webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasia
Classificações insuficientes
205 Chs

Tamayo's Residence 10

~Umaga~

"Naging masama kaya ako sa past life ko kaya eto ung nangyayari sakin ngayon?"

Tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang nakatingin sa dalawang dwende na kaniyang kasama. Ilang saglit pa ay biglang mayroong kumatok sa pintuan ng kaniyang kwarto kaya't nasindak ang tatlo at mabilis na nagtago ang dalawang dwende sa ilalim ng kumot ng dalaga. Pagkabukas ng pintuan ay ipinakita nito ang ina ng dalaga na nakasimangot dito.

"Kung binabalak mong umalis bukas ng maaga… wag mo nang subukan pa. Dapat nga matuwa ka pa dahil paghahandaan ka namin bukas kahit na ayaw ko. Dagdag trabaho lang. Bakit kasi pinanganak ka pa? Makaalis na nga dito."

Sabi ng ina ni Yvonne sakaniya sabay sarado nang muli ng pintuan ng kwarto ng dalaga. Hindi namalayan ng dalaga na mayroong luha na ang tumulo mula sakaniyang kaliwang mata habang nakatingin sa pintuan ng kaniyang kwarto. Nang marinig na ng dalawang dwende ang pag sara ng pintuan ng kwarto ng dalaga ay dahan-dahan silang lumabas mula sa ilalim ng kumot ng dalaga habang nakatingin sa pintuan.

"Ang sama naman niya. Parang hindi siya ung nagbigay ng buhay sayo, ah."

Sabi ni Justin nang makatayo na ito ng maayos sa tabi ni Paolo habang nakatingin pa rin silang dalawa sa pintuan ng kwarto ni Yvonne. Napabuntong hininga na lamang ang dwende at saka hinarap na ang dalaga.

"Magtatrabaho ka pa ngayon kila Anna?"

Nag-aalalang tanong ni Paolo kay Yvonne pagka harap niya sa dalaga. Ngumiti lamang ang dalaga at saka tumango bilang tugon sa tanong sakaniya ng dwende. Dito na lumingon ang nakababatang dwende at saka takang tinignan ang dalaga habang nakahawak ito sakaniyang beywang.

"Ano sagot mo Yvonne? Kasi kung magtatrabaho ka pa ngayon, sasama ako sayo."

Sabi ni Justin kay Yvonne habang iniintay ang sagot ng dalaga sa tanong ni Paolo sakaniya. Dahil sa kahihiyang na biglang naramdaman ni Paolo ay tinakpan na niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay at saka umiling. Ngumiti lamang ang dalaga sa nakababatang dwende at saka inilapat ang kamay nito sa tabi ng nakababatang dwende upang patayuin ito roon at saka ilapit sakaniyang mukha.

"Sorry kuya Jah, pero si kuya Pao muna ang isasama ko ngayong araw."

Sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Justin habang dahan-dahan na nitong inilalapit sakaniyang mukha ang nakababatang dwende. Agad na nanikip ang dibdib ng nakababatang dwende nang masilayan ng malapitan ang pag patak ng mga luha ng dalaga at saka naiyak na rin dahil roon.

"Mas mabuti na rin un, Jah. Bukas ka na lang sumama kay Yvonne."

Sabi ni Paolo kay Justin habang naka tingala na ito sa nakababatang dwende at malungkot itong tinitignan. Napaluhod na lamang ang nakababatang dwende sa palad ni Yvonne na kaniyang kinatatayuan habang patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak.

"Bakit kasi ganto pa ung naging buhay natin? Bakit… bakit isa akong dwende at ikaw… ikaw… bakit? Bakit isa kang witch at isa akong dwende? Bakit ganito? Bakit? Bakit… bakit…"

Tanong ni Justin habang nakaluhod pa rin ito at patuloy na umiiyak sa palad ni Yvonne na sinasabayan ding umiyak ang nakababatang dwende. Naluha na rin si Paolo habang pinapanuod ang dalaga at ang nakababatang dwende na umiyak, at agad din naman niyang pinunasan ang kaniyang luha at saka hinatak ang kumot ng dalaga upang makuha ang atensyon nito, ngunit hindi ito napansin ng dalaga na patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak.

