webnovel

Chapter 14

"Achilles," pagtawag ko ng pangalan niya. Nangangamba ang puso ko at tinitignan ang bawat reaksyon na mabubuo sa mukha niya pero wala akong makita.

"Tara na hinahanap ka na ng Mommy mo." Walang pasabi ay hinigit niya agad ang palapulsuhan ko kaya naman hindi ako nakapag paalam kay Migo ng maayos. Ngayon ko lang napansin na naka pang pormal siyang damit na para bang nanggaling sa isang malaking party. Ang ayus niya din tignan...well maayos naman talaga siyang tignan lagi lagi pero ngayon mas lalo lang siyang umayos.

Nasa harapan na kami ng bahay namin at hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin, ni hindi ko alam kung anong i-aakto kapag nakita ko sila. Nag simulang manikip ang dibdib ko at mangilig ang mga kamay ko.

Napansin niya ata ang inaakto ko kaya naman agad niya akong hinigit at niyakap ng sobrang higpit.

"Magiging maayos din ang lahat," mahinang pagka sabi niya. Kumawala ako sa pag kayakap at tinignan ulit ang kabuuan niya. Napansin niya ata na kanina pa ako tingin ng tingin sa kaniyang suot kaya naman napakamot siya sa kaniyang ulo."Kailangan ko ng umalis, kapag may problema sabihin mo lang sa'kin, sa amin ni Kae. Pwede naman kaming pumunta d'yan sa'nyo o kaya naman dalhin ka sa lugar kung saan ka magiging comportable."

Mag sasalita pa sana siya nang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Kuya Rail.

"Ruth....ah thank God you're safe." He sighed as a relief. "Thank you so much Achilles for bringing my sister safe," he said with a genuine smile. 

"Welcome as always Doc, so i have to go na," Achilles said. Ngumiti muna siya bago niya marahang nilagay ang kamay niya sa balikat ko balikat ko. Nag paalam ulit siya at umalis na.

Tahimik lang akong pumasok sa bahay at hindi ko alam kung bakit malamig ang simoy ng hangin dito. Hindi ko nakita ang magulang namin kaya naman diretsho akong pumasok sa kwarto at nag babalak sanang saraduhan ito nang bigla itong pinigilan ng mga kamay ni Kuya Rail.

"Can we talk?" Tumingin pa ako sa kan'ya at dahan dahan tumango. Umupo siya sa kama ko habang ako ay tumalikod dahil sa bigat na nararamdam ko, ayaw kong nakikita niya akong nahihirapan o nasasaktan dahil alam kong kahinaan niya yun.

 "How are you? May masakit ba sa'yo? Saan masakit?" Kinagat ko ang pangibaba kong labi nang mangilid ang luha sa mata ko. Pinigilan kong umiyak at matapang na hinarap siya pero nabigo ako nang makita ko ang pag daloy ng luha niya sa kan'yang pisnge. "may masakit ba sa'yo? Saan masakit Ruth? Sabihin mo kay kuya."

Unti unting nanlabo ang aking paningin. Itinuro ko ang dibdib ko dahil doon ang parteng masakit.

"Kuya," nangilig ang boses ko sa pag tawag ko sa kan'yang pangalan. Agad naman siyang lumapit sa akin kaya naman napaatras ako. Paulit ulit kong tinusok tusok ang dibdib ko. "Kuya dito masakit.....ansakit sakit dito." Hindi ko napigilan ang pag hagulgol sa pag iyak kaya naman napa upo nalang ako. "Ansakit sakit dito." Paulit ulit kong sinasabi ang mga salitang iyon. Kanina gumaan ang pakiramdam ko pero ngayon mabigat,lalong bumibigat. Bakit ba sa bahay na toh ay lagi nalang bumibigat ang pakiramdam ko? Patuloy lang ang pag daloy ng mga luha ko. Unti unti na akong nadudurog sa mga oras na ito. 

"Im sorry. Hindi ko alam, wala akong alam." Isang mainit at mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa'kin. Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa naramdaman ko ang pagod na naging dahilan ng unti unting pag pikit ng aking mga mata kaya naman nakatulog ako.

Maaga akong pumasok at hindi ko inaasahang gising na silang lahat. Nag p-plano sana akong mag isang kumain sa labas pero agad akong pina upo ni Kuya Rail sa tabi niya kaya wala akong magawa kundi ang sumunod. Hindi ako makatingin sa kanilang lahat pero alam kong tutok ang mga mata nila sa bawat galaw ko. 

"I have to go, i have a urgent meeting," my dad said.

"But hon kaunti palang nakakain mo, it's not good in your health," my mom replied. "And niluluto pa ni manang yung pinapaluto mo. You're the president of our company maybe you can extend your time kahit 20 minutes lang," she added.

Naramdaman ko ang tingin niya sa'kin kaya naman tinignan ko siya. Walang emosyon ang mukha niya at nakita ko pa na namumutla siya kaya naman napalitan ang nararamdaman ko ng gulat at pag- aalala. Inalis niya ang tingin niya sa'kin at tinaggihan ang alok ng Nanay ko. Itinuon ko ulit ang tingin ko sa pag kain na nasa harapan ko. Sunod namang umalis si Kuya Rail dahil late na daw siya, siguro sinadya niya ito para makapag usap kami!

