~Umaga~
"Mama~ kelan uuwi dito si kuya Jervin?"
Malungkot na tanong ni Iris kay Isabelle habang naglalakad na ito papalapit sakaniyang ina na nakaupo sa kama sa loob ng kwarto nilang dalawa ng kaniyang asawa. Biglang natauhan ang babae nang marinig ang boses ng kaniyang anak at saka nginitian ito.
"Hindi ko alam Iris, e. Miss mo na ba ang kuya Jervin mo?"
Nakangiting tanong ni Isabelle kay Iris sabay yakap nito sa batang babae nang makalapit na ito sakaniya. Tumango ang batang babae bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng kaniyang ina habang nakasimangot. Ilang saglit pa ay pinakawalan na ng babae mula sakaniyang yakap ang kaniyang anak at saka tinignan ito gamit ang kaniyang naluluhang mga mata habang nakangiti pa rin ito.
"Saan pumunta si kuya Jervin?"
Nakasimangot na tanong ni Iris kay Isabelle habang tinitignan na rin nito ang kaniyang ina. Napabuntong hininga ang babae at saka hinagod ang buhok ng batang babae nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sakaniyang mga labi.
"Mama, bakit ka umiiyak?"
Malungkot na tanong nanaman ni Iris kay Isabelle nang makita na mayroong tumulong luha mula sa mga mata ng kaniyang ina. Mabilis na nawala ang ngiti ng babae at tuluyan na itong umiyak sa harapan ng kaniyang anak. Pinunasan naman kaagad ng batang babae ang mga luha ng kaniyang ina habang malungkot itong tinitignan.
"Wag ka na umiyak, Mama."
Sabi ni Iris kay Isabelle habang patuloy pa rin nitong pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ng kaniyang ina. Ngumiti ng bahagya ang ina ng bata sakaniya at saka hinawakan ang pisngi nito.
"Hindi na. Hindi na."
Tugon ni Isabelle kay Iris habang hawak pa rin ang magkabilang pisngi ng kaniyang anak at hinahayaan lamang ito na punasan ang natitira niyang mga luha sakaniyang pisngi. Ilang saglit pa ay pumasok na rin sakaniyang kwarto ang bunsong anak na si Ian na naglalakad na papalapit sakanilang dalawa ng kaniyang anak na babae habang kinukusot pa nito ang kaniyang mga mata at nakasimangot.
"Mama, may napanaginipan nanaman ako."
Nakasimangot na sabi ni Ian nang makaupo na ito sa tabi ni Isabelle sa kama. Inalis na ng babae ang kaniyang pagkakahawak sa pisngi ni Iris, inakbayan na ang anak na lalaki at saka ipinalibot ang kaniyang isa pang braso sa anak na babae.
"Tungkol saan ung napanaginipan mo ngayon, Ian?"
Nakangiting tanong ni Isabelle kay Ian habang naka akbay pa rin ito sakaniyang anak na lalaki at saka tinitignan ito gamit ang kaniyang mamula-mulang mga mata. Tinignan na rin ng batang lalaki ang kaniyang ina at biglang nagdikit ang kilay nito.
"Ba't namumula mata mo, Ma?"
Takang tanong ni Ian kay Isabelle nang mapansin agad ang mamula-mulang mga mata ng kaniyang ina. Napataas ng dalawang kilay ang babae dahil sa itinanong sakaniya ng kaniyang bunsong anak at saka tinignan na si Iris na nakatingin na rin sakaniya.
"Pinaiyak na ni ate Iris, noh?!"
Inis na tanong ni Ian kay Isabelle sabay tingin na ng masama sakaniyang ate na si Iris na yakap ng kanilang ina. Pinanlakihan ng mga mata ng batang babae ang kaniyang bunsong kapatid at saka ibinalik nang muli ang kaniyang tingin sakanilang ina.
"H-hindi, ah! Hindi ako pinaiyak ng ate Iris mo!"
Sagot ni Isabelle sa tanong sakaniya ni Ian habang pinanlalakihan na rin nito ng tingin ang kaniyang bunsong anak na lalaki. Sinamaan na ng tingin ng batang lalaki si Iris na napayakap na sakanilang ina habang takot na nitong tinignan ang kaniyang bunsong kapatid.
"A-ano na ung napanaginipan mo, Ian?"
Tanong muli ni Isabelle kay Ian upang ibaling ang atensyon ng batang lalaki sa iba. Nagtagumpay naman ang babae sapagkat inalis na ng batang lalaki ang kaniyang masamang tingin kay Iris at ibinaling na ito sakaniya.
"Tumutuloy raw sila kuya Jervin at nung babae na tinawag niyang 'Yvonne' sa isang hotel na 'La Vie En Rose Hotel' ung pangalan. Tapos merong isang matandang babae ang nakahanap sakanila sa Hotel na un at siya raw ung dahilan para mahanap din sila ng iba pang naghahanap sakanila."
Sagot ni Ian sa tanong sakaniya ni Isabelle habang nakatingin pa rin ito sakaniyang ina na naka akbay pa rin sakaniya. Pinakawalan na ni Iris ang kanilang ina mula sakaniyang pagkakayakap at saka naglakad na ito papalabas sa kwarto ng kanilang mga magulang. Hindi iyon napansin ng babae sapagkat nakuha na ng lubusan ng kaniyang bunsong anak ang kaniyang atensyon.
"Kilala mo ba kung sino ang nakahanap sakanila?"
Seryosong tanong ni Isabelle kay Ian sabay hawak na nito sa magkabilang balikat ng kaniyang bunsong anak habang seryoso na itong tinitignan.
"De Gracia."
Sagot ni Ian sa tanong sakaniya ni Isabelle habang maamo nitong tinitignan ang kaniyang ina na nanlalaki na ang mga mata at pahigpit na ng pahigpit ang hawak nito sakaniyang balikat.
"M-Ma…"
Tawag ni Ian kay Isabelle nang hindi na niya nakayanan ang sakit ng pagkakahawak ng kaniyang ina sakaniyang magkabilang balikat habang nangingilid na ang kaniyang mga luha sakaniyang mga mata. Nang matauhan na ang babae at nang masilayan na umiiyak na ang kaniyang bunsong anak at mabilis niya itong binitawan at saka niyakap.
"Tahan na. Hindi ka na ulit sasaktan ni Mama."
Pagpapatahan ni Isabelle kay Ian habang yakap pa rin nito ang kaniyang bunsong anak at hinahaplos na ang buhok nito nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Makalipas ng isang minuto ay biglang tumakbo pabalik si Iris nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi.
"Mama~! Si kuya bumalik na!"
Masayang sabi ni Iris kay Isabelle habang nakatayo na ito sa harapan ni Ian at ng kanilang ina. Tumigil na sa pag-iyak ang batang lalaki, pinakawalan na ng babae mula sakaniyang yakap ang bunsong anak at saka pinanuod ang dalawang magkapatid na tumakbo papalabas ng kwarto nilang mag-asawa. Tumayo na ang babae mula sakaniyang pagkakaupo sa kama at dali-daling sinundan ang dalawang anak.
"Woah~! Kelan pa naging ganiyan ung kwarto mo kuya Jervin?!"
"Kuya Jervin~! Miss na kita!"
"P-panong…"
Hindi makapaniwalang sabi ni Isabelle nang masilayan si Jervin na nakatayo sa harapan ng dalawa niyang anak. Hinawakan ni Yvonne ang pintuan at saka lumuhod na si Jervin upang mayakap sina Ian at Iris.
"Sino sainyo ang nagbukas ng pintuan?"
~ Learn to love your flaws, it is also a part of who you are. ~
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!
Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!