webnovel

Bitches and Jerk

Syempre, I would chose to smile despite the fact that I am just controlling myself to smack his fvcking face. I won't take the risk, nuh! Baka pag sinapak ko to, di na ako nito kakaibiganin kahit kailan. Ede waley ako, malilintikan ako sa Mommy ko nito.

Labas sa ilong akong napatawa kasabay nilang lahat. Napahiya ako, napahiya itong ganda ko! Aaaaahhh!

"Why would you do that? And epek tuloy ng itsura ko!" Patawa-tawa pang sabi ko habang tumatayo. "Mukhang magkakasundo tayo nito, Timotheo. I love bullying too!" Enthusiastic ko pang pagkakasabi.

He only smirked at me. Hinarap nya lang ang Prof namin na kanina pa pinapatahimik ang mga letse kong kaklase. He never even said sorry!

This time, maayos na akong nakaupo. Unti-unti namang humupa ang mga tawanan. Nagsimula ng magsalita ang Prof sa harapan. While me, I face this jerk.

"Masakit sa pwet yung ginawa mo sa akin. So being your friend is your only way to apologize to me." Taas-noo with matching cross-arms pa ako nyan.

Narinig ko ang mahinang pag'scoffed nya sa sinabi ko.

"I never tend to make an apology to you." Natatawa pa nyang sabi.

Yung kanina ko pa pinipekeng ngiti ay winala ko na talaga ngayon sa mga labi ko. Kung sana ay pwedeng ring sabihin sa kanya na "I never even tend too to be your friend or to even talk to you!". Akala nya? Feeling sya!

"Ganun..." Yun lang ang nasabi ko at padramang yumuko. Sana lang madala sya sa drama ko. "M-masakit yung ginawa mo, alam mo yun? Can't you see how badly hurt I am? My mga scratches pa ako at konting galos...tapos binully mo pa ako? I-I'm a g-girl, you know." Sinabayan ko pa ng pag-iyak-iyak para mas madrama talaga. Nun ka, marunong ako nito.

"Paki ko?" Walang pusong sagot nya.

Grrr! Namumuro na ako huh! Really? Wala syang paki sa drama ko? Kahit drama yun ay totoo parin yung sinabi ko. I am still a girl and he must respected me! Pero ano? Bastos sya! Isa syang jerk!

Ganito ba ang gustong kaibiganin ni Mommy para sa akin? He don't even know the word 'manners and conduct'! Pagkauwi ko talaga ay isusumbong ko kay Mommy ang ginawa nya sa aking pamb'bully! Siguradong magbabago ang paningin ni Mommy at baka bawiin nya ang pinapagawa nya sa aking kaibiganin ang gageng ito.

Hindi ko na pinansin pa ang jerk na Timotheo sa tabi ko. Hanggang sa mag-uwian ay wala akong imik na unang lumabas mula sa huling class namin. I even rolled my eyes to the jerk before leaving. Humanda sya bukas, gaganti ako sa kanya.

Habang naglalakad papunta sa may gate ay tinext ko ang driver namin na kunin na ako. I know how to drive naman but my Mother won't let me buy my own car, dagdag gastos raw. Para namang mamumulubi sila sa isang car lang?

"There she is." Narinig ko yun mula sa paligid ko.

Wala naman sa sariling napabaling ang atensyon ko doon. At buti nga bumaling ako kundi naabutan na ako ni Sunshine Calez na patungo na pala sa akin! Her face is showing me how she would want to slap me. Ayaw ko ng maulit sa araw na ito na napahiya ako dahil lang sa wala akong malay sa mga pinaplano ng kalaban.

And speaking of that incident...Aba, mainit ang ulo ko ngayon. Try lang ng Sunshine na to at ng tatlo pang alimango sa likod nya na sugurin ako, makakatikim talaga sila ng himagsik ko. Pinipigilan ko pa naman ang sariling sampalin sa magkabilang pisnge ang jerk na yun kanina. Dito ko talaga to maibabaling sa apat na to, lahat ng kinikimkim ko.

Mabilis kong hinubad mula sa wrist ko ang pangtali ng buhok. Katulad ito ng isang rubber-band nasuper elastic kung uminat kaya for sure magandang sandata ito laban sa mga panget. Kumuha ko ng maliit na bato mula sa kinatatayuan ko na buti nalang at meron saka inipit ito sa pantali. Ininat ko ang pantali gamit ang nakaipit na bato sa mga daliri ko.

"Ano, round two ba?" Hamon ko at ipinantapat sa kanila ang 'sandata' kuno ko. "Sharp-shooter ako. Champion ako sa tirador nung High School!" Pananakot ko pa.

Huminto ang planong paglapit sa akin ng apat, mukhang natakot sa sandata ko. Aba, dapat lang. Kahit joke tong pinagsasabi ko sa kanila ay hindi ako magdadalawang-isip na itira to sa kanila.

"Magkakabukol ang sino mang matamaan nito."

Sunshine gave me her crossed arms as she glaring at me intently. Akala siguro nya matatakot ako sa glare nya? Maybe it was called death-glare but heler? Kung galing naman sa glare nya, di nakakamatay uy.

"I never thought that this Fellistino is a childish?" Sunshine's one of a friend said that.

I playfully smiled to her. "It's a defensive mechanism, Miss girl bobo na panget pa. Duuh!"

"Ha! Talk about transfeering here kasi hindi nya kinaya ang taas ng IQ sa States." Singit naman nung isa.

"Ha Ha! Top nga ako sa Entrance Exam dun at flat one ang lahat ng grades ko sa first semest- wait? Bakit ko ba ikinukwento sa inyo? For sure naman ay di kayo makarelate dahil wala kayong mga utak." Ni hindi nyo nga alam na walang sport na tirador nung High School. Gusto kong idagdag.

Sabay-sabay na nag-ismiran sa akin ang apat. Nakakatawa talaga ang mga pathetic losers na to. Ako pa kasi ang kinalaban eh. I have beauty and also I have a brain. Definitely, I have it all. Kaya maraming inggetera.

"Ikaw ang walang utak dahil kami ang kinalaban mo." Sunshine said.

Napatawa tuloy ako ng pagak. "Ni hindi nga kayo makalapit dahil sa sanda- Aray!" May biglang pumitik kasi sa gilid ng labi ko.

Nagtawanan ang apat. Dun ko lang narealize na sa sarili ko naipitik ang 'sandata' ko kuno. D'ef lang! Epek na naman ako! At ipinahamak lang naman ako ng walang kwentang sandata ek-ek na ito!

"Champion ako sa runner nung High School. Kaya mga chicken, habol!" Huling hirit ko bago mabilis na tumakbo palayo sa kanila.

"Aba! Tatakas ka na namang duwag ka!" Himutok nila pagkatapos ay hinabol ako.

Buti nalang at nasa bandang gate ako kaya sa labas ang tungo ko. Mahihirapan ako nitong tumakbo dahil sa heels ko pero nakikita kong nakaheels din naman yung apat kaya mukhang quits lang. Pero mas lamang ako ng konti dahil mabilis ako hindi gaya nila na ang kukupad.

"Losers!" Sigaw ko sa kanila.

"Duwag!" Sigaw nila pabalik.

Malapit na ako sa may gate nang bigla akong napatid sa kung ano at nadapa. Hindi agad ako nakabangon dahil sa sakit na naidulot nun sa tuhod ko sabayan pa na naisubsob talaga sa semento ang mukha ko.

"O....ouch..." Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Nakarinig ako ng mga tawanan. Pero mas nangibabaw ang tawang malapit lang sa akin.

"Next time na tumakbo ka, make sure na di ka na mapatid ng mga paa ko." Isang pamilyar na boses ang nagsabi nun.

Mabilis kong inangat ang ulo at dun bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Timotheo Alvanos na jerk na panget! Now this is the third time na may atraso sya akin. At ubod na ng laki yun!

He blocked me kaya nadapa ako! At bakit nya naman ginawa iyon? Wala naman akong naging atraso sa kanya para gawin nya sa akin ito! Im a girl! And she's fvcking a gay for doing this to me!

"Jerk!" Hindi ko napigilang maibulalas iyon sa kanya.

Pero ang gageh at nagpatuloy na sa paglalakad habang nakapinta parin sa pagmumukha nya ang ngise. Sapilitan naman akong bumangon para habulin sya at makapaghigante pero sadyang sobrang sakit talaga ng naidulot ng tuhod ko. May sugat na naman akong bago, letchon! Tripling patay na talaga ako sa parents ko nito.

"Hoy, bitch!"

Hindi ko na kailangang lumingon pa. Naabutan na pala ako ng mga pagong na to? Kung sasampalin nila ako ay bahala na sila. Masyadong masakit ang paa ko para gumalaw ngayon. Bukas nalang ako maghihigante sa kung ano man ang pananakit na gawin nila.

Malakas akong tinulak ng kung sino man sa apat. At ang tuhod kong sugat-sugat na nga ay mukhang mas masusugatan pa ngayon. Hindi ako dumaing o ano pa man. Tiniis ko ang sakit habang nakaluhod sa semento.

"Now, the Fellisteno is kneeling down? What a shame!" The fvcking Sunshine laugh.

"Pictur'an natin. Magiging viral to for sure!" Suggest nung isa.

Hinayaan ko lang sila. Sa totoo lang ay napupuno na ng galit ang dibdib ko. Gusto kong bumawi sa kanila ngunit hindi na kaya ng mga tuhod ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang mapakuyom nalang ang mga kamay sa semento. May araw din kayo sa akin.

"Hoy! Ano yang ginagawa nyo? Inaaway nyo sya? Isusumbong ko kayo!"

Hindi ko alam kung sino yung nagbanta pero nagpapasalamat ako dahil mabilis na nagsitakbuhan ang grupo nina Sunshine sa tabi ko. Sobra pa nga silang nataranta na makaalis.

"Miss, ayos ka lang ba?" May umalalay sa aking dalawang guard. "Sabi kasi sayo, Loloy, na bantayan mo muna ang gate. Yan tuloy at mukhang may nag-aaway dito habang wala tayo. Andami nyang kalmot oh. Malilintikan tayo dito eh!"

"Okay lang po ako, mga kuya." Sabi ko at hiniklas ng marahan ang braso kong hawak ng isa. Nakikita ko na kasi ang kotse naming huminto sa tapat ko. "Nandito na po yung sundo ko. Aalis na po ako. Salamat po sa inyo."

"Ay naku, sigurado ka ba? Aalayan ka nalang namin dahil mukhang mahihirapan ka na sa paglalakad" Sabay ngite sakin ni kuyang guard na medyo maitim.

Pilit ko naman syang sinuklian ng ngite. "Nakakahiya man po...pero s-sige po, please."

"Sa Clinic nalang kaya tayo, Miss?"

Umiling ako kay kuyang guard na medyo maputi. "Sa bahay na po to. Salamat po ulit."

And I left.

But surely I will come back with my revenge.

- - - - -

U N R C G N Z D