webnovel

Rewrite (Tagalog)

Arabella Romero is a girl from an orphanage is going to meet her father whom left them. He ask her to move and live with him in Manila with his family and she agreed. When her father enrolled her to a famous private school that only rich can afford it. And the moment she enter her new school, she already feel unwanted. DISCLAIMER: This story is fictitious. Characters, Names, Businesses, Places, events, and incident are just a product of Author's imagination. Any actual person, living or dead, or actual events or incidents are purely coincidence. Started: Sat, July 3, 2021 Finished: Mon, August 9, 2021

Gummy_Sunny · Adolescente
Classificações insuficientes
26 Chs

Scandalous Girl

Chapter 24

- Third Person's POV -

Nang matapos ang klase nila ay agad na umuwi si Bell para makita ang step-sister nya. Nagpaalam sya sa mga kaibigan at pati narin kay Sensui. Umalis na ito at nauna na sa kanilang umuwi.

Nasa kalagitnaan ng paglalakad ang buong barkada ni Arabella ng biglang makasalubong nila si Romeo. Ang captain ng kalaban nilang team, ay narito ngayon sa paaralan nila upang makita ang pinakamamahal nito.

"Hoy, diba, si Romeo yon?" Gulat na tanong ni Brigitte. Agad silang napalingon sa itinuro ni Brigitte at totoo nga ito. Agad namang nang-init ang ulo ni Devin.

"Ano naman ang ginagawa ng lalaking yon dito?" Galit nyang sabi at akmang susugod ng bigla syang awatin nila Noah.

"Hey, bro. Calm down." Sabi ni Noah at tinignan ang kalaban na papalapit na sa kanila ngayon. Nang makalapit ito ay agad nyang nagtanong.

"Hey, ahm... Kumusta? Nasaan si Bell?" Tanong nito sa kanila.

"Sorry, umuwi na si Bell." Sagot ni Reggie.

"Ahh... Ganon ba? Pwede ko bang hingiin ang address nya?" Tanong nya pa.

"Pare, wag mo nang guluhin si Bell. Nananahimik na yung tao." Sabat naman ni Devin.

"Ano bang problema mo? Palagi ka nalang nangingialam sa amin, ahh? Ano ka ba nya?" Mayabang na tanong ni Romeo.

"Manliligaw nya ako." Sagot naman sa kanya ni Devin.

"Manliligaw? Boyfriend nya ako." Mayabang naman na sabi ni Romeo.

"Ex-Boyfried!!" Sabay-sabay na sabi nila Brigitte, Anna, at Reggie. Nag-iwas naman ng tingin sa kanila si Romeo.

"Sige. Mauuna na ako." Mahinang sabi ni Romeo pagkatapos ay umalis na.

"Grabe, ang kapal naman ng muhka nya." Sabi ni Brigitte.

"Naku, sinabi mo pa." Sabi naman ni Reggie.

"Umuwi na tayo. Baka pagalitan pa tayo ng mga magulang natin." Sabat naman ni Anna.

"Bye, Levi." Malanding sabi ni Brigitte.

"Bye." Nakangiting sabi naman ni Levi.

"Tara na. Lumalandi pa kasi, eh." Sabat ni Reggie at hinila na paalis si Brigitte. Shempre, hindi muna uuwi sila Devin dahil may practice pa sila.

Sa Sai Residents. . .

Masayang naghihintay si Heaven sa kapatid nya habang nakatingin sa kanya ang mga nakakatanda sa kanila. Nakangiti si Manuel habang nakatingin sa anak nya na naghihintay sa pagdating ng kapatid nito.

"They're very close, huh?" Sabi ni Mrs. Sai.

"Yes, mom. They're really close." Si Made naman ang sumagot dito.

"How?" Tanong naman ni Mr. Sai.

"It just happened." Natatawang sabi naman ni Manuel. Nagulat sila ng biglang sumigaw si Heaven.

"Bell!!" Sigaw nito.

"Heavenn!!" Sigaw naman galing sa labas.

"Ganyan sila ka close." Natatawang sabi ni Made. Lahat sila ay tinanataw nalang ang dalawang dalaga habang magkayakap ang mga ito.

"OMG! I missed you, Bell!" Masayang sabi ni Heaven habang magkayakap silang dalawa.

"Namiss din kita." Sabi nya tapos sabay silang bumitaw sa isa't isa. Nakangiti parin sila habang si Heaven naman ay pumulupot na kay Bell.

"Marami kang utang sa akin." Sabi ni Heaven. "Marami kang dapat i-kwento sa akin." Dagdag nya pa.

"Oo. Marami talaga." Sabi naman ni Bell tapos naglakad na sila papasok sa loob.

A Few Moments Later. . .

"Talaga?" Natatawang tanong ni Heaven.

"Oo nga. Tapos kung hindi pa sila umalis, baka nasapak na sya ni Brigitte. Gigil na gigil na pa naman sya non." Natatawang kwento ni Bell habang si Heaven naman ay tawa lang ng tawa sa mga kwento.

Sobrang ingay ng hapag-kainan ngayon dahil sa tawa nilang dalawa. Naroon din ang asaran nila habang nagtatawanan. Lahat ay nakikitawa nalang sa kanilang dalawa.

"By the way, diba, yung sinasabi mong girlfriend ni Kuya. Nakita ko sya kahapon." Sabi bigla ni Heaven at mapanuksong tumingin sa Kuya nila. "Nakita ko din sya at muhkang nagdate sila kahapon."

"Ayieee!!" Panunukso naman ni Bell.

"Tigilan nyo nga ako." Inis na sabi ni Billy. "Nananahimik ako dito, ehh." Reklamo nya.

"Oyy, grabe. Masyadong inlove ang kuya natin, Bell. Kinikilig na, ohh." Panunukso pa ni Heaven.

"Oo nga. Baka mamaya, malalaman nalang natin, nag-propose na sya." Natatawang sabi naman ni Bell.

"Tigilan nyo na nga ako!!" Inis na sabi pa ni Billy. Lalo naman syang inasar ng mga kapatid nya.

A Few Moments Later. . .

"Tabi tayong matulog." Sabi ni Heaven. Agad din namang pumayag si Bell. Nagdala sila ng gamit sa sala at doon nila napag-desisyonang matulog. "Haha, ang galing. It's like we're having a overnights party." Natatawang sabi ni Heaven.

"Oo nga, ehh." Sabi naman ni Bell. Nag-usap sila at napag-desisyonan nilang magreview nalang dahil marami na ding namiss na classes si Heaven.

"Kinopya ko talaga lahat dahil alam kong pwede mong magamit yan. Tyaka, marami ka na ding na- missed na quizzes at test. At least dyan, pwede ka nang makahabol sa amin."

"Salamat, Bell." Nakangiting sabi naman ni Heaven.

"Sus, basta ikaw." Sabi naman ni Bell.

"Sandali, noong wala kami dito, hindi ba dito natutulog si Kuya?" Tanong bigla ni Heaven.

"Minsan, hindi. Minsan kasi night shift sya kaya hindi na sya nakakatulog dito sa gabi. Pero nandito naman daw sya sa umaga." Sagot naman sa kanya. Habang nag-aaral at nag-uusap silang dalawa ay may nakamasid naman sa kanila sa ikalawang palapag.

"I think, natanggap na din ni Heaven na may kapatid na sya." Sabi ni Mrs. Sai.

"I think so." Sagot sa kanya ng asawa nya. Nagpatuloy lang sila sa pagmamasid sa mga apo nila habang nagtatawanan ang ito.

KINABUKASAN. . .

"Are you sure?" Kinakabahang tanong ni Heaven.

"Oo. Tyaka, alam na din naman nilang wala kang kasalan. Kaya paniguradong tatanggapin ka nila." Sagot naman ni Bell. Humugot ulit ng hininga si Heaven dahil talagang kinakabahan sya.

"Bell!!" Biglang sigaw nila at patakbong lumapit sa kinaroroonan nila ni Bell. Napatigil ang mga ito ng makita nila si Heaven.

"Hi, guys." Naiilang nyang sabi.

"Guys, simula ngayon, palagi na nating kasama si Heaven. Sa group study natin, sa hangouts natin, kasama na natin sya palagi. Ok lang ba yon?" Tanong ni Bell. Nagkatinginan ang tatlo nyang kaibigan at sabay-sabay ngumiti.

"Oo naman!!" Sagot nilang lahat. Agad nilang pinaupo si Heaven at agad nilang kinausap.

"Bell!" Sigaw galing sa likod nila. Agad silang humarap at nakita nila si Sensui na papalapit na sa kinaroroonan nila. Agad nitong niyakap si Bell. "I miss you. Bakit hindi mo sinasagot yung text ko kagabi?" Tanong nya.

"Busy ako kagabi." Sagot sa kanya ni Bell.

"Lagi ka namang busy, ehh. Nagtatampo na ako sayo, Taguro." Nakangusong sabi nya.

"Kayo, ha. Ilang aaw lang akong nawala, ganyan na kayo kaagad. Sige ka, Devin. Malalagot ka kay Dad." Pananakot ni Heaven. Agad namang umayos ng tayo si Devin tapos tumikim.

"Tiklop ka ngayon?" Natatawang sabi ni Bell at naupo na sa tabi ni Heaven.

Lumipas ang ilang mga araw ay naging maayos naman ang naging samahan nila. Madaling nakapag-adjust si Heaven sa bagong circle of friends nya dahil naroon naman ang kapatid nya.

Nang muling pumasok si Destiny ay nagsimula na din nyang bully-hin si Bell. Parang bumalik lang ang mga nangyari kay Bell noong unang araw nya dito. May nambabato sa kanya ng papel. Binubuhusan sya ng kung ano-ano at iba pa.

Nandito sila ngayon sa tambayan nila ng biglang dumating si Destiny. Ang tahimik nilang buhay ay biglang ginuli bigla ni Destiny simula noong bumalik ito sa school matapos ma-suspended.

"Ohh, look who's here." Mataray na sabi nya ng mapadaan sa lamesa nila Bell. Agad na nagtaas ng tingin si Bell at kinausap si Destiny.

"Ano nanaman bang kailangan mo, Destiny?" Tanong ni Bell.

"Wala naman. I'm just here to make a scene. Para malaman nila na ikaw, Arabella Romero, ay nakikipagkita parin sa Ex-Boyfriend mo." Nakangising sabi nito. Hinanap ng mata nito si Devin at ngumisi. Narinig kasi ni Devin ang sinabi nya.

"Ex?" Tanong ni Heaven.

"Girl, yung ex nyang si RJ."

"Ohh, that one. I heard that he's the white's team captain. Ang haba naman ng hair ng kapatid ko." Natatawang sabi ni Heaven

"Nako, sinabi mo pa." Sabi naman ni Reggie.

"Hey, pay attention to me!" Inis na sabi ni Destiny.

"Saan mo naman napulot yan?" Tanong naman ni Bell.

"Totoo naman, diba?" Mataray na tanong nya kay Bell. "I know that———"

"Destiny, tama na yan." Biglang sulpot ni Devin.

"What? Why don't you just listen to me? Masyado kasing masama ang ugali nya. Look, her sister planned to killed her."

"Tama na!!" Malakas na sigaw pa ulit ni Devin. Nagtaka ang lahat ng biglang tumayo si Bell at may kinuha sa kung saan. Pagbalik nito ay lumapit ito sa mga estudyante at tinanong sila isa-isa ng...

"Tapos na ba ito?" Tanong nya. Kinuha nya ang mga inumin na may laman pa at bumalik sa lamesa nila.

"Bell, what are you doing?" Tanong ni Devin. Hindi sya pinansin ni Bell at nagpatuloy lang ito.

"Bell, anong ginagawa mo?" Tanong naman nila Brigitte. Ngunit hindi sila pinansin nito at nagtanong lang sa kanila.

"Tapos nyo na ba yan?" Tanong naman ni Bell. Tumango sila at agad naman iyong kinuha ni Bell. Pinagsama-sama nya sa iisang lagayan lahat ng inumin hanggang sa mapuno lahat ng iyon.

At dahil puno na ang lagayan at nakaipon sya ng limang baso. Agad syang humarap kay Destiny at itinapon iyon sa kanya. Ang lahat ay nagulat pero hindi iyon pinansin ni Bell. Kumuha pa sya ng isa at binuhusan pa nya ito hanggang sa naubos ang limang baso.

"What the hell?!" Galit na tanong ni Destiny habang masama ang tingin kay Bell.

"Alam mo, ok lang naman sa akin lahat ng mga pambubully mo. Pero sinasabi ko sayo, wag na wag mong dinadamay ang kapatid ko dahil magkakamatayan tayo." Sabi ni Bell at bumalik na sa pagkakaupo nya kanina na parang walang nangyari.

Si Destiny naman ay labis na napahiya dahil sa nangyari at mas nakakahiya pa ay nakuhanan iton ng video. Inis itong umalis at galit na galit. Nang makaalis na ito ay nilingon ni Bell si Levi.

"Sorry, Levi." Sabi nya.

"It's ok. I think she deserves it." Nakangiting sabi ni Levi. Ang lahat naman ay bumalik na sa ginagawa nila habang si Devin naman ay lumapit kay Bell.

"Taguro———"

"Hindi totoo yon." Agad na sagot ni Bell. "Alam mo nang gumawa na sya ng kwento tungkol kay Heaven tapos paniwalaan mo pa sya."

"Pero, lagi ka kasing hinahanap ng Sanchez na yon, ehh." Sabi naman ni Devin.

"Hayaan mo na sya. Tahimik na ang buhay natin." Nakangiting sabi ni Bell. Bumuntong-hininga nalang si Sensui.

- To Be Continued -

(Sun, August 8, 2021)