shit " mura ni Azure ng marinig ang pangalang hindi inaasahan

" Alyssa? " tanong ni Azure

Pinakita ni Zurich ang picture na hawak niya kay Azure

" What the hell "