"Tama na pag-iyak. Ang aga-aga nag-iiyakan kayong dalawa dyan. Tumahan na kayo pareho bago pa kayo makita nila kuya Josh, Vester at Felip ng ganiyan."

Sabi ni Paolo kila Justin at Yvonne habang iniwasan na niya ng tingin ang dalawa. Pinunasan na ng dalaga ang kaniyang mga luha gamit ang kaniyang isang kamay habang ang nakababatang dwende nama'y nakayuko na at patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak ngunit sa tahimik na paraan na.

"Ibababa na kita kuya Jah."

Sabi ni Yvonne kay Justin habang dahan-dahan na niyang inilalapat ang kaniyang kamay sakaniyang kama upang makababa na ang nakababatang dwende. Ngunit noong nailapat na niya ang kaniyang kamay sakaniyang kama ay nakaluhod at nakayuko pa rin ang nakababatang dwende sa palad ng dalaga.

"Kuya Jah…"

Tawag ni Yvonne kay Justin habang nanginginig ang kaniyang boses dahil sa lungkot na kaniyang nadarama. Hindi pa rin gumalaw ang nakababatang dwende sa palad ng dalaga kaya't nilapitan na ito ni Paolo at saka hinawakan na ang magkabilang braso ng nakababatang dwende upang alalayan ito sa pag tayo nito.

"Halika na, Jah. Mag-aayos na si Yvonne ng sarili niya."

Sabi ni Paolo kay Justin habang dahan-dahan na niyang binubuhat ang nakababatang dwende upang makatayo na ito at maka-alis na sa palad ni Yvonne. Mabagal na tumayo ang nakababatang dwende sapagkat nanghihina na ito. Habang pinapanuod ng dalaga ang pag-aalalay ng dwende sa nakababatang dwende ay naluha nanaman ito kaya't agad niyang pinunasan ang kaniyang luha at saka iniwasan ng tingin ang dalawa.

"Yvonne…"

Tawag ni Justin kay Yvonne habang nanginginig ang kaniyang boses at nakatayo na ring muli sa palad ng dalaga sa tulog ni Paolo. Nanahimik lamang at pinilit na hindi lingunin ng dalaga ang nakababatang dwende upang hindi magtama ang kanilang tingin kung sakali mang nakatingin na sakaniya ngayon ang nakababatang dwende.

"Hahanapin kita pag kasing laki na ako ng isang tao. Hahanapin kita, Yvonne. Wag mo akong kakalimutan kahit kasama mo si Jervin."

Sabi ni Justin habang nanginginig pa rin ang kaniyang boses at inaalalayan pa rin siya ni Paolo para makatayo. Kinagat lamang ng dalaga ang kaniyang labi upang pigilan ang kaniyang pag-iyak.

"Tara na, Jah. Magpahinga ka muna."

Sabi ni Paolo kay Justin habang inaalalayan pa rin nito ang nakababatang dwende sa pag tayo nito at saka inalalayan na itong maglakad pababa sa palad ni Yvonne. Hindi pa rin nililingon ng dalaga ang dalawang dwende at pinipigilan pa rin ang kaniyang sarili na umiyak muli sakaniyang harapan, kaya't sa oras na tuluyan nang makababa ang dalawang dwende mula sakaniyang kamay ay agad itong tumakbo patungo sa cr nang walang sinasabi sa dalawang dwende.

"Good morning~!"

Masayang bati ni Vester habang naglalakad na ito sa bintana ng kwarto ni Yvonne at Nakasunod sakaniyang likuran sina Josh at Felip. Hindi nilingon nila Paolo at Justin ang pangalawa sa nakatatandang dwende sapagkat ay dahan-dahang pinaupo ng gitnang dwende ang nakababatang dwende sa kama ng dalaga.

"Anong nangyari?"

Tanong ni Josh kay Paolo habang nag-aalalang nakatingin kay Justin nang makarating na silang tatlo nila Vester at Felip sa kama ni Yvonne.

"Jah. Okay ka lang ba, Jah?"

Nag-aalalang tanong ni Felip kay Justin sabay upo na sa tabi ng nakababatang dwende at saka hinawakan ang balikat nito.

"Tsaka ko na sasabihin ang nangyari kapag nadala na natin si Jah sa kwarto niya dun sa bahay nila."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts