webnovel

Chapter 12

Third Person's POV

Bagamat nagulat sa sinabi ni Rowie ay hindi lumingon si Zayden at dumiretso ng labas

At saktong papasok na ng sasakyan si Zayden ng bigla siyang nakarinig ng putok ng baril

Lilingon pa lang siya ngunit huli na dahil bago pa siya makalingon ay tinamaan na siya ng bala sa binti

Napadaing siya ng malakas dahil dito pero imbis na indahin pa ay sumakay siya kaagad at dumiretso ng uwi

Hindi niya nais na pumunta sa hospital, dahil sa lagay nila ngayon ay walang mapagkakatiwalaan sa paligid nila

Maaring lahat ay kaaway

Nang nakarating ay hindi na kinaya ng binatang maglakad pa papasok sa loob kaya tinawagan niya na ang mga kaibigan

Lumabas naman agad si Xath at Azure

Nang maalalayan siya papasok saka siya inusisa

" Tangina baka gusto niyo muna akong gamutin bago usisain " inis na reklamo niya

Mabuti nalang at hindi ganon ka lalim ang tama niya at hindi bumaon ang bala kaya nang malinis ito ay binendahan na

" Nabaril ako paglabas ko ng café hindi ligaw na bala puta kalokohan masyadong asintado " maiksi niyang kwento sa dalawa

" Kaya sa tingin ko ay hindi maganda kung lalabas muna tayo, sabihin na rin natin ang iba. Hanggang maari ay sa loob nalang natin ng bahay gawin ang mga dapat " dagdag pa nito

Napansin ng binata ang pag aalala sa mukha ng dalawa kaya nagtaka ito

" Anong problema? " tanong niya

" Umalis si Levi, Rye at Vlaize para mamili ng gamit ng bata " sagot ni Azure

" Maya maya ay nandito na rin siguro ang mga 'yon mainipin si Vlaize kalokohang magtagal sila " dagdag ni Xath

Kahit na nag aalala ay umaasa ang tatlo na walang mangyaring masama sa tatlo kagaya ng nangyari kay Zayden

Habang inaayos ni Vlaize at Levi ang mga nabili nilang gamit sa loob ng sasakyan ay hinihintay sila ni Rye sa loob

Naasar si Vlaize dahil nagmamadali si Rye at tila natataranta

Sa hindi maipaliwanag na dahil ay kinakabahan si Rye

Pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanila pero ayaw niyang mag alala ang mga kasama kaya sinarili niya ang nararamdaman

Iniisip niyang baka napaparanoid lang siya dahil sa nangyayari

Sa sobrang inio ni Rye habang hinihintay ang dalawa ay lumabas ito ng sasakyan

At nataranta ito nang may makitang lalaki na ilang metro lang ang layo sa kanila

Hindi ito alam ng dalawa dahil nakatalikod sila

Nagulantang nalang si Rye sa sumunod na nangyari

" VLAIZE! " napatakbo siya palapit sa dalaga pero huli na

Bago pa man ito makalingon sa kaniya ay bumagsak na ito

Duguan

Bumagsak ito at halos maligo sa sariling dugo

Nataranta si Levi at Rye tila balisa na hindi alam kung ano ang gagawin

Gusto nilang itakbo ito sa hospital pero alam nilang mas delikado kaya kahit nagdadalawang isip ay kinarga nila ito papasok ng sasakayan

Habang nasa sasakyan ay tinawagan na ni Levi ang private doctor nila at sinabi ang nangyari

Halos paliparin naman ni Rye ang sasakyan nila dahil malapit lang ang kinaroroonan ng doctor sa mall na pinanggalingan nila

Nang marating ang lugar ng doctor ay nakita nilang nasa labas na ito dala ang gamit niya

Mabilis itong sumakay at ginagamot si Vlaize habang nasa byahe sila

Natataranta at parang wala sa sarili ang dalawa dahil sa nangyari

Nang marating nila ang bahay nila idiniretso sa kwarto niya si Vlaize at ipinaubaya na muna sa doctor ang kaibigan

Nasa sala silang lahat at hindi mapakali

" Kamalasan " tanging salitang nasabi ni Raven

" Kanina nabaril sa binti si Zay ngayon naman ay si Vlaize, tama na munang hindi tayo umalis ng bahay " sabi ni Astra at napahilot sa sintido

" Pinatahimik lang tayo ng panandalian " buntong hininga ni Levi

" Hindi ba delikado sa puder natin 'yang bata Ven? " baling ni Rye kay Raven na karga ang bata

" Wala naman akong choice " kibit balikat niya

Naghintay pa sila ng ilang oras bago lumabas ang doctor upang kausapin sila

Umaasa sila sa maganda balita pero hindi ito ang nangyari

" Doc ano ng lagay niya? " tanong nila agad

" She's currently in coma, hindi ko alam kung kailan o kung magigising pa nga ba siya. Ipagdasal nalang natin na sana ay gumising siya kaagad " malungkot na sabi ng doctor na kina laglag ng balikat nilang lahat

" How about her vitals? " tanong ni Raven

Parang batang kapatid na ni Raven si Vlaize noon pa kaya hindi niya maiwasang mag alala ng sobra

" Still not stable. She's under monitoring. Magpapadala ako ng nurse dito para mabantayan siya araw araw " pahayag ng doctor

" Sige doc salamat "

Nang makaalis ang doctor ay sinilip nila sandali si Vlaize

Magsisibalik na sana sila sa kwarto nila ng may tumawag naman kay Zayden

" Sino 'yan? " tanong ni Levi

" Unregistered nanaman " sagot nito bago pinick uo ang tawag at iniloud speaker upang marinig ng mga kasama kung ano man ang sasabihin ng caller

" Nagustuhan niyo ba ang surpresa ko Dark? " bungad ng caller at saka humalakhak

Sa tingin nila ay alam nitong naka loud speaker ang tawag

" Anong kailangan mo sa amin? " tanong ni Azure

" Azure ikaw ba 'yan? marami kang kasalanan sa akin " sagot mula sa kabilang linya na kinakunot ng noo nila

" Wala akong atraso sa kahit na sino, kung gusto mong masunog sa impyerno ay wag ka ng mandamay pa ng iba " asar na sagot ni Azure

" Tama nga ang narinig ko, matapang kayo. Pero hanggang saan ba ang kaya nyo? " bakas ang panghahamon sa boses nito

" Hanggang kamatayan ay lalabanan ka namin, hindi mo kami mapababagsak kung 'yan ang ninanais mo " sagot naman ni Zayden

" Ilang beses niyo ba gustong magluksa bago kayo sumuko? " he teased

tumiim naman ang bagang nila at tila naiinis na

" Hindi kami susuko sa kagaya niyo, harapin mo kami ng sarili mo wag mo kaming daanin sa kalokohan mo " sagot naman ni Rye

Narinig nilang tumawa ito na lalong kinainis nila

Papatayin na sana ni Zayden ang tawag ng muli ay nagsalita ito

At sa pagkakataong 'yon seryoso at tila may pagbabanta na sa boses ng lalaking kausap nila

" Nagsisimula pa lang ako, Schrodingers "