webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasia
Classificações insuficientes
205 Chs

Hongganda's Mansion 6

~Gabi~

"May anak ba kayo, Madam Hong?"

Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda mula sa kawalan. Mabilis na nilingon ng matandang babae ang binata at saka tinignan ito habang nanlalaki ang kaniyang mga mata dahil sa gulat.

"W-wala. B-bakit, hijo?"

Nauutal na sagot at tanong ni Madam Hongganda kay Jervin. Napatango lamang ang binata sa sinagot ng matandang babae.

"E, asawa?"

Tanong muli ni Jervin kay Madam Hongganda. Napataas ng dalagang kilay ang matandang babae dahil sa pangalawang tanong sakaniya ng binata.

"W-wala."

Nauutal na sagot muli ni Madam Hongganda kay Jervin sabay himas nito ng sariling braso dahil kinikilabutan na ito sa mga tinatanong ng binata sakaniya. Biglang nanlamya ang binata nang marinig ang sagot sakaniya ng matandang babae.

"Bakit mo natanong, hijo?"

Tanong ni Madam Honggada kay Jervin sabay tigil na nito sa paghihimas sa sariling braso. Napailing na lamang ang binata saka tinignan ang matandang babae at nginitian ito.

"Ano na ung sumunod na nilalang, Madam Hong?"

Pag-iiba ng paksa ni Jervin sakanilang pag-uusap ni Madam Hongganda. Nginitian na lamang ng matandang babae ang binata at saka umayos na ng kaniyang upo.

"Ang sumunod na natuklasang nilalang ng mga salamangkero't mangkukulam ay ang mga Hybrids o ang mga taong may kalahating hayop. Kahit na kalahating tao sila ay mas nangingibabaw pa rin ang kanilang mga likas na ugali at hilig bilang hayop kaya't kung ano ang kinakain ng normal na hayop ay kanila ring kinakain. Malalakas ang mga Hybrids, ngunit mas lalo pa silang lumalakas sa tuwing nagpapakita ang Luna."

Pagpapaliwanag ni Madam Hongganda kay Jervin habang nakangiti ito sa binata. Napakunot ng noo ang binata dahil sa sinabi ng matandang babae.

"Hindi naman tinatrato ang mga Hybrids na parang hindi sila tao?"

Nag-aalalang tanong ni Jervin kay Madam Hongganda. Mas lalu pang lumawak ang ngiti ng matandang babae dahil sa itinanong sakaniya ng binata. Umiling na lang ito sa binata habang nakangiti pa rin ito.

"Itinuturing silang mga tao, hijo."

Nakangiting sagot ni Madam Hongganda kay Jervin. Nakahinga ng maluwag ang binata na tila ba'y parang malapit ito sa mga Hybrids.

"May nakilala ka na bang isang Hybrid, hijo?"

Nakangiting tanong ni Madam Hongganda kay Jervin habang nakatingin ito sa binata. Agad na nilingon ng binata ang matandang babae at saka umiling.

"Hindi pa. Pero… gusto ko sana."

Nahihiyang sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ni Madam Hongganda habang hinihimas na nito ang kaniyang batok.

"Sabihin ko kay Ibon na ipakilala ka sa isang angkan ng mga Hybrids."

Nakangiting sabi ni Madam Hongganda kay Jervin. Biglang nanlaki ang mga mata ng binata sa sinabi sakaniya ng matandang babae.

"I-isang angkan?!"

Gulat na tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito. Natawa ng bahagya ang matandang babae at saka tumango.

"B-bakit isang a-angkan?"

Nauutal na tanong muli ni Jervin kay Madam Hongganda. Natawang bahagya ang matandang babae sa nagging reaksyon ng binata sakaniyang sinabi.

"Ganito kasi iyan, hijo… kada angkan ng salamangkero't mangkukulam ay mayroong mga kasundong angkan sa iba't ibang nilalang. Katulad na lang ng angkan ng mga Tamayo, lahat ng nilalang ay mayroon silang kasundong angkan. Ganuon din ang angkan ng mga Alquiza… ngunit sa kasamaang palad ay nasawi ang buong angkan sa isang hindi inaasahang aksidente."

Sagot ni Madam Hongganda sa tanong ni Jervin sakaniya habang nakangiti at may nangingilid nang luha sakaniyang mga mata. Dahan-dahang nilapitan ng binata ang matandang babae at saka hinimas ang likuran nito.

"Matalik niyo bang kaibigan ang mga Alquiza?"

Tanong ni Jervin kay Madam Hongganda habang patuloy pa rin nitong hinihimas ang likuran ng matandang babae. Mabagal na nilingon ng matandang babae ang binata at saka tumango.

"Matalik kaming magkakaibigan nila Beatrice at ni Josephina. Nakilala ko silang dalawa noong pumasok ako sa eskwelahan ng mga salamangkero't mangkukulam. Noong una ay wala ni isa sa mga kaklase namin ang nangahas na kumausap saakin sapagkat wala silang makukuha galing saakin sapagkat… isa akong ulila. Walang pinanggalingang angkan… walang koneksyon."

Sagot ni Madam Hongganda sa tanong sakaniya ni Jervin sabay tingin nito sa lamesa. Bahagyang nalungkot naman ang binata sa sinagot sakaniya ng matandang babae.

"Dumating na ako sa puntong hindi ko na ipagpapatuloy pa ang aking pag-aaral ngunit nagbago ang isip ko nang bigla nila akong ginulo saaking pagkain sa kantina. Lahat ng estudyante ay nagtinginan saaming tatlo nila Beatrice at Josephina ngunit wala silang pakealam. Kilala pa naman silang dalawa bilang mga magagaling na estudyante sa paaralang iyon. Kaya paminsan-minsa'y pumasok sa isipan ko na hindi ako karapat-dapat na maging kaibigan nila."

Pagtutuloy ni Madam Hongganda sakaniyang kwento kay Jervin habang may isang luha na ang nahulog mula sa mata ng matandang babae.

"Ngunit ewan ko ba, hijo… dahil sa tuwing naiisip ko iyon ay lagi nilang pinaparamdam saakin ang kabaligtaran. Lagi nilang pinaparamdam saakin na karapat-dapat akong maging kaibigan nila. Kaya't sobra akong nalungkot noong iniwan na nila ako pareho."

Sabi ni Madam Hongganda sabay tingin nito kay Jervin at ang kaniyang mga luha ay nagtuloy-tuloy na sa pagtulo habang nakangiti.

Naramdaman ng binata na para bang may tumusok sakaniyang puso nang makita ang matandang babae na umiiyak habang nakangiti. Hindi namalayan ng binata na may luha na palang tumulo galing sakaniyang mata.

"Ang hirap pala ng sitwasyon mo Madam Hong… sana kasing lakas at kasing tapang din kita."

Sabi ni Jervin kay Madam Hongganda sabay hawak nito sa kamay ng matandang babae upang pagaanin ang loob nito habang may mga iilang luha pa rin ang tumutulo sakanilang mga mata. Patuloy lang na nginitian ng matandang babae ang binata.

"Alam mo, hijo… base saaking karanasan… masasabi mong malakas ang isang tao kapag… kapag mas pinili niyang lumaban kahit na siya'y sugatan na. Masasabi mo namang matapang ang isang tao kapag… hinarap niya ang kaniyang pinakakinakatakutang bagay o pangyayari."

Pahayag ni Madam Hongganda kay Jervin habang nakangiti pa rin ito sa binata. Nginitian lamang pabalik ng binata ang matandang babae habang pinupunasan na nito ang ilang mga luha na tumulo sakaniyang pisngi.

"Jervin hijo."

Tawag ni Madam Hongganda kay Jervin habang pinupunasan na rin nito ang kaniyang mga luha. Mabilis na tinignan ng binata ang matandang babae.

"Umuwi ka na. May pasok pa kayo kinabukasan."

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts