webnovel

RION aka Jaguar (Complete)

Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviegjo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing everything to avoid her for many reasons including his traumatic past and secret night job...

Royal_Esbree · Adolescente
Classificações insuficientes
67 Chs

Certified SOB

Vaughn's POV

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog at nakita ko ang pulang bilog na ilaw na naglalaro sa unan ko. And I saw the red dot landed between my eyes.

"Shit!"

That was a laser from a gun!

Ginulong ko ang katawan ko pabagsak sa sahig para maitago ako ng kama. Mayamaya ay narinig ko ang mahinang putok ng baril at bumagsak ang painting mula sa dingding sa likod ko. Dammit! That was a James Peel 1811 painting! Hindi man halata sa hitsura ko pero sentimental ako sa mga historical antiques. That bastard! Hindi talaga 'ko balak patayin, ginalit lang ako!

"Fuck you, Rion!"

Bumangon ako at lumabas sa balcony ng kwarto ko, hindi nag-abalang magsuot ng T-shirt. Nagsindi ako ng sigarilyo at hinithit-buga.

Rion was standing from the dark corner of the balcony, hands in his pockets.

"Fuck you, Jaguar! That painting costs million dollars, you should've punch me kung gusto mo 'kong gisingin!" I yelled, cigarette still in my mouth.

"Where's the fun if I did that?"

"Fuck you!"

"No, thanks, you're not my type." he smirked.

I looked at his calm profile. Parang alam ko na kung bakit siya nagpunta dito. Inalok ko siya ng sigarilyo pero tiningnan niya lang iyon at binalewala.

I gave him a lopsided grin. "Healthy living, aren't we?"

"MYOB."

"So it was true that the devil is really changing?"

Binalik ko ulit ang tingin sa kanya. Rion's really grown up, far from the rebellious kid I met in a dark alley in one of the towns of California years ago.

Hanggang ngayon napapamura pa din ako sa mga nalaman ko tungkol sa buhay niya. But dammit to hell! Hindi pa din matanggap ng pagkalalake ko na minsan niya 'kong naloko. We're not friends and will never be, but we're partners and at the same time rivals. Yeah, that odd.

At common joke na sa'ming dalawa ang ipahamak o muntik-muntikang patayin ang isa't isa. And my personal assignment that will surely tick Rion off? Dollar Mariella Viscos.

"I'm not here for a girly chitchat, St. Martin, gusto kong sabihin sa'yong tantanan mo si Dollar."

"Sorry, pal. I can't, she's my latest conquest at wala naman sigurong masama, she's not yours, is she?"

Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari sa'min kanina ni Dollar.

"Very well, Vaughn, very well." Rion said calmly.

I just smirked to what he said.

Gusto kong matawa sa blangkong ekspresyon at kalmadong boses niya. Kung may isang bagay akong hahangaan sa kanya, iyon ay ang pagkontrol ng emosyon. That mask of him makes him more lethal to his enemies. At dahilan din kung bakit hindi mabunyag ang identity niya bukod sa galing niyang magpaikot. But I know him very well to get fooled by this bastard. At wala mang ekspresyon o emosyon ang tono, alam ko ang nasa loob niya lalo na kapag usaping 'Dollar'.

Binuga ko pataas ang usok ng sigarilyo at naramdaman ko ang pagkirot ng pantal sa leeg ko.

"Ugh! Another bullshit!" Kinapa ko ang pantal na nagsisimula ng lumaki.

Rion twitched the corner of his mouth for a smirk. "What, now? You can't take the love bite of your bitch?"

"Fuck you!" bago ko pa masabi na kagat 'to ng bubuyog, may naisip akong ideya. " Not a bitch, Rion, it was Dollar."

"Yeah, keep dreaming on." Rion said with sarcasm.

I laughed. " Bakit hindi mo tanungin si Dollar?" I gave him a malicious grin. Gusto kong isipin niya na si Dollar ang kumagat sa'kin. I just love pissing him off.

"I'll surely kill you one of these days, Vaughn, trust me." He said.

At bago pa 'ko makakilos ay nabaril niya na agad ang Royal Worcester ceramic vase na nakapatong sa chest sa loob ng kwarto ko.

"Damn you! Nag-iisa na lang iyon!"

I ran to him and would have grab him but the son of a bitch quickly slung his body over the railings and jumped off the ground and landed on his feet.

