webnovel

PROLOGUE

"Sir, bakit naman po ako mapupunta sa Section B?"

Something seems off.

Alam kong pasado ako sa lahat ng exams. I never skipped any classes at wala rin akong absents. Tapos ngayon malalaman kong sa huling taon ko sa high school mapupunta ako sa worst section ng batch namin-- sa Section B?

Ilang taon na ako sa Section A. Simula Grade 7 hanggang Grade 11 ay sinubukan kong manatili sa seksyon na iyon dahil ayaw kong madisappoint ang magulang ko at matapakan ang pride ko. I did my best to maintain my grades and remain on the list of honors kaya naman hearing such news is appalling to me.

Section A is the highest section here in Vaxzille High, and the students who are in that section are known as the most powerful one. Kahit sino man ay gugustuhing makatapak sa section na iyon at manatili. Unfortunately, only the best students can be in the said section.

Hindi ganito ang sistema ng Vaxzille noon subalit bigla nalang nagbago ang lahat. Ngayon ay ang mga estudyante na ang may awtoridad at teachers na ang sumusunod at natatakot sa mga mag-aaral nila. Ang weird diba?

Kung nasa pinakamataas ka na seksyon, pwede mong gawin ang lahat. Kung isa kang Section A student, pwede mong kalabanin lahat. Pwede kang gumawa ng mga bagay nang hindi nasisisi. And to be able to remain on that section is a real competition. Iba ay gustong manatili dahil takot sila makadisappoint ng mga taong naniniwala sa kanila. Ang iba naman ay hayok lamang sa kapangyarihan na maaari nilang mahawakan. Habang ang iba naman ay takot sa maaaring mangyari sa kanila kung babagsak sila sa ibang section-- after all, there are people who abuse their power. 

"I am sorry, Ms. Lozano pero chineck na namin lahat ng test papers sa office but we only saw two to three of your test papers in every quarterly exam. Pagtapak niyo ng senior high ay nadagdagan ng limang classes ang schedule niyo dahil sa mga kinuha niyong strands, sana ay alam mo iyon. Kaya bakit dalawa o tatlong major subjects lang ang tinitake mo sa apat na quarter exams?"

Bakit dalawa o tatlong major subjects lang ang tinake ko? Huh! Baka bakit wala lahat ng iba kong test papers sa office kamo? 

"Can't I take another exam? Kahit yung mga exams simula sa first hanggang fourth quarter na hindi niyo po nahanap e-t-take ko ulit."

Nagmumukha na akong desperada but this isn't the time to give up. Binuhos ko lahat para lang manatili sa section na yun at ngayong isang taon na lang mawawala pa lahat ng pinaghirapan ko? Isang seksyon lang naman ang ibabagsak ko kung tutuusin. Isang taon na lang rin naman at magc-college na ako. Maliit na bagay lamang ito para sa iba ngunit sa akin ay hindi. Sino ba namang tao ang matutuwa at tatalon sa galak kung nagsikap ka na at lahat pero sa huli mauuwi lang pala sa wala lahat ng pinaghirapan mo? 

"You can't, Ms. Lozano. It would be unfair for those students who took the exam without even studying. May iba nga na may sakit pa ngunit nakatake naman." 

"Pero mas unfair sa part ko!" hindi ko napigilang pagtaasan ng boses ang guro na nasa harapan ko. "I did my  best to remain on that section but then malalaman ko lang na babagsak ako sa Section B?! I took the exam, sir... Lahat ng exams from quarter one to four natake ko at lahat 'yon alam kong napasa ko. Ilang araw akong nagpuyat para masigurong pumasa ako at manatili sa Section A kahit sa huling taon ko rito sa Vaxzille tapos... tapos ngayon sasabihin niyong magiging kasing useless ng rules niyo lahat ng ginawa ko?!" Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata ngunit hindi ko ito hinayaang tumulo. Hindi ako pwede magmukhang talunan.

Bumuntong hininga si Mr. Cohen bago nagsalita. "Be thankful that you will still be on a higher section. Kung tutuusin ay dapat nga mas mababa pa na section ang mapupuntahan mo."

I scoffed. Mas okay nga sana kung sa mas mababa akong section mapupunta kung matatanggal man lang ako sa Section A. Section B is the worst section. Marami silang bad records at wala pa ni isa mula sa seksyon nila ang nakakaalis at napupunta sa ibang section. Sigurado akong kung sino man ang mga estudyante roon ay mahihirapan makapasok sa magandang college. And I don't wish to be drag with them. Gusto kong makapasok sa magandang university hindi dahil sa mapera ang magulang ko kundi dahil sa sarili kong sikap at tiyaga. 

"This is ridiculous!" 

Inis akong tumayo sa pagkakaupo at sinipa ang upuan na ginamit ko. Padabog akong lumabas ng school office at pabagsak na sinara ang pinto.

I don't think I offended someone in our section. Pero gaya nga ng sabi ko, competition ang pananatili sa Section A at hanggang nandun ka, pwede mong gawin ang lahat manatili lang.

I heaved a sigh and continued walking towards our classroom or should I say Section A's classroom.

"President." tawag ko sa atensyon ni Hayes, Section A's class president, nang makapasok ako sa classroom.

Sigurado akong alam niya kung bakit hindi kumpleto ang test papers ko sa apat na quarters. Siya lang naman ang may access sa school office dahil siya ang nagpapasa ng mga ito after ng exams.

"Yes?" Baling nito at pinaalis ang mga kausap niya.

"You did pass all the test papers since first quarter, have you?"

"I did." Tugon nito na may tango. "Bakit mo natanong?"

"How can she not ask lalo na ngayong nalaman niyang babagsak siya sa Section B-- pfft. The most useless and worst section of our batch."

That irritating voice. 

Hinay-hinay kong nilingon ang nagsalita and I'm not mistaken. It's Everleigh.

She's currently our top 1 and also the top most irritating bitch in school. Her ego is as unreachable as the sky. I don't need to think twice kung bakit alam niya na mapupunta ako sa Section B. Halata naman.

I guess I'm a threat to her position kaya ganun na lang ang naisipan niyang paraan to get rid of me. 

Pathetic.

"Why?" I asked, sounding bitter.

Binigyan niya ako ng nakakaasar na ngiti.  Kung gaano siya nakakainis ay ganun din nakakaasar ang tawa at ngiti niyang nakakaumay.

"Why? I'll give you one reason for that. I..." Tinulak ako nito sa aking balikat kaya naman ay napaatras ako. "Hate." At ulit. "You." At sa pangatlong pagkakataon.

"Having you in this section was a mistake. I realized na mas sasakit ang bagsak mo kung sa mismong last year mo sa school, mapupunta ka sa section na pinakaaayawan ng lahat. So why don't you reunite with those losers at your last year here, hmm? " She looked at me mockingly, smiling like a bitch she is.

"Yes, we did use you for our own good sa loob ng mga taong yun. Aaminin kong you've been useful naman kahit papaano but now, you are already nothing but a trash. At ano pa ba ang ginagawa sa mga basura? Diba tinatapon? That wouldn't make any differences with your case, Xarina. Except na lang kung may mag-recycle pa sa basurang tulad mo."

Sa lahat ng sinabi niya ay isa lang ang tumatak sa isip ko.

We? Pinagkaisahan nila ako?

I looked at Chantelle. When our eyes met, she immediately turned her gaze on the floor. Wow! My closest friend betrayed me. The person I treated like my own sister turned her back on me... What an amazing plot!

Despite of our short eye contact, nakita ko pa rin ang emosyong nanduruon. Nakakapagtaka dahil nagawa niya pang maawa matapos ng ginawa niya. But I don't need that pity right now. Mercy and pity won't change anything!

This time I faced Hayes. He's the last person I am expecting to betray me but heaven might have left a curse on me. Letting the people I care about betray me in every single possible way.

"Am I also a threat to your position?" My voice quavered. Asking him that was like stabbing myself with a knife straight to my heart.  It was like a suicide.

Hayes didn't answered and that made me laugh bitterly at my own mistake. A mistake of trusting the guy I think of as a role model.

He was the reason why I continued to strive hard on my studies. He was the reason why I am motivated to be someone admirable like him. Pero sino ba namang mag-aakalang yung taong ginawa mong inspirasyon, siya lang rin pala ang hihila sa'yo pababa.

Hayes continued to stare at me. There were emotions in his eyes pero agad ding naglaho bago ko pa man malaman kung ano ang mga iyon.

"Tapos ka na ba?" Inalis nito ang tingin sa akin at tumingin sa banda kung saan makikita ang pintuan ng classroom. "You are no longer a Section A student, Ms. Lozano. Maaari ka ng lumabas at pumunta sa Section B. It would be rude to keep them waiting."

Sa tono ng boses niya ay namuo ulit ang luha sa gilid ng aking mata. Ang emosyong kanina ko pa pilit na pinipigilan ay kusa ng lumabas. Bago pa man tumulo ang aking mga luha ay agad ko itong pinunasan at saka tumalikod upang kunin ang bag sa aking upuan.

Bago ako makalabas sa classroom ay lakas-loob akong humarap. Sa pagkakataong ito ay sinigurado kong hindi nila ako kakakitaan ng anumang kahinaan. Sinubukan kong magmukhang malakas kahit sa totoo ay gusto ko na lang umiyak sa gilid at magmukmok hanggang sa kusa na lang mawala ang bigat sa dibdib ko.

"Let me tell you this, Section A. At the end of this school year, makikita niyong ako ang nakatayo sa pwesto kung saan ayaw niyo akong makita."