webnovel

Revenge To My Ex Lover (Tagalog)

"Revenge" Ayan ang nasa puso at isip ni Aaron matapos ang ilang taon na pamamalagi sa ibang bansa. Bumalik sya para sa babaeng kinamumuhian nya at minahal nya ng higit pa sa buhay nya, ang kanyang ex-girlfriend na si Valerie Fuentebella. Ang unica hija ni Don Carlos Fuentebella na siyang pumatay sa kanyang mahal na ina at sa pagbabalik ni Aaron ay tila ba bumaliktad ang mundo nila. Yung dating mayaman at makapangyarihang pamilya, ngayon ay lubog na sa pagkakautang. Lingid sa kaalaman ng pamilya na si Aaron ang kanilang taga pautang. Gamit ang pagkakautang na iyon ng pamilya ay ang hiningi nitong kabayaran ay ang pinaka kayamanan ng mga Fuentebella na si Valerie. Pakakasalan niya ito para tuluyang maangkin at pagbayarin sa lahat ng mga kasalanan ng pamilya nito. Love is very dangerous. When you fall in love , you will endup hurting yourself in the end. Ano ang mas matimbang sa huli, ang paghihiganti o ang pagmamahal nya para kay Valerie? Na pilit na pinagtatakpan ng matinding galit nito sa dalaga at sa pamilya nito.

midnightlover88 · Urbano
Classificações insuficientes
20 Chs

Chapter 9: Heart versus brain

"Mam Valerie' nakabihis kana ba? Mariing bilin sa'kin ni Sir Aaron, kailangan bago mag 8pm, naihatid na kita." Mahinang katok' nito sa silid kung saan siya naroroon. Huminga siya ng malalim bago sumagot para kahit paano mabawasan ang kabog ng dibdib niya.

"Opo Mang Larry, Palabas na ako saglit lang po!" Ilang saglit lang at lumabas narin siya.

"Ang ganda ganda mo naman' mam Valerie."

Papuri ni Manang Lina, ng makita siya nito.

"Salamat po Manang Lina." Pagkatapos nginitian niya ito. Halos mamangha ito' sa kasuotan niya.

Madalas naman siya magsuot ng ganito sa tuwing aatend ng party' kasama ang mga magulang niya noon.

Glitter off Shoulder' elegant bodycon party Dress. Glossy high heels 3 inches. Inilugay niya ang kanyang mahabang buhok. Naglagay rin siya ng kaunting pabango pambabae' at kaunting make-up. Pinagbukasan siya ng pintoan ng sasakyan ni mang Larry' at tuloyan na silang umalis!"

"Sir Aaron, ito na po ang pinabibili mo' for your wife. Sigurado ako na magustgusohan niya ito.", Anas nito habang nakangiti.

"Thank you Carla." Pagkatapos tumango siya rito at kinuha iyon' at tuloyan na niya nilisaan ang kanyang opisina. Pakapasok niya sa sasakyan

Isinandal niya ang kanyang ulo at ipinikit niya' ang mga mata. Simula ng magkita ulit sila ni Valerie' madalas ng magtalo ang kanyang puso at isip. Sa loob ng limang taon iItinatak niya rito ang poot at paghihiganti.

Ngunit ngayon ang puso niya ay patuloy sa pakikipalaban Sa kanyang isip' para sa babaeng minahal niya noon' at naging dahilan' ng pagkawala ng kanyang ina.

Narating na nila kung saan ang sinabe ni mang Larry. Kaagad rin ito nagpaalam sa kanya pagkahatid sa lugar kung saan ang date nila ni Aaron.

Sinalubong siya ng mga staff.

" Good Evening Mrs. Anderson,

"Welcome to the LEORE Restaurant & WINE Bar! Nakangiting bati ng mga ito sakanya'

Ngumiti rin siya sa mga ito at sumunod sa mga iyon'. Kasabay ng mga ngiting iyon ganon rin ang mga naroron. Tila ba isa siya celebrity' kung tingnan siya ng mga ito.

Hindi ito ang unang beses niya na makapunta rito ggunit hindi pa niya narating' ang taas nito' kung saan naroron' ang pina reserve ni Aaron para sa kanila. Hanggang marating na niya ang itaas. Namangha siya' dahil sa baba nito makikita' ang ibat Ibang lights! Na nag-mumula sa ibat Ibang mga building.

Bukod rito makikita rin' ang napakaraming bulaklak. Maging sa nilalakaran niya' ay mayroon rin. Kasabay noon maririnig ang isang tunog ng kanta ng Westlife! "

"Why do I Love You!"

Tumulo ang mga luha niya'

Nanaginip ba ako? Tanong niya sa sarili.

Pasimpleng tinapik niya ang kanyang pisnge.

Talaga bang nag effort si Aaron,

Para sakanya ng ganito?" Kung panaginip ito' ayaw na niya magising dahil sa kagalakan ng kanyang puso sa mga oras na iyon'.

"Hi Babe!" Nagulat siya sa biglang pagdating nito.

Mayroon itong dala na isang sunflower rose bouquet. Hindi niya alam kung anong sasabihin rito. "Mrs. Anderson, wala ka man lang ba sasabihin?" Para siya tuod na nakatayo na tila ba nanigas ang kanyang mga tuhod dahil maging ang kanyang dila ay ganoo'n rin.

"Totoo ba itong nakikita niya?", Bulong ng isip niya'