"Fuck you, asshole!"

Pero nawala na sa dilim si Rion bago ko pa siya mabato ng tsinelas ko. Dammit!

Tiningnan ko na lang ang basag at pira-pirasong vase. Tss! Ididikit ko na lang ng glue bukas!

Sumandal ako sa railings at tinanaw ang madilim na gubat. Hindi na rin naman ako makakatulog. And I have two hours before dawn. Sa isang panig ng gubat ay nakita ko ang ilaw ng headlights ni Rion. And I heard the tires squealing.

Naniniwala akong seseryosohin ni Rion ang sinabi niya. That bastard is soulless! Lalo na't ako lang ang nakakaalam ng ibang bagay sa buhay niya. Pero bago niya 'ko mapatay, uunahan ko na siya, and that's what I'm working on and the reason why I enrolled to their university. At sisimulan ko iyon sa pamamagitan ni Dollar...

Nahagip nang paningin ko ang envelope na nasa side table ng kama. Halos saulo ko na ang laman niyon. Mga kung anu-anong papel at litrato na ilang araw ko ding pinag-aralan para mapagtagni-tagni ko ang mensahe.

"Fuck!" I uttered.

That was Rion's.

Rion was eight months old when his mother abandoned him. Para sumama sa ibang lalake. Hindi masyadong nakalagay kung ano ang kwento ng pag-pibig ng mga magulang niya, but one thing is clear: the bastard is the son of Daniel Agustin, a well known and respected businessman. At isa sa pinakamayamang lalake dito at sa ibang bansa. Pero nang ni-research ko ang tungkol sa kanya, that was a dead end, the tycoon is as secretive as a sealed mouth.

At age eight, the murder of his mother happened in Rion's very young eyes.

At pagkatapos niyon ay kung saan saang bansa dinala ng matandang Flaviejo ang apo. Pero mas lalo lang naging rebelde at kung anu-anong gulo ang pinasok.

Rion was eleven and I was thirteen when we first met in California. Pinagtanggol niya 'ko mula sa grupo ng mga batang nakabangga ko.

At ang insidenteng iyon ang ngayon ay pinagdududahan ko. Aksidente nga lang ba ang pagkakakilala namin o pinlano niya talaga?

Rion was unbelievably intelligent even as a kid. Kaya ngayon ay naniniwala akong kagagawan niya lahat ng pagtatagpo namin sa iisang lugar. Pero ang hindi ko inaasahan ay nang naging miyembro siya ng grupo namin. I'm a son of the leader of an elite group doing illegal operations globally. Grupo na binubuo ng mga mayayamang negosyante na lahat sinasagasaan para makontrol ang ekonomiya. And when my father saw Rion's ability, he hired the young boy to become one of the messengers of the team. Batang edad na walang mag-aakala na kasali na sa mga ilegalidad. And my father's fondness to Rion was one of the reasons why I loathe him so much.

And at fifteen, he came back to the Philippines and signed up for another group of Alvaro Vasques. Hindi alam ni Papa ang ginawa niya at hindi rin alam ni Alvaro na miyembro pa din siya ng grupo namin.

He was eighteen when he spent his vacation in California and resume his current membership. Na hindi tinanggihan ng ama ko. But he's not back as a messenger, but as an international assassin in the making!

Napamura ulit ako. And now, at the age of nineteen, Rion is a walking danger. That bastard!

Hindi ko alam kung paano niya natago ang sikreto niya sa dalawang grupo. But God will only know what will happen to him when my father know his betrayal. At ganoon din sa gagawin sa kanya ni Alvaro.

Hindi aksidente lahat ng pagkakatuklas ko ng tungkol sa kanya. Noong isang taon ko lang sinimulan ang solong pag-iimbestiga sa kanya pero hindi pa man natatapos ang isang buwan, natanggap ko na ang envelope. And that was from Rion. That bastard knew who's watching his back! At hindi ko alam kung anong gusto niyang gawin kung bakit siya nagpakilala sa'kin. But I'm sure that it is not a good thing... in my part. Pero kung iniisip niyang ako ang magsasabi sa grupo ng ama ko at grupo ni Alvaro ng tungkol sa pangdo-double cross niya para hamunin ang kakayanan ko, pwes, nagkakamali siya!

Not when all his reasons are not yet clear to me. And not when I don't know where side Rion is on...