"Here anak pancake." Tinignan ko siya sa mukha, walang bahid ng galit dun. Akala ko pa naman galit siya dahil binastos ko siya kahapon. Abala siya sa pag titingin sa kusina habang hawak niya ang inaalok niyang pagkain sa akin. Bakit ang hirap magalit sa'yo? How will i get mad at you? You're the one who raised me up? So how?

She looked at me with a big smile but all of that fade and change. She started crying so i panicked and get a tissue.

"Im so sorry anak, im really sorry. I didn't know that you're suffering. I didn't know that im too harsh to you." Paulit ulit siyang humihingi ng tawad at lumuhod pa sa harapan ko. Agad ko naman siyang pinatayo pero hindi pa rin siya tumayo." I promise anak hindi ko na papakealaman ang gusto mo sa buhay mo. Your owm dreams will be headed,okay? I promised that." Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun ang ginawa ko. Naging maayos kami at pinag usapan ang dapat pag usapan. Sinabi niya din na kailangan ko daw humingi ng tawad sa Daddy ko dahil sa ginawa kong maling asal. Wala akong nagawa kundi gawin yun dahil kinakailangan naman dapat.

Ngayon nararamdaman ko na pag katapos ng taon na ito magiging maayos na ang lahat. Kaunti buwan nalang at nag babalak na akong lumipat ng ibang kurso pero may bumabagabag parin sa,kin na dapat huwag kong pakawalan ang medisinang kurso na kinuha nila para sa'kin dahil sa sinabi nga ni Migo na gusto ni Doc Martin ang mga nag do-doctor. Lagi niya akong pinag da-dalawang isip, bwiset talaga siya! Kaya naman nag babalak nalang akong pag sabayin ito pero nag papasalamat pa rin ako sa kan'ya dahil sa mga sinabi niya may desisyon na akong magagawa, aaminin ko naging maganda ang takbo ng isip ko sa pag gawa desisyon.

At dahil naalala ko nanaman siya, naalala ko din ang nangyare kahapon kaya naman napaisip ako kung ano yung ibinigay niya sa'kin. Hindi ko nabuksan yun kahapon pero hahanapin ko nalang mamaya.

"Avery!" Napairap nalang ako kung kaninong boses ang narinig ko. Tumingin ako kung saan galing ang boses na yon at doon nakita ko ang ngiting mapang asar ni Migo. Naka complete uniform siya at naka ayos pa ang buhok. Ngayon ko lang nakitang naka suot siya ng ganon, he looks like innocent. "Oh bawal mainlove." Halos masuka ako sa sinabi niya, ang kapal ng mukha talaga! "Joke lang.... Ang aga aga bwiset ka na agad ha."

"You look nice and clean with your uniform, nag mukha kang tao." i commented.

"Hoy! Anong nag mukhang tao? Ang sabihin mo na-gwapohan ka sa'kin. Bawal mainlove!"

"Kadire." Narinig ko naman ang tawa niya sa naging reaksyon ko.

"Tara kain!" Inirapan ko siya at tinalikuran. Kung siya ang makakasama kong kumain, huwag nalang noh! Baka mawalan lang akong ng gana. Naramdaman ko naman ang pag sunod niya at alam kong hindi nanaman niya ako titigilan. "Hoy Avery bastos ka ha, kinakausap pa kita ah." 

"Tsk!"

"Huh? Anong tsk? Sige na tara na bawal tumanggi sa grasya."

"At kung ikaw naman ang mag aalok ng grasya, huwag nalang!"

"Ang arte mo talagang babae ka, tara na ako na lilibre!"

"Ayoko nga."

"Ah ayaw mo ha." Hinila niya ang palapulsuhan ko kaya naman awtomatiko akong napaharap sa kan'ya. Sobrang lapit naming dalawa sa isa't isa kaya muling bumilis ang tibok ng puso ko. Iba ito sa nararamdaman ko kay Doc Martin...ibang iba. Naalala ko nanaman ang mga nangyari kahapon. Nakatingin lang ako ng diretsho sa mga mata niya at doon bigla niya nalang kinuha ang i.d ko. "Tara na....maaga pa." Napaawang nalang ang labi ko sa ginawa niya. Bigla niya nalang akong tinalikuran kaya naman wala akong magawa kundi ang sumunod, padabog naman akong sumunod sa kaniya. Nang makarating kami sa isang maliit na karenderya hindi niya parin ako tinitigalan sa kakaasar kaya naman mabilis na nawala ang pag tibok ng mabilis ng aking puso at napalitan ito ng inis. 

"Oh eto na Doctora grabe ang nguso ha." Inabot niya ang i.d ko at agad ko naman itong kinuha at sinamaan siya ng tingin. Tumatawa pa siya ng malakas habang tinatawag yung waiter. "Ate tapsilog tapos juice...ikaw Doctora? Ano sa'yo?" Inirapan ko lang siya at tinignan ang menu. Mag sasalita na sana ako nang bigla niya akong na-unahan sa pag sasalita." Tapsilog na din ate tapos juice." Kahit kailan talaga bwiset siya! Tatanungin niya ako tapos siya palang mag o-order! Kukurutin ko pa sana siya nang may nahagip ang mga mata ko sa labas. Bakit nandito siya? Nagulat pa ako sa kasama niya. Bakit sila mag kasama dito?Bakit mag kasama si Doc Martin at si Tita? Napansin ata ni Migo na may tinitignan ako kaya naman tumingin siya doon at katulad ko nagulat din siya pero mas nagulat sila nang makita nilang mag kasama kami ni Migo.

"Ruth!"