webnovel

Forty Four

Forty Four

Liam Dwayne Perez POV

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang tinititigan kitang natutulog at nakasandal sa sasakyan. Kanina pa tayo sa tapat ng Condo mo pero ayokong gisingin ka, Im afraid dahil mukhang ito na ang huling araw nating magkasama.

Because I choose to let go of you.

Katulad ng sinabi ng Tita mo we are really hurting each other at habang sinasabi mo saakin ang mga katagang binitiwan mo ay alam kong nalulungkot ka because that incident will always be part of you memory.

At kitang kita ko ito sa mga mata mo.

Nagtama ang mga mata nating dalawa ng tuluyan mo ng idinilat ang iyong mga mata. I smile at you genuinely habang bigong nakatingin sa oras. Its 11:57pm at ilang minuto na lamang ang natitira.

"K-Kanina pa tayo nandito?" Pagiiwas niya ng tingin saakin.

Inilihis ko na rin ang aking paningin sakanya. "Ou. Hindi na kita ginising dahil ang himbing na ng tulog mo." Tinanggal na niya ang seatbelt na nakakabit sakanya at nakangiting tumingin sakin.

"Sige... Umuwi kana para makapagpahinga ka na." Tiningnan ko siya habang nangungusap ang aking mga mata. Gusto kong pigilan niya ako sa gagawin ko.

Hinawakan ko sa huling pagkakataon ang kamay niya at hinila siya upang mayakap. Napatingin ulit ako sa orasan at exactly 12:00pm na.

Tuluyan ko na siyang pinakawalan.

"See you again." Huli niyang bigkas at tuluyan ng sinarado ang pintuan ng aking sasakyan. Pinagmasdan ko siya na pumapasok sa gusaling iyon, I miss her.

Sa huling pagkakataon ay lumingon ulit siya saakin at may sinasabi ang kanyang labi.

"Thank you" habang patuloy na winawagayway ang kanyang dalawang kamay. Bigla akong napaluha. How can I let go of you Billy, turuan mo ako. You said to me that you will be teaching me on how to date a girl but can you also teach me how to unlove and let go of you?

Iniyuko ko ang aking ulo sa Manibela at hinayaang sumabog ang sakit na nararamdaman ng dibdib ko.

Hinayaan kong umagos ang mga luha sa aking mga mata. At nang bubuksan ko ang engine ng sasakyan ay mas lalo akong mapaluha ng makita kita sa tabi ko. Seryoso kang nakatingin saakin at may malapad na ngiti.

"I am fine Liam..." mas lalong pinipiga ang dibdib ko habang nakikita ko ang malapad mong mga ngiti.

Bigla kang naglaho at alam kong nasa imahinasyon na naman kita. Wala ako sa sariling lumabas ng sasakyan at malalaki ang hakbang patungo sayo.

Wala na akong pakialam kung ipagtabuyan ako ng Tita mo o kung sino pa man, but I refuse to let go of you.

Hindi ko na kayang mamuhay sa imahinasyon na hindi ka nahahawakan, hindi ko na kayang mamuhay na ikay patuloy na naglalaho sa paningin ko.

I  pressed your doorbell for the nth time at nang iniluwa kana nito ay agaran akong nanabik sayo. Hinila ko ang kamay mo upang mayakap ka ng mahigpit.

"L-Liam, B-Bakit?" Mas lalo kong idiniin ang sarili ko sayo upang makasigurado saaking nararamdaman.

"Can we go back to the time when we were just the two of us?" Naramdaman ko ang paghagod niya saaking likod habang nakasubsob na ng tuluyan ang aking mukha sa leeg niya.

"Of course." Matapos niyang sabihin iyon ay unti-unti ko ng kinalas  ang bisig ko at seryoso siyang tiningnan sa mata. Hinawakan ng aking dalawang kamay ang mukha niya at walang alinlangan ko ulit siyang hinalikan.

Madiin at pinaparamdam ko sakanya ang lahat, that I belong to her, I belong to you Billy.

Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba, wala akong pakialam sa sasabihin ng pamilya mo but I am not letting go of you. And Im sorry kung naisip kong iwan ka, I'm sorry kung nagdalawang isip ako sa pagmamahal mo at hindi kaagad naniwala sa sinabi mo. I'm sorry, Billy.

Alam kong we survive all the pain because of what we have for each other and I'm sorry for not listening to you when you said that youre not hurting anymore. Patawarin mo ko kung sa ilang segundo ay sinukuan kita at nagpadala ako sa mga sinasabi ng iba.

I'm sorry.

Alam kong merong mga taong hindi magiging tanggap kung anong meron tayong dalawa, but can you please bear with it at pikit matang hawakan lang ang kamay because I know when I'm with you everything will be perfect. Can I do that, Billy. Can we do that?

Nagtama ang mga tingin naming dalawa at bigla siyang ngumiti.

"C-Can I court you and teach me how"

Mas lalong lumapad ang mga ngiti niya habang nakatingin sakin. "You are the only Guy na kilala kong manliligaw at doon pa magpapaturo sa nililigawan niya. Ou na, umuwi kana."

I hug her again. Para'ng ayoko ng umuwi ng bahay.

"Nakakailang yakap at halik kana ngayon ah, sige pagbibigyan kita. Ngayon lang ah!" Napangiti na lamang ako sa sinabi niya at tuluyan na siyang binitawan. Sinigurado kong nakasarado ang pintuan ng Unit niya bago ko ito tuluyang nilisan.

Sa hiling pagkakataon ay napasilip ako sa walang katao-taong hallway na iyon.

Billy, I will make sure that youre friend and family will give their blessing para makasama kita, kahit mahirap susuungin ko para lang sayo.