webnovel

I love you

Bwi's Point Of View

Hindi ko maintindihan kung bakit paikot ikot lang kami ni Samara dito sa Mall, ang alam ko ay pagaari niya ito at si Tito nang humahawak dito.

Nakita kong palinga linga siya sa kung saan saan, hanggang sa hilahin niya ako sa isa'ng optical clinic, pumasok kami don, nagtaka ako, malabo ba ang mata niya? Hays, nakakabahala naman.

"Good morning Ma'am, good morning Sir, how may I help you?" Tanong ng isang babae sa amin, she's wearing their uniform, she has blond hair and she has a sunglasses.

"Malabo yung mata ko, can you check at it?" Tanong ni Samara sa babae.

"Maupo ho muna kayo diyan, padating na din po ang doktor" ngumiti ang babae kay Samara, at ganon din naman siya sakin.

"Ayos ka lang Lov— S-Samara?" Nagaalalang tanong ko kay Samara, tumango lang siya sa akin at sumandal sa kinauupuan niya, "Sigurado ka?"

"Hmm" sagot niya na may pa-tango tango pa, lumipas ang ilang minuto ay sa kaniya lang ako naka-tingin, ewan ko ba pero parang naiilang siya sa ginagawa ko kaya't inalis ko na ang tingin ko sa kaniya, kasabay nito ay ang pagdating nang doktor ng clinic.

"Doc, meron po'ng magpapa-tingin" sabi nang babae'ng kausap namin kanina.

"Ohh, papasukin mo sa loob" dumiretso ang doctor sa loob at sumunod naman si Samara dito.

Lumipas ang ilang oras ay lumabas na si Samara kasama ang doktor na tumingin sa kaniya sa loob, nagkausap muna sila saglit bago bumalik sa loob ang doktor at lumapit sakin ni Samara.

"Tara, kumain muna tayo tapos may pupuntahan tayo" bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila sa isang kainan, naka-order na kami't lahat ay hawak niya pa din ang kamay ko.

Ang saya, sobrang saya sa pakiramdam, ito yung dati ko pang inasam, sa loob ng ilang taon, ngayon ko na lang ulit nakasama ang mahal ko.

"B-bakit di ka pa kumakain?" Tanong niya sakin habang sumusubo ng fries, tinignan ko naman ang kamay niyang naka-kapit sa akin, agad niya naman itong binitawan at bigla'ng nahiya "S-sorry".

"Ayos lang sa akin" sabi ko naman, "Kahit araw araw pa eh" sa isip isip ko naman at napa-ngiti sa kawalan habang sumusubo ng fries.

Matapos kumain ay umakyat kami sa rooftop ng World's International Mall, hindi ko alam kung anong naisipan ni Samara at dinala niya ako dito pero hindi ko na inisip pa, basta kasama ko siya masaya na ako.

"Hmm, Samara, anong gagawin natin dito?" May pagtatakang tanong ko sa kaniya, hila niya pa din ang kamay ko habang naglalakad.

"Basta" patuloy kami sa paglalakad hanggang sa may makita akong isang malaki'ng tent na kulay asul, binuksan niya ang zipper, at duon ko sila nakita.

Si Sahara, Mahara, Tita, Tito, Sam, Amanda, Callyx at si Dexter, naka-decorate ang loob ng tent, at duon ay may naka-sabit na mga polaroid pictures naming dalawa ni Samara.

Sabay sabay sila'ng sumigaw ng "Surprise Sebwi!", sa oras na iyon, biglang pumatak ang luha ko, nilingon ko si Samara at bigla niya na lang akong niyakap ng napaka-higpit, ganon din ako.

"Naaalala talaga kita, Love ko. Sorry kung nakipag-sabwatan ako kila Callyx hehe" paghingi ng tawad ni Samara.

"Kahapon lang din namin nalaman nila Dexter nung sinabi ni Tita na naaalala tayo lahat ni Samara at sa plano niya" sabi ni Callyx na katabi naman ni Sahara.

"Ayos lang tol haha" sagot kong may ngiti sa kaniya habang yakap si Samara, humiwalay nang pagkaka-yakap si Samara sa akin at humarap.

May kinuha siya sa bag niya at duon ko nakita ang hawak niya'ng key chain na may naka-lagay na initials "SS".

Binigay ko ito sa kaniya nung gabing bago kami ma-aksidente, mabuti na lang at naitago niya ito, pinahid ko ang luha ko.

"I love you Samara Amore" may matamis na ngiting sabi ko sa kaniya.

"Mas mahal kita Sebwi, sobra sobra" ngumiti siya sa akin, hindi ko na pinalampas pa ang mga pagkakataon at agad ko siyang hinalikan sa labi na parang wala nang bukas at walang tao sa paligid.

"Oopppsss, kanina pa kami dito, maya na yan, kain muna tayo hehe" nagsipag-tawanan kami sa sinabi ni Dexter at inakbayan si Mahara.

"Oh, tara na kumuha kayo ng plato diyan at nang makakain na tayong lahat" utos ni Tita, at sumunod naman kami, hinawakan ko si Samara sa kamay bumulong.

"I love you Love ko, kahit magka-amnesia ka pa hehe"

"Hindi na ako magkaka-amnesia, promise" ngiting tugon niya.