webnovel

Chapter 10

Astra's POV

Kanina ay inaya ko si Xath na bumili ng pagkain hindi dahil gutom ako kundi dahil may nakita akong nakatingin sa amin

Sinubukan naming habuli pero ang bili nakatakas nung lalaki

Hanggang cremate ba naman ay ayaw mag tahimik ng mga gago

Pag uwi namin ay nagsi pasukan na sa kaniya kaniyang kwarto ang karamihan dahil lahat ay pagod at wala pa kaming mga tulog, pinauwi lang namin si Levi kaninang umaga dahil masama daw ang pakiramdam niya.

Naiwan kaming apat nina Raven, Azure at Zayden sa living room.

" Kanina may nakita kami ni Xath na lalaking naka masid sa atin hinabol namin pero masyadong mabilis kaya natakasan kami " wala ng intro intro pa dahil inaatok na ako

" May sasakyan din kanina na nakapart medyo malapit sa atin siguro ay isa yung nakita niyo sa mga sakay " sagot ni Azure

" So tingin niyo may hudas sa atin? " tanong ni Zayden at lumagok ng alak

Minsan gusto nalang namin siyang hambalusin ng bote

Iinom siya kung kailan niya maisipan, siguro kung wala kaming stock na alak ay layasan kami nito.

" Oo " sabay sabay naming sagot

Natawa naman siya at nailing, nakakaloko ang tawa niya at tila may naiisip na kalokohan

" Alam namin yang tawa mo Zay tumigil ka " saway ni Azure

Sasagot sana si Zayden ng mag ring an doorbell namin

Agad na akong tumayo at sumilip muna bago buksan ang pinto

Mahirap na baka makatok tigok ako

My jaw dropped when I saw who's standing in front of our main door

Ang tibay naman ng babaeng 'to at nakuha pang pumunta rito

" Bawal ang hayop dito sa amin, makaalis ka na " sasaraduhan ko na dapat siya ng pinto ng bigla siyang lunuhod

Teleserye puta

" Please, hindi ako mang gugulo kailangan ko lang makausap si Zayden " pagmamakaawa niya

Naawa akong natatawa sa kaniya

Pero dahil naawa nga ako kahit natatawa ako ay pinatuloy ko siya bahala na si Zayden magwala pag nakita siya

" Sino yung-- tangina bakit ka nandito? " napabalikwas ng tayo si Zayden ng makita ang babaeng kasunod kong pumasok

Rowie, his ex girlfriend.

" Zayden kailangan ko ng tulong mo " agad na lumapit si Rowie kay Zayden pero todo iwas si Zayden sa hawak niya

Tila ba diring diri akala mo'y hindi minsang nahumaling

" Anong kailangan mo? " inis na tanong ni Zayden

" Yung anak ko may sakit kailangan ko ng pera pampagamot sa kaniya wala na akong ibang malapitan " hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa sinabi nito

" Ginagago mo ba ako? baka nakakalimutan mong niloko mo ako at hindi ko responsibilidad ang anak niyo ng step father ko " tumaas ng bahagya ang boses ni Zayden

Nakita ko namang kagaya ko ay nagpipigil ng tawa si Azure at Raven

Hindi namin maiwasang matawa tuwing naalala namin yung gabing dumating si Zayden na lasing at umiiyak

" Nakakagago naman sila *hik* " iyak ni Zayden

Nakita namin siya sa pintuang naka lupasay dahil hindi mabuksan ang pinto sa sobrang kalasingan

" Napano ka ba at nagdadrama ka diyan? " tanong ni Vlaize

" Tangina! si Rowie iniwan na ako " binato bigla yung cellphone niya

" Ayos lang yan " pagpapakalma namin

" Hindi 'yon ayos, alam niyo ba kung kanino niya ako pinag palit ha? " sigaw niya

" Matulog ka nalang nga " saway ni Xath siguro ay naririndi ng naawa sa kaniya

" Tangina pinagpalit niya ako sa step father ko, mas pinili yung matandang 'yon kaysa sa akin " halos mahulog kaming lahat sa kinauupuan ng marinig ang sinabi niya

" Tapos puta buntis din daw siya, ano itatawag ko sa anak niya step sibling ko? "

Pero ayon sa pagkaka alam namin ay hiniwalayan din ng step father niya si Rowie dahil hanggang ngayon ay nagsasama 'yon at ang mama ni Zayden

" Zayden, please tulungan mo ako " pagmamakaawa ni Rowie

Pero tila bato si Zayden na ayaw talagang matinag

" Makakaalis ka na, Rowie wala kang mapapala sa akin " sagot ni Zayden bago tumalikod at nagtungo sa bar ng bahay namin

" Magkita tayo sa cafe sa malapit dito bukas ng umaga " sabi ni Raven kay Rowie at mukhang nabuhayan naman iyon ng dugo

" Sige na umalis ka na bago pa magwala si Zayden " dagdag ni Azure at sinamahan siya hanggang palabas ng bahay

" Sigurado kang tutulungan mo siya? " tanong ko kay Raven

" Oo, kawawa yung bata " minsan maawain siya minsan naman ay parang walang awa sa katawan

Napakagulo

Hinintay nalang naman naming bumalik si Azure at pagbalik niya ay may dala siyang medyo malaking kahon kaya nagulat kami

" Ano iyan? " tanong namin sa kaniya

" Hindi ko rin alam, bubuksan ko sandali " kumuha muna siya ng gunting sa drawer at ginupit ang may kaluwagang tali

Bumuntong hininga ito bago binuksan ang kahon

Our jaws dropped when he revealed what's inside the box

" What the-- "

" Puta "

" Tangina "

" Buti at umalis na si Ro-- puta saan galing yan? " kagaya namin ay nagulantang si Zayden sa nakita pagpasok niya ng living room

it's a baby, a baby boy to be exact.

" Ang dami na nga nating problema nadagdagan pa ng isa " iling ni Azure

Tumayo naman si Raven at kinuha ang bata

Sa tingin ko ay bagong panganak palang ang baby dahil mapula pula pa ito

Bakit naman dito siya naisipan iwanan ng nanay niya, hindi naman siguro kami mukhang bahay ampunan.

" Anong gagawin natin dyan sa baby, wala naman tayong alam at isa pa sinong aampon sa kaniya? " sunod sunod na sabi ni Zayden

" Ako " nagulat naman kami ng sumago si Raven

" Seryoso ka Ven? " tanong namin at tumango naman siya

" Who knows, what if he'll give us luck " sagot niya

" Anong ipapangalan mo sa kaniya? " tanong ni Azure

" I'll name him Evreux Josiah, Evreux means brave and Josiah means God will save " paliwanag ni Raven

" Ang banal mo naman " biro ni Zayden

" I named him after bible name because I am hoping that he will serve as a blessing to all of us, malay natin siya pala yung swerteng hindi natin inaakala " tinitignang maigi ni Raven yung bata

" Buhay nga naman puno ng surprises at mystery " napatawa lang sila sa sinabi ko

" Sana lang ay hindi siya trap sa atin " buntong hininga ni Azure na mukhang masyado na natrauma sa mga nangyari nitong mga nakalipas na araw

Itatapon na sana namin yung box na pinaglagyan sa baby ng may makita kaming note kaya kinuha ko iyon at nagtatakang binasa

" sana po ay kupkupin niyo siya, gusto ko man siyang buhayin ay hindi ko kaya. Dahil sa tuwing titignan ko siya ay pakiramdam ko napaka dumi ko ng tao. I'm sorry, paki ingatan siya "

- Louisa Montefalco