Dollar's POV
"Salamat Rion sa paghatid. Hayaan mo sa susunod, ikaw naman ang susunduin ko sa bahay niyo, Hehehe!" Lumabas ako ng kotse para lang bumalik agad dahil tinawag niya 'ko.
"Powerpuff?"
Balik ako sa pagkaka-upo. He's silently drumming his fingers to the steering wheels, at ilang segundong hindi nagsalita.
"Uy, Rion?"
Nakita kong nasa bukana na si Uncle at nakakunot-noong nakatitig sa direksyon namin pero mayamaya'y pumasok na ulit sa restaurant.
"Rion?"
Nilingon niya 'ko, and stared at me for too long it seems forever. Then he pulled me to him and gave one light kiss on my lips. Napakabilis, sandali lang pero tumulig sa 'kin ng sobra.....
"Belated happy birthday, powerpuff." he whispered.
Nang pagbalikan ako ng huwisyo at nakapag-isip-isip ako... I.AM.FURIOUS!
At napansin ata niya na nag-iba ang aura ko. He gave me a questioning look.
"Why?" he asked.
Hindi ako nagsalita.
"Well, I don't really understand. The first time I kissed her in the basement she ran way from me, but that's understandable. The second time, nag-lock naman sa CR ng kwarto niya and this... she get pissed off. Man, I'm pathetic! " he mumbled under his breath. "What's your problem?"
"Tinanong mo pa?! LAHAT BA NG BABAENG BINABATI MO HINAHALIKAN MO DIN?!"
"Aah, that was it?"
"OO?! Paano sa graduation ninyo lahat ba ng mga babatiin mong babae, hahalikan mo din?!"
"No. And for your peace of mind, I don't usually do that."
And that cooled me down. At bigla naman akong nahiya... bakit nga ba ko nagalit? Nagselos agad ako dahil sa walang kwentang naisip ko? Tanga ko talaga!
"S-Sorry...I promise sa fourth time, hindi na 'ko tatakbo o magagalit."
What was that? Umaasa akong may kasunod pa? Well, iyong totoong ako, syempre, pero kailangan ko pa ba talagang i-voice-out? So kapal naman talaga ng mukha ko o.
Rion just laughed silently. At maa-apreciate ko sana ag tawa niya kung hindi lang ako nahihiya pa.
"Ahm...sige ingat ka." Paalam ko sa kanya at lumabas ng sasakyan.
^^^^^^^^
I spoiled the moment! Grr!
Sinabunutan ko ang sarili ko at sinipa ang hagdan. Paakyat na sana 'ko sa kwarto ko nang makasalubong ko ang nanny ni Cheiaki.
"Hija, maaga ka yata?"
"Ahm... umuwi na po ako agad may bagyo po kasi."
Nagtaka naman si Manang, ewan ko kung dahil sa sinabi ko o dahil nakita niyang hawak-hawak ko ang buhok ko.
"Ha? Eh kasasabi lang sa balita na maaraw buong linggo?"
Bakit sabi ni... Rion???
Bigla akong napatawa nang malakas at niyakap si Manang. Sanay na naman siya sa kabaliwan ko kaya nakiyakap na din. Matapos akong sabihan na mag-meryenda na ay naglakad na siya papuntang kusina.
"Hahahahaha!"
Habang papunta sa kwarto ay tinext ko si Euna at sinabing effective ang plano ko.
Nag-imbento lang si Rion na may bagyo para maihatid ako! Aw sweet! Effective ang pag-iwas-iwas ko! Tinext ko kay Euna ang paghatid sa'kin ni Rion minus the kiss, syempre para sa 'ming dalawa lang iyon ni Unsmiling Prince!
Pagka-send ko ng message ay pumasok na 'ko sa kwarto ko at nadatnan doon si Cheiaki na nagpa-planking sa ibabaw ng malaking kahon. Lumapit ako sa kanya. Hindi pala siya nagpa-planking, pinipilit palang buksan ang kahon gamit ang paper cutter.
"Oy, Cheiaki Teriyaki, anong ginagawa mo ha?"
"Obviously, I'm opening it, can't you tell? Duh!"
"Duh!" ginaya ko siya. 'Tong batang 'to!
Bago niya pa magamit ang paper cutter ay dinampot ko siya at nilapag sa kama ko. Umupo ako paharap sa kahon at binasa ang nakasulat sa gilid. Hmn... Sa 'kin naka-address?
"Let me open it! Baka may bombs!?" sigaw ni Cheiaki sa likod ko.
"Hep!" Dumapa ako sa ibabaw ng kahon para hindi niya 'ko maunahan at ako naman ang nag-planking.
"Ugh! So unlady-like! Kita panty mo!"
"Ewan ko sa'yo, now, lumabas ka na bago pa kita masakal, sa'kin naka-address tapos bubuksan mo? Shupi-shupi ka dyan, kalbuhin kaya kita!"
Lumabas naman siya pero sinipa muna ang kahon at binelatan ako. Malditang bata! Now, now, now, anong laman mong kahon ka? Walang nakalagay kung kanino galing? Hmn....
Kinuha ko ang swiss knife ko at tinusok sa gitna ng kahon para mabuksan.
Sinundot ko ang malambot na mga laman at pinakiramdaman. Baka nga tama si Cheaki, baka kung anong laman nito lalo na at hindi ko alam kung saan galing. Inalis ko ang plastic na nakabalot at binuhos ang laman ng kahon sa kama ko...
At tumambad sa'kin ang mga... Teka, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12...
Labindalawang pillows! Ang lalambot at halatang mamahalin... Iba-iba ang laki at kulay pero ang mga tatak... Powerpuff girls lahat!
"Hahahaahhaaa!"
Hindi maubos-ubos ang tawa ko kahit nahulog na 'ko mula sa kama. At sino ba namang nakakaalam na mahilig ako sa cartoon characters na 'to kundi si Rion lang? Maluha-luha na 'ko sa pagtawa bago ako tumigil.
Guys will always buy jewelries, stuff toys, chocolates and other mushy things as gifts. Pero ngayon lang ako nakakita ng ganito, and much more they're from Rion!
Hinanap ko ang cellphone ko sa bag ko at nag-send ng thank you message kay Rion. Nag-reply naman siya agad at simpleng 'wc' lang ang sagot.
Hmn...ang tipid naman. Pero masaya ko. Sobra. Niyakap ko ang pinakamalaking pillow na may tatak ng mukha nila Blossom, Buttercup at Bubbles. Napapikit ako sa kilig.