Dollar's POV
"So drama mo lang iyong pag-iwas-iwas mo?" nakamulagat na tanong sa 'kin ni Euna.
"Yup!" Binilot ko ang folder na hawak ko at sumilip sa butas noon. Ginala ko ang paningin ko sa baba sa mga estudyante mula sa rooftop na kinaroroonan namin ni Euna.
"Kung gan'on di ka na galit kay Rion?"
"Hindi na nga, kulit mo."
Tumango-tango lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos ng klase ko kanina, nakasalubong ko siya at dito nga niya ako niyaya sa rooftop ng College of Sciences habang karamihan ng mga estudyante ay abala sa paggagayak para sa Christmas, nagme-merienda kami at ang walang kamatayang topic na 'to ang nahalungkat sa pagdadaldalan namin.
"Dahil iniisip mong ikaw naman ang hahabulin niya kapag umiwas ka?"
"Yup!"
"Sus! Pauso mo, hindi naman nangyayari lage 'yan!"
"Tss! Wala ka bang tiwala sa'kin?"
"Hmm... meron naman, baby Dollar, kay Fafa Rion, wala. I think he's one of those guys who wouldn't bother to call the girl after they dated. At ang kawawang babae, maghihintay magdamag pero ni hindi man lang magri-ring ang cellphone niya. Got the picture of what I'm talking about? At dahil hindi ka kahit kelan magiging kawawa, hindi ka bagay sa tinutukoy kong babae. Kaya mas tugma pa sa character mo na kung hindi ka niya tatawagan..."
"Ako ang unang tatawag sa kanya?"
"No. Pupuntahan mo siya ng personal at iwawagayway ang sarili mo para ipaalala sa kanya ang existence mo. Ganon ang pagkakailala ko sa'yo eh."
"At i-relate natin ang sinabi mo sa sitwasyon ko, after ng pinagsamahan namin ni Rion, aminin na natin sa sarili natin na pagkatapos noon, hindi man lang siya masasaktan na natapos iyon, gaano man kahaba o kaikli ang time at kahit, magmukmok at umiwas ako, hindi pa din siya ang gagawa ng paraan para maulit iyon, ako pa din. Kaya ang sinasabi mo... tigilan ko na tong pakana kong 'to?"
"Yup, di naman effective." lumabi pa si Euna.
Masakit mang aminin pero totoo nga. Ilang beses ba kaming nagkasalubong na iniwasan ko siya at hindi ko siya pinansin at ni hindi man lang niya pinatulan lahat ng iyon! Ni wala man lang maliit na palatandaan na gusto niya akong makausap! That man!?
"Easy ka diyan, gurl. Feel ko ang aura mo, ang dilim!"
Kumagat ako sa sandwich na bigay kanina ni Zilv. Inubos ko sa kawawang pagkain lahat ng yamot ko. Tinapos lang namin ni Euna ang pagkain at bumaba na rin kami mula sa rooftop. Naglalakad na kami sa quadrangle nang makita namin si Rion! Siniko agad ako ni Euna at muntikan na 'kong tumalsik sa mga halaman sa gilid.
"Kailangan ba talaga iyon!" pinandilatan ko siya.
"Oo. Hehehe!"
Tss!Tinupi ko ang sleeves ko at ginulo pa lalo ang magulo ko ng buhok para magkaroon ng volume. Wala ng retouch-retouch! Pinisil ko na lang ang pisngi ko para mamula. At nagsimula akong maglakad sa direksyon ni Rion kung hindi lang ako bigla hinila ni Euna.
"Oy, saan ka pupunta, kala ko ba plano mong umiwas'?"
"One last try na ngayong araw. Hindi pwedeng wala siyang response sa pag-iwas ko sa kanya! Pagkatapos ng paghihirap ko! Ang hirap kayang magpigil!"
"O sige! Gora! Patunayan mo sa buong mundo na si Fafa Rion naman ang magke-crave sa beauty mo dahil 'apart' kayo these past days! You have my blessing!" nakataas-kilay niyang sabi sabay tulak sakin.
Naglakad ako sa tabi ni Rion na nasa tapat ng bulletin. Hindi ko siya tinitingnan, kunwari oblivious ako sa presensya niya, kunwari absorbed na absorbed ako sa pagbasa sa mga post sa bulletin. Nilingon ko nang konti si Euna na taas-baba ang kilay at nakangisi. Sinisilip ko sa gilid ng mata ko si Rion at binalik ulit ang tingin sa mga posters tungkol sa mga Christmas activities na gaganapin. Mas lalo akong tumabi sa kanya at naghintay ng ilang minuto. Kunwari di ko pa din siya napapansin. Tumabi pa 'ko sa kanya nang konti hanggang mabunggo ko siya.
"So-rry..." bulong ko sabay lingon. Para lang ma-disappoint sa makikita....
Si Euna nakalapit na pala sa likod ko at pigil ang paghagikhik. Grabeng buhay to oh! Ginala ko ang paningin ko sa buong lugar pero hindi ko na makita si Rion.
"Nasan na?" tukoy ko kay Rion.
"Eh baliw ka pala talaga, Dolyar eh! Hahahaha! Kanina pang umalis. Hanu ba namang klaseng pagpapa-cute 'yan! Wala, as in nada! Wala akong nakitang ekspresyon niya na nakiliti man lang sa banal mong presensya kanina! Hahahaha! Hindi ka niyon na-miss! Kaya iyong old style mo na lang ang gamitin mo, okay? Yung tipong kung makikita mo siya mula sa rooftop eh tatalon ka na kaagad makalapit lang sa kanya o kaya iyong tipong sasagasaan mo lahat ng nasa hallway para makadikit lang sa kanya! Hahaha!"
"Okay... Sabi ko nga di ba? Last na 'to? Kaya resume the game!"
"Go, Dollar!"
"Pero bukas na, naiinis pa ko eh!" Sa halip na umuwi na, dadaan na muna 'ko sa library para sa librong gagamitin ko sa mga chemicals na pag-aaralan ko mamayang gabi.
Kainis!
^^^^^^^^
Pauwi na ko at naglalakad sa quadrangle nang may pumatong na malaking kamay sa ulo ko. At sa pag-aakalang si Moi o si Vaughn iyon, tinapik ko at hinarap ang lalake para bigyan sana ng uppercut. Pero napigil ang kamao ko ni... Rion?
"Hello to you, too." he gave me a droll stare at hinila ako palapit sa kotse niya.
"Hep!" pigil ko sa kanya.
"C'mon, ihahatid na kita." yaya niya sakin.
"B-Baket?" how could this man act na parang hindi ko siya pinansin ng ilang araw?
But he just eyed me lazily as if I'm that stupid to ask.
"May paparating na bagyo."
Yeah, yeah, iyon lang lage ang nakikita niyang lohikong dahilan.
"You're angry, why?" pinaikot-ikot niya ang folder sa isang daliri niya. "Hindi pa ba sapat iyang pagtatampo mo?"
Kinibot-kibot ko ang labi ko para pigilin ang inis. Binuksan na niya nang tuluyan ang pinto ng passenger seat
"Hop in."
"Ayoko."
"Do I need to drag you in?"
"It is not as if I'm your responsibility para ihatid mo pa 'ko sa 'min dahil lamang may bagyo!"
"Yes, you are. Magagalit si Lolo kapag nalaman niyang pinabayaan lang kita kung may maitutulong naman ako di ba? You are his friend."
Hanung klaseng dahilan iyon? I think ipagkikibit-balikat lang niya kung magagalit si Lolo.
"Part pa din ba to ng pag-iwas mo sa'kin?" tanong ni Rion mayamaya.
Napamulagat naman ako sa kanya. Ramdam din pala ng giant kamoteng 'to ang ginagawa kong pag-iwas! "Hindi..." bulong ko at pinagkrus ang mga braso ko.
"So shall we?"he cocked his head to his car.
Nag-cross arms ako at tiningnan siya nang masama.
"Bakit ba kasi hindi mo ko pinapansin nitong mga nakaraang araw!?" I bursted out. There you have it, you moron!
Nag-isip siya... then smiled lazily. "Bakit naman kita papansinin eh ikaw nga ang unang umiiwas di ba? I'm giving you space."
"Pero kahit na!"
"Girls, I'll never understand." he whispered and massage his nape. "Okay kapag magtatampo ka na, please notify me para papansinin kita, and let's act silly habang umiiwas ka at ako naman ang papansin sa'yo? So pwede na ba tayong umuwi?"
"Hindi na, may maghahatid na sa 'kin pauwi."nakataas-kilay kong sabi. The nerve! Anong akala niya sa'kin basta na lang tatalon papasok sa kotse niya kung kelan siya magyaya?!
"Who?"
Teka sino nga ba? Ginala ko ang paningin ko sa parking at sakto namang nakita ko si Vaughn!
"Yun o! Vaughn! Hey!"
Pero sa malas ay hindi man lang napalingon sa direksyon namin si Vaughn at abala sa pakikipag-usap sa ibang babae.
"Bon!!!"
"Do you know him?" Rion asked calmly... and dangerously?
"O-oo naman..."
Ilang araw ko na nga ba siyang kilala?
"If you know him then you better stay away from him."
"B-Baket?"
Sa halip na sumagot ay tinalikuran lang niya 'ko at dumiretso sa Viper niya. I was completely baffled by his expression. Bakit ba lage na lang siya nag-uutos nang walang sinasabing dahilan?
"Rion! Mind if makisabay ako sa 'yo!?"
That was Girly. Ugh! Isa sa mga babaeng mapapataas ang kilay mo dahil sa angkin niyang kalandian. Not that I'm not malandi pero iba ang level ng isang 'to. Nasa tabi ko na agad si Girly, batting her lashes to Rion. While the man is watching me with challenge in his dark eyes... Kitang-kita ko pa siya dahil nakababa ang retractable roof ng kotse.
"Excuse me, niyaya na niya 'ko kanina pa." I snapped to Girly at nilagpasan siya at tuloy-tuloy na umupo sa front seat. I saw Rion smiled in my peripheral vision. Drat this man!
Wala ng alam kundi pagkatuwaan ang pagsintang pururot ko sa kanya! Kung hindi siguro 'ko nagsalita, malamang papayag siya kay Girly. And the picture of them making out in his car really pissed me off!
Tiningnan ko nang matalim si Rion. He's watching me playfully habang prenteng tinatapik-tapik ng daliri ang steering wheel.
"What bakit hindi pa tayo umalis? Kala ko ba may papadating na bagyo?" At hindi na rin masama na gasgasan mo ng konti ang nakasimangot na si Girly.
Parang may sasabihin pa si Rion pero mas piniling tumahimik. He cleared his throat and back to his serious profile. Nasa highway na kami at patuloy lang siya sa pagda-drive.
"Unbelievable..." Narinig kong bulong niya mayamaya.
"Ang alin?"
"You didn't talk for five minutes, that's a world record."
I pout to his answer. Hmn... Kaya ko naman talagang manahimik nang matagal. But he's right, this is the first time I kept silent for too long in his presence.
"Powerpuff? I just wanna ask you..."
"Kung bakit iniiwisan kita?" Inunahan ko na siya. "I'm just resting for a while. Wag kang mag-alala I'm resuming the game, just now. Naisip ko na kahit ilang babae pa ang naka-tattoo sa'yo o ilan pang first love mo ay... okay lang. I'll just make sure that I'll be your future. And don't give me the crap na marami pang ibang lalake, you're for me and I'm for you. Hindi mo pa lang nare-realize yun. But don't worry ako na lang ang tatrabaho sa love story natin."
See, hindi ko talaga mapanghawakan ang inis ko kapag ang lalakeng 'to ang kasama ko.
I heard him chuckled silently. "Ang dami mong sinabi, I just wanna ask you kung bakit hindi ka sumama sa leadership training."
"Hmn... wala lang... nagpapa-miss? And that worked! Na-miss mo nga ako no?!" I grinned. Sabi na nga ba eh!
"Don't flatter yourself too much, it just happened na ikaw lang ang wala doon kaya natandaan ko."
"Ok, note to self: aattend na ko sa lahat ng activity na kasama ka. Hehehe!"
He didn't answer and just continue driving.
"Rion..." I called him.
"I meant what I said earlier."
"Okay."
"Iyon lang ang masasabi mo?"
"What else to say?"
"And one more thing... Bibigyan ko na nga pala ng karapatan ang sarili ko na magselos sa mga babaeng mali-link sa'yo, kay Sherry, Kay Girly..."
"Sherry who?"
"Asus, si Sherry iyong first love mo."
"What?"
Tiningnan ko siya, bakit parang gulat na gulat siya kahit hindi halata sa mukha niya?
"B-baket hindi ba?"
"I know her, pero sinong may sabi sa'yo?"
"Si...Shamari! Hindi nga ba? Eh bakit naka-tattoo pa nga sa'yo ang initial niya tapos noong tinanong ko sa'yo kung ano iyon sabi mo 'just someone'?"
He got the picture based on his expression. Pero mali nga ba ang mga sinabi ko?
"Not Sherry. Magkababata lang kami."
"Eh bakit kung tingnan mo siya noong..."
"Na-ospital ang anak niya and she's asking for help."
"T-Talaga? Eh kung magtinginan kayo..."
"Malisyosa ka kasi."
"Tss!" I pouted. Pero masaya 'ko. Tama lang pala na tigilan ko na ang pag-iinarte ko nitong mga nakaraang araw dahil wala naman pa lang katuturan. Ang tanga ko talaga, hindi ako nagtanong nang maayos, nag-assume agad ako.
"Eh sino ang ibig sabihin ng tattoo mo?"
Nilingon niya ko nang matiyak na wala kaming masasalubong na sasakyan.
"You."
...
"Hahahahahahaha! Lage mo na lang akong pinapasaya Unsmiling Prince! Hahahahaa! Pero hindi mo na kailangang mag-joke, hindi na ulit kita iiwasan, okay?Magsimula ulit tayo!"
Nilingon ko siya. Hindi siya nagsalita... mukhang... inis?
"G-galit ka ba, Rion?" bulong ko. Bigla akong natigil sa pagtawa.
"No, why should I?" Pero hindi na natanggal ang kunot ng noo niya.
Hmn... Anong problema niya?