webnovel

Another Phone Call

A month had passed, naging mas maayos na ang pakiramdam ni Fiona bagamat may mga gabing napapanaginipan niya pa rin si Gerald.

Pinanindigan ni Eumir ang pagiging boyfriend niya hanggang sa halos masanay na ang dalaga, parag habit niya na ang hanapin ang amoy ng katipan.

Uwian na. Naiwan si Fiona sa opisina, nauna na ang lahat pati si Cara kaya mag-isa na lang syang nag-antay ng elevator. Nagring ang phone niya pero di nakasave sa contact ang number. When she answered, it was Gerald.

"Fiona, please don't put down the phone. Let me talk to you." unang sambit nito. Walang makalabas na tunog mula sa bibig ng dalaga. Tila nabuhusan sya ng malamig na tubig. Bukas na nga pala ang kasal ni Gerald. "Fiona, mahal kita. Maniwala ka sa akin, aksidente lang ang lahat. Hindi ko sya mahal. Kung papayag ka na sumunod ako dyan, magsama na tayo, aalis ako. Hindi ako magpapakasal sa kanya." Dugtong ni Gerald.

Nanginginig ang buong katawan ni Fiona at tuluyan na syang humagulgol. "Para saan pa? Para umasa muli at masaktan. Tama na Gerald. Kahit anong gawin natin, may hahadlang at may hahadlang sa atin. Marahil di tayo bagay. Please don't make me a homebreaker. Hayaan mo akong magtira ng kaunting respeto sa sarili ko. Dignidad ko na lang ang natitira sa akin. Sapat na na minsan tayong nagmahalan." nakasagot din si Fiona habang umiiyak, pabilis ng pabilis ang hikbi niya. Nakikinig pa rin silang pareho sa kapwa nila pag-iyak na tila purong kuha nila ang nag-uusap.

"Di mo na ba ako mahal? Nakalimot ka na ba? May iba na ba?" sunod-sunod na tanong ni Gerald. Parabg himatayin na si Fiona nang biglang may umagaw ng phone niya. "Fiona, mahal na mahal kita." Paulit-ulit na sambit ni Gerald. "Hello!" Nagtaka si Gerald dahil lalaki na ang sumagot imbes na si Fiona. Si Eumir pala. "Boyfriend ito ni Fiona. Kung sino ka man, tigilan mo na sya." Matigas na pagpapakilala ni Eumir.

Parang bulkang gustong pumutok ng dibdib ni Gerald. Di niya matatanggap na may mahal na iba si Fiona. "Kelan pa?" mahinang tugon niya. Sumagot si Eumir,"The day she realized how jerk you are. Don't dare make another phonecall." Sabay patay ng phone, di pa nagkasya si Eumir, he blocked Geralds number.

"F@$%#k!" sigaw ni Gerald. Hinagis niya ang phone niya at pinasusuntok ang pader ng paulit-ulit. Nadatnan sya ng Mommy niya na duguan ang mga kamay. "Anak, tama na!"

"Mom, I indeed a jerk!" sambit niya. It's over, it is over. Wala na ang first and only real love niya and it was all his fault. Somebody else will have her. Walang nagawa ang Mommy niya kundi ang yakapin na lang ang anak.

Magdamag na uminom si Gerald. Nilulunod ang sarili sa beer, baka sakaling maibsan ang sakit, baka sakaling makahanap ng paraan para may mabago pero kahit anong gawin niya, tila wala na. Ending na talaga.

Matapos i-off ni Eumir ang phone, hinila niya si Fiona papasok ng elevator. Tulala pa rin ang dalaga, di pa tapos umiyak. Sa halip na bumaba para maihatid ito sa staff house, pinindot ni Eumir ang Penthouse, kung saan naroon ang unit niya. Hindi man lang yun napansin ni Fiona. Walang imik syang sumunod lamang sa boyfriend.

Nakapasok na sila sa unit ni Eumir bago pa nahimasmasan si Fiona. "Where are we?" tanong niya kay Eumir. Sa halip na sagutin, binuksan nito ang ref ang binigyan ng tubig si Fiona. Nagsuot ng apron at tahimik na nagluto. Naupo na lang si Fiona at nag-antay, hanggang sa matuyo na ang mga luha niya.

Maya-maya, naghain na si Eumir. Nahihiyang lumapit si Fiona para tumulong. "Just sit down." He instructed Fiona. "I just want you to be my queen, let me serve you,Hon."

Tumalon ang puso ni Fiona. Narealize niya na walang kabuluhan ang pag-iyak niya. Bakit pa niya pag-aaksayahan ang taong sakit lang ang kayang ibigay sa kanya kung meron namang taong gusto lang maging masaya sya. "Salamat,Hon. Thank you for being here now." at nagawa niya nang ngumit.