webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasia
Classificações insuficientes
205 Chs

Hongganda's Mansion 12

~Tanghali~

"Natutulog lang si Yvonne diba? Sabihin niyong natutulog lang si Yvonne… please…"

Naiiyak na sabi ni Jasben sakaniyang mga kaibigan habang tinitignan na niya sila gamit ang kaniyang mga naluluhang mga mata. Napabuntong hininga na lamang sina Jay at Angela, habang si Ceejay naman ay umiling na lamang bilang tugon nito sakaniyang kaibigan. Agad na napatakip ng bibig ang dalaga at saka hinawakan na ang malamig na kamay ng bangkay ni Yvonne.

"Meron ka pang dapat malaman, JB."

Sabi ni Angela kay Jasben habang tinitignan na nito ang dalaga. Mabilis namang napatingin sakaniya ang dalaga at saka inantay na lamang ang idurugtong ng kaibigan sa sinabi sakaniya.

"Kambal kaming dalawa ni Jay."

Pagdurugtong ni Jervin sa sinabi ni Angela kay Jasben habang nakatingin na ito sakaniyang kaklase na nakatayo pa rin sakaniyang harapan at hawak pa rin ang malamig na kamay ng bangkay ni Yvonne. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marinig ang sinabi sakaniya ng binata habang palipat-lipat na ang kaniyang tingin sa binata at kay Jay.

"Di nga?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Jasben sakanila habang palipat-lipat pa rin ang kaniyang tingin kay Jervin at kay Jay. Ilang segundo pa ang lumipas ay nilapitan na ni Aneska ang kambal, hinawakan ang balikat ng dalawa, tinignan na ang kanilang kaibigan at saka tumango rito bilang tugon sa tanong nito.

"K-kung kambal sila… b-bat magka iba apelyido nila? A-at saka hindi dila nag-aaral sa parehong school?"

Hindi makapaniwalang tanong muli ni Jasben kay Aneska habang tinuturo na niya ang dalawang binata sakaniyang harapan gamit ang kaniyang parehong kamay. Huminga na ng malalim ang Diwata at saka nagpakawala na ng malalim na hininga.

"Dahil sila'y aking pinag hiwalay sampung taon na ang nakalilipas."

Sagot ni Aneska sa tanong sakaniya ni Jasben sabay tingin na sa kambal na nasakaniyang harapan gamit ang kaniyang malulungkot na mga mata. Napabuntong hininga na lamang si Jervin at saka tinignan na lamang ang malamig na bangkay ni Yvonne na kaniya pa ring karga, habang si Jay nama'y pinanlakihan na ng mga mata ang kaibigan sakaniyang harapan at saka hinawakan na ang balikat ng kaniyang kakambal.

"Ate, ano na ang gagawin natin?"

Natatarantang tanong ng Ina ni Yvonne sakaniyang panganay na kapatid habang nakatayo na ito sa tabi ng kaniyang nakatatandang kapatid na nakaupo sa sofa sakanilang salas. Napabuntong hininga lamang ang Tita ng dalaga at saka umiling lamang ng tahimik.

"Ate, ayokong makulong."

Sabi ng Ina ni Yvonne sakaniyang nakatatandang kapatid habang nakatayo pa rin sa tabi nito at tinitignan na ito gamit ang kaniyang naluluhang mga mata. Sinamaan na ng tingin ng Tita ng dalaga ang ina nito at saka tumayo na mula sa pagkakaupo nito sa sofa upang harapin na ito.

"Ayaw mong makulong? Tumigil ka nga. Pinapatawa mo ba ako ngayon?"

Inis na tanong ng Tita ni Yvonne sa Ina nito habang nakatayo na ito sa harapan ng kaniyang kapatid at saka naka cross arms na. Naguguluhan nang tinignan ng Ina ng dalaga ang kaniyang nakatatandang kapatid at saka napaatras na ng isang hakbang mula rito.

"H-huh? W-wala namang nakakatawa sa s-sinabi ko, ah."

Pautal-utal na sagot ng Ina ni Yvonne sakaniyang nakatatandang kapatid na humakbang na papalapit sakaniya, dahilan upang mapa hakbang muli siya paatras mula rito. Bahagyang natawa ang Tita ng dalaga sa Ina nito at saka sinamaan na ito ng tingin.

"Akala mo ba nakakalimutan ko lahat ng pinaggagagawa mo sa sarili mong anak? Lahat ng pagmamalupit mo sakaniya ay nasaksihan ko. Baka nakakalimutan mo na meron tayong batas na pumoprotekta sa mga batang salamangkero't mangkukulam."

Nakangising sabi ng Tita ni Yvonne sakaniyang nakababatang kapatid habang patuloy pa rin siya sa paglapit rito dahil patuloy rin ito sakaniyang pag-atras.

"A-anong binabalak mo?"

Takot na tanong ng Ina ni Yvonne sakaniyang nakatatandang kapatid habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-atras mula rito hanggang sa mapa sandal na lamang siya sa pinag lalagyan ng mga libro sakanilang salas.

"Wag ka nang pumalag pa, mahal kong kapatid. Kahit pa na magmakaawa ka sa mga kamag-anak natin na wag kang isuko sa SCOWW ay walang makikinig sayo. Bakit? Dahil mas pipiliin nilang iligtas ang kanilang sarili kesa sayo na nagbibigay ng mga problema sa angkan na ito."

Sagot ng Tita ni Yvonne sa tanong sakaniya ng Ina ng dalaga habang nakatayo na ito sa harapan ng kaniyang nakababatang kapatid. Umiling na lamang ang Ina ng dalaga habang tinitignan na ang kaniyang nakatatandang kapatid gamit ang kaniyang lumuluha nang mga mata.

"Ha!? Si Jervin ang tinutukoy sa prophecy at hindi si Yvonne?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Jasben sakaniyang mga kasama sa loob ng isang silid sa mansion ni Hongganda habang tinitignan na niya ang mga ito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Tumango na lamang sina Ceejay at Angela bilang tugon sa tanong sakanila ng kaibigan. Nagpakawala na ng malalim na hininga ang dalaga at saka napaupo na lamang sa upuan.

"Meron pa ba akong hindi alam? Sabihin niyo na hangga't maaga pa para pumasok na agad ang mga un sa utak ko."

Sabi ni Jasben sakanila habang nakatulala na ito at nakaupo pa rin sa isang upuan. Nagtinginan na lamang sina Ceejay at Angela at saka ibinalik na ang kanilang tingin sa kaibigan.

"Wala na, wala na. Una na un lahat."

Sagot ni Ceejay kay Jasben sabay upo na nito sa tabi ng kaniyang kaibigan at saka hinimas na ang likuran nito, habang si Angela nama'y gumawa ng baso mula sa yelo at saka iniabot na ito sa kaibigang hinihimas ang likuran ng dalaga.

"Inom ka na lang muna ng tubig, JB."

Sabi ni Angela kay Jasben habang nilalagyan na ni Ceejay ng tubig ang basong gawa sa yelo ng kaniyang kaibigan. Matapos malagyan ng kaibigan ng tubig ang basong gawa sa yelo ay iniabot na niya ito sa dalaga upang inumin.

"Ang dami naman ng nangyari ngayong araw."

Kumento ni Jasben matapos niyang uminom ng tubig at hawak pa rin ang basong gawa sa yelo habang nakatingin na ito sa malamig na bangkay ni Yvonne na binibigyan na ng ritwal nila Jay, Jervin, Hongganda, Jacqueline, Kimberly at Aneska. Nilagyang muli ni Ceejay ang basong gawa sa yelo na hawak pa rin ng kaibigan upang inumin ulit nito.

"16 hours ba naman ang nakalipas."

Sabi naman ni Angela habang nakatingin pa rin ito kay Jasben at nakatayo pa rin sa tabi nito. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan at saka ininom na lamang ang tubig.

~ Life’s too short to waste it on what other people says about you